Home / Romance / PURCHASED BY HIM / Chapter 2: THE BIDDER

Share

Chapter 2: THE BIDDER

Author: Heel Kisser
last update Last Updated: 2024-02-05 17:47:03

"I'm offering a bid!" nagtaas ng kamay naman ang isang matandang, naka-itim na jacket at may sumbrero na pang-cowbow, may tungkod pa. "2.1 million."

"I would like to place my bid too..." Napatingin naman siya sa kanan banda, isang matanda na naman na halatang mayaman ang nakataas ang kamay doon. "2.5 million pesos!"

May mga naghiyawan, at mas lalo siyang kinakabahan. Napakurot na siya sa kuko niya. Parang gusto niyang tumakbo pabalik sa backstage or sumigaw ng tulong sa tiyahin niya.

"I'm bidding, 3 million pesos!" may sumigaw naman na nasa dulo lang.

"I would like to place a competitive bid, 3.7 million pesos!" boses babae ang sumigaw, nasa bandang kaliwa lang iyon at inaaninag niya kung sino. Pero sa boses nito, parang boses tomboy. Tomboy siguro iyon.

Marami ring napatingin roon kaya nagrason ito, "I'm interested in her!" Puro English ang naririnig niya, buti na lang naintindihan niya ang salitang interested in her.

Hindi niya masyadong maintindihan ang buong linya na sinasabi ng mga ito, lalo na ang sinasabi ng host, kasi mahabang English iyon, pero naintindihan niyang nagpapataasan ang mga bidder ng presyo.

Natatawa ang host sa agawan ng mga ito sa kaniya, at pinuna pa ang babae. "3.7 million for this woman!"

"I would like to place my bid too, 4 million pesos!" boses lalaki iyon, nasa bandang likuran ito, nasa hanay ng babae.

Pero hindi niya makita, kung sino o kung ano ang mukha nito. Lumaban ang babae. "4.5 million pesos!"

Lumaban ang matanda sa kanan. "5 million pesos!"

Maraming napa-oh sa offer nito. Nagsalita ang lalaki sa likuran, "5.5 million pesos."

Para siyang ginto na pinag-aagawan sa Auction na ito. Lumakas lalo ang ohh ng ibang bidder. Lumaban ang babae, "Fine, 6 million pesos."

"7 million pesos!" agaw agad ng matanda.

"10 million pesos!" sabay na sigaw ng mga lalaki sa likuran. Para bang may mga kasama pa ang mga ito para isigaw ang presyo na iyon.

10 million na, sigurado na iyon na halaga niya at maraming napanganga, sumigabong pa ang palakpakan.

Pagkatapos ng 10 million na iyon, wala nang may nagtaas ng kamay. "10 million pesos, give her to me!" boses ng lalaki.

Parang hindi naman halatang matanda iyon. Lumakas ang dibdib niya, sa 10 million pa rin ang isip niya.

Hindi lang gagaling ang nanay niya, yayaman pa ito. Gusto niyang maiyak at sa isip niya...

'Ito ang pera na para sa'yo talaga, Nay. Mag-ingat ka ha, regalo ko to sa'yo, kahit di mo ako mahal. Basta pagaling ka.' Okay lang kahit hindi iyon naririnig ng nanay niya.

Gumalaw ang spotlight para sa mga bidder ay tumutok ito sa nakatayong nag-offer ng sampong million.

Napa-ohh ang host at tumawa. "10 million pesos, is there anyone else who will compete?"

May sumigaw ulit, pero hindi gaano kalakas. "10.1 million pesos!" Parang nag-aalangan pa.

"Sir, 10 million?" tanong ng host sa nag-offer ng 10 million.

"10.5 million pesos," sagot nito, lumalaban pa rin.

"Sir, 10.1?" tanong ng host tiningnan ang matanda.

Nagtaas ito ng dalawang kamay bilang pagsuko at saka umupo na lang.

