”Okay, ihahatid ko siya pauwi.”Binuhat ni Shaun si Sarah, at sumama si Yael sa kanila.Nang ilalagay niya na si Sarah sa loob ng sasakyan, biglang inunat ng babae ang mga braso niya at ibinalot sa paligid ng leeg ng lalaki. Sa gitna ng paghikbi ng babae, sinabi nito, “Huwag mo ‘kong bitawan, Shaunic. Huwag mo ‘kong iwan. Alam kong nakakadiri ako, at ‘yun ang dahilan kung bakit ayaw mo ‘kong hawakan.”“Hindi. Mali ang iniisip mo.” Nanlumo ang puso ni Shaun.“Hindi mo kailangan magpaliwanag. Naiintindihan ko.” Tinakpan ng babae ang bibig niya. “Sa katotohanan, alam ko na natutulog ka sa bahay ni Catherine sa nakalipas na dalawang gabi. Nagsinungaling ka sakin, nang sabihin mo na pumunta ka sa isang business trip, pero ayos lang. Kasalanan ko dahil hindi kita mapasaya. Wala na sakin ang maging isang girlfriend na puno ng kahihiyan magpakailanman basta’t masaya ka. Hindi ito mahalaga hangga’t pwede akong manatili sa tabi mo at makita ka araw araw tuwing imumulat ko ang mga mata ko.“
Iniwas ni Shaun ang mga mata na hindi nag-aabalang tumingin kay Catherine. Lumingon siya at sinabi kay Yael, “Hanapin mo ito at pwersahin siyang pumirma. Maghihintay ako sa labas.”Matapos ‘nun, umalis siya.“Alright.”Natuwa si Yael. Matagal na panahon na siyang may sama ng loob sa mistress na ito.Inunat niya ang kamay niya at nagpanggap na frinisk ang babae. Tinanggal niya pa ang knitted coat ni Catherine, na naglantad ng camisole nito. Dahil sa Catherine ay nakadiin sa lapag, maraming parte ng katawan niya ang nakalantad.Dahil may ilang lalaki sa tabi niya, inangat ni Catherine ang kanyang ulo sa kahihiyan. “Ikaw…”Bago niya matapos ang pangungusap niya, tinakpan ni Yael ang bibig niya. Ang mga ungol niya lang ang tanging maririnig.Nag-alala si Yael na pumasok si Shaun, kaya mabilis siyang ngumiti at sinabi, “Miss Jones, huwag mong sayangin ang hininga mo na pagalitan ako. Kailangan ko lang makuha ang marriage certificate.”Habang nagsasalita si Yael, pinadaan niya ang m
Isang naiinis na itsura ang lumitaw sa mga mata ni Yael habang ang dalawang lalaki mula sa Liona ay walang bahala na pinakawalan si Catherine.Sinubukan ni Catherine tumayo, pero ang parehong binti niya ay masakit at manhid mula sa pagkakadagan sa kanya ng mahabang oras. Ang mga binti niya ay naging jelly, at nalaglag siya.Kumibot ang mga binti ni Shaun sa pagkakaroon ng biglang pag-udyok na lumapit at suportahan ang babae. Isang sandali ang nakalipas, gayunpaman, malamig niyang ibinato ang divorce papers papunta sa babae. “Pirmahan mo ito at tigilan mo ang pagtawag sakin ng masama. Ito 200 na milyong dolyar para sayo sa oras na magdivorce tayo.”“200 na milyong dolyar? 100 na milyong dolyar ba ito bawat gabi?” Ngumisi si Catherine. Mas lalong nairita si Shaun, at ang tono niya ay mas malamig. “Masyado mo itong iniisip. Ayaw ko lang na guluhin mo ‘ko sa hinaharap. Bilisan mo at pirmahan ito. Wala ako ng lahat ng oras sa mundong ito.”“Alright.”Kumuha si Catherine ng pen at pin
Bahagyang ngumiti si Catherine at pinatay ang telebisyon.‘Masaya ka ngayon, pero hintayin mo ang oras na ikasal ka. Padadalhan kita ng magandang regalo at ipaalam sayo ang pakiramdam kung paano mahulog mula sa langit.’...Samantala, sa kabilang banda.Sina Nicola, Melanie, at Damien, na kamakailan ay inaatake ng publiko, ay natuwa na marinig ang balita.Si Nicola, partikular, ay galit na galit na tumawa. “Eh ano kung bumalik na si Catherine? Ibang tao pa rin naman ang pakakasalan ni Shaun.”“Mismo. Inagaw niya pa mula sa akin si Shaun kamakailan. Sa huli, ang buhay may-asawa ko ay lumabas na mas mainam kaysa sa kanya.” Gayunpaman, kinunot ni Damien ang mga kilay niya. “Kayong dalawa ay dapat nang tumigil sa paggugol ng atensyon sa mga walang kwentang usapin kagaya nito. Ang pinakamahalaga ngayon ay maibalik ang Yule Corporation sa lalong madaling panahon.”Binigyan siya ni Nicola ng hindi sumasang-ayon na tingin. “Huwag kang mag-alala. Si Joel ay pahina nang pahina araw-araw
