Sa loob ng sasakyan, tanging si Elisia at Nathan na lang ang natira.Hinubad na ni Elisia ang suot na takong, pagkatapos ay malaya niyang kinuskos ang talampakan pataas at pababa. Tila minamasahe nito ang isa't isa. Pagkatapos ay inayos niya ang sarili sa pagkakaupo at plano niya munang matulog sa byahe. Ang araw na ito ay talagang nakakapagod. “Kahit na walang malinaw na kondisyon ang kontrata…” Ngunit kapipikit pa lang ni Elisia ng mga mata ay bigla na lang nagpahayag ng opinyon si Nathan.“Umaasa pa rin ako na sa taong ito, pananatilihin mo ang distansya mo sa mga lalaking nasa paligid mo. Lalong lalo na kay Jake.” “Katrabaho ko si Jake at ginagawa pa rin namin ng magkasama ang in-depth report.” Sa loob-loob ni Elisia ay gusto niyang hindi sumang-ayon dito.“Edi, subukan mong hindi makipagkita sa kanya sa labas ng trabaho.”Gustong magreklamo ni Elisia, ngunit nang maisip iyon ay pinigilan niya ang sarili. Ito ang amo niya at ito rin ang magdedesisyon sa huli.“Okay.”Pagkatapos
“So, nakita mo ang asawa ni Nathan kagabi?” Maagang nagising si Elisia ng umagang iyon, nang bumangon siya ay wala na si Nathan at may almusal na inihanda ito sa ibabaw ng lamesa. Plano niyang magpatuloy sa pagtulog, ngunit naalala niya na ilang araw na niyang hindi nakakausap si Danica, kaya naman agad niya itong tinawagan.“Yes.” Kinain ni Elisia ang inihandang almusal ni Nathan habang abala sa pakikipag-video call kay Danica.“Ano ngayon sa tingin mo, Ms. Elisia?”“Tapat kong ginawa ang obligasyon ko. Nang umamin sa'kin ang ibang lalaki, palagi kong inaalala ang obligasyon ko na panatilihin ang kasal na ito at ipahayag ang pagmamahal ko kay Nathan.”“Teka, teka, teka, sabi mo may ibang lalaki ang umamin sa’yo?” Magaling si Danica sa pagkuha ng punto pagdating sa tsismis. “Sino ‘yan? ‘Yong kasamahan mo ba sa trabaho?”“Paano mo nalaman?” Medyo nagulat si Elisia, wala pa siyang sinasabi na kahit ano dito.“Kahit ang bulag na tao ay makikita iyon, halata naman na interesado sa'yo ang
“Elisia, sabihin mo sa'kin ang totoo, ikaw ba at si Nathan ay may kontratang pagpapakasal?”Habang nasa daan ay paulit-ulit siyang tinatanong ni Jake.At sa maikling oras na iyon, nakaisip na ng sagot si Elisia. “Bakit ba pinipilit mo akong sumagot?”Sa gilid ng kalsada, si Elisia na palaging kalmado ay bigla na lang nagsalita sa mataas na boses, pinagmumukhang galit ang sarili.Nang magtama ang mga mata nila, napansin ni Jake na bigla na lang namula ang mga mata ni Elisia, dahilan para bigla na lang siya nitong matalo.“Elisia, Elisia, huwag kang umiyak. Hindi ko naman gustong pilitin ka, sorry, sorry talaga. Mali ako, nagkamali ako.” Mabilis na nag-alala si Jake at halos wala siyang masabi sa pagiging madaldal at palatanong niya.Tinignan ni Elisia si Jake at sunod-sunod na sumingot habang ang mga luha ay patuloy ang pagdaloy sa pisngi niya.Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Jake na umiiyak si Elisia dahilan para sandali siyang matigilan. Sa sandaling iyon, hindi na niya alam