"Mahalia Ramirez has been sold for 10.5 million pesos by..." Huminto sa pagsasalita ang host at nakita niyang may lalaking lumapit sa lalaking tinututukan ng spotlight.

Naghintay ang host habang sinasabi, "He's a fresh face among the bidders in this auction, so before we proceed, we kindly ask him to share his name. We're delighted to have you here, sir, and we sincerely appreciate your visit..."

Huminto ulit ang host at pabalik na ang lalaking nagtanong ng pangalan ng lalaking iyon.

Maya-maya nagsalita ang host, "Okay, now...Mahalia Ramirez, 20 years old, is now sold to a half-filipino half-Italian guy named Mr. Matteo Marco Elioconti! Congratulations, Mr. Elioconti, this flower is yours."

"H-Half..." bulong niya at kabadong-kabado. Nakita niya ang lalaking umalis na sa pwesto nito at naglalakad papunta sa kaniya sa entablado.

Tuloy-tuloy lang ang palakpakan, at may lalaki naman na lumapit sa kaniya. Staff dito sa Auction at hinawakan siya sa braso. "Halika na..."

"A-Ahm..." parang ayaw niyang humakbang pero hinila na siya nito. Muntik pa siyang madapa dahil sa panginginig ng paa niya at mataas pa ang takong ng sapatos niya.

Para bang simpleng hakbang lang niya, hindi niya maramdaman ang sahig dahil sa kaba niya.

Bumaba sila sa stage at nagsalita ulit ang host, tinatawag ang kasunod na ibi-bid. Sobrang nanunuyo ang lalamunan niya habang papalapit ang lalaki.

Half italian ito, at nag-aalala siya baka englishero ito, hindi siya marunong sa English. Good morning, good afternoon, good evening and yes sir, bet na bet lang naman ang alam niya.

May mga naintindihan siyang ibang English pero shempre kapag malalim mahina na ang utak niya don.

Pero anong magagawa niya ngayon? Binili na siya nito at nang makalapit na ito sa kaniya sa baba ng stage, laglag panga naman siyang napanganga.

Hindi nga matanda ang nanalo sa kaniya. Bata pa ito, at hindi lang basta bata pa kundi, gwapo. Sobrang gwapo, matangkad nga lang at mukhang magmumukha siyang baston nito.

Katulad ng inaasahan niya, nang nakatayo na ito sa harapan niya, hanggang leeg lang nito ang mukha niya. May heels pa siya niyan, kung wala siguro pang dibdib nito ang mukha niya.

"Sir, can we now proceed upstairs for the final transaction?" tanong naman ng lalaking lumapit, halatang mayaman din. Parang boss.

"Sure," sagot ng lalaking Italyano na bumili sa kaniya pero hindi naman siya binati nito. May pagkamasungit.

Napalubo na lang siya ng bibig at nagpatulis ng nguso, pero parang gusto niyang tumalon sa tuwa, shempre hindi siya napunta sa matanda.

Umalis ang mga ito sa harap niya, at hindi na naman niya alam ang gagawin. Napatingin na lang siya sa mga matatandang bidder na nakatingin sa kaniya.

Ang iba parang naghihinayang dahil hindi siya nakuha, at ang iba naman napailing na nagpatunog pa ng dila.

Para siyang natutunaw sa sitwasyon na iyon. Pero kung mayroon man siyang gustong gawin iyon ay ang makita muna ang tiyahin niya.

Humakbang siya para hanapin ang daan papunta sa backstage maliban sa ibabaw ng entablado pero may lalaking humarang sa kaniya. "Let's wait Matteo in the car, follow me," anito.

Umalis ito sa harap niya, siya naman nanatiling nakatayo na napapanganga kasi kahit itong lalaking ito ay gwapo rin.

Parang pormang pang-JS prom ang porma nito tapos ang tangos ng ilong, kapal ng kilay pero mas gwapo pa rin iyong lalaking Italyano.