”Nakatanggap kami ng report tungkol sa pagtatangka mo na lasunin ang isang tao.” Agad na pinosasan ng pulis si Nicola.Nabigla si Nicola. Sinamaan niya ng tingin si Walter, para lang makita ang lalaki na nakaluhod sa lapag na ang dalawang kamay ang nasa ulo nito. “Minamahal na mga opisyal, siya ang nag-utos sa akin na gawin ito. Pinilit akong gawin ito. Naiwan ako na walang choice…”Bayolente siyang umiiling habang nagsasalita.Sa sandaling iyon, nagsimulang makaramdam si Nicola ng takot at napagtanto na nalinlang siya. “Hindi. Hindi ko alam ang sinasabi niya. Walter, bakit mo ako inaakusahan? Sinabihan kita na pumunta rito dahil may itatanong ako sayo.”“Huwag mo na itanggi, Nicola.”Sinuportahan ni Catherine si Joel sa pagbaba nila mula sa ikalawang palapag ng warehouse. Ang mga mata ni Joel ay puno ng sama ng loob, at gusto niyang balatan si Nicola ng buhay. Kung hindi siya nagtago at narinig kung ano ang sinabi ni Nicola ngayon lang, hindi niya mapagtatanto na ang babaeng kina
Pagkatapos lumabas ng balita, nagkaroon ng kaguluhan sa online.[Diyos ko po. Anong klaseng babae si Nicola? Kasal siya sa presidente ng Yule Corporation, nangaliwa kasama ang kapatid ng presidente, at nagkaroon ng relasyon sa sekretarya. May asawa na nangangaliwa si President Yule.][Alam kaya ni Damien ito? Siguro ay wala siya masabi.][Ipinupusta ko na may karelasyon na maraming lalaki ang babae na iyan.][Nagtataka ako kung nasisiyahan din magloko si Melanie tulad ng nanay niya, isinaalang-alang na anak siya ni Nicola. Kahit pa hindi niloko ni Melanie si Charlie ngayon, ‘di kalaunan ay magkakaroon siya ng asawa na nangangaliwa.][Bukod sa kahawig ni Melanie ang nanay niya, hindi magandang bagay kahit na kahawig niya ang tatay niya. Naniniwala ako na may kinalaman sina Damien at Melanie sa paglason kay Joel.][Nakakadiri na pamilya. Nalulungkot ako na naugnay ang pamilyang Campos sa kanila.]“...”Nagalit si Melani pagkatapos magbasa ng mga komento. Binato niya ang ashtray p
“Hindi, Dad. Hindi ganon na tao si Mom. May hindi siguro pagkakaunawaan,” ipinaliwanag ni Melanie habang umiiling.“Tama na, Melanie. Narinig ko iyon mula sa ibang tao,” naiinis na sinabi ni Joel. “Noong pumasok ang mga pulis, hinihila ng nanay mo ang damit ni Walter sa warehouse habang may araw pa. Habang interogasyon ni Walter sa mga pulis, nilabas niya na may relasyon sila ng nasa apat hanggang limang taon na. Nagkikita sila isang beses kada buwan kadalasan sa hotel, kotse o kaya sa labas.”Parang nakakita ng multo ang ekspresyon ni Melanie noong narinig niya ang mga salitang iyon.Lalong nababalisa si Damien habang nagsasalita siya. Para siyang ligaw na hayop na nawalan ng kontrol. Sa kabila ng pagiging lumpo, nagawa niya basagin ang mga nakapaligid sa kanya. Ang mata niya ay puno ng malupit na kapaitan.“Palagi niya akong minamaliit. Ayaw na ayaw niya na lumpo ako.” hinampas ni Damien ang binti niya. “Dahil sa kanya, pinatay ko pa si Sheryl, nilabanan ang buong pamilyang Yule
“Napaka g*go ni Charlie.” nasamid si Nicola. “Pwede mo tanungin si Damien na samahan ka. Kapag nakuha mo ulit ang Yule Corporation, kukunin ng mga Campos ang panig mo.”“Maghihintay kami ni Dad sa’yo, Mom,” naiiyak na sinabi ni Melanie.…Sa ospital.Sinamahan ni Catherine si Joel para makatanggap ng IV infusion.Kahit na lumamig ang ulo ni Joel sa pagkita na naaresto si Nicola, ang kalusugan niya ay bumagsak muli dahil balisa siya. Pinadala siya sa ospital simula noon para magpagamot.Hindi nagtagal para magmadali pumunta sa ospital sina Old Master Yule at Old Madam Yule. Nang nakita ni Old Madam Yule ang sitwasyon ni Joel, nagsimula bumagsak ang mga luha sa mukha niya. “Sira ang ulo ni Nicola. Maganda ang pagtrato namin sa kanya. Ang aksidente na natamo mo nakalipas na tatlong taon ay kaugnay siguro sa kanya. Sa kabutihang palad, hiniling namin kay Catherine na alagaan ka. Kung hindi…"Ang mga salita na iyon ay nagdala ng kilabot pababa sa gulugod ni Old Master Yule. Ngayon at