"Dahil ba sakin?" Walang ka hiya-hiyang tanong nya, tumikhim ako bago sumagot. "E-Ewan..." Tumayo ako at tumungo sa likuran nya para rin hindi nito makita ang mukha ko na nag sisimula ng mamula.
Biglang nag vibrate itong phone ko kaya kinuha ko ito at tinignan.From unknown number: Inaalagaan mo ba siya ng mabuti?Napakunot bigla yong noo ko. Sino ba ang taong ito?! Simula nong nakatira na si Alyana sa bahay ko ay panay ang text nito sakin. Baka si Xenon? Pero imposible naman, sa pagkakakilala ko sakanya ay di sya ganitong tipo ng tao.Hindi ko nalang pinansin iyon at huminga muna ng malalim para i-kalma ang sarili.
Yong duwende ay nandon lang mula sa di kalayuan, nakikipag laro sa mga batang babae.
Baka hindi talaga lalaki yang si Nash, bakla yan paglaki niya panigurado. Tatawa talaga ako ng napakalakas kong tama ang hinala ko.
Nanlaki ang mata namin ng makitang sinunt
Unti-unti kaming lumingon sa bandang likuran namin at laking gulat ng makita yong duwende na nakadapa na sa sahig habang umiiyak na at di mapigilang mapatingin sakin ng masama.Di ko naman sinasadya mapalakas yon, kasalanan ko bang malakas ako? Kasalanan ko bang sobrang gwapo ko este kasalanan nya rin naman kase siya yong nauna!"A-Ate Alyana." Iyak nyang tawag at mabilis naman syang nilapitan ni Alyana at niyakap, pinandilatan ako nong duwende bago yumakap pabalik kay Alyana."Ano ba kaseng nangyari Nash? Nadapa ka ba?" Tinulungan nya itong makatayo. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito ngayon at may kung ano pang pinagbubulungan."Hindi ako nadapa, binangga---hmm..." Mabilis kung tinakpan yong bibig niya."Binangga kase siya nong lalaking 'yon oh." Sabay turo sa kung sinong lalaki at mas lalo akong sinamaan ng tingin ni Nash pero kinindatan ko lang sya para inisin.
"Wow bahay mo 'to Mr. Driver?"Manghang tanong ni Nash habang ipinapalibot ang paningin sa bahay ni Stephen."Alangan namang bahay mo, tsk naiingit ka ba?""Ako naiinggit? Tsk, mas malaki pa yong bahay namin don sa cebu kesa dito at saka may bahay din kami sa Canada, sa sobrang dami ng bahay namin di ko na mabilang at matandaan. Mayaman kase kami eh." Natatawa nalang ako sa tono ng pananalita ni Nash."Mayaman? Eh, bakit wala man lang kayong mga katulog pfft...""May dahilan kase si Mommy ko kaya hindi na sya nag h-hired ng katulong! Kaya naman kase namin gawin ang mga gawaing bahay, di na namin kailangan ng ibang tao!"Tama si Nash mukhang di nila kailangan ng ibang tao kase si Madam Nessy yong nag luluto, nag lalaba at nag lilinis. Ako yong ginagawa ko ay binabantayan si Nash pero minsan din ay tinutulugan ko si madam kahit ayaw niya naman talaga akong tumulong sakanya kase di nam
"Matulog na tayo Nash gabi na, magagalit yong Mommy mo kapag matagal kang matulog. Stephen matutulog na kami--""Anong kayo? Kayo lang ba ang matutulog? Pano naman ako?!""Oh, sige matulog na tayong tatlo Stephen." Sabi ko ulit. Pumasok na kami sa kwarto ni Stephen at humiga naman ako deretso sa gilid..."Umusog ka nga, tabi kami ni Ate Alyana." Medyo maawtoridad na saad ni Nash."Wow kapal din ng mukha mo duwende ka baka nakalimutan mo yatang nasa pamamahay kita.""Hindi ko nakakalimutan 'yon kase di naman ako makakalimutin tsk." Tinulak niya yong balikat ni Stephen at dali-daling sumiksik para tumabi sakin.Bumangon si Stephen at masamang tumingin kay Nash, tumayo siya at pumunta dito sa gilid ko. "Usog." Utos niya sakin pinausog ko si Nash tapos umusog na din ako.Naramdaman ko ang kamay ni Nash na nakayakap sa bewang ko, bumaba ang tingin ko don at