Bigla itong huminto at nilingon siya. "What are you waiting for? I said follow me," ulit nito.

"H-Ha? S-Sabi mo hintayin natin ang sasakyan ni ano..." Napakagat siya ng labi, paano kasi, yon ang naintindihan niya sa English nito.

"Really?" sarkastikong tanong nito. "Dito? Hintayin mo ang sasakyan niya?"

Napatingin siya sa buong paligid. Shempre hindi makakapasok ang sasakyan sa loob ng Auction. Pero ang sabi niya, "D-Diba iyon ang sabi mo?"

Napaiwas ito ng tingin, tila narealize na kulang pala siya sa kaalaman at tumikhim na lang. "Ang sabi ko, sumunod ka sa akin, hintayin na lang natin si Matteo sa sasakyan. Gets na?"

Napatangu-tango siyang sinabi ang salitang, "Ahh...yun pala iyon. Marunong ka naman pala magtagalog, bakit ka nag-eenglish? Hindi ko tuloy gets."

"Ahh... hindi ka marunong mag-english?" tanong nito. Umiling siya at ang sabi nito. "Paktay ka kay Matteo."

"Luhh bakit?" Kinabahan siya.

Sumagot ito. "Magwawala iyon kapag hindi ka marunong mag-english, 10.5 million ka pa naman, tapos hindi ka pala marunong mag-english, bully pa naman iyon. Kailangan mag-english ka talaga mamaya para ligtas ka, kasi kung hindi ewan ko na lang."

"H-Ha?" maang nalang niyang tanong.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
sakura
luhhh..lagot ka mahalia...hahahaha...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 3: NO CHANCE

    Sumunod siya sa lalaking kausap niyang halata namang kasama ng lalaking Italyano. Siguro kaibigan kasi hindi naman ito mukhang alalay. Kurot na kurot niya ang kuko niya sa kaba habang naglalakad na nakasunod rito. Ngunit nang maalala niya ang tiyahin niya, patakbo niya itong hinabol at kinausap. "Teka lang, Sir, gusto ko lang talaga muna makita ang tita ko. Magpapaalam lang ako." "Ang mga babaeng bini-bid dito sa Auction, pagkatapos ma-bid, wala ng pamilya," anito, tuloy-tuloy lang ang lakad. Lakad-patakbo naman siyang humabol rito, malalaki kasi ang mga hakbang nito, kasi mababa lang ang sapatos na suot, samantalang siya, naka-high heels. "Hindi naman pwede yun, sir, nanay ko kaya ang rason bakit ako nandito. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako papasok sa ganito." Huminto ito bigla kaya, nauntog ang mukha niya sa likuran nito. "Aw!" Hinimas niya ang noo niya. Mabilis siyang umatras dahil walang pakialaman itong humarap sa kaniya. Muntik pa siyang matumba. "Pangalawang rule

    Last Updated : 2024-02-05
  • PURCHASED BY HIM   Chapter 4: 'EL CHANTIA HAVEN.'

    Pumasok ang sasakyan sa isang napakalawak na entrance plaza, sobrang taas ng building ang nasa tapat nila ngayon. Para itong hotel at sa ibabaw nito, nakailaw ang malaking pangalan, 'El Chantia Haven.' "Woah," mangha niya pero pabulong lang. Nahihiya siyang magtanong. Deretso lang papuntang likuran ang sasakyan nila, pumasok ito sa basement, at doon iba't ibang magandang sasakyan ang mga nakaparada. "What about tomorrow, tuloy sa drag racing?" tanong ng naka-vape. "Of course, Matteo is the racer, sure win. Right, Buck?" Narinig niya ang drag, napabulong naman siya, "Drug daw, mga adik yata to." "Narinig mo iyon?" tanong naman ng lalaking kasing tangkad ni Matteo. Napadikit siya ng labi. "Ang alin?" tanong ng naka-vape. "May narinig akong mga adik daw tayo," sagot naman ng isa. "Ah hindi pwede iyan, walang tumatawag sa atin ng ganon," sabi naman ng naka-vape. Napangiwi siya. Lumingon pa ito kay Matteo. "Narinig mo iyon?" "Let me take care of it," malamig namang tugon n

