Share

Kabanata 740

Hindi mahanap ni Shaun ang kanyang isasagot matapos supladahan nang ganoon ni Catherine.

Nagtatampo siya, ngunit tuluyan na siyang hindi pinansin ni Catherine. Noong nakalabas si Catherine ay tapos nang kumain si Suzie at dumighay pa ito. “Ang sarap! Parang gusto ko na pong matulog.”

“Ikaw talaga. Magsipilyo ka muna, ha.” Naglabas ng isang panibagong sipilyong pambata mula sa kanyang bag. Nagulat si Shaun.

“Bakit ka may ganyan sa bag mo?”

“Binili ko ito kanina sa baba. Dahil gabi mo na dinala rito si Suzie, pihado ko’y dito na rin siya matutulog.” Matapos noo’y dinala na ni Catherine si Suzie patungo sa kwarto nito.

“Teka, nasaan na ang sipilyo ko?” Sabi ni Shaun, “Hindi ako kumportableng iwanan si Suzie rito nang mag-isa. Kaya’t dito na rin ako matutulog.”

“Pasensya ka na, pero hindi ko pinapayagang manatili rito ang mga lalaki, at ayokong sirain nanaman ng magkapatid na Neeson ang bahay,” Prangkang sinabi ni Catherine.

“Hindi… alam ni Sarah na narito ako,” Malabong sinabi ni S
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status