Share

Kabanata 1262

Itinaas ni General Manager Wolfe ang kanyang hinlalaki. “Tunay nga ho kayong matalino at determinado. Tiyak akong lalago pa lalo ang Hudson sa ilalim ng inyong pamumuno. Hindi malayong umabot pa tayo sa international market.”

“Ano ka ba,” Nandilim ang mukha ni Catherine. “Ano ba’ng nangyari sa inyo, General Manager Wolfe? Bakit kakaiba ang inyong mga kinikilos ngayon?”

“Hindi naman, Chairwoman Jones. Kilalang-kilala kayo ngayon sa buong Australia. Nakatutok ang lahat sa inyong ginagawa,” Nakangiting sumagot si General Manager Wolfe.

Huminga nang malalim si Catherine, pagod na pagod na siyang mag-isip. “Tama na, naiintindihan ko na. Bantayan mo na lang ang ating mga empleyado dahil tiyak akong ilan sa atin ay mga espiya ni Charlie. Noong pumunta rito si Shaun para hanapin ako noon, agad na sumunod na dumating si Charlie.”

“Sige po.” Habang palabas ng pinto ay muling tumingin kay Catherine si General Manager Wolfe. “Hihintayin ko ho ang ibabalita ninyo mamayang alas sais, Chairwoman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status