(Sa Canteen)
"Uy, Mara. Ayos ka lang ba? kanina ka pa nakatulala diyan ha?" tanong ni Rose sa kaniya nang mapansin niyang para wala itong ganang kumain at nakatitig lang sa hamburger na hawak niya.
"Ayaw mo ba niyan? sa akin na lang kung ayaw mo." Pagbibirong sabi naman ni Roy sa kaniya at kinukuha ang hawak na pagkain pero kaagad siyang pinigilan ni Ethan, sabay pinalo ito sa kamay.
Napatingin lang siya sa kaibigan niya at muling kumagat ng hamburger.
"May iba ka pa bang gustong kainin bukod dito?" malumanay na tanong ni Ethan kay Mara.
Palabas na ng school sina Mara at Rose nang mahagip ng atensyon niya ang pamilyar na lalaking nag-aabang sa kaniya sa labas."Bakit, Mara?" usisa ni Rose nang mapansin niyang huminto sa paglalakad at natahimik."Rose, mauna na pala ako sa'yo bye!" paalam niya at aligagang nilapitan ang kaniyang nobyo na si Andrew."Kanina ka pa diyan?" nakangiting sambit niyang nang makalapit na siya sa binata. Tinignan lang siya nito at saka nagsimulang maglakad. Sumimangot naman si Mara at sinundan niya ito mula sa likuran.Walang imikan silang naglalakad
(Sa Hapag-kainan)"Nga pala, Andrew. Saan ka ba nagpunta kaninang umaga at nakalimutan mo na yatang ihatid itong si Mara?" usisa ng ina sa anak niya, ngunit pareho namang nabilaukan ang dalawa at napainom sa isang baso ng tubig."Hay naku, ano ba talaga ang nangyayari sa inyong dalawa?" ang sabi pa nito sa kanila habang nilalagyan niya ng tubig ang baso ni Andrew, gamit ang pitsel."A-ayos lang naman po, Tita. Baka may importante lang siyang nilakaran kanina, hindi ba?" pilit na lang ngumiti si Mara at lumingon sa kaniyang nobyo. Tila nabasa naman kaagad ng binata ang nais nitong ipahiwatig sa kaniya kaya ngumiti na lang din siya at napatango sa ulo."Ganoon ba? siya nga pala, nagpunta ako kanina sa school niyo ah?" pagkarinig nila sa sinabi ng ginang ay bigla silang napatingin sa isa't-isa
{KINAUMAGAHAN}Nang magising ang ina ni Andrew ay bigla siyang nagtaka at napabangon sa kama nang mapansing wala roon sa tabi niya ang dalaga.Sandali siyang napatingin sa alarm clock niya at nakitang mag-aalas siyete na pala ng umaga. Bumangon na siya at lumabas ng kuwarto upang maghanda ng almusal. Pero kaagad naman siyang natigilan nang makutuban siya na parang may ibang tao roon sa loob ng sala. Dahan-dahan niyang hinakbang ang kaniyang mga paa, dinampot din niya ang walis tambo na nakita niya sa may gilid at hinawakan ng mahigpit."Hmm.." tinig na narinig niya mula sa isang babae. Maya-maya pa lamang ay may natanaw na siyang isang pares ng pa
"Mara!" aligagang lumapit si Andrew kay Mara na nakahilata lang sa loob ng banyo. Pero tumalikod din siya kaagad nang mapansin niyang hubo't-hubad ito."Anong nangyari? okay lang ba siya?" pumasok din ang ina ng binata sa loob ng kuwarto at nadatnan na lamang niyang nakatayo si Andrew sa loob, habang nakahiga naman sa sahig ang dalaga."Ano bang ginagawa mo diyan? kunin mo yung tuwalya at tumawag ka ng ambulansya, dalian mo!" pagkasabi ay lumabas na siya ng banyo. Lumapit naman ang ginang sa dalaga at dahan-dahan niyang sinuotan ito ng underwear."Tita, salamat po at pasensya na ho' talaga." Maluha-luhang ani ng dalaga sa kaniya."Naku, ikaw talagang bata ka. Kahit kailan napaka-clamssy mo talaga." Tugon naman ng ginang sa kaniya. Pagkatapos niyang suotan ito ng underwear ay binalutan naman niya ng underwear ang katawan ni Mara, upang takpan ito at hindi matuyuan ang kaniyang likod.Ilang saglit lang ay