    Last Updated : 2024-02-05
  • PURCHASED BY HIM   Chapter 5: UNDER HIS CONTROL

    "Teka lang, Sir!" Kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto at tapos na siyang magtanggal ng make up ayon sa gusto nito, nakapaa na rin siya pero hindi pa siya nagtanggal ng damit. Bigla siyang natakot, dahil baka gagalawin na siya nito agad kahit na alam naman niyang mangyayari iyon. Akma kasi nitong tanggalin ang tali ng pang-itaas niya at kapag nagawa iyon, mahuhulog ang suot niya, kaya hinawakan niya ang kamay nito. Napahinto ito at naningkit ang mga matang tumitig sa kaniya. "Teka lang?" tanong nitong sarkastiko. "You're requesting me teka lang?" Napalunok siya, ang bagsik kasi ng reaction nito, parang ang tigas, ang bangis pero gwapo. Pero hindi uubra ang kagwapuhan nito para gustuhin niyang mawarak agad. Kahit na may hitsura ang lalaking ito, hot para sa mga malälände, takot pa rin siya, baka kasi biglain siya nito lalo na't walang pagmamahal sa pagitan nila, shempre maging makasarili na talaga ito. "A-Ano kasi eh..." Napangiwi siya habang naghahagilap nang mairarason.

    Last Updated : 2024-02-06
  • PURCHASED BY HIM   Chapter 6: HIS PRECIOUS POSSESSION

    "Pasok," anito sabay tulak sa kaniya papasok sa banyo. "Wah!" Nawalan siya ng balanse at natumba na naman. "Aray! Huhu sir naman!" Mas lalo lang nadagdagan ang sakit sa paa niya at sa ngayon naiiyak na talaga siya. "Paano ka ba maglakad? Bakit natapilok ka kanina ha?" tanong nito, halatang naiinis na. Siguro sa padelay-delay niya. Humikbi siya, pero wala namang luha. "Kanina sir, sa Auction pa." "Oo nga paano nga?" tanong pa nito, medyo tumataas na ang boses. "Paatras," sagot niya. "Paatras?!" bulalas nito. "Naglalakad ka paatras?" "E-Eh...hinahanap ko kasi ang tiyahin ko, sir. Magpapaalam lang naman sana ako," rason naman niya himas-himas niya ang paa niya. Nagpatunog ito ng dila matapos siyang titigan sandali. "Tumayo ka diyan," utos naman nito, kahit na masakit nga ang paa niya. "Hindi ko kaya sir eh. Ang sakit talaga? Parang mapuputol," pakiusap niya. "Kung putulin ko kaya iyan?" inis na sabi nito sa kaniya. Napahalukipkip na lang siya. Humakbang naman ito at sinun

    Last Updated : 2024-02-06
  • PURCHASED BY HIM   Chapter 7: VEILED SEDUCTION

    Habang nilalaro nito ang kaselanan niya, nahihiya siya, kaya tulak-tulak niya ang braso nito palayo sa gitna niya, ngunit dinikit siya nito sa katawan nito at binulungan sa tenga. "Rule number one, do not oppose what I'm doing." Nanayo ang balahibo niya sa init ng hininga nitong tumatama doon. "S-Sir, m-malakas ang kiliti ko diyan sa tenga." Pero Hinahawakan ang batok niya o halikan siya sa leeg. Bumulong pa, "So what? Tanggalin ko iyang kiliti mo?" Sobrang nag-iinit ang katawan niya sa ginagawa nito. Taas baba ang daliri nito sa hiyas niya at hindi niya maiwasang mapaangat ng isang paa. "Sir..." wala sa sarili niyang bulong. "Do you like it?" bulong na tanong rin nito. Umiling siya. "P-Pwede bukas sir? A-Ano kasi," aniya at napapaiwas sa ginagawa nito. "Rule number two..." Bigla nitong hinawakan ang kamay niya at mahigpit iyon. Napasinghap siya sa takot, pero nilagay nito ang kamay niya sa loob ng roba nito at naramdaman niya ang mainit na balat nito sa dibdib. "Pagsilbi