Nakasuot lang ng kaswal na suit si Elisia ngayon at hindi na siya naglagay pa ng make-up, ngunit sa kabila no'n ay maganda pa rin namang tignan ang balat niya.Dala niya ang isang simpleng bag, ngunit ang halaga no'n ay anim na numero din. Sumakay siya sa kotse mula sa bahay nila at si Jake ang nagmamaneho.Nang makarating sila sa pintuan ng tindahan, namataan nila ang manager na nakatayo roon para salubungin sila. “Mrs. Lucero, nandito ka po pala.” Hindi niya alam kung ilusyon niya lang iyon, dahil pakiramdam niya ay ang ngiti sa mukha ng manager ay tila mas lalong naging intense kumpara noong nakaraang araw na nakita niya ito. Nang makarating si Elisia, napag-alaman niya na siya lang mag-isa ang nasa loob ng malaking tindahan.“Mrs. Lucero, espesyal na isinara po namin ang tindahan at tanging ikaw lang ang tatanggapin naming bisita ngayon.”Ang ganito kalaking tindahan ay isinara lang? Paniguradong may intensyon ang mga ito. Tumango si Elisia, ngumiti sa manager at pagkatapos ay
“Ah, hindi ba ito illegal?” Nagpapanggap na saad ni Elisia.“Wala namang batas na nagbabawal no'n.” Hindi sumasang-ayon na saad ng manager, “Mrs. Lucero, hindi na ito bago sa mga mayayamang tao. Katulad lang ito ng vitro fertilization.” “Talaga?” Nagpatuloy siya sa pagpapanggap na nag-aalangan. Upang maalis ang naiisip ni Elisia, muling naupo sa tabi niya ang manager at inumpisahang ipaliwanag ang buong proseso at detalye sa bahagi nito. Nang matapos ang lahat, gabi na ng makalabas si Elisia.Matapos makapasok sa loob ng kotse at makaalis sa tindahan, sa wakas ay napanatag din si Jake.“Kamusta?” tanong ni Jake.“Na-record ko ang lahat kanina, nandito lahat.” Itinaas ni Elisia ang maliit na camera at mic na hawak habang ang mukha ay may matagumpay na ngiti. “Nakapagpa-appointment na rin tayo para sa pagpunta sa kumpanya nila sa susunod na linggo, para makita rin natin kung aling kumpanya ang pinamumunuan talaga ng manager. Ang lakas ng loob nilang magtayo ng kumpanya, talagang hind
Nang malaman na hindi naman gaanong seryoso ang sakit ni Sandra, hindi nagmadaling umalis si Nathan.Matapos ang lahat, nahimatay ito sa harap ng opisina niya at kung aalis siya habang hindi pa ito nagigising ay hindi naman iyon tama. Kaya naman inumpisahan na lang ni Nathan ang trabaho sa labas ng ward. Walang ibang tao sa palapag na iyon, tanging si Nathan lang at Simon. Si Simon ay talagang isang magaling na assistant dahil kaya nitong ibigay ang lahat ng pangangailangan ni Nathan kahit anong oras.“Sandra, Sandra, may problema ba?” Ang tahimik na palapag ay bahagyang umingay dahil sa pagdating ng isa pang tao. Itinigil ni Nathan ang trabaho at nakita ang medyo pamilyar na tao.Matapos halukatin ang laman ng isipan, naalala niya na kung sino ang nasa harap niyang medyo may katandaang lalaki. Si Ivan Rojo, ang dating agent ni Sandra. Sa nakalipas na taon, matapos pumunta sa ibang bansa ni Sandra, madaming artista rin ang napalaki ni Ivan. Sa kasalukuyan, ang mga artista na iyon
“Hindi mo alam kung gaano ako kapagod nitong mga nakaraan.” Nang sumapit ang gabi, ang crew na kinabibilangan ni Danica ay binigyan siya ng kalahating araw para magpahinga. Kaya naman agad na pinuntahan niya si Elisia.Ang dalawa ay matagal ng hindi nagkikita at sa wakas, napagdesisyunan nilang pumunta sa bar para maupo. Ang bar pinuntahan nila ay tahimik, nagpapatugtog sila ng malambing na musika at ang mga tao ay abala sa pag-uusap. Pagkaupong-pagkaupo pa lang nila ay nagsimula ng magreklamo si Danica patungkol sa enerhiya niya sa panahong iyon.“Sobrang hinahangaan ko na talaga si Duke.” Tinignan ni Danica si Elisia habang sa mukha nito mababasa ang kawalan nito ng masasabi. “Ito ang unang beses na nakakita ako ng idol drama na sobrang bagal ng pagkuha. Basta may lugar na hindi maganda, ang lahat ay kailangang ulitin ulit mula sa umpisa.” “Hindi ba't mas maganda iyon? Mas lalo kayong gagaling. Mas mabuti na iyon kumpara sa ibang mababa ang kalidad na TV drama sa pamilihan ngayon
