Share

5

Bumaba na din ako at nakita ko si Fiona sa loob ng kusina. Pinuntahan ko naman siya at tinulungan na ilagay ang apron niya. "What's this? You'll cook?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti.

"I try to distract myself sometimes. Kaya naman whenever I feel down I try to cook. Oh by the way, can you give me your recipe for the leche flan?" Her eyes sparkled when she mentioned about my recipe. Mukhang leche flan ata pinaglilihian niya.

"Sure. I'll send you the recipe," ngumiti naman ako sa kanya. She clapped happily at nagsimula nang magluto.

"Did you guys have lunch na ba? I'll make samgyeopsal," she asked. Ngumisi naman ako.

"Akala ko ba magluluto ka? Bakit samgyeopsal?" I teased her. She pouted which made me laugh. I looked at Sky. "You want to eat?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. Sabagay. Hindi pa naman kasi kami nakakain kanina sa restaurant dahil agad agad naman kami umalis para hindi magka-gulo. I stood up para tulungan sana si Fiona pero agad niya ako pinaupo.

"Hey no! I'll be the one to cook nga eh! You sit there lang with him," sabi niya habang hinihiwa ang mga kimchi. Tumango naman ako at umupo nalang.

"Does Jolo know about this?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Sky. I panicked dahil alam ko rinig ni Fiona iyon. This guy! Hindi ba siya marunong mag lagay ng filter o hindi kaya preno sa mga bibig niya? Agad naman ako tumingin kay Fiona. Tumigil siya sa pag hihiwa. Pero she's not crying or breaking down at all. Umiling naman siya. Sky looked at her lazily and shrugged. Hindi na siya nag salita pa at binalik ang mga mata sa pinapanood niya.

I poked him pero hindi siya tumingin sa akin kaya kinurot ko siya. "Aray!" Sigaw naman niya at tumingin sa akin. I raised an eyebrow. "What do you want, woman?"

"Paano mo nakilala si Jolo? Are you friends with him?" Dere-derechong tanong ko sa kanya.

"I know him. We hang out sometimes pero don't worry. I won't tell anyone a thing. Besides, it's not my story to tell. Hindi ko na problema na tinaguan siya ng anak," naka hinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Mabuti nalang talaga at hindi chismoso ang isang 'to. "Besides, I have a lot of problems on my plate already." He whispered. He's right. Madami din naman siyang pinoproblema sa ngayon. One of it is our engagement.

"Manang paki lagay nalang po ng electric grill sa table please," malambing na sabi ni Fiona sa kasambahay nila. Tumayo naman ako para tumulong.

"Manang ako na po," bubuhatin ko na sana ang electric grill ng bigla ito kinuha ni Sky. Siya na ang nag buhat. Pinatong niya naman ito sa lamesa at nagpatulong kung paano ito ma plug. I was looking at him from afar. He's rude for some pero magalang din naman pala siya sa mga taong gusto niyang galangin.

I felt someone poke my waist kaya agad naman ako napatingin sa kanya. I saw Fiona smirking. "What?" Patay malisya kong tanong.

"Oh.. Nothing," sabi naman niya kaya naman tumango ako. Kumunot ang noo niya at hinatak ako palayo sa kusina.

"Aray ko! Fiona Alyssa! Dahan dahan sa pag hatak baka may mangyari sa tiyan mo, jusko!" Pagalit na sabi ko. We stopped near the stairs at agad naman niya ako tinitigan. She crossed her arms. Telling me to spill everything.

"So when will you make kwento? Kapag nanganak na ako ha?"

I rolled my eyes at her. "Family friend ko nga. Kulit mo, buntis," sabi ko naman pero mukhang hindi siya naniniwala.

"Soliel Alexis, I know you. Itatago mo nanaman ang mga kaganapan sa buhay mo. I respect that pero sh*tangina naman, Al! Boylet na 'yan oh! Chika mo na kasi," she's throwing a tantrum. Kaya tumawa nalang ako.

"Soon. Magkukwento ako soon. Pag okay na ang lahat," malambing na sabi ko. Mukhang naintindihan naman niya ang sitwasyon kaya tumango nalang siya. Bumalik na kami sa kusina at nakita namin na naka ayos na sa lamesa ang mga pagkain.

"Hala manang! Sana hinintay mo ako! Tutulong ako eh," sabi ni Fiona kay manang. Ngumiti naman si manang.

"Ay naku, hindi ako ang nag ayos niyang hija," sabi naman ni manang. Parehas kami ni Fiona naka kunot ang noo. Agad naman na tinuro ni manang si Sky na nasa sofa ulit at may kinakalikot sa phone niya. "Siya ang nag ayos ng lahat ng iyan. Ayaw daw niya na kayo pa ang mag ayos dahil buntis si Fiona tapos pagod ka daw Soliel."

May konting prince charming attitude din naman pala itong taong 'to. Akala ko pa naman puro ka-sungitan ang ugali niya. Mabuti naman at para kapag kinasal kami hindi ako 24/7 nasusungitan. Kasal, huh. Will I really be marrying someone I don't love? I mean, sure. Since I never had any past relationships and I never had any crushes before. I was too busy impressing my own father that I did not even have time to enjoy my teenage years before. Stephanie would have crushes left and right. Fiona would just focus on her studies since she does not want to dissapoint her parents even though her parents doesn't pressure her. While I spent most of my life proving myself to my father. Of course there are times na natataasan ko si Fiona during exams and she was happy for me whenever I do. But my dad doesn't seem to care at all.

