Chapter 3
Makapal na kilay, sa ibabaw ng singkit kong mga mata. Maganda ang pagiging bagsak ng buhok ko na mas nagpapakita ng maliit kong mukha. Humarap ako sa malaking salamin ng kwarto ko.
Medyo namamayat na ako sa palaging maraming iniisip, nahihirapan na rin ako matulog sa gabi dahil sa nararamdaman ko sa dibdib ko.
Lungkot na hindi ko maintindihan, lungkot na nararamdan ko ngayon.
Siguro dahil na disappoint sa’kin si mama o baka dahil sa ginagawa ng tinuturing kong kaibigan?
Kinuha ko ang bag ko bago bumaba, tahimik at hindi ako nagising dahil sa sigawan ngayong araw. Wala silang dalawa ngayon, ang alam ko ay lumayas si papa dala ang mga iilan niyang gamit.
Napabuntong hininga nalang ako. Ganon ba kahirap ang magstay sa’min ni mama?
Kung sabagay, wala akong magagawa. Kahit nga ang tunay niyang pamilya ay nagawa niyang iwan kami pa kaya ni mama na kabit lang.
Dumiretso na ako palabas ng bahay, as always. Naghihintay ng pwedeng mapagchismisan ang mga chismosa sa labas ng bahay, wala na akong kailangan pang-aasahan.
“sus, ‘yang si mae natira na ‘yan ni Christian. Kunwari lang ‘yang santo” bulong ni Rowena.
Napa-iling nalang ako, ang galing humanap nang butas ng iba pero ang anak naman niya ay isang malaking PAKARAT.
Hindi na ako nag-abala na tignan sila, nagdiretso na ako paalis. Mga gano’on bagay ay hindi kailangan pangpagkaabalahan.
Sumakay ako sa jeep, at ilang oras din ang byahe. Mas mahaba pa kesa sa inaasahan, mabuti nalang ay maaga din akong pumasok ngayong araw. Tatlong subject lang naman kami, konti nalang ang units namin ngayon kumpara dati na halos sa school na kami tumira.
Pagpasok ko sa room ay medyo marami na sila, nandon na rin sila Rose at Bea. Pansin ko ang masamang tingin sa’kin ng iilan kong classmate, mga tingin na hindi makapaniwala.
“Pwede bang sumama muna ako sa inyo?” tanong ko kay Beri, nagtinginan naman silang apat bago tumango.
Umupo na ako sa tabi nila, nasa gilid lang ako at hindi umiimik. Ayaw ko muna silang kasama, sa tuwing gumagawa sila ng bagay para pagtawanan ako ng iba at pumangit ang tingin sa’kin nasasaktan ako.
Tao din naman ako, hindi ako umiimik at nagsasalita gaano pero ang bawat ginagawa nilang ikapapahiya ko sa lahat ay nakakasakit din sa’kin.
Akala kasi nila ay hindi sila nakakasakit sa ginagawa nila. Hindi rin naman tama na pagtawanan ka habang nakatalikod mas lalo na kung ang mga tao na tumatawa sa’yo ay sarili mo ring kaibigan.
“Monica, bat nandyan ka? Diba kela Rose ka sumasama?” malakas na tanong ng isa, umiling nalang ako bago ngumiti.
Ayaw ko magkomento sa kahit anong tungkol sa kanila, dahil una sa lahat kaibigan ko pa rin sila. Ayaw ko silang mawala kahit ganito ang ginagawa nila sa’kin.
Baka masyado lang akong sensitive ngayon, mas lalo na’t napapadalas ng nakaraan ang pag-aaway ni mama at papa sa bahay.
Kahit sabihin ng iba na ang problema sa bahay ay dapat sa bahay lang, syempre hindi pa rin ma-iiwasan na maapektuhan pa rin ako habang nasa school.
“Baka warla sila, hindi naman lalayo ‘yan kung ayos sila.” Sabat ng isa kong classmate. Parehas silang nakasimangot, tama naman sila. Hindi naman ako lalayo kung walang problema.
Mas ayos na rin ang ganito kesa makisama ako sa kanila at hindi ko maramdaman na belong ako. Minsan nga ay pinaparinggan pa ako sa twitter dahil alam nilang di ako gaanong active don.
“Totoo ba, Monica?” tumaas ang kilay ko. “Na sinabihan mo daw silang bobo dahil nagbibiro sila ng chikinini mo daw sa balikat pati may sugar daddy ka daw?”
“Sino?” pinapanatili kong kalmado ang boses ko.
“Si Bea, hindi nga ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ka naman ganon na tao, kaya ayaw ko sana maniwala sa sinasabi nila.” pagpapaliwanag niya.