"Ah, boy friend! Akala ko kasintahan mo ang lalaking iyon. Sayang bagay pa naman kayo Alyana ija."'Talaga bagay kami?' Gusto ko sanang itanong yan kaso nahihiya ako, kinagat ko nalang ang pang ibabang labi ko para pigilang hindi mapangiti."Mommy asan si Daddy ba't di nyo po siya kasama? Ilang araw ko na syang hindi nakikita?" Tanong ni Stephen kay madam."Busy lang siya anak, tumingin ka don sa loob ng sasakyan marami akong pasalubong para sayo.""Wow talaga? Salamat Mommy!" Niyakap nya ito at mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan nila."Bakit di niyo po kasama si Sir? Madam Nessy?" Wala sa sarili kung tanong, hala ba't yon ang lumabas sa bibig ko? Na cu-curious kase ako eh...di ko naman sinasadyang itanong talaga sakanya.Kita ko naman yong lungkot sa mga mata ni madam."A-Ah, marami pa kase siyang dapat asikasuhin doon at saka mali p
Muntik ko nang mabitawan yong cellphone na hawak ko dahil sa sinabi nong babae. "Po?" [Mommy niya ako.] Nilingon ko si Stephen na ngayoy nag pipigil nang tawa. Pinag ti-tripan niya ba ako? Kinuha nito ang cellphone na nasa kamay ko. "Mom bakit ka napatawag?"Mommy niya nga talaga yan? Bakit kase Stella yong nilagay at hindi mom o pwede namang Mommy Stella! Ang bilis-bilis ng tibok nitong puso ko ngayon, di ako mapakali. Ba't kase sinagot ko ang tawag na yon at sinunod ko pa talaga yong sinabi ni Stephen! "Yeah, okay lang naman ako. Oh, si Alyana? Uhm, oo girlfriend ko siya as in girl na friend mom, nag bibiro lang sya kanina. Ano? Ipapakilala? Hmm... pag iisipan ko. Ha ha ha! Ako mag lalaba? Nag bibiro lang din si Alyana tungkol don mom, hindi nga ako marunong mag laba, bata palang ako ayaw mo ngang gumawa ako ng gawaing bahay diba? Okay, pakikamusta nalang ako
"O-Opo...lagi ko naman syang na mi-miss, silang dalawa ni papa." Tinapik-tapik ni Manang Daley balikat ko."It's okay Alyana, ako nga rin na mi-miss ko yong nakakatanda kung anak. Mas nauna pa syang pumanaw kesa sakin." Di ko maiwasang hindi makatingin kay manang, ang sakit siguro non...kase nawalan siya ng anak. Pareho lang yong sakit kapag nawalan ng magulang at anak...pag usapang mahal sa buhay at nawala sila ay masakit naman talaga, sobrang sakit kase para na silang kaperaso mo, kapag nawala sila feeling mo hindi ka buo, na may kulang.Nang matapos na kaming mag luto ay inilapag na namin 'yon sa mesa habang si Stephen naman ay nakatitig sa akin, agad akong umiwas ng tingin kase naiilang ako."Salamat sa pagkain Manang Daley." Ngumiti lang si manang at nag simula nang kumain."Alyana." Nilingon ko si Stephen na nasa tabi ko lang."Hmm?" Umupo ako ng maayos.
"H-Hindi ito oras ng b-biruan Stephen!" Nauutal kung saad."Seryoso ako." Nag sisimula na namang bumilis 'tong kabog ng puso ko. Unti-unting gumagapang ang kamay nito papunta sakin. "S-Stephen tumigil ka, ano ka ba m-may llagnat ka!""May lagnat ka rin naman nong una nating ginawa." Gagu talaga!"Magkaiba 'yon okay.""Sige na please sumasakit na yong puson ko Alyana...""Bakit sayo lang ba ang masakit--" Napatakip ako ng bibig. Ayy sh*t! Sh*t! Nasabi ko! Di ko sinasadyang masabi yong totoo."What?? Oww, kanina mo pa ba ako pinagnanasaan Alyana?" Pinagnanasaan? Hindi no! Di ko kaya tinitignan yong abs mo at sunod-sunod pang napalunok, di ko ginawa 'yon innocente ako promise mamatay man si Stefanie este si Batman!"H-Hindi k-kaya! M-Mali yang i-iniisip mo!" Iling naman syang nap