"Ang totoo po niyan, mayroon nga po akong nagugustuhang babae." Mahiya-hiyang ani ni Ethan sa dalawang ginang. "Naku, sabi ko na nga ba e! aber sino naman kaya itong masuwerteng dalaga na bumihag sa puso ng binatilyo natin?" pabirong saad nito sa kaniya. Ngumiti lang ang binata at sandali siyang napalingon sa kinaroroonan ni Mara.Tila napansin naman iyon ng dalaga kaya kaagad din niyang tinakpan ng kumot ang kaniyang mukha. Pero hindi naman siya gaanong pinansin ni Ethan at binalewala lang siya nito. "O siya, Ethan. Iwan mo na kaming dalawa rito at baka may iba ka pang gagawin. Nga pala, wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Aling Tere sa kaniya. Bigla tuloy napatingin ang binatilyo sa relo niya at napatayo siya nang mapagtantong mahigit dalawang oras na pala siyang late sa klase niya. "Naku, oo nga po pala! nawala tuloy sa isipan ko na napadaan nga lang po pala ako rito. Sige ho, maiwan ko na
Nakita kaya ako ni Ethan? paglalayag sa isipan ng dalaga habang tinatakpan ang sarili niya ng kumot. "Hoy, ano ang ginagawa mo riyan? at bakit ba nakatalukbong ka ng kumot diyan? hindi ka ba naiinitan?" usisa ng nobyo nitong si Andrew sabay inalis niya ang nakatalukbong kumot sa kaniya. Tumingin naman ng masama ang dalaga sa kaniya at muling tinakpan ang sarili niya. "Ano ba kasi ang ginagawa mo diyan? para kang nakakita ng multo? at saka sino ba yung tinataguan mo?" saad pa nito sa kaniya. Sinundan siya ng tingin ni Andrew mula sa tapat ng pinto pero wala namang ibang tao roon.Okay lang kaya siya? hindi kaya napuruhan pati ang utak niya? bulong ng binata sa isipan niya at muli siyang lumingon sa dalaga. "Ano, kakain ka ba o maghapon ka na lang ganiyan?" tanong niya. Tila napansin naman ni Mara na wala na roon si Ethan. Kung kaya't inalis na niya ang kumot na nakatakip sa kaniya.
"Saan mo ba ako dadalhin hijo?" tanong ni Aling Teresa kay Ethan. Kasalukuyan itong nasa loob ng sinehan. Nakapiring ang kaniyang mga mata ng puting panyo habang dahan-dahan siyang inaalalayan ng binata sa braso nito."Basta ho. O dahan-dahan lang po ha?" aniya habang pababa naman sila ng hagdanan. Nang makarating na sila sa pwesto nilang dalawa ay inalis din niya kaagad ang panyong nakatakip sa mata nito.Halos namangha ang matanda sa kaniyang nakita. May malaking screen sa harapan niya at tangging silang dalawa lamang ang nandoon."Bakit tayo nandito? bakit mo ako dinala sa ganitong lugar? hindi ba't pang magkasintahan lamang ang lugar na ito?" usisa ni Aling Teresa sa kaniya. Ngumisi naman ang binata sa kaniya at siyaka inilabas ang isang talumpon ng bulaklak na kanina pa niya itinatago sa likuran niya."Sharan! magandang bulaklak para sa magandang binibini." Nakangiting bati
(Len's POV) "Naku, bakit kaya wala pa ang mag-lolang iyon? mukhang nag-enjoy yata sila masyado sa pamamasyal." Ang sabi ko sa sarili habang tinutupi ko ang kumot ni Aling Teresa at inaayos ang mga damit niya.Gusto ko sanang maabutan niya na maayos ang higaan at mga gamit niya sa pagdating nilang dalawa ni Ethan. Nasasabik na akong makipagkwentuhan ulit sa kaniya. Halos dalawang araw kasi silang nawala rito sa hospital upang mamasyal, habang naiwan naman akong mag-isa rito at pagatas-gatas na lang.Narinig ko sa isang nurse na ngayong araw din ang pagbalik nila sa hospital. Kaya nagmuni-muni muna ako sa labas ng kuwarto habang may hawak hawak pa ring isang basong mainit na gatas."Hello, good morning!" isa-isa kong binabati yung mga taong nakakasalubong ko pasyente, doktor o nurse man iyan. Hindi na kasi ako makapaghintay na makita silang dalawa at naipon na rin sa isipan