“Sinabihan nila ako ng may chikinini kahit pasa ang nakita nila.Pinapahiya nila ako sa klase kahapon, kahit nandyan si Sir.
Ano ba dapat ang asahan mo sa’kin?” hindi naman kasi porket mabait ako, hindi na rin ako napupuno at nasasaktan.
Hindi ako mahilig pumatol sa ganyan, ayaw ko nang gulo pero alam ko kung sobra na. Hindi rin ako pinalaki ni mama para api-apihin nila, dahil lang sa mas nakatataas ako o dahil lang sa inggit sila.
“Pero biro lang naman daw ‘yon”
Umiling ako sa kanya bago ngumiti,
“May biro ba na pinapahiya ka sa harap ng maraming tao? Biro paba na inaakusan ka na ginagamit ang sariling katawan para magkapera at biro paba ang ginagawang paninirangpuri na ginagawa nila ngayon?”
Hindi siya makaimik. Tama ako, hindi mo kailangan gawing biro ang paninirangpuri na katulad nang ginagawa nila sa’kin kahapon. Kung tunay silang kaibigan dapat nasa amin nalang ang issue kahapon, hindi naman nila ikatataas ‘yon.
“Ganon ang sabi sa’min kagabi, kachat ni Bea si Rushielle at ganon ang sabi niya.”
“Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, kilala mo ako. Ilang taon na tayo magkaibigan, alam ko ugali mo at alam ko na alam mo rin ang sa’kin. Nasa inyo na kung maniniwala kayo doon” mahinahon kong sabi kahit puno na ako ng galit.
“Tsaka sabi din ni Bea dati may sugar daddy ka daw dati” napakagat nalang ako ng labi ko. Hindi ba talaga sila titigil?
“Katulad ng sabi ko na sa inyo na ‘yon kung maniniwala kayo.”
Tumayo na ako, pakiramdam ko ay anytime tutulo na ang luha ko.
Wala nga akong boyfriend na mananakit sa’kin, pero mali naman ang sinasamahan kong kaibigan.
“Beri, CR muna ako” pagpapaalam ko, tumango naman siya at iniwan ko sila doon.
Kaya naman pala iba ang tingin ng iba sa’kin, bakit sa mga wala kahapon nila kwinento. Bakit sa mga nakakita kahapon ng mga nangyari di nila kwinento, siguro dahil alam nila na hindi nila ako masisiraan.
Gusto ko sila awayin, gusto ko silang prangkahin pero ang dami ko nang iniisip sa bahay. Ang dami ko ng problema sa magulang at pag-aaral ko dadagdag pa sila, anong klaseng tao ba sila?
Pumunta ako sa cr ng mag-isa, sanay naman akong mag-isa. Kakayanin ko naman ata na walang kaibigan na nasa tabi ko, hindi rin naman sila maituturing na kaibigan dahil sa ginagawa nila sa’kin.
Nakaraan ko pa sila naririnig at may nagsusumbong sa’kin na patalikod nila akong pinag-uusapan at pinagtatawanan pero hinahayaan ko lang. Ilang taon na kami magkasama kaya ayaw ko na sanang gumawa ng ikasisira namin.
Ngayon, nakita ko na ang tunay nilang ugali. Sila ang mga tao na mabait sa tuwing kasama mo at kung ano-ano na ang sinasabi sa tuwing nakatalikod.
Pagpasok ko ng cubicle agad na nagpatakan ang luha ko. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila, bakit ganon?