"Okay, sasama nalang rin ako sayo papunta sa kwarto aalagaan ko din siya ate." Ngiting sabi nya yong ngiting 'yon ay sa tingin ko hindi maganda, napapailing nalang tuloy ako sa naiisip ko.Unti-unti kung binuksan yong pinto at nakita ko naman si Stephen na nakadapang nakahiga sa kama."Stephen.""Leave me alone!""Tara na Ate Alyana leave me alone daw oh." Saad ni Nash at hinawakan yong kamay ko para hilain sana pero biglang bumangon si Stephen."Ano na namang ginagawa mo ditong duwende ka!""What? Gusto ko lang tulongan si ate na alagaan ka." Lumapit si Nash sa kanya at kinurot ang pisngi ni Stephen."Ouch! Alyana sinasaktan ako ng duwendeng 'to!""Sorry Ate Alyana di ko sinasadya, ang cute kase ni kuya driver." Sabay kinurot-kurot ang magkabilang pisngi, hinampas naman ni Stephen yong kamay niya."Alyana paalis
Third Person's Pov.(18 years ago)"Alyana dahan-dahan lang sa pag takbo baka madapa ka." Sigaw ng babae sa anak nito, masaya nyang pinagmamasdan ang anak na tuwang-tuwa habang inililibot ang paningin sa paligid."Salamat ma, nakapunta ulit ako dito sa playground." Malapad itong ngumiti sakanyang ina."Syempre nangako kami ng papa mo na pupunta tayo ngayong birthday mo diba."Napangiti si Alyana kase lahat ng pangako ng magulang nya ay tinutupad nito. Mahal na mahal talaga sya ng mga magulang nya, kahit walang cake sa birthday nito ay ayos lang basta't nakapunta lang sya sa playground ay okay na 'yon sakanya."Dito lang kami ng papa mo, kung gusto mong makipag laro sa mga bata doon, okay lang saamin."Tumakbo si Alyana papalapit sana doon sa mga batang nag lalaro kaso may nabangga syang
1 month laterBirthday ng mom ni Stephen ngayon kaya nandito kami sa bahay nila at andaming tao dito na di ko kakilala pero mabuti nalang kase nandito sila Camille, John, Flyn, Sheila...Lumingon ako sa gilid ko at nakita si Nash na patakbong lumapit sakin."Ate Alyana!" Mabilis akong niyakap ni Nash kaya napangiti ako dahil don."Na miss kita ate sobra!" Nakasimangot nyang saad."Ako din Nash, na miss kita!" Mag sasalita pa sana sya kaso nabaling 'yong tingin nya kay Ellie na nasa gilid ko.Kita kung napatulala si Nash habang nakatitig rito at si Ellie naman nag flip hair habang nakatitig din kay Nash.Bumitaw sa pagkakayap sakin si Nash at lumapit kay Ellie."Ellie...ang ganda mo ngayon." Parang nahihiya pa nitong saad. Bigla nalang akong natawa ng mahina dahil sa inaasal nitong dalawa ng
Alyana Perez's Pov."Ang boring dito sa loob ng bahay ni Stephen kung sundan kaya natin sila?" Tanong ni Camille sakin.Kami lang kaseng dalawa ni Camille ang nandito, iwan ko ba sabi ni manang Daley hindi daw kami pwedeng sumama sakanila kase buntis kami...?"Ah, sige na cu-curious ako kung san sila pupunta eh. Pero teka di naman nila sinabi kung san sila tutungo kaya pano natin malalaman?""Eyy Alyana ano ka ba, ako na ang bahala dyan mautak kaya itong best friend mo no!""Okay may tiwala ako sayo." Kibit balikat kung sabi.May sasakyan naman si Camille kaya 'yon ang ginamit namin._"Hmm, kaninong bahay ito?" Takang tanong ko kay Camille ng makarating kami sa tapat ng isang bahay na malaki."Kela Vanessa? Teka ba't naman sila pupunta dito? Sinundan ko lang kung saan 'yon
3 days laterNandito na ulit ako sa bahay ni Stephen, dito na ako titira... si Tita Stella kase gusto nyang dito lang daw ako sa bahay ni Stephen."Alyana subuan muna ako!" maktol ni Stephen na parang bata.Kanina pa sya dyan, ayaw nyang kumain gusto nya pang subuan ko pa sya."Stephen gamitin mo yang kamay mo." Kalmadong sabi ko."Alyana naman eh!""Mabuti pang bilhin mo ako ng mangga!" Pinanlakihan ko sya ng mata."Mangga! Mangga! Puro ka mangga!""Galit ka ba huh?" Seryosong tanong ko at nagkasalubong pa ang kilay."H-Hindi ah, ito na nga bibili na!" Sabay tumayo sya.Ilang minuto ang lumipas ay nakabalik na sya."Oh, ito na.""Ay teka binili mo yan?"