Ang mga sinabi ni Elisia ang nakapagpaintindi kay Danica na ang mga nakaraang inaalala niya ay hindi naman kailangan.Natatakot siya na mahulog ang loob ni Elisia kay Nathan dahil natatakot siyang makita itong masaktan.Itinadhana sila na magmula sa magkaibang mundo. Ang bagay na iyon ay hindi maitatangging katotohanan.Ang dalawa ay nag-usap ng magdamag at sa wakas naunang mag-ring ang cellphone ni Elisia.Nang makita kung sino ang tumatawag, mabilis na diretsong naupo si Elisia at ang buong pagkatao niya ay magalang na sumunod. “Hello, Mr. Lucero~”Nang marinig ang itinawag nito sa kanya ay bahagyang nangunot ang noo ni Nathan. Bakit nag-umpisa na naman itong tawagin siyang gano'n?“Oh, hindi, Nathan, anong problema~”Ngunit nang sumunod na segundo ay maingat na pinalitan ni Elisia ang itinawag nito sa kanya. Pinalitan nito ng matamis na pagtawag. “Nasaan ka?” Mabilis na naging magaan ang mood ni Nathan.“Kasama ko si Danica.” Bilang asawa ni Elisia, natural na alam niya kung sino
“Tina, bakit pakiramdam ko ang wirdo ng mga nangyayari.” Si Mike at ang store manager ay lumabas ng kwarto at pinaalis ang mga taong nasa paligid nila. Lumapit si Mike sa manager at sinabi rito ang pagdududa niya. “Anong problema?” Hindi pa rin ito gaanong maintindihan ng manager.“Sabihin mo, talaga ba na ang dalawang taong iyon ay si Mr. Lucero at Mrs. Lucero?” Tinignan ni Mike ang manager ng may mahinahong ekspresyon sa mukha. “Sa pagkakaalam ko, si Nathan Lucero lang ang nag-iisang tagapagmana ng Lucero's Group. Ang matandang Lucero ay isang taong hindi nagbabago ng isip. Sa tingin mo ba, papayag ang matandang Lucero na ang apo niya ay naghahanap ng taong magdadala ng items para sa kanya? At kasal na siya, bakit kailangan pa niya ng taong magdadala ng items para sa kanya?”“Marahil dahil naaawa siya sa sakit na mararamdaman ng asawa niya sa panganganak. Normal naman iyon,” saad ng manager, “Marami tayong mayayamang asawang babae noon na pumunta sa'tin dahil nag-aalala sila na maw
Nakaupo si Elisia sa tabi nito, bahagyang nalula siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay maling gamot ang nainom nito ngayon. Sa huli, dalawang beses lang siyang naubo, hindi na siya kumibo pa at tahimik na lang na naupo sa tabi nito.Ikinalma ni Jake ang sarili at inobserbahan ang estado ng dalawang tao sa likuran niya sa rearview mirror. Matapos magmaneho ng mahigit kalahating oras, ang senaryo sa paligid nila ay mas lalong umonti. At sa wakas, ang kotse ng store manager ay huminto sa puting building.“Mr. Lucero, Mrs. Lucero.” Pagkaparada ng sasakyan, tumakbo palabas ng kotse ang store manager at magalang na sinalubong sila Nathan at Elisia.Ang dalawa ay nagkasundo sa loob ng kotse. Dahil handa siyang tulungan ni Nathan, sisiguraduhin ni Elisia na gagamitin niya ito ng tama. Kaya naman ng makababa sa kotse, natural na kinuha niya ang mga braso nito.Naglakad silang apat papalapit sa gate. Nang makita nila ang puting building sa harap nila, hindi pa rin maiwasang magulat ni E