Imbis na tanungin nila ako kung ayos lang ba ako, o anong problema ko mas pinili pa nilang siraan ako sa marami. Ang sakit ng dibdib ko, pakiramdam ko ay hindi pa sapat ang ilang taon namin na pagkakaibigan.Ayos lang naman sana kung harapan nilang sabihin ang problema nila sa’kin, kung anong problema sa ugali o ginagawa ko pero bat humantong pa sa ganito?Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi. Ang dami ko ng iniisip na problema, dinagdagan pa nila. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, imbis na sila ang malalapitan ko sila pa ang mas nagpatumba sa’kin lalo.“Kaya mo ‘to, Monica. Pekeng kaibigan sila hindi sila kawalan, tandaan mo!” bulong ko at patuloy na pinupunasan ang mga luha ko na patuloy lang sa pagbagsak.Hindi mo sila kailangang iyakan Monica. Hindi sila karapat dapat sa luha mong ‘yan.Pinilit kong p
"Maybe death hurt less than life." -anonymousChapter 5 Nakayuko akong pumasok sa room, hawak ang kabilang kamay ko na may kaunting hiwa na ginawa ko kagabi.Ang sarap sa pakiramdam na saktan ang sarili, habang emosyanal ka rin na nasasaktan dahil sa iba.Hindi mo maramdaman ang tunay na sakit sa ginagawa mo sa katawan, dahil mas nanaig pa rin ang sakit sa dibdib mo.Gusto kong iiyak lahat, lahat ng sakit na nararamdaman ko pero walang lumalabas sa mga mata ko. Naiipon lahat sa dibdib ko, kinikimkim ko ang lahat ng galit, sakit at puot sa buhay ko.Dagdagan pa ngayon na wala akong kaibigan na pwedeng lapitan, wala akong mapagkatiwalaan sa lahat ng problema ko.Pakiramdam
Karamihan sa mga kaklase namin ay nasa paligid niya at ang nasa side ko lang ay mga may alam ng tunay na nangyari.“Kung wala kang pinapakalat, bakit umabot tayo sa ganito?” pinapanatili kong kalmado ang sarili ko.Dahil ang pag-iiskandalo, ugali lang ng mga taong walang pinag-aralan.Kayang baliktarin ng iskandalo ang lahat ng tunay na nangyari, pero hindi nila kayang baliktarin ang konsensya sa ginawa nila.Kung may konsensya pa sila.“DAHIL SAYO! KUNG HINDI MO AKO SINISIRAAN, HINDI TAYO AABOT SA GANITO!” pagwawala niya.Natawa ako sa sinabi niya, ngayon ako naman ang may kasalanan sa ginawa niyang gulo.Nakakatawa, malakas manira, malakas pang mangbaliktad. Pro na pro!“Ikaw nag-umpisa nito. Wala akong gi
"Can you see the suicidal in my eyes?" –anonymous.Chapter 7Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Isang puting kwarto ang agad na sumalubong sa'kin, habang may isang ulo na nakayuko ang sa gilid ko.Bakit hindi pa ako patay? Tinignan ko ang kamay ko, kung saan may mga nakakabit na kung ano at may benda kung saan ang mga ginawa kong mga sugat."M-ma" halos mapiyok kong sabi. Sobrang sakit ng lalamunan ko, kung magsasalita pa ako ng isang beses ay pakiramdam kong tuluyan nang mapupunit."Gising k
"Pumunta ako sa inyo ng araw na 'yon, tinawagan ako ng mama mo para ihabilin ka sa'kin. Ng araw na rin 'yon tinatanong niya sakin kung paano sasabihin sa'yo na aalis siya ng bansa. Pero pagpasok niya sa kwarto mo, nakita ka nalang namin na walang malay." Kwento ni tita bago hinawakan ang sugat ko."Wala akong anak, pero ramdam ko ang mama mo ng araw na 'yon. Wala siyang tigil sa pag-iyak, hawak niya lang ang kamay mo hanggang makarating tayo sa hospital. Hindi siya mapakali, sinisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa'yo, kahit anong alo ko sa kanya wala akong magawa kaya hinayaan ko nalang siya." pagpapaliwanag niya."Tita, bakit aalis si mama?" maayos naman ang trabaho niya.Kasya ang kita niya para sa'min sa bahay. Kahit hindi sunod ang lahat ng luho ko ay naibibigay niya ng paunti-unti, kaya bat pa siya aalis?"Hindi ba sinabi ng mama mo sa'yo kanina?" umili
"A problem will get heavier when the only person carrying it is you."Chapter 9"Tita, hindi po ba pupunta si mama?" dismayadong tanong ko."Busy ang mama mo ngayon, monica. Hindi siya nagsabi kung kalian siya babalik, pero sigurado naman ako na bibisitahin ka rin niya." Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni tita.Pangalawang araw ko na dito sa hospital. Sa dalawang araw na rin na 'yon ay hindi ko pa nakikita si mama, pagtapos niyang umiyak sa harap ko ay iyon na ang huling pagkikita namin.Alam kong busy si mama. Palagi naman siyang busy pero ngayon, kailangan ko siya.Muli akong bumuntong hininga, bago nahiga. Kahit paano ay kumakalma ang sarili ko habang nandito ako, pero sa tuwing naalala ko ang mga pinagdaan ko ng nakaraan ay halos di ko na kayanin ang sakit ng dibdib ko.Ang bigat,
