Ng si Catherine ay nililigpit ang kanyang gamit para pumunta sa restaurant kasama ang kanyang mga katrabaho, ilang mga police officers ang pumasok. “Sino si Catherine Jones?”Ang kanyang mga katrabaho ay nagtinginan sa isa’t isa na may naalarmang mukha. Si Catherine ay may nanlulumong mukha, tapos tumayo siya at sinabi, “Ako ito...”Sa sandaling siya ay tumugon, pareho ang kanyang kamay ay pinosasan.Kakaiba ang sinabi ng police. “May sunog na nangyari sa Lubin Hotel kaninang umaga, na nagkakahalaga ng higit sa sampung milyong dolyar. Nakatanggap kami ng tawag mula sa partidong sangkot sa insidente at sinasabi ng Summit na ikaw ang namamahala sa hotel dati. Kailangan mo na pumunta sa poilice station para maimbisigahan.”Pakiramdam ni Catherine na ang kanyang ulo ay sumabog. “Wala itong kinalaman sa akin. Dalawang buwan na ang nakaraan simula ng umalis ako sa hotel. Sila ay siguradong sinusubukang akong gawing scapegoat.”“Sorry, ngunit ang Summit ay binigyan ako ng ebidensya tungk
Ang pulis ay diretsong tinanggihan si Catherine at kinulong siyang muli.Ang maliit na kwarto na puno ng pito hanggang walong tao. Bawat isa sa kanila ay nakatakda sa isang malapad na kahoy na kama.Sa sandaling maupo siya, isang matangkad na babae ang lumapit sa kanya at sinabuyan siya ng balde ng tubig sa kanyang kama.“Ano ang ginagawa mo?” Sinabi ni Catherine. Ilang masamang itsurang babae ang pumalibot sa kanya kaagad.“Ang lakas ng loob mo na sumigaw sa akin?!” Tinupi ng matangkad na babae ang kanyang sleeves, tapos mabangis na sinbi, “Alam mo, pinatay ko ang babae na sumigaw sa akin bago ito.”“Sorry… Maaari kang magsaboy kung gusto mo.” Si Catherine ay hindi tanga. Alam niya na mahirap makipagtalo sa mga ganitong tao na nakulong dito, kaya sinubukan niya ang kanyang makkaya para tiisin sila.Gayunpaman, mukhang wala silang plano na bitawan siya.“Oh well, hindi ito gagana s akin. Ayoko ng mga magagandang babae tulad mo dahil ang aking asawa ay ninakaw ng babaeng tulad mo
Nanlumo ang puso ni Freya. Totoo, ang pamilya Clark ay isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa Melbourne. Binastos ni Cathy ang pamilya Clark.“Kung gayon… Kung gayon ano ang magagawa natin?”“Sinabi ko na… sa aking tito na magpunta dito.” Isang tingin ng pagkabalisa at kawalang magawa ang lumitaw sa mukha ni Ethan. Kahit na si Wesley ay kanyang karibal sa pagibig, walang siyang magawa kung hindi humingi sa kanya ng tulong para iligtas si Catherine.“Ang aking tito ay may malawak na koneksyon. Maaari mayroon siyang paraan para makaalis dito.”“Oh, okay.” Narinig ni Freya mula kay Catherine na ang Wesley na iyon ay interesado sa kanya. Syempre, si Ethan ay kailangan na umasa sa kanyang tito sa importanteng sandali tulad nito.Habang si Freya ay nakatitig kay Ethan, ang kanyang mata ay puno ng pandidiri. Hindi niya mapigilan ngunit kutyain siya. “Matapos na hiwalayan ng iyong fiancée, sa wakas alam mo na kung sino ang nagtatrato sayo ng mas mabuti. Hindi mo na nakikitang walang hi