Matapos dumating ni Nathan, mas lalong naging mapagbigay ito. Gumastos lang naman ito ng nagkakahalaga ng walong numero sa tindahan.Hindi niya alam kung ang paggastos nito ay para galitin si Jake o para tuluyang maalis ang pagdududa ng store manager. Ngunit ano man sa dalawa, ang paggastos na iyon ay talagang labis na ikinabahala ni Elisia.Okay, ang pera ba ng mayayaman ay hindi mabibilang na pera? Ang gano'n kalaking pera, gagastusin lang nito dahil sinabi nito?Sobrang nababahala si Elisia, ngunit sa kabila no'n ay hindi naman maitago ang ngiti sa mukha ng store manager. Matapos ang kalahating oras, matapos ang paalala ni Elisia, sa wakas ay opisyal na itong nailagay sa pang-araw-araw na routine. Ang store manager ang nagmamaneho sa unahan upang pangunahan ang daan. Sa likod naman nito ay si Jake, at si Nathan at Elisia ay nakaupo sa likurang upuan. Sinusundan nila ang kotse ng manager papunta sa destinasyon nila.“Bakit nandito ka? Wala ka bang gagawin ngayong hapon?” Medyo nasu
“Mr. Lucero, may bagay akong ire-report sa’yo.”Katatapos lang ni Nathan sa meeting at kasalukuyan niyang binabasa ang bagong kontrata na para sa proyektong promosyon, nang kumatok si Simon sa pinto ng opisina niya. “Anong problema?”“Ngayon lang, ang asawa mo ay nagpunta sa bagong bilihan ng electronic equipment sa lungsod at bumili siya ng maliit na camera at microphones.”Pagkasabing-pagkasabi no’n ni Simon, si Nathan na nakayuko at abala sa pagpirma ng mga dokumento ay mabilis na naitaas ang ulo at tumingin kay Simon. “Kaibigan ko ang manager ng electronic equipment store. Sinabi niya lang sa'kin na may customer daw sila na bumili ng latest na equipment at bumili ng nagkakahalaga ng libo-libo ng hindi man lang kumukurap,” mabilis na paliwanag ni Simon, “Nagpadala rin siya sa'kin ng larawan. Nang makita ko, doon ko nalaman na ang asawa mo ‘yon.”Nang sabihin niya iyon, mabilis na ipinakita ni Simon kay Nathan ang chat record nila ng kaibigan niya.Nilakihan ni Nathan ang larawan
“Handa ka na?” Sa loob ng opisina, si Elisia at Jake ay handa ng umalis. Naglagay na ng maliit na camera si Elisia, may kasama na itong radio function. Para sa kaligtasan niya, nagdala rin si Elisia ng pepper spray at ilang maliliit na kagamitan para maprotektahan ang sarili. Kung saan inilagay niya sa isang mamahaling bag na nabili niya sa luxury store ilang araw na ang nakalilipas. “Tara na.” Tinapik ni Elisia ang bag at ramdam niya na halos handa na ito. Kaya naman sinabihan niya si Jake na umalis na.Ang dalawa ay sabay na umalis sa trabaho habang mababakas naman sa mukha nila ang espiritu ng pagiging palaban. Ang postura nila ay naagaw ang pansin ng mga kasamahan nila sa trabaho. Ilan sa kanila ay nagsama-sama at nagbulungan.“Narinig ko na nakakuha raw ng malaking balita si Elisia at Jake.”“Malaking balita, anong klaseng malaking balita naman iyon?” Nang marinig iyon, ang katrabaho na katabi niya ay napuno ng pagkadisgusto, “Sa panahon ngayon, mas mabilis na nalalaman ng mga
Kinaumagahan, nang magising si Danica, nakaalis na si Elisia. Bago umalis, naghanda ito ng mga bagong damit para kanya. Nang makapagpalit ng damit at makalabas, namataan niyang may nakaupo sa sala sa labas. Mukhang suot rin ni Duke ang bagong damit ni Nathan. May almusal na rin sa lamesa. Nang marinig nitong bumukas ang pinto, tumingala ito at tinignan si Danica. Nang magtama ang mga mata nila ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkailang.“Magandang umaga,” naiilang na unang bumati si Duke, “Pumasok na sa trabaho si Nathan at Elisia, kumain ka muna ng almusal.” Dahil sinabi na nito, nahiya na ring tumanggi si Danica.Kaya naman sinunod na lang niya ang sinabi nito at naupo sa hapag.May gatas at sandwich sa lamesa, kaya naman masunuring ininom ni Danica ang gatas. “Salamat kahapon.” Kahit na lasing si Duke, may impresyon pa rin siya sa naging ugali nito kagabi. “Sinabi ni Nathan na nagulo kita. Wala naman akong nagawang nakakahiya, ‘di ba?” Nang makitang walang maalala