    Last Updated : 2024-02-07
  • PURCHASED BY HIM   Chapter 8: THE DRAG RACING

    "Ire-refund mo?" mahinang bulalas ng kaibigan ni Matteo na si Finn Bianchi. Kasalukuyan niyang tinatanggap ang bottled water na binibigay nito sa kaniya. Maaga siyang umalis sa unit niya kanina para sa ilegal na gawaing ito. Ang drag racing competition sa Diavolo private estates, kilalang may malakas na drag racing sa larangan ng underground businesses dito sa Pilipinas. Sumagot siya, "She so stupid, she doesn't know things much. It's like she's taken in an overdose of innocence. Tapos nagsasalita pa mag-isa." Mabilis niyang tinungga ang bottled water na binuksan niya. Nagsalita naman si Finn. "Isn't the reason you purchased her because she's no experience and you wanted things to be less wild and have someone to play with in a more controlled and exciting manner? Ano ba ang inaasahan mo sa vîrgîn? Knowledgeable agad?" Nagpatunog siya ng dila at napatingin dito saka ni-klaro ang ibig niyang sabihin, "She doesn't know what is vanity table. She didn't understand my words most

    Last Updated : 2024-02-07
  • PURCHASED BY HIM   Chapter 9: WHAT MATTEO REALLY IS

    "Salamat lord, busog na ko," ani Mahalia na hinihimas-himas ang tiyan. Nasarapan siya sa hapunan nila, dahil manok iyon na binalot ng breadcrumbs at kasama ang iba't ibang pampalasa, saka pinatungan ng melted cheese sa ibabaw. Tapos ang manok na iyon pinatong sa pasta, kasing laki lang ng palad ang hiwa ng manok at maliit lang ang plato na pinaglagyan ng pasta kaya masasabi niyang bitin siya, pero itong mga lalaking kasama niya, sinasabi busog na daw. Gusto pa talaga niyang kumain, pero lumabas na kasi sila. "Ganto lang talaga suot ko sir? Tsinelas mo at itong panligo?" tanong niyang nakasunod sa likuran ng mga ito. Naka roba kasi siya. Wala pa siyang bra o panty, at pupunta sila sa mall. "Gusto mo ba ng damit ko, pantalon ko, bigyan na rin kita ng payong para mukha kang mushroom," bara naman nito. Natawa pa ang mga kasama nito. Pagkarating sa mall, ipit na ipit lang niya ang sarili niya habang nakasunod sa tatlo. Ang lalaki pa ng mga hakbang ng mga ito, na para bang wal

    Last Updated : 2024-02-08
  • PURCHASED BY HIM   Chapter 10: INTERVIEW

    "Wahaha, hehe ang sarap nito! Ang bango-bango!" Grilled meat platter na may tatlong klaseng sauce ang pagkain na tinuro niya at iyon din ang ni-order ni Matteo para sa kaniya. Kasalukuyan na silang nasa couch ngayon at may lamesa lang doon kung saan may mga nakapatong na wine glass na nakataob bukod sa mga gamit nila at mamahaling alak. May kasama ring mga pulutan bukod sa kinakain niya at mayroong red wine din na nasa tabi niya. Masarap ang pagkain kaya bumalik ang gana niya. Napansin naman niyang nakatingin si Matteo sa kaniya kaya inalok niya ito, "Gusto mo sir? Sarap." Tinusok niya gamit tinidor ang karne at inalok rito. "Oh, tikman mo sir." Nagbuka ito ng bibig kaya sinubuan naman niya. Tinitigan niya itong ngumunguya at aliw na aliw siyang pagmasdan. Napangiti siya sandali pero napatanong din, "Lagi mo ba tong ginagawa?" Ang pagsusugal nito ang tinutukoy niya. "There's a lot," sagot nito at tumingin sa kaniya. Naningkit ang mga mata niya. "Sabihin mo nga sa akin.