Sabi ni Wesley, “Bago ito, siya ay namuhay sa seclusion ng ilang taon. Siya ay biglang pumunta sa Melbourne kamakailan lang, ngunit sobrang hirap na humingi ng tulong niya. Nakaraan, tinanong ko siya na umayos ng business na kaso para sa akin at inalok siya ng 300 na milyong dolyar, pero tumanggi siya.”“Syempre, tinanggihan niya ang maraming alok, kasama na ang mula sa business at political na makapangyarihan. Sa kanyang mata, pera at kapangyarihan ay wala lang.”Si Freya ay walang masabi.Natataranta, nagtataka siya kung si Wesley ay tinutukoy ang Shaun Hill na iyon.Ang asawa din ni Cathy ay si Shaun Hill at siya din ay isang lawyer.Sabi ni Cathy na ang kinikita ng kanyang asawa ay halos katulad ng sa kanya.Sinabi niya din na ang kanyang asawa ay kumikilos ng mayabang at masama dahil lang sa siya ay kaibigan ni Chase.My God. Anong klaseng p*tanginang kapangyarihan ang binastos ng kanyang bestfriend?Hindi lang niya binastos siya, ngunit hindi niya din alam ang kanyang pag
Nakatitig sa dibdib ng lalaki, natigilan si Freya. Hinaplos ng lalaki ang baba ng babae, ang kanyang nakakabighaning mga mata ay nagpakita ng nakakaakit na ngiti. “Tsk, talagang nayaya niyo ang isang babae na pumunta rito. Maganda siya, gayunpaman.Nagdilim ang mukha ni Freya. Seryosong nagtaka siya kung sa maling lugar ba ang pinuntahan niya.Gayunpaman, narinig niya ang tunog ng mga taong naglalaro ng baraha sa loob ng silid. Nagtanong siya, “Hinahanap ko si Shaun. Nandito ba siya?”Natataranta, lumingon ang lalaki at tumingin sa loob ng silid, “May naghahanap sayo, Shaun. Kakaiba ‘yun. Kailan ka pa nagkaroon ng karelasyon sa Perth?”“Kaibigan ako ng asawa niya.” Tinulak ni Freya ang kamay ng lalaking nakaharang sa pintuan at pumasok sa silid na galit.May tatlong lalaki sa sala, at lahat sila ay may kahanga hangang aura. Isa sa mga lalaki na may sigarilyo sa kanyang bibig ay sinabi, “Rodney, sabi ko lang buksan mo ang pinto. Bakit mo siya pinapasok?”“Hindi mo ‘ko masisisi.” U
‘Boo-hoo. Patawad, Cathy. Ginagawa ko ‘to para lang iligtas ka. Sana patawarin mo ‘ko sa pagsasalita ng walang saysay.‘Kailangan mong ipagtanggol ang sarili mo pagkatapos mong makalabas sa kulungan.’Sa sandaling iyon, ang maingay na private room ay biglang naging sobrang tahimik. Napanatiling matatag ni Shaun ang kanyang mukha nang katukin ang mga baraha sa mesa gamit ang kanyang mga daliri.Sobrang hirap matukoy ang itsura sa mukha ng lalaki at dun lamang niya napagtanto ang pagdagsa ng damdamin sa kanyang loob.Maaaring totoo na hindi pa tapos si Catherine sa kanya. Kung isasaalang-alang na sobrang minahal ng babae ang lalaki na kaya niyang balewalain ang kanyang dignidad nitong huli, hindi posibleng nakamove on na siya.Sa katotohanan, mahina si Catherine sa mental na aspeto.Sabi nila na kapag mas malalim magmahal ang isang tao, mas maghihirap siya.Gayunpaman, masama ang loob ng lalaki sa kakayahan ng babaeng iyon na mang-akit ng lalaki.“Itutulog ko muna ito. Makakaali
Matapos kargahin ang babae papunta sa backseat ng sasakyan, inunat ni Shaun ang kanyang mga kamay para tanggalin ang basang damit ni Catherine.Walang malay siyang pinigilan ni Catherine, ang mga mata ng babae ay nagpapakita ng pagkahiya.“Huwag kang gumalaw at tumahimik ka. Hayaan mong tignan ko.” Ginamit ni Shaun ang isang kamay para diinan ang kamay ng babae at ang isa para pwersahang tanggalin ang damit ng babae. Ang orihinal na mala niyebeng balat ng babae ay napuno ng mga pasa sa puntong iyon, na naging sanhi na magmukhang miserable ang babae. Medyo nakaramdam si Shaun ng paghihigpit sa loob niya, at ang mukha niya ay nagpakita ng sobrang kalupitan.Si Catherine ay hindi maabala ng lalaki. Nahihiya lang siya sa kanyang hindi magandang tingnan na mga pasa sa puntong iyon.“Tapos ka na bang tumingin?” Nagpumiglas siya sa hiya. Sa paggalaw ng bahagya, nakaramdam siya ng sobrang sakit na namutla ang kanyang mukha.“Dapat maging masunurin ka.” Diretsong tinapon ni Shaun ang mga
