Ang ibig sabihin ba nito na sa loob looban ni Shaun ay nakita niya si Catherine bilang isang babaeng iniiyakan siya araw araw? Hibang na hibang ba siyang in love sa lalaki na gusto niya lang magluto para sa lalaki habang buhay at maging asawa nito? Si Catherine, na gulat na gulat na, ay mas nataranta. Seryosong nagtaka siya kung si Freya ba ay nagkikimkim ng galit laban sa kanya.Kung hindi ‘yun ang kaso, bakit siya niloko ni Freya na sumama kay Shaun una pa lang? Ngayon na halos makawala na si Catherine sa lalaki, ginawa siya ni Freya na isang babaeng baliw sa pag-ibig sa mata ng lalaki.Isaalang-alang na kakaligtas lang ni Shaun sa kanya, hindi posibleng ilantad niya ang mga kasinungalingan ni Freya.Sa kasong ito, kailangan nanaman ba niyang magsimula ng mahirap na paglalakbay ng pag-arte?“Huwag mo ‘kong sisihin. Ginawa ko ang lahat ng ito para iligtas ka. Kung ililigtas ka anumang oras mamaya, baka pinahirapan ka na hanggang mamatay ka roon.”Naaawang sumandal sa kanya, b
Sa oras na nakita ni Freya si Shaun na pumasok ng ward, bigla siyang tumayo at sinabi, bibili ako ng pagkain para kay Cathy sa labas ng ospital.”“Hindi na kailangan,” nanlalamig na sagot ni Shaun, “Ang pagkaing binebenta roon ay hindi malinis. Umorder ako ng pagkain mula sa seven-star hotel, na idedeliver dito.”Walang masabi si Freya.Whoa. Makakakain si Catherine ng pagkain mula sa isang seven-star hotel sa kabila ng pagiging admitted sa ospital. Talagang pinagpala siya.Lumapit si Freya sa kama at kumindat kay Catherine. Matapos ‘non, mabilis siyang tumakbo paalis.Naflatter si Catherine dahil hindi niya inaasahan na itatrato siya ni Shaun ng mabuti. Ilusyon ba ito? Tila nakakaramdam siya ng bahid ng sigla sa mga mata ng lalaki.“Sa totoo lang, wala akong pakialam kumain ng kahit ano.”Nakakaramdam ng tensyon at takot, mahina na nagsalita si Catherine.“Kahit ano?” tumawa ng malalim si Shaun, pero nanlalamig ang kanyang mga mata. “Hindi mo ba nabasa ang medical certificate
”Tama ‘yan. Si James Lennon ang responsable para ron.” Sumulyap ng mabilis si Shaun kay Catherine. “Tanging patay na tao lang ang makakapagtago ng sikreto. Naiintindihan mo?”Nagsimula siyang manginig habang nagliliyab sa apoy ang kanyang mga mata. Siguradong pinalabas ni James ang pinakapangit ng sangkatauhan. Siya ay pinsan ng lalaki! “Um… Posible bang palitan ang mga kondisyon?”Pansamantala niyang tinanong matapos manumbalik ng kanyang pagkakalma.Talagang ayaw niya nang maging tagapag-alaga muli ng lalaki. Sa kabila ‘nun, walang expiry date ang kontrata. Ito ay pangmatagalang paghihirap.“Sige.” Isang ngiti ang kumalat sa mukha ng lalaki. “Ayon sa standard na presyo, ang serbisyong legal ko ay nagkakahalagang hindi bababa sa 300 million dollars bawat kaso. Ang partikular na kaso mo ay medyo mapanghamon at nasa panganib pa ko na ma-offend ang pinakamakapangyarihan na pamilyang Clark sa Melbourne. Well bibigyan kita ng 20% discount. Iyon ay magiging 400 million dollars.” “40
Nagpasalamat si Shaun sa pamamagitan ng mabilis na pagtango. Nakaramdam siya ng kaunting pagkatuwa nang marinig iyon.“Kamusta ang paghahanda para sa kasong ito?”“Handa na ang lahat.” Walang masabi si Hadley. Palihim na nilikom ng lalaki ang mga impormasyon para sa korte pero nagpapanggap pa rin na walang pakialam.‘Boss, hindi mo ba alam na ang ugali mong ito ay hindi makakapagbigay sayo ng asawa?’Sa kabilang banda, si Catherine, na binabaan ng tawag, ay hindi malaman kung ano ang gagawin.Nahilamusan siya ng pagsisisi.Siguradong ang pagiging tagaalaga ni Shaun ay mas mainam kaysa mamatay sa kulungan.“Tama, suotin mo ‘to ng mabilis at magmakaawa ng tulong sa kanya.” Inabutan ni Freya ang kanyang kaibigan ng bagong biling bulaklakin na bestida.Malapitang tinignan ni Catherine ang bestida at napansin na mayroon itong low-cut neckline. “Ipapasuot mo talaga ito sakin para akitin siya sa malamig na araw na ito? Ayaw niya ito. Malulunod ako sa mga nakakainis niyang insulto.”“