    Last Updated : 2024-02-08

Latest chapter

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 96: CAPTURED

    "Aba! Siraulo ka hindi mo man lang ako ginawang maid or honor!" putak agad ni Miarta na ikina-react naman agad ng dalawang babaeng kausap niya. "Grabe ikaw talaga nagreklamo ng ganiyan ah," puna naman ni Sezy. "Bakit? Pwede naman ako sa ganyan ah!" rason naman ng isa. "Wag na kayo magtalo diyan, hindi nga nagrereklamo itong si Mahalia na kinasal pero walang trahe de buda. Di ba Mahalia? Halata eh, at sigurado naman kung ikaw ang kinasal imbitado kami diba?" singit naman ni Yanvi. Huminga siya nang malalim at ngumiti. "Ayos lang kahit walang trahe de buda. Basta kasal na kami at isa na akong Elioconti ngayon," proud naman niyang sabi at kinaway-kaway pa ang daliri. Sumang-ayon naman ang mga ito, at naging masaya rin para sa kaniya. _____Isang araw naman, pagkatapos niyang maligo lumabas siya ng kwarto. Nakita niya ang magkakaibigan sa baba na tila may mahalagang pinag-uusapan. Nakatutok sa laptop si Finn, may kausap naman sa phone si Matteo. Napatingin pa ito sa relo at pinagmam

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 95: CHIT-CHAT WITH FRIENDS

    Pinagmasdan ni Frenon ang reaction ng asawa niya habang nakatingin sa DNA result. Kitang-kita niya ang pag-awang ng mga labi nito at windang na windang sa nabasa. "W-What? This can't be. Paano nangyari ito, isa lang ang iniluwal ko?" tanong nito na litong-lito. "Kaya nga tinatanong ko, who's Daphnie, bakit itong si Mahalia, anak natin, pero si Daphne kasama natin. Nakita ko rin naman kung paano mo siya pinanganak, pero bakit ganito? Lumitaw, anak natin ang babaeng binili ni Matteo sa Auction," giit pa niya. Napatakip ng bibig ang asawa niya. Namuo agad ang mga luha sa mga mata nito at napakapa sa glass wall para makakuha ng proteksyon sa pagtayo. "S-sigurado ka ba diyan? Hindi ba iyan gawa gawa lang?""Kahit itanong mo si Finn. He knew this. Una nga pinagbintangan niya akong may babae, na baka anak ko si Mahalia sa ibang babae but no. Wala akong naging babae kahit kailan, Dianne," rason pa niya at umiling-iling ito. "Kaya ginawa ko ito. Inalam ko ang totoo, kumuha ako ng buhok sa su

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 94: BIOLOGICAL DAUGHTER

    Nang marinig niya ang pangalan nito, napalunok siya. Binalot siya ng kaba nang mapagtanto sa huli kung sino ang babae. Ngunit kumalma siya. Hindi ngayon ang tamang oras para harapin niya ang babaeng ito. "We'll talk next time," giit niyang sabi rito, sabay pasok ng upuan sa loob lamesa. "Nasaan ang anak ko?" matigas na tanong nito. Sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib niya ngunit nananatili siyang kampanti sa harapan nito sabay sabing, "Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang kumuha?" "Alam ko, pero nasaan ang anak ko?" Mariin ding sabi nito. "Pwes hindi ko alam. Wag ako ang singilin mo," pagkasabi niyang iyon, ay umalis siya sa harapan nito. Ngunit hindi ibig sabihin non, minaliit na niya ito. Sa tindig kasi ng babae alam niya naghanda ito ng maraming tao para bumalik. Hindi siya sinundan nito, o nagpahabol man lang ng salita sa kaniya. Hinayaan siya nito, which is mas nakakatakot na idea. Ngunit mayroon lamang siyang katanungan, "Pumayag siya, bakit hinahanap niya ulit?"