Ang ibig sabihin ba nito na sa loob looban ni Shaun ay nakita niya si Catherine bilang isang babaeng iniiyakan siya araw araw? Hibang na hibang ba siyang in love sa lalaki na gusto niya lang magluto para sa lalaki habang buhay at maging asawa nito? Si Catherine, na gulat na gulat na, ay mas nataranta. Seryosong nagtaka siya kung si Freya ba ay nagkikimkim ng galit laban sa kanya.Kung hindi ‘yun ang kaso, bakit siya niloko ni Freya na sumama kay Shaun una pa lang? Ngayon na halos makawala na si Catherine sa lalaki, ginawa siya ni Freya na isang babaeng baliw sa pag-ibig sa mata ng lalaki.Isaalang-alang na kakaligtas lang ni Shaun sa kanya, hindi posibleng ilantad niya ang mga kasinungalingan ni Freya.Sa kasong ito, kailangan nanaman ba niyang magsimula ng mahirap na paglalakbay ng pag-arte?“Huwag mo ‘kong sisihin. Ginawa ko ang lahat ng ito para iligtas ka. Kung ililigtas ka anumang oras mamaya, baka pinahirapan ka na hanggang mamatay ka roon.”Naaawang sumandal sa kanya, b
Ng ibaba ni Freya ang kanyang tingin, napagtanto niyang may nilagay na diamond necklace si Ryan sa kanyang leeg."Ikaw…""Ito ay isang regalo para sayo." Hinalikan siya ni Ryan sa noo. "Hindi pa kita nabibigyan ng regalo kahit na matagal na tayong nagde date.""Hindi iyan totoo. Lagi kang bumibili ng mga regalo ni Dani…”“Walang kwenta iyan. Ang pagbili ng mga regalo para sa aking anak na babae ay natural. Ang pagbili ng mga ito para sayo ay isang bagay din siyempre."Labis na naantig si Freya. Si Dani ay hindi anak ni Ryan, ngunit sinabi pa rin niya ang mga salitang iyon…Minahal niya talaga siya.Gayunpaman, siya ay napakahina at mahiyain."Kailan mo balak umalis? Ihahatid na kita sa bago mong tahanan," Sabi ni Ryan.“Balak ko lumipat bukas. Pupunta ang mga magulang ko sa Canberra kinabukasan. Magkakaroon tayo ng family dinner sa gabi."“Mm. Sasamantalahin ko ang pagkakataong manatili at kumain kapag pinapunta na kita, okay?" Hinawakan ni Ryan ang mukha niya at nagtanong.
Ibinaba ni Freya ang mga bagay na hawak niya. Lumingon siya at umikot sa baywang ni Ryan gamit ang dalawang kamay. "Walang tutulong dito. Kung patuloy akong mananatili dito, at patuloy kang... ganito, matutuklasan din tayo sa madaling panahon.""Tulad ng ano?" Ang malungkot na boses ni Ryan ay umalingawngaw mula sa kanyang leeg.“Basta... ganito. Gaya ng ginagawa mo ngayon." Namula si Freya. "Palagi kang naghahanap ng mga dahilan upang mapunta ako sa iyong lugar sa umaga o pumunta sa aking lugar pagkatapos ng trabaho sa gabi. May makakahanap na kakaiba sa madaling panahon. Kung lilipat ako, walang mga taong tumitingin sa bawat galaw namin. Magiging mas maginhawang mag date din sa labas."Ilang oras ding tinitigan ni Ryan si Freya. Siya ay napabuntong hininga. “Pero kailangan kong magtrabaho ng dagdag na oras ng madalas. Malalaman ng tatay ko kung hindi ako babalik pagkatapos ng trabaho. Kung madalas akong lumabas, maghihinala sila."“Huh?”Napakurap si Freya. "Anong gagawin natin?
