Sinipa ni Joel ang kanyang sarili. Sa kabila ng pagtatrabaho sa industriya ng pagnenegosyo ng maraming taon, sa kalaunan ay nagkamali pa rin siya. Nakaramdam siya ng pangangailangan na bumawi kay Catherine sa hinaharap. Hindi niya dapat iwan na magdusa ang babae.Sa sumunod na araw. Dinala ni Catherine si Joel sa isang bagong bukas pero marangal na ospital sa Canberra para sa isang medical check-up.Ang resulta ng check-up ay lumabas ng umaga.Sumimangot ang noo ng doktor habang nakatingin sa report. “Mr. Yule, may toxins sa dugo mo.”“Ano?” Nagulat si Joel. “P-pero ang check-up na ginawa sa akin tatlong buwan na ang nakalipas ay nagpakita na normal ako.”Umiling ang doktor. “Ito ay chronic poisoning, na nagsimula hindi lalagpas sa dalawang taon na ang nakalipas. Nakakaranas ka ba ng ubo, sakit ng ulo, at paninikip ng dibdib paminsan minsan?”“Oo.” Agad na tumango si Joel. “Pumunta ako para magpakonsulta sa doktor dati. Pagkatapos akong bigyan ng body check-up, sinabi ng doktor
Matapos mahiwalay kay Joel, si Catherine ay nakatanggap muli ng isa pang tawag.“Umalis na si Sarah.”Tumingin si Catherine sa oras na 10:00 p.m. ang nakalagay. “Tsk, sobrang gabi na. Siya ay medyo may kakayahan, huh?”“Yeah.” Ang tao sa kabilang dulo ay tumawa at sinabi, “Nagtataka ako kung madalas ba siyang napapasaya ni Shaun.”Ng sasagot na si Catherine, ang elevator ay biglang huminto sa third floor. Si Shaun, na maskulado, ay naglakad palabas kasama si Hadley. Siya ay nagpapakita ng hindi maiwasang bahid ng kalalakihan.Ng magkatinginan silang tatlo sa isa’t isa, nanigas si Shaun.Ang magandang mukha ni Catherine ay nagiba matapos siyang tumingin sa board sa likod niya na nagsasabing ‘andrology unit’.“Hindi niya siya mapasaya. Meron akong aasikasuhin ngayon. Bye.”Pinindot niya ang ‘end call’ button.Sa sandaling marinig ni Shaun ang salitang ‘mapasaya’, ang kanyang gwapong mukha ay hindi namalayang nalungkot. “Ano ang tinitingin mo? Nandito lang ako para samahan si Had
”Labas.” Sigaw ni Shaun kay Hadley bago naglakad palabas ng elevator.Wala ng mas nakakahiya pa sa makasalubong ang kanyang ex-wife ng bumisita siya sa andrology unit.Bwisit!…Si Catherine ay nagmaneho papunta sa Hudson Corporation kaagad matapos siyang umalis ng ospital.Matapos ang tatlong taon, ang mga pamilyar na mukha sa front desk ay napalitan ng mga bagong mukha.Sa sandaling si Catherine ay pumasok, ang receptionist ay kaagad siyang pinigilan. “Sino ka? Meron ka bang appointment?”“Wala.” Tinanggal ni Catherine ang kanyang sunglasses, pinapakita ang kanyang natatanging magandang mukha. “Ngunit gusto kong makausap ang iyong presidente.”Ang receptionist ay napatunganga ng sandali bago ngumisi. “Sino ka para makita ang aming presidente ng hindi gumagawa ng appointment ng maaga? Nasa ilalim ka ba ng impresyon na kikitain ng aming presidente ang kahit na sinong maganda ang kasuotan? Hindi ka artista tulad ni Cindy Turner.”“Cindy Turner?” Tinaas ni Catherine ang kanyan
Si Sarah ay walang malay na kinumpara ang kanyang sarili kay Catherine. Ano pa mana ang pagsisikap na gawin niya sa pagaalaga ng balat niya, ilang wrinkles ay makikita sa ilalim ng gilid ng kanyang mata. Kinukunsidera na siya ay malapit ng maging 30.Naintindihan na niya sa wakas bakit si Shaun ay nahulog kay Catherine noon.Nagtataka siya kung nasaan si Catherine nitong mga nakaraang araw. Nagulat siya nag makita ang mukha ni Catherine na nagamot na.Nasabi iyon, ano pa ang punto? Meron na siyang kumpletong kontrol kay Shaun ngayon, kaya si Catherine ay wala na lang.Iniisip ito, Kumurba ang bibig ni Sarah sa isang mayabang na ngiti.Nagpanggap siya na hindi nakita si Catherine at direktang nagpunta sa elevator.“Saan ka pupunta Sarah? Ito ay opisina ko, hindi ba?” Hinatak ni Catherine ang mahabang buhok ni Sarah ng biglaan.Nakakagulat, si Catherine ay hinatak pababa sa sahig si Sarah walang pakialam sa kanyang sariling imahe. Dahil dito, si Sarah ay sumigaw sa sakit.“Ano an