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 93: PUZZLES

    Nang dumating si Victoria, nasa ayos sila na parang nagkakanya-kanya puzzle sa isipan tungkol sa pagiging misteryoso ng buhay ni Mahalia. Palipat-lipat ang tingin ng babae sa kanila na parang nablanko kung ano ang unang sasabihin. "Why...are you like that?" dahan-dahang tanong nito, na sabay-sabay naman nilang tiningnan."Ah, Victoria, alam mo rin pala ang lugar na ito?" tanong niya kahit lutang. "Yeah, matagal na, lugar ito kung saan, kapag cheat day nila, nagdadala sila ng maraming babae na malalaro," deretsong sagot ng babae at sabay pang tumingin si Matteo at Finn rito nang masama. Tumaas naman ang kilay ni Victoria. "What? May nasabi ba akong false?" asar pang tanong nito. "Mahalia deserve to know your histories. Lalo ka na Matteo.""Shut up, just tell us na lang kung may alam ka about sa Qwal house," sabi na lang ni Matteo rito."Qwal house?" biglang pagbago ng babae ng reaction at napalitan ito ng animo'y interesado sa term. "Parang black organization, kung saan nabibili ang

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 92: THE BUYER

    Napansin ni Mahalia ang masayang expression ng mukha ni Matteo ay napalitan ng pangungunot ng noo. Tinitigan rin ito ng kaniyang kuya at napatanong na rin, "Why?""I don't know, may nakuha raw silang link, about Kikiam's father," sagot naman nito. "Kikiam?" tanong naman ni Finn na walang pinagkaiba sa tanong niya sa isipan. "Kikiam, Krong-krong, sino pa nga ba? Of course the Kwon," sagot naman ng mapanghusga niyang asawa. "Pambihira, ang dami mong term dun ah, parang sahog, na kapag pinaghalo lahat naging isang putahe. Kwon dish," sabi naman ng kuya niya na mas lalong nag-paloading sa kanya. "Tara, sa hideout tayo. Paki-text nga ai Victoria," utos naman ni Matteo rito. "Asawa mo ang kapatid ko diba? Kuya niya ako, so dapat, kuya mo ako at wag mo akong utusan. Ikaw magtawag kay Victoria, call her now," bara naman ni Finn rito na naging dahilan ng pagbuka ng bibig ni Matteo. Rarason pa sana nito kaso mas malakas ang laban ni Finn. Totoo naman na kuya ito, at asawa niya si Matteo. M

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 91: SYMPTOMS

    Kinabukasan naman, nagising si Mahalia na nagtataka sa paligid niya. Itim kasi ang kulay ng higaan niya. Napaangat siya ng ulo, tumingin sa katabi niya, nandiyan naman si Matteo, tulog pero parang may nasisipa siya kaya pagtingin pagtingin naman niya roon nagulat siya ng makita ang kuya niyang naka-cross arms habang natutulog at wala pang kumot. "Hala!" Awtomatiko siyang napabangon at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kapatid. Ngunit sa kabila ng pagkagulat niya, nakaramdam naman siya ng hilab ng tiyan at maya-maya naduduwal. Ramdam niya na parang lalabas na ito kaya gumapang siya para makaalis doon at nadaganan niya si Matteo. Nagising ito bigla pero wala siyang pakialam, gapang lang siya ng gapang. "What's wrong?" tanong nito na may bahagyang pag-angat ng ulo. Panay lang ang takip niya sa bibig niya. Gapang, duwal, takip sa bibig hanggang sa hirap na talaga siyang pigilan kaya tumayo siya kaagad at tumakbo na sa CR. Apurado niya itong binuksan at lumuwa sa basin. Sa kabilan

