”Ilang araw ka ng hindi umuuwi. Mukhang mahirap ng makipagkita sayo ngayon,” Pangaasar ni Old Madam Hill kay Shaun.“Sinasamahan ka ni Melanie araw araw, hindi ba?” Inasar ni Shaun si Old Madam Hill at umupo sa tabi niya. Ito ay nakasuot ng dark blue vest at blouse. Ang kanyang malalim na mga mata ay laging matalas para obserbahan ang lahat.“Mabuti na alam mo ang tungkol dito. Hindi siya nagpupunta dito dahil lang sa pagsama sa akin. Gusto ka niyang makita,” Sinabi ni Old Madam Hill na may inis, “Nakakaawa siya. Ang kanyang pamilya ay payapa nitong buong panahon, ngunit nagpupumilit si Joel naa makipag divorce matapos bumalik ng kanyang anak sa labas. Gurang na ba siya? Paano niya na lang magawang makipag divorce sa kanyang asawa ng ganun na lang?”Hinawakan ni Shaun ang kanyang baba. “Tsk, mukhang naloko ka ni Melanie sa paghikayat sayo na pumanig sa kanya.”“Kailangan niya ba akong hikayatin? Marami na akong nakitang maduming panloloko na ginamit sa mga mayamang pamilya.” Napabu
Ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin nito n asi Shaun ay handa ng sabihin ang kanyang relasyon kay Melanie sa publiko.Si Melanie ay malapit ng ikasal kay Shaun. Dahil dito, ang pamilya Wicks ay makakakuha ng mas mataas na rangko.“Hoy, Melanie. Bakit hindi mo sinabi sa akin na si Elder Young Master Hilla ay nakabalik na?” Si Old Master Yule ay mabilis na pumunta kay Melanie sa natutuwang paraan.Si Shaun at Melanie ay pinalibutan at hinahanap ng lahat ng mga bisitang nandoon. Ang mga bisita din ay sinubukang sumipsip sa kanila.“Elder Young Master Hill, ikaw at si Melanie ay talagang perpekto para sa isa’t isa.”“Elder Young Master Hill, ikinagagalak kong makilala ka.”“Madam Yule, ikaw ay talagang pinagpala na magkaroon ng magandang anak.”“...”Kabaliktaran, wala sa mga bisita ang kumausap kay Catherine. Isang tingin ng pagkagulat ang lumitaw sa mukha ni Wesley. “Cathy, siya ay...”“Yeah.” Alam ni Catherine kung ano ang kanyang iniisip. Tumango siya at sumimangot ng mala
Kaagad na sinabi ni Joel, “Siya ang fiancé ni Catherine mula sa Golden Corporation...”“Hindi ko pa ito narinig.” Tumingin palayo si Shaun at ang kanyang nanlalamig na tingin ay napunta sa baso ng kape sa harap niya. “Kahit sino ay pwede na umupo sa seat of honor ng pamilya Yule, huh?”Dahil dito, ang elegante at gwapong mukha ni Wesley ay namutla. Ang kanyang maliwanag na mata ay kuminang ng may tono ng kalungkutan.Pakiramdam ni Catherine na siya ay sinampal sa mukha.Naiwan siya sa katayuan ng kahihiyan.Tumawa si Melanie galit sa kanyang sarili. “Tumpak. Tignan mo kung sino si Elder Young Master Hill. Walang kahit na sino ang pwedeng umupo kasama niya.”Si Old Madam yule ay nahiya. Kung sabagay, siya ang nagsabi sa kanya na umupo dito.“Pupunta na lang ako sa ibang lamesa.” Tinapik ni Wesley si Catherine sa likod ng kanyang kamay. Tapos, tumalikod siya at nagtungo sa ibang lamesa.“Sandali. Sasama ako sayo. Kung sabagay… hindi ako kwalipikado na umupo kasama ni Elder Young Ma
Biglang uminit ang ulo ni Catherine. Anong walang hiya ni Shaun para hanapin siya!Agad niyang binura ang mensahe. Isang sandali ang nakalipas, gayunpaman, pinadalhan siya ni Shaun ng video na sumasayaw siya habang nakasuot ng costume na kuneho.Nagngitngit ng ngipin si Catherine. Tumalikod siya at sinabi kay Wesley, “Naalala ko lang na kailangan kong makipagkita sa lola ko para may ayusing mga bagay. Hindi mo ‘ko kailangan ihatid sa bahay.”“...Okay. Tawagan mo ‘ko sa oras na makabalik ka.” Matapos paalalahanan ang babae, pinanood siya ni Wesley na umalis. Biglang nagdilim ang gwapong mukha ng lalaki.…Sampung minuto ang nakalipas, nakita ni Catherine ang itim na sports car ni Shaun sa tabi ng kalsada. Nang sumakay siya sa sasakyan, sumulyap siya sa paligid na tila isang magnanakaw.“Bakit? Nag-aalala ka ba na baka makita tayo ni Wesley?”May hawak si Shaun na sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya habang ang kanyang kamay ay nasa manibela. Sa kalagitnaan ng usok, ang kanyang