””Hindi ko din ito inaasahan. Siya ay madalas sobrang marangal, mapagbigay at mahinahon na tinatrato ko siya bilang diyosa.“Hoy, hinaan mo. Presidente natin siya. Tatanggalin niya tayo kapag narinig niya ito.““...”Ang mukha ni Sarah ay naging parang sa multo.Simula ng siya ay publikong nakilala bilang girlfriend ni Shaun, ang lahat ay pinuri siya at trinato siyang isang diyosa. Hindi pa siya nakaranas ng ganitong klaseng kahihiyan.“Catherine, kakasuhan kita sa pagaakusa sa akin kung magkokomento ka pa sa akin.”“Sige. Nandito ako ngayon para tignan ang aking kompanya. Gagawa ako ng general meeting bukas. Tatawagin ko ang lahat ng mga shareholder ng kompanya dito at sasabihan silang lahat tungkol dito.”Tumuro si Catherine kay Sarah gamit ang kanyang hintuturo, ang kanyang kuko ay may pulang nail polish. “Para naman sayo, ikaw ang unang tao na aking tatanggalin.”Kumilos si Sarah na para bang nakarinig siya ng biro. Yumuko siya at tumawa na may mga luha na halos lumabas sa
“Okay, gagawin ko. Siya nga pala, tinatawagan kita nang hindi alam ni Miss Neeson. Sinabi niya sa akin na huwag sabihin sayo,” bulong ni Yael, “Nagsisisi siya nang sobra sa insidente tatlong taon na ang nakaraan. Naiintindihan niya na dumaan sa paghihirap si Miss Jones.”“Masyado siya mabait,” naaawa na sinabi ni Shaun. Nang maalala niya ang pagsuspetiya niya na nagsinungaling si Sarah sa depresyon ni Catherine, nakaramdam siya ng pagsisisi.“Sa sinabi ko na iyon, malayo ang isip ni Miss Neeson simula noong nakita niya si Miss Jones. Hula ko ay dahil ito sa sinabi ni Miss Jones na asawa ka niya ngayon na nakabalik na siya. Tinawag niya pa na kabit si Miss Neeson.”“Kakausapin ko si Sarah mamaya.”Galit na galit si Shaun sa walang hiyang ugali ni Catherine.Tiyaka lang binalik ni Yael ang tingin niya kay Sarah pagkatapos ibaba ang tawag “Magaling,” hinawakan ni Sarah ang mga kamay ni Yael at naaawa na sinabi, “Salamat sa pagtulong sa akin sa lahat, Yael.”“Wala iyon, Miss Neeson
‘Di nagtagal pagkatapos umalis ni Harvey, nag video call si Catherine sa dalawa niyang anak na nasa US.“Miss na kita, Mommy.” nagpakita si Suzie ng naiiyak na itsura sa cute na pabilog niya na mukha. Gayon pa man, nagalit si Catherine nang mapansin niya na may tsokolate sa bibig ni Suzie.“Suzan Jones, sinuyo mo ang ninang mo na bilhan ka ng tsokolate ulit, hindi ba?”Kumurap ang inosenteng mata ni Suzie. “Hindi, Mommy. Inaakusahan mo ako. Hindi ka makatwiran!”Walang imik na tinignan ni Lucas ang maliit na drama queen. “Pakiusap. Hindi mo nilinis ang tsokolate sa dulo ng bibig mo.”Nagulat si Suzie at mabilis na dinilaan ang dulo ng bibig niya. ‘Di kalaunan ay nalinis na niya ito at inosenteng sinabi, “Hindi ako kumain. Kumain si ninang ng tsokolate pagkatapos ay hinalikan niya ako.”“...”Hinimas ni Catherine ang noo niya, nagtataka kung bakit siya nagsilang sa matakaw na magaling magsinungaling.Aniya ni Lucas, “Sa tingin mo ba paniniwalaan ni Mommy ang b*bo mo na paliwanag
Mas lalong nagagalit si Catherine habang nagsasalita siya. Sa kabila ng natutunan niya sa pagkontrol ng emosyon niya sa loob ng ilang taon, hindi niya pa rin maiwasan na uminit ang ulo sa saglit na iyon.Si Shaun, na kumukulo na sa galit, ay hindi tiyak kung paano sagutin ang tanong niya. “Paano ko malalaman na ang kumpanya ay pamana ng nanay mo na iniwan para sayo?”Ngumiti si Catherine. “Oo, tama. Hindi mo iyon alam. Wala kang alam.”Sa totoo ay alam niya ito. Nakalimutan niya lang ito.Kahit na ganon, hindi niya papatawarin si Shaun dahil lang nakalimutan niya ito,‘Ayos lang kung nakalimutan mo, ngunit hindi posibile na iwan mo ako sa gilid para sa kapakanan ng isang babae.’“Gayon pa man, hindi mo pa rin dapat inatake si Sarah,”masungit na sinabi ni Shaun, “Kasalanan mo na pineke mo ang kamatayan mo. Nagsumikap si Sarah para mamahala sa Hudson at lubos na pinabuti ang takbo ng kompanya.”“Hindi ba at mayroon pa na ibang talentado sa Hudson Corporation? Noon, si General Mana