...Sa parking lot sa ibaba.Nag thumbs up si Freya kay Catherine dahil sa paghanga. "President Jones, ang iyong dominanteng aura ay nag uumapaw ngayon lang. Napakasatisfying panoorin.”“Naiinis din ako kay Rodney. Hindi pa rin siya malinaw sa kanyang sitwasyon hanggang ngayon. Siya ay kumikilos na parang salamat sa kanya na nakuha namin ang Osher Corporation." Binuksan ni Catherine ang pinto ng kotse at pumasok."Tama iyan. Gusto niyang magpakita tayo ng respeto sa kanya? Sino siya sa tingin niya?"Isang harrumph ang pinakawalan ni Freya. Pagkasuot pa lang niya ng seatbelt ay tinawag siya ni Forrest. “Nakatakda na ang petsa ng paglipat sa villa. Sa susunod na Lunes na. Ang pamilya Lynch ay magkakaroon ng piging sa isang hotel at mag iimbita ng ilang kamag anak at kaibigan sa Canberra."Malapit na yan..." Nagulat si Freya."Diba sabi mo gusto mong umalis sa lalong madaling panahon? Kaya naman pinatrabaho ko ang mga contractor ng overtime. Ang pagsasaayos ay natapos na sa loob ng
Makalipas ang limang minuto, bumalik si Freya. Si Catherine at ang abogado ay tapos ng tingnan ang mga dokumento. "Walang problema. Pirmahan natin."Pagkatapos maglagay ng pirma nina Freya, Catherine, at Rodney, nagmamadaling sinabi ni Rodney, “Malaking araw ngayon. Payagan akong imbitahan kayong lahat na kumain sa malapit na restaurant. Kunin natin ito bilang isang pagdiriwang para sa tagumpay ng pagkuha ng Freycatheli—”“Sasamahan ka ni General Manager Hoffman mula sa aming kumpanya, President Snow. Si President Lynch at ako ay may ilang iba pang mahahalagang bagay na aasikasuhin mamaya." Magalang na tumanggi si Catherine ng hindi hinintay na matapos ni Rodney ang kanyang pangungusap."President Jones, ginagawa mo akong masama." Hindi masyadong maganda ang ekspresyon ni Rodney. "Dapat mong malaman na maraming mga lokal at overseas na kumpanya ang interesado sa pagkuha ng Osher Corporation. Gayunpaman, hindi ko sila pinansin. Unang pumasok sa isip ko si Freycatheli, at hindi ko sin
“Magaling iyan.”Naghiyawan ang lahat ng nasa meeting room.Sinabi ng tagapamahala ng departamento ng marketing, "Naisip pa namin na ang pagkuha ay tatagal ng ilang buwan. Hindi ako makapaniwala na makukumpleto sa loob ng isang linggo. Masyadong nakakagulat.""Ang Osher Corporation ay isang ginugol na puwersa. Ang paghawak ay magiging isang pag aaksaya lamang ng pera." Ngumiti ng mahina si Catherine. "Sige. Kapag matagumpay nating nakuha ang Osher Corporation, magkakaroon ng malaking pagbabago sa loob ng mga panloob na empleyado ng kumpanya. Syempre, tataas din ang katayuan ng Freycatheli sa Australia, kaya dapat maghanda ang marketing department. Ipaalam sa mga tagalabas ang tungkol sa pagkuha na ito, at linawin sa kanila na ang magiging boss ng Osher Corporation ay hindi na si Rodney kundi ang Freycatheli.""Pagkatapos ng acquisition, dapat bang tanggalin ang shop-in-shop ng Osher Corporation sa mga mall?""Hindi, ngunit baguhin ang lahat ng mga signage sa Freycatheli."“...”