"Paniguradong masaya na si Lolo Andrew, kung nasaan man siya ngayon." Ang winika ni Juanito sa kaniyang nobya habang nakatayo ito sa harap ng puntod ni Andrew."Siya nga pala, maaari ba akong magtanong tungkol sa lolo mo?" usisa ni Maria sa kaniya."Oo naman. Ano ba yung itatanong mo?" nakangiting saad nito sa kaniya."Bakit dito inilibing ang lolo mo, imbis sa tabi ng asawa niya?" tanong niya, sabay inakbayan siya sa balikat ni Juanito."Ang totoo niyan hindi talaga sila ikinasal dalawa. Nabuntis si Lola noon ng ex boyfriend niya at hindi siya pinagutan nito. Tinakbuhan siya nito at nagtago sa malayong lugar kung saan hindi siya mahahanap ni Lola." Ang tinugon niya sa kaniya."Ibig mong sabihin, hindi niya tunay na anak ang Papa mo?" aniya at saka naman tumango sa ulo si Juanito."Hindi man niya tunay na kadugo si Dad, pero itinuring niya kami na parang tunay niyan
(Andrew's Epilogue)Nabalitaan ko na lang mula sa mga dati naming mga kakilala at kaibigan noon, na namaalam na si Mara.Huli na nang malaman ko ito at limang taon na ang nakakalipas magmula ng pumanaw siya.Pasikreto akong tumungo sa puntod niya na walang ibang kasama, kun'di ako lamang mag-isa.Matanda na kasi ako at hindi na rin gaanong kalakasan ang mga buto't laman ko. Makalimutin na din ako at palagi akong naliligaw ng daan, kaya madalas akong sinasamahan ng apo kong si Juanito.Pero nung nalaman ko ang tungkol kay Mara ay inilihim ko sa kaniya ang plano kong pagpunta sa puntod niya.Ayokong makaabala pa sa kaniya lalo na't marami rin siyang inaasikaso tungkol sa nalalapit nilang kasal ng kasintahan niyang si Maria.Sa araw na iyon ay tumakas ako sa bahay namin. Dala ang lumang pitaka ko na halos magsasampung taon na at isang pirasong rosas na binili ko lang sa batang naglalako ng
(Epilogue)"Masyado ba kitang pinaghintay ng matagal?" Bigla na lang napalingon si Mara sa pamilyar na boses na kaniyang narinig."Ethan?" aniya na bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Gumuhit naman ng malawak na ngiti sa labi ang binata at saka ito humakbang palapit sa kaniya. Halos natulala naman si Mara at hindi makapaniwala nang muli niyang masilayan ang mukha ni Ethan."Patawad kung pinaghintay kita ng kay tagal." Mahinang sambit nito sa kaniya.Bigla naman tumulo ang luha sa gilid ng mata ni Mara, habang pinagmamasdan niya si Ethan."Siya nga pala, para sa pinakamamahal ko." Dugtong nito sabay inilabas mula sa likod niya ang isang palumpon ng mga rosas.Tinitigan muna ito ni Mara at saka siya gumuhit ng ngiti sa kaniyang labi."Namiss kita ng sobra, Mara. Patawad kung iniwan kita ng mag-isa at pinaghintay
Mara's POVSumapit ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Ethan, ang araw ng kasal naming dalawa.Kahit bumigay na rin ang kaniyang katawan at hindi na siya nakakakita pa ay tinuloy pa rin namin ang aming kasal. Hindi ako umalis sa tabi niya, katulad ng mga ipinangako ko sa kaniya. Inalagaan ko siya at binantayan minu-minuto, oras-oras. Ayokong mawalay siya sa aking paningin kahit isang segundo lang o kahit sa isang kisapmata. Kung minsan ay napapaiyak na lang ako sa loob ng banyo at tinatakpan ang aking bibig, upang mailabas ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Nalaman ko na lang din na tumungo na si Andrew sa ibang bansa, upang kamtin ang matagal na niyang pinapangarap na maging isang professional photographer.Hindi na rin siya naka-attend pa ng kasal naming dalawa, marahil ay dahil ayaw na rin niya akong makita pa. Pagkatapos kong bitawan sa kaniya ang masasakit na salitang iyon at mas nakakabuti na rin iyon para sa ikatatahimik naming lahat.