”Nakita kong nagtatrabaho ka at ayokong istorbohin ka.”Isang itsura ng pagkahiya ang naghilamos sa mukha ni Catherine nang marinig niya ang mga galit sa salita ng lalaki. Gayunpaman, napagtanto niya na ang lahat ng ito ay sarili niyang kasalanan.“Totoo, inistorbo mo ‘ko sa trabaho.” Tinawid ni Shaun ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib, umaasta na tila naiinis siya at walang pasensya na naabala siya.Si Hadley, na pinapanood ito mula sa gilid, ay hindi maipagkakaila na nagulat. ‘Boss, ilang araw kang naghintay para rito. ‘Wag ka nang umarte! O mababalisa ka na naman kapag umalis siya.’Para umalwan ang tensionadong hangin, ngumiti siya. “Miss Jones, ‘yan bang hawak mo ay regalo para kay Mr. Hill?”“Oo, um, hindi talaga. Ginawan ko siya ng tanghalian.” Mabilis kinuha ng babae ang lunchbox mula sa bag.Si Shaun ay nagsimulang kalikutin ang ink pen sa mesa. Ang kanyang mata ay nagningning ng pangungutya. “Pero may naalala akong tiyak na tao na nagsabing hindi niya na
Ngumisi si Shaun. “Sige, bibigyan kita ng huling pagkakataon. Pumunta ka ron para iinit ang pagkain.”“Sige.” Kumislap ang mata ni Catherine ng kaningningan habang papasok sa pantry.Mayroong magagamit na microwave. Ininit niya ang pagkain na hindi lalampas sa tatlong minuto.Inilagay niya ito sa harap ng lalaki. Ito ay ang paborito ng lalaki na roast pork.Sumulyap ang lalaki rito at biglang nakaramdam ng pagkalam ng tiyan. Mula nang umalis ang babae, hindi pa ulit siya nakakapag-enjoy ng masarap na lutong bahay na pagkain.Sa loob ng ilang minuto, naubos niya ang buong putahe, hindi nag-iwan ng kahit ano sa lunchbox.Humingal siya sa pagkamangha sa tabi. Ito ang lalaking nagsabi na hindi na siya interesado sa pagluluto ng babae!Talagang sinungaling ang mga lalaki.“Anong tinititigan mo?” Nahuli ni Shaun ang babae na nakatitig at isang bahid ng pagkahiya ang lumitaw sa gwapong mukha ng lalaki.“Hind, um… Masaya lang akong makita kang ineenjoy mo na ulit ang pagkaing gawa ko,
”Sayang ang bestidang suot mo kung hahayaan na kitang umalis ngayon.” Unti unting nagdilim ang mga mata ni Shaun habang nilalagay ang kanyang kanang kamay sa likod ng leeg ni Catherine at bahagyang umabante para halikan ang babae.Ito ang pakiramdam na inaalala niya matapos ang kanilang halik sa restaurant noong huli.Nagtataka siya kung anong nilagay ng babae sa mga labi nito dahil lasa itong hindi pangkaraniwan na matamis.Naguguluhan ang babae. Kung talagang kinamumuhian siya ng lalaki, edi bakit patuloy siyang hinahalikan nito.Ang mga salita at kilos ng lalaki ay tumataliwas sa isa’t isa.Gayunpaman, hindi naglakas loob si Catherine ipagpalagay na si Shaun ay interesado sa kanya sa romantikong paraan. Siguro ay binibigyan lang nito ng kasiyahan ang mga pagnanasa nito bilang lalaki.Sa simula, kinaya niya pang panatilihin ang kalmadong pag-iisip, pero sa loob lamang ng ilang segundo, nawala niya ang sarili niya sa halik. Lalo na dahil sa preskong amoy na nanggagaling sa kataw
"Tumayo ka diyan." Naghagis si Shaun ng kumpol ng susi at kard sa lamesa. "Lumipat na ako sa Riverside Manson. Ito ang mga susi sa main gate ng villa. Iyan din yung kard na ginamit mo dati para sa mga gastusin sa bahay."Nagulat si Catherine doon. "Bakit biglaan ka naman lumipat?""May tatlong kuting na si Fudge ngayon at hindi ganun kalaki yung lumang bahay. Kailangan nila ng hardin para magpaaraw," sinabi niya ng walang emosyon.“...”Hindi makapagsalita si Catherine. Bakit ba hindi na lang siya naging pusa? Nakakapagod maging tao.Hindi kailangan magluto ng pusa at matatamasa niya ang pribilehiyo na tumira sa isang renovated na marangyang villa."Huwag ka mainggit. Manatili ka lang sa tabi ko ng tapat at pwede ka rin mamuhay ng ganon." Kinibot ng lalaki ang manipis niyang labi ng konti. Basta tumigil lang siya sa pakikipag-kita sa ibang lalaki at kumilos ng maayos sa paligid niya, hahayaan niya ito maging Mrs. Hill habambuhay.Sa paanong paraan man, kailangan niya ulit magpak