Pagsakay ni Freya sa sasakyan ay nakonsensya pa rin siya.Ang pakiramdam ng pagiging malihim sa The Lodge ay tiyak na magpapahirap sa kanya sa kabaliwan maaga o huli.Hindi nagtagal, pinadalhan siya ni Ryan ng isang mensahe sa WhatsApp: [I miss you…]Halos itapon ni Freya ang phone niya sa message na iyon. Binabaliw siya nito.Pagkarating niya sa kumpanya, isang katulong ang nagdala ng bouquet sa kanya. "Manager Lynch, may nagpadala sayo ng bouquet."Ibinaba ni Freya ang test tube sa kanyang kamay, tinanggal ang kanyang gloves, at kinuha ang mga bulaklak na nakabalot sa pink na wrapping paper. Hindi lamang isang uri ng bulaklak ang naroroon. Sa katunayan, ang mga hydrangea, bellflower, tulips, at marami pang ibang uri ng magagandang bulaklak ay pinagsama sama. Ito ay napakarilag at mabango.May maliit na card sa bouquet. Binuksan ni Freya ang card, na nakasulat, "I miss you, my princess..."Wala siyang maisip na iba pang magsusulat ng ganoong katamis na salita maliban sa isang t
Laking gulat ni Freya kaya bumilis ang tibok ng puso niya. Napasilip siya sa pintuan ng kwarto. Ng mapagtanto niyang nakasara na ang pinto ay nakahinga siya ng maluwag.Gayunpaman, hindi siya ganap na komportable. Medyo kinakabahan pa rin siya.Paano kung biglang umakyat ang katulong?Paano kung…"Mangyaring manatiling nakatutok."Ang malalim at mahinang boses ni Ryan ay narinig mula sa kanilang manipis na mga labi.Hindi nakaimik si Freya. Paano siya mananatiling nakatutok?Palusot sila at nagmukha siyang magnanakaw.“Halika na. Na miss kita." Binigyan siya ni Ryan ng mahaba at malalim na halik habang kinulong ang mukha niya. Sa gitna ng mapusok na halik, paos ang boses ng lalaki na para bang may dumaan na kuryente sa kanya. Namamanhid ang buong katawan niya. “Na miss mo ba ako?”"...Bilisan mo."Hindi mapakali si Freya."Tinatanong kita kung na miss mo ba ako." Kinagat ni Ryan ang kanyang labi. "Kung hindi ka tapat sa akin, hindi kita bibitawan.""Namiss kita. Namiss kita
Matagal na rin simula nang makatanggap ng ganoong sampal si Heidi. Siya ay lumipad sa matinding galit. “Oo, problema ito ng iyong pamilya, pero si Freya ay aking goddaughter. Mangyaring umalis sa aming bahay ngayon din."Ng matapos siyang magsalita, kinaladkad ng ilang bodyguard sa likod niya si Rodney palabas ng The Lodge.Nagbabala si Heidi, “Tandaan mo siya. Hindi ko na siya gusto sa The Lodge."Galit na galit si Rodney. "Aunty Heidi, huwag kang snob.""Snob ako?" Si Heidi ay nadala sa pagkagalit.Sa kabutihang palad, hindi nagtagal ay naalis si Rodney.Medyo natulala sina Freya at Ryan. Hindi nila inaasahan na magiging ganoon ang mga bagay.Si Nathan, na napahawak sa gitna, ay nakaramdam ng pinaka naiilang. "Bakit galit na galit ka sa isang bata?""Hindi mo ba narinig kung gaano siya sarcastic?" Galit na sinabi ni Heidi, "Sapat na ako sa kanya. Ang ginawa niya ay nagdulot ng napakaraming problema para sa amin, ngunit kailangan naming ayusin ang kanyang gulo. Bukod dito, ang
Dinala nina Freya at Ryan si Dani sa harap ng bakuran para mag almusal.Si Dani, na nasa yakap ni Ryan, ay tumingin sa paligid gamit ang malaki at maitim niyang mga mata.Walang kahihiyang sumama si Rodney. "Dani, ihahatid kita sa bahay ni Lola, okay?"Agad na napalingon si Dani. Pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Ryan na para bang si Ryan ang kanyang biological father.Nagseselos si Rodney. “Ryan, ibalik mo sa akin ang anak ko. Ibinabalik ko siya sa dating tirahan, at ngayon lang sinang ayunan ni Freya.""Maaari mo siyang dalhin doon pagkatapos kong umalis para sa trabaho." Seryosong sabi ni Ryan, “Ayokong makipaghiwalay si Dani sa akin ngayon. Kung pilit ko siyang ibibigay sayo, iiyak siya. Hindi na siya ang sanggol na walang alam. Maaari na siyang gumulong, at mayroon siyang sariling mga opinyon. Naiintindihan mo ba?""Naiintindihan ko, at iyon ang dahilan kung bakit gusto kong makipag bonding sa kanya." Naiinip na sinabi ni Rodney, “Ryan, sinusubukan mong maging