Mara's POVTinungo ko ang hospital na nakasaad sa medical result ni Ethan. Sumakay ako ng taxi upang mas mapabilis ang pagpunta ko roon, pagkababa ko naman ng sasakyan ay pinagmasdan ko ng maigi ang nasabing hospital. Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung hospital na kung saan na-confined ang lola-lolahan nuon ni Ethan at kung saan din ako dinala nuon ni Andrew nang ako ay mapilayan, pagkatapos kong madulas sa loob ng banyo. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumuloy na nga ako sa loob nito. Pagkapasok ko naman sa loob ay nadatnan ko ang ilang mga pasyente roon na nagpapabilad sa araw o kaya naman ay naglalakad-lakad.Pinagmamasdan ko ang bawat paligid ko, nagbabakasakaling makikita ko lang siya doon bilang isa sa mga pasyente. Sinubukan ko muling tawagan siya sa phone number niya, pero nakapatay pa rin ito at wala akong ring na naririnig. Sa kabil
Mara's POV Mahigit dalawang linggo ko nang nakakasama si Andrew sa lahat ng mga lakad ko, upang kumpletuhin ang mga kakailanganin sa nalalapit naming kasal ni Ethan at kung saan siya din dapat ang gumaganap sa ginagampanan ni Andrew ngayon. Halos mahigit dalawang linggo ko na ring hindi nakikita si Ethan, ni hindi man lang siya tumatawag sa akin upang kamustahin ako o kahit alamin man lang ang lagay ng preparation namin para sa kasal.Sa tuwing tinatawagan ko naman siya sa phone number niya ay palagi siyang out of coverage o kaya naman ay abala sa pagtatrabaho niya bilang isang doktor. Subalit, habang lumilipas ang segundo, minuto, oras at panahon ay unti-unti na din nagiging delikado ang nararamdaman ko para kay Andrew. Pakiramdam ko ay bumalik na naman ako sa dating ako na marupok at patay na patay sa kaniya.Sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya ay mas lalo pan
"Good morning, may i ask for, Doktor Ethan?" ang sabi ni Liza sa isang nurse receptionist sa nurse station. "Si Dok Ethan ba ang hinahanap mo?" kaagad din naman siyang napalingon sa babaeng doktor na nagsalita mula sa likuran niya. "Yes," tugon niya habang pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa at pabalik. "Ako nga pala si doktor Ara, close friend at katrabaho ako ni dok Ethan." Pagpapakilala nito sa kaniya, sabay nilapag ang isa niyang kamay upang makipagkamayan sa kaniya. Hindi naman nagdalawang isip na hawakan ito ni Liza at ngumiti na lang sa kaniyang labi. "Ako naman si Liza, matalik niyang kaibigan." Pagpapakilala naman niya. "Ahh, i see. Puwede bang makausap muna kita sandali?" pagkasabi nito ay kaagad din naman silang nagtungo sa office nito, habang pinagmamasdan naman ng dalaga ang itsura ng office nito sa loob. "Pa
Sandaling hininto ni Andrew ang sasakyan sa isang tabi nang mapansin niyang nakatulog na pala si Mara sa tabi niya habang sila ay bumabyahe patungo sa bahay nito. Maingat siyang lumapit at inayos ang ulo nitong nakatabingi upang hindi mangalay ang kaniyang leeg. Pagkatapos non ay hinawi niya ang hibla ng buhok nitong natatakpan ang kalahati niyang mukha at saka sinilid sa likod ng tenga niya. Tahimik niya itong pinagmamasdan at naisipan niyang kuhanan ito ng litrato. Mga tatlong kuha ang ginawa niya at siyaka ito muling pinagmasdan ng maigi. "Paano ka nakakatulog ng mahimbing na katabi ako? ang lalaking nagpapaiyak sa'yo palagi at nagwasak ng iyong puso?" mahinang turan niya habang tinititigan niya ang maamo nitong mukha. "Patawad kung nanggulo na naman ako sa buhay mo. Patawad kung nagpakita na naman sa'yo ang manlolokong lalaking ito, patawad kung ito lang din ang magagawa
Kasalukuyang nasa loob ng italian restaurant si Mara, nakaupo sa reservation table na pina-reserve ni Ethan para sa kanilang dalawa at halos labing limang minuto na siyang naghihintay roon, ngunit hindi pa rin dumarating ang kaniyang nobyo.Nang may biglang nagsalita mula sa likuran niya at mabilis naman siyang napalingon sa pag-aakalang si Ethan na nga yung lalaking nakatayo roon."Mara?""Ethan-" subalit laking pagtataka na lamang niya nang makita si Andrew at tila parehas pa silang nagulat sa isa't-isa."A-anong ginagawa mo rito?" usisa ng dalaga sa kaniya na may bakas ng pagtataka sa mukha niya.Halos napatayo rin siya at palingon-lingon sa paligid nila, upang hagilapin ang fiancee nito subalit ni anino nito ay wala siyang nakita."Pinapunta ako rito ni Mr. Ethan at may importante raw siyang sasabihin sa akin," ang tinugon naman ni