Tulala, tumingin si Shaun kay Catherine. Ang pag-uugali niya ay nagpakulo sa dugo nito ulit. “Catherine, hindi mo ba maintindihan ang lenggwahe ng tao?”“Naiintindihan ko. Ang ibig mong sabihin ay hindi ka pwedeng makipaghiwalay kay Melanie, tama ba?” mapait na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Catherine. Kung ganoon, hindi siya dapat makipagbalikan sa kanya.Walang masabing salta si Shaun.Ang babaeng ito ay medyo matalino. Anong nangyari ngayon sa utak niya?Hindi ito mapakali pagtungkol ito kay Catherine. Kaagad niyang ginalaw ang accelerator at binilisan buong daan.“Anong ginagawa mo? Palabasin mo na ‘ko.” Kahit anong sigaw ni Catherine, tuloy-tuloy lang siyang hindi pinansin nito.Ang kotse ay dumiretsi sa Oasis International. Hinatak ni Shaun si Catherine pa akyat ng hagdan at tinulak siya sa couch. Kumukulo sa galit, sinabi ni Shaun, “Catherine, gusto mong linawin ko ang mga bagay ‘di ba? Gusto kong makipaghiway ka kay Wesley kaagad. Anak ko lang ang pwede mong ipagbuntis. K
Nagpakita ng aroganteng ekspresyon si Nicola. “Akala mo ba hihiwalayan ako ni Joel dahil sa maliit na insidenteng ‘yun? Managinip ka.”Nilabas ni Catherine ang kanyang phone para tawagan si Joel. ang tawag ay konektado na pero walang sumasagot. “Tigilan mo na ang pagtawag. Inaabala siya ni Old Master Yule ngayon.” panunuyang sabi ni Nicola, “Hindi mo ba nakikita? Inaprubahan ng Old Master Yule ang ideyang palayasin ka kaya walang magagawa si Joel dito.”“Narinig mo ba? Dalian mo at lumayas na, kung ganoon.” Sinipa pa nga ni Melanie ang kanyang damit na bumagsak sa lapag.Pinipigilan ang galit, binaba ni Catherine ang kanyang ulo at pinuno ang kanyang suitcase isa-isa.Saka lang niya nalaman kung gaano siya kagalit sa loob-looban niya.Magbabayad at magbabayad sila sa pamamahiyang ginawa nila.Ngunit, bago niya matabi ang lahat ng damit niya, kumuha si Melanie ng maduming tubig at sinaboy sa kanya kaagad. Ang mga damit niya ay basang-basa.“Oops, paumanhin. Ang plano ko lang na
Tinikom ni Catherine ang bibig niya. Naalala niya kung paano nagsalita si Shaun noong umalis kahapon. Kagagawan niya ba ito?Sabi ni General Manager Wolfe, “Gumastos na tayo ng singkwenta bilyong dolyar para sa lupa na ito. Kung hindi natin masimulan ang proyekto sa madaling panahon, masisira ang capital chain natin at ang kumpanya natin ay magiging tuyo. Kung ganon ang kaso, baka mapunta ka at ang ibang mga direktor sa bilangguan.”“Hahanap ako ng paraan,” nag-alinlangan si Catherine bago sumagot.Pagkatapos ng pagpupulong, pumunta siya sa opisina para tawagan si Shaun ngunit nadiskubre niya lang na naka-block ang numero niya kay Shaun.Tumawa siya ng may pait. Tila nagalit niya ito.Wala siyang ibang pagpipilian kundi humingi ng tulong kay Joel. Pagkatapos magtanong ni Joel sa nangyayari, kakaiba ito para sa kanya. “Cathy, sino ang ginalit mo? Kahit pa na tulungan kita ngayon. Sigurado ako na hindi ito kagagawan ng mga Wick.”“Wala rin akong ideya kung sino ang inapi ko. Susubu
Nagulat si Catherine. Sa totoo lang ay ayaw niya kay Liam dati. Subalit, silang dalawa ay nasa parehas na sitwasyon ngayon. “Hindi ka dapat maabala doon, Second Young Master Hill. Hindi natin pinili ang pinanggalingan natin. Atsaka, ang buhay mo ay mas maligaya kaysa sa akin. Kasal ang magulang mo.”“Oo. Kahit na ganon, kinukumpara ako sa kapatid ko ng ibang tao. Nabubuhay lang ako sa anino niya.” nagkibit-balikat si Liam. “Tara, dadalhin kita para makilala mo ang komisyonado.”“...Salamat, Second Young Master Hill.”Sumunod sa Catherine sa kanya pagkatapos mag-alinlangan ng ilang saglit. Mayroon siyang mahigit na sampung libong empleyado sa kompanya, hindi siya pwede sumuko sa tiyansa na ito.…Pagkalipas ng tatlong araw.Bumalik si Shaun sa Canberra pagkatapos ng pagpupulong niya sa ibang bansa. Pagbaba ng eroplano, nag-ulat si Hadley sa kanya tungkol sa sitwasyon ng kompanya.Tahimik na nakinig si Shaun. Pagkatapos niya makapasok sa kotse, sabi ni Hadley, Ang lisensya para sa