"Depression is a mood disorder that causes a persistent feeling of sadness and loss of interest. Also called a major depressive disorder or clinical depression, it affects how you feel, think, and behave and can lead to a variety of emotional ang physical problems. Nang tinanong kita mrs, ang sabi niyo ay sinaktan siya ng ama niya bago siya pumasok sa school,"What? Sinaktan ni Kuya Harold si Monica bago pumasok? Kaya ba ang dami niyang pasa ng makita ko siyang walang malay?Tumingin ako kay ate, marahan lang siya tumango at pilit na pinipigilan ang luha niya."At pag-uwi niya ay may binigay s'ya sa inyong grade at nagkaroon kayo ng ilangan. Base on that situation, kahit saan tignan ay siguradong pressured ang anak niyo when it becomes to study, sa bahay niyo naman ay may problema din that gives her a trauma. May sinasabi po ba siya sa inyo about her life? Sa nangyayari sa buhay niya sa pang
Chapter 11"Anong ginagawa mo rito?" aniko ko.Hindi ko siya kilala, dalawang beses lang kaming nagkita. 'yon ay ang sa banyo ng umiiyak ako sa ginawa ng mga kaibigan ko, at ng araw na sinagot ko ang lahat ng pag-aakusa na tinatapon nila sa'kin.Hindi niya pinansin ang tanong ko. Seryoso lang s'yang tumingin sa'kin at sa kamay ko kung saan ang benda na nakalagay ang sugat ko.Unti-unti ay lumapit siya sa pwesto ko, dala ang isang plastic na may laman na kung ano sa loob."Bakit mo ginawa 'yan?" tanong niya.Umiling nalang s'ya sa'kin. Wala pa rin nagbabago sa ekspresyon niya, wala pa rin kahit emosyon ang mukha niya kahit pa tignan ang mga mata niya ay wala kang mababasa."Sagutin mo muna ang tanong ko, anong ginagawa mo rito? At sino ka ba?" Mga tinuring ko ngang kaibigan hindi akong magawang
PYSC EPILOGUE“Opo mama, mag ingat ka po dyan,” nakangiti na paalam ko kay mama bago binaba ang tawag.
PYSCHO25Kaharap ang lahat nang dean, kasama ang president nang school ay tahimik akong naka-upo. Habang si mama naman ay kinakamusta ako. Si greza na katabi ko, pati na rin ang ate niya na si Doctora. Hindi ko akalain na magkapatid silang dalawa. Kaya pala medyo pamilyar ang mukha ni Dra nang una ko siyang Makita.
PYSC24Masaya at ngiting-ngiti akong pumasok sa loob ng school namin at hindi pinapansin ang mga iilan na tumitingin sa’kin. Kailangan kong masanay na palaging may nakatingin sa’kin, remember pag nasa akin ang atensyon ay galit na galit ang isang impokrita na si Bea with friends.“Bat absent ka kahapon?” agad akong napahawak sa dibdib ko bago nilingon ang nag salita. Si Greza.“Bakit ka ba nang gugulat?” nakataas ang kilay ko na tanong sa kanya.Napapansin ko na sa tuwing dumarating siya o nakikita ako ay madalas niya akong ginugulat. Alam niya naman na ang bilis kong kabahan sa mga gano’n na bagay, pero paulit-ulit niya pa rin ginagawa sa’kin. Ayaw ko naman umabot sa point na bigla ko nalang siyang masapak, o kaya naman ay bigla nalang masampal.Kaibigan ang turing ko sa kanya, hindi dahil may alam ako tungkol sa kanya kundi dahil she’s sincere sa mga lumalabas sa bibig niya.&ldqu
PYSCH23Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon. Inaya ako nila tita't mama na umalis at pumunta sa kung saan ngayon.
PSYCH22Lumabas ako nang classroom na masama ang tingin sa’kin nang lahat. Paanong hindi’t niniwala sila kay Bea. Sa mga paawa effect na biglang mag lalabas nang pera.
PSYC21“Alam mo ikaw bumalik ka lang dito nag kanda-gulo-gulo nanaman! Wala kang ibang ginawa dito kundi ang manggulo. Bakit hindi ka nalang umalis dito nang matahimik na ang lahat?!” hesterikal na sigaw ni Mae sa loob nang room.
Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Maaga akong bumangon mula sa higaan para mag handa nang mga gagamitin ko sa pagpasok. Nag ayos ako nang sarili ko, bitbit ang bag papunta sa baba ay nakita kong na kahanda na ang mga pag kain sa hapag.Hab
Chapter 19“No, Monica. Hindi ko isasaalang-alang ang mental health mo para sa pagpasok. Hindi kita ipressure sa academics mo, ayos lang kahit bumagsak or mag drop ka ngayon pero please naman anak. Take a rest naman muna,” pagmamaka-awa ni mama sakin.
Chapter 18“Hindi po ako baliw. Hindi ako baliw para kitilin ang sarili ko, kundi sa mga taong nakapaligid sakin. Palagi kong iniisip ang iniisip nang iba, palagi kong iniisip ang mga sasabihin nila. nang araw na ‘yon na puno ako ng takot, sakit at galit. Galit sa sarili kong bakit hindi nila ako magustuhan, galit sa mga tinuring kong kai