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 90: SLEEP TOGETHER

    "Kailan kayo kinasal ha? Wag mong sabihin nagpirmahan lang kayo, at hindi mo siya hinarap sa simbahan, wala akong nababalitaang ganon, Matteo." Dinuro-duro siya ng ama ni Finn at Mahalia at tanging pagyuko lamang ang ginawa niya. Frustrated itong napahilamos ng mukha na para bang hindi nito alam ang dapat gawin sa kaniya. "I'm sorry, Uncle—""I don't know what to say, Matteo. This is what you are, right? This is how you manipulate people, right?" gigil na singhal nito. "W-What?" nagtataka naman niyang tanong. Dinuro ulit siya nito, pero sinasayaw nito ang daliri na parang pinapakita lang nito sa kaniya na kinukontrol nito ang galit. "You confessed... right here. Right time para sa'yo na masabing kapag nagalit ako, you can make me feel how dare I am. Na ngayon ko lang nalaman na anak ko siya, at mas ikaw ang nakasama niya from the start ibig sabihin, who am I to be mad, right?" Maang siyang napabuka ng bibig at napailing. "N-No, I just confessed to admit my mistake, Uncle. And yes

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 89: CONSCIENCE

    Habang yapos na yapos ng yakap si Mahalia ni Frenon Bianchi, luhaan siyang napanganga na napatingin kay Matteo. Hindi niya mabasa ang sinasabi ng mga mata nito. Binaling niya ang kaniyang mga mata kay Finn na luhaan habang nakahingin sa kanila. Nang naging malinaw sa pandinig niya ang iyak ng nagsasabing ama niya doon na rin siya napaiyak dahil ramdam niya ang pamilyar na yakap. Nakanganga pa rin siya, at nadaluyan pa talaga ng luha ang bibig niya. Ngunit hindi niya ito alintana, dahil mas nangibabaw ang emotion niya. Kumalas ng yakap sa kaniya ang kaniyang ama at mukhang desperadong hinawakan ang pisngi niya. "How come na anak kita? I don't understand..." "H-Ha? Hindi mo alam?" nanginginig ang boses niya sa pagsasalita dulot ng hikbi.Umiling ito at humahagulhol na sinabing, "The result said yes. Pero hayaan mo na, kung sino man ang nanay mo, I don't care ang importante, nandito ka na. Nandito na ako, walang gagamit na ibang tao sa'yo para punan ang pansarili nilang intensyon."N

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 88: THE DAUGHTER

    The DNA result says... it's 99.9% positive. Anak nga ito ng daddy ni Finn kaya naman lihim na napakuyom ang kamao niya sa ilalim ng lamesa. It means, his dad cheated on his mom. Napansin ni Mahalia ang reaction niya kaya napatanong ito, "Bakit, Kuya?" Pilit siyang ngumiti at umiling. Hindi niya muna sinabi sa kapatid ang katotohanan kahit na expected naman. Tinapos lang nila ang pagkain doon at saka bumalik na sila sa studio pero iniwan niya si Mahalia kay Victoria at siya naman ay umalis. Lumong-lumo siyang pumasok sa sasaktan thinking na pinagtaksilan ng kaniyang ama ang kaniyang ina. Matic na naawa siya sa kaniyang ina dahil wala itong kaalam-alam. Tumutulo lang ang luha niyang magmamaneho, at tinawagan ang kaniyang ama. Narinig niya itong tumunog sa kabilang linya at sinagot din agad. "Yes, son?" "Papunta na ako sa opisina mo. I have the result now," sabi niya sabay off ng call. Tinawagan niya para makapag-handa ito, in case may client sa loob ng opisina. Nang makarating na

DMCA.com Protection Status