Vanessa Taylor's Pov.Na-i-imagine ko na ako si Alyana, nag lalakad sa altar patungo kay Stephen..."That should be me, holding your hand." Napatingin ako kay Camille na nandito sa tabi ko"That should be me, making you laughThat should be me, this is so sad." Kanta niya kaya napatawa nalang ako ng mahina.Alam kung ako ang pinapatamaan niya sa lyrics na 'yon."That should be meThat should be meThat should be me, feeling your kissThat should be me, buying you gifts.""Stop it Camille." Kalmadong pag papatigil ko sakanya pero patuloy parin siya kaya hinayaan ko nalang ito."This is so wrongI can't go onTill you believeThat should be meThat should be me." napahawak ako sa dibdib ko at habol hininga.'Wag
"Kelan nyo balak magpa kasal?" Biglang tanong ni Vanessa kaya nanlaki 'yong mata namin ni Stephen."Pakasal? Bakit mo naman natanong Vanessa? Balak mo bang manggulo sa kasal namin?" Seryosong tanong ni Stephen at matalim na nakatingin sakanya."It's not like that Stephen, I just want to know kung kelan.""Hindi pa namin napag usapan ang bagay na yan Vanessa.""Uhm, sa nakikita ko mukhang di pa talaga kayo as in na okay, I mean 'yong bati na talaga...""Ano bang gusto mong sabihin? Deretsohin muna kami.""Alyana, Stephen, may request sana ako sainyong dalawa. Pwede bang paagahin nyo yong kasal nyo kahit simple lang, pwede namang ulitin nyo nalang sa susunod na buwan o kahit kelan nyo gusto...gusto ko sanang makitang ikasal si Stephen sayo Alyana..."Hinawakan ni Vanessa 'yong kamay ko at na
_Alyana Perez's Pov."Alyana!" Nagising ako bigla sa boses na 'yon."Ayos ka lang? Umiiyak ka ano bang napanaginipan mo?" Dahan-dahan akong tumingin kay Stephen na ngayoy nag aalalang nakatingin sakin."Napanaginipan ko si Vanessa..." Di ko alam pero biglang tumulo 'yong luha ko.Bumangon ako sa pagkakahiga at nakipag titigan kay Stephen."Why? Pati ba sa panaginip ginugulo ka nya? Sinaktan ka ba nya?""No, nag s-sorry sya sakin tapos...""Tapos ano?""T-Tapos bigla nalang syang nag laho." Napayuko ako."Yon lang pala eh, ano bang nakakaiyak don?" Hinimas-himas ni Stephen 'yong likod ko."Di... di ko alam nong pag hingi nya ng sorry ramdam kung sincere yon at sumisikip 'yong dibdib ko nang bigla nalang syang nag laho... p
"Mom ipapakilala ko po sainyo yong boyfriend ko si Stephen mamayang gabi--""Boyfriend? May boyfriend ka?! Why you didn't tell us!""Mom sinabi ko po sainyo nong isang linggo, nabanggit ko po sya habang kumakain tayo--""Ano bang pangalan ng lalaking yan? Saang pamilya sya galing? Mayaman ba yan o mahirap?""Stephen Wilson--""Wilson? Stella ba ang pangalan ng mommy nyan?!" Ngumiti sya sakin, pero ng ngiti na yon ay kakaiba."O-Opo," kagat labi kung sagot."Hiwalayan mo ang lalaking yan ngayon Vanessa!" Maawtoridad nyang sabi."A-Ano po? Mom di ko pa yan kayang gawin yan,/mahal ko si Stephen....""Hindi ka ba nakakaintindi Vanessa?!! Pag sinabi ko, gagawin mo! Maliwanag?!" Nag simula nang tumulo 'yong luha ko. 
Pagkauwi ko sa bahay ay pinagalitan ako ni mommy."Tumawag yong teacher mo sakin! Pinagbantaan mo daw yong mga kaklase mo! Hindi ka namin pinalaki ng ganyan Vanessa!" Kumuha ng sinturon si mommy at sinimulan akong paluin sa pwet."Dumapa ka dyan!" Sabi nito at sumunod na lamang ako. Umiyak lang ako ng umiyak at napadaing sa bawat pag palo nito sa binti."M-Mommy t-tama na, di ko na u-ulitin!" Patuloy parin ang pag agos ng luha ko."Talaga namang di mo na uulitin!" Galit nitong saad sabay hampas ng malakas sa binti ko gamit yong sinturon kaya mas napahagulgul ako sa pag-iyak.***"Daddy muntik na akong ma perfect na exam namin." Saad ni ate.Kasalukuyan kaming kumakain ngayon."Wow very good dahil dyan, may regalo ako sayo bukas.""Yeheyyy!"