Parang may humaplos sa puso ni Danica at Elisia sa sinabi ni Nathan.Matapos ang lahat, ang assistant ni Kyla ang pinakahuli sa mga may kinalaman sa bagay na ito. “Pero ang magagawa ko lang sa kasalukuyan ay ang kontakin ang assistant ni Kyla para alamin kung handa ba itong linawin at sabihin ang mga kasinungalingan ni Kyla. Kung hindi niya gusto, hindi natin siya pipilitin.” Nagmamaneho si Nathan ng may kalmadong ekspresyon sa mukha. “Mas mabuti kung lilinawin niya iyon, pero malilinis pa rin naman natin ang pangalan ni Duke kahit wala siya.” “Salamat, President Lucero.” Nang maisip ang nakakaawang itsura ni Duke kanina ay kusang nasabi iyon ni Danica.Sinulyapan ni Nathan si Danica sa rearview mirror at nasaksihan niya itong nakatingin kay Duke. “Hindi na iyon mahalaga, parang kapatid ko na si Duke, gagawin ko ang lahat para malinis ang pangalan niya.”Matapos sabihin iyon ni Nathan, biglang napagtanto ni Danica ang sinabi nito. Si Nathan at Duke ay mabuting magkaibigan, hindi nga
Napataas ang tingin ni Duke sa hawak ni Danica. Tinignan niya ito ng may mamasa-masang mata.Natigilan si Danica sa ekspresyon nito. Ito ang unang beses na may lalaking tumingin sa kanya ng ganito dahilan para hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya. Gusto niyang bawiin ang kamay sa pagkataranta, ngunit pinangunahan siya ni Duke, ipinatong nito ang malaking kamay sa ibabaw ng kamay niya.“Napakabait mo, Danica.”Naalarma ang bell sa puso ni Danica. Ang maharot na tono ni Duke ay iwinawala siya sa katinuan. Si Director Duke na madalas ay seryoso ay bigla na lang naging maharot na tuta.Ang ganitong presensya nito ang dahilan para hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin.Matapos ang mahabang sandali, tinanggal niya ang kamay sa ilalim ng palad ni Duke at pagkatapos ay kinuhanan niya ito ng ilang pagkain gamit ang chopsticks. “Kumain ka na, huwag kang mag-isip ng ibang bagay.” Nang maisip na may taong sasamahan siya, pinulot ni Duke ang chopsticks at kumain ng may masama
Dahil sinabi ni Nathan na siya na ang bahala, sisiguraduhin niya na maaayos niya ito.Nang sa wakas ay matapos ang filming, hinikayat ni Nathan si Duke na huwag ng masyadong mag-isip. Siya na ang bahala sa iba. Sa grupo nila, nagsalita rin si Mikey, sinabi nito na mag-po-post din ito sa Weibo para ipagtanggol si Duke.Matapos ang lahat, mayroon ding mga tagahanga si Mikey sa circle.Nakaramdam ng sobrang pagod si Duke. Matapos gawin iyon ni Kyla, imposible ng matuloy ang pakikipagtrabaho niya rito. Ang role nito ay positibo rin. Teammate ito ni Sol na ginanapan ni Danica. May magandang proseso rin ito ng paglago at ilang highlights sa palabas. Pero ngayon, nang makita ang estado ni Kyla ng paglalagay ng asin sa sugat, hindi nito kayang gampanan ng maayos ang role nito. Nagpadala siya ng mensahe kay Nathan, sinabi niya na hindi niya hahanapin si Kyla para sa role nito. Magpapalit na lang sila ng tauhan. Sinabihan lang siya ni Nathan na kumalma muna at bibigyan siya nito ng resulta.H