Bago lumayas si Ate Luna, I was invisible most of the times sa mata ni Dad. He never sees my efforts and my achievements in school. Ate Luna helps me din namna na ipakita kay Daddy ang mga achievements ko but he would end up comparing both of us. Mom would be happy for me and she would congratulate me. Ate Luna would knock on my door and bring me cake para lang ma celebrate ang mga maliliit na achievements ko. Kaya I never hated my sister. Kasi kahit kinocompare ako sa kanya. She would always show me that there was never a competition between us in the first place. Na ang competition pagitan namin ay sa mga mata lang ni Daddy. When she left us, alam ko masaya na siya. Alam ko din na nasasakal na siya kay Daddy. Kahit na parati siyang pinupuri ni Daddy at parati binibigay sa kanya ang mga bagay na gusto niya, alam ko nasasakal na din siya.

I woke up from my senses when I heard Fiona calling me. Tumingin naman ako sa kanya at nginitian niya ako. "I may not know what's going on in your life right now, but I do hope he will take good care of you. You deserve every thing the world has to offer, Soliel," this is the first time Fiona called me by my first name. She knows I hate my first name. Masyadong maarte pakinggan para sa akin. Both of them would always call me Alexis. Or they would mention my full name, lalo na't pag may kailangan sila o hindi kaya ay galit. Pumunta na kami sa lamesa at nagsimula na kaming kumain.

***

"Thank you for coming, Al. Pasensya ka na talaga dahil inabala pa kita," Fiona apologized. I slightly pinched her cheek kaya naman kumunot ang noo niya. I looked at her tummy at medyo halata na ang baby bump nito.

"Ano ka ba. Hindi ba parati kong sinasabi sa inyo ni Stephanie na andito lang ako parati para sa inyong dalawa? No matter how busy I am, kapag kailangan niyo ako pupuntahan ko agad kayo," I assured her. Umiling naman siya.

"Ayan ka nanaman! Save some for yourself din naman kasi!"Reklamo naman niya kaya natawa nalang ako. Tumango naman ako sa kanya. Tinignan niya kaagad si Sky at nilapitan ito. "Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa inyong dalawa, pero please take good care of her," sabi niya kay Sky. Kitang-kita ang gulat sa mga mata ni Sky pero agad naman siya tumango. Fiona smiled at him and she went to me. She hugged me tight kaya naman niyakap ko din siya. "Mag-iingat kayo," she told us. We waved good bye and went inside his car.

"Mabait kang kaibigan," he said while putting his seatbelt on. "Pero hindi ka naaawa sa sarili mo," napatigil ako sa sinabi niya. He looked at me with cold eyes. "You would rather sacrifice yourself for them, than save yourself."

"Can we not talk about this, Sky? I'm tired," I reasoned out. Agad naman niya pinaandar ang sasakyan at nag drive paalis.

"You lied to me. Sabi mo magpapacomfort ka. In the end, you were the one who offered comfort." Hindi pa din siya tumitigil sa pag atake sa akin. "You were having a bad day as well, Soliel. Your dad humiliated you in front of my family. You cried in front of me. Tapos sa isang iglap naging okay ka na para ma comfort mo ang kaibigan mo?" He scoffed.

"Stop the car," sabi ko. Pero mas lalo niya pa pinaharurot ang sasakyan. "I said stop the god damn car, Sky!" Mabuti nalang talaga at may seatblet ako kung hindi ay sigurado tumilapon na ako palabas ng sasakyan sa lakas ng preno niya.

"What?! You got offended? Bakit pag sa akin ang tapang tapang mo pero pagkaharap mo ang ibang tao daig mo pa ang isang tuta sa bait?" He shouted. I tried to open the door pero he locked it.

"Buksan mo ang pinto."

"Hell no! I need to talk the sh*t out of you!"

"Oo na! Mabait na kung mabait ako! Ano ba ang pakealam mo ha? I just want to be there for my friends! Is that a bad thing? Hindi mo malalaman 'yon dahil wala ka naman sigurong kaibigan!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Ngumisi naman siya.

"Your friends would understand if you also need time for yourself, Soliel. Based on what I saw kanina, it's your choice not telling them. Halos pigain ka na kanina ng kaibigan mo kaka-tanong sa'yo kung ano ang nangyayari sa buhay mo pero you keep on dodging the question." He looked straight into my eyes. "Why? Bakit ayaw mo mag open up sa kanila."

"Dahil ayaw ko maging sagabal sa kanila," I simply answered.

"That is pure bullsh*t!"

"You don't know me! You know nothing about me kaya please lang! Huwag mo nang himasukan ang buhay ko. Pwede ba? Just take me home! I want to rest. Pagod na ako. Pagod na pagod." Suko na ako. I'm too tired to argue with him. I just want to rest and cry myself to sleep. Hindi na din naman siya nagsalita pa at pinaandra niya ulit ang sasakyan. None of us were talking the whole drive. I just stared at the window and watched the city lights glistening through the night.

Naka rating na kami sa bahay at agad naman binuksan ng mga kasambahay ang gate. He parked outside our front door. Agad ko nakita ang sasakyan ng parents niya. His parents are here as well? Anong ginagawa nila dito?

Lumabas na kami ng sasakyan at pumasok sa bahay. I saw both of our parents at the living room talking. "Oh look! They are here already!" Tumayo si Tita Heaven at naglakad palapit sa amin. I saw Sky kissed his mother's cheek. "Hello, hijo. Mabuti naman at andito na kayong dalawa. We can talk about the engagement party!" Tita Heaven clapped. I was yet again confused. Akala ko ba after graduation namin gaganapin nag engagement? Why must we talk about it again?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status