Pumasok ako sa room, katulad ng normal na classroom ay may nagtutumpukan na magkakaibigan. Napangiti ako ng kompleto na sila, medyo late na rin pala ako buti nalang wala pa si sir.
"Anong ganap?" bungad ko sa kanila pero walang ni isang pumansin, inirapan lang ako ni Rose at umalis sa tabi ko.
Oo nga pala, wala rin pala akong kaibigan.
Natatawa kong isip, kasama ko lang sila pero ramdam ko na hindi ako belong.
Kinaibigan lang naman nila ako dahil ako ang nangunguna sa klase, alam ko rin na naiinis sila sa'kin sa tuwing hindi ako nakakasama sa pagkain nila sa labas.
Naupo nalang ako sa pwesto ko, mas mabuti nalang manahimik ako dito. Wala rin naman gusto kumausap sa'kin.
Napahawak nalang ako sa balikat ko kung saan ang hinawakan kanina ni Papa. Hindi pa nga magaling ang hiwa ko sa hita dahil sa ginawa niyang pagbato sa'kin ng baso nung nakaraan, ngayon pasa naman ang nilagay sa katawan ko.
"Aw!" hinaing ko ng may bumunggo sa balikat ko. Si Rose.
"Ang arte mo naman! Hindi naman malakas ang pagbangga ko sa'yo kung makareak ka dyan!" reklamo niya. Nakataas ang kilay n'ya sakin, hinimas ko nalang ang balikat ko.
"Hindi naman sa gano'n pero" pagpapaliwanag ko, pero isang kamay ang humila ng uniform ko para mapigtas ang botones ng uniform ko.
Agad na niluwa ang pasa sa balikat ko, medyo namumula pa 'yon at naging kulay lila sa higpit ng paghawak kanina ni papa.
"Yuck! Ano 'yan monica, chikinini?!" sigaw ni Bea na humablot ng uniform ko. Agad ko naman tinago ang pasa sabalikat ko at akmang magsasalita na ng umeksena nanaman si Rose.
"Halatang bagong lagay pa lang sa balikat n'ya, kaya ba namumula ang mata mo? Malaki ba?" sabay tawanan nilang tatlo.
Pinilit ko nalang pigilan ang luha ko, hindi naman 'to chikinini. Hindi rin nila alam kung saan talaga 'to nang galing.
"Sarap ba ng may sugar daddy, Monica? Libre mo naman kami, kahit milktea lang!" malakas na hiyaw ni Bea.
Tinignan ko ang ibang nasa room, nakita ko ang panghuhusga sa paningin ng iba at ang iba naman ay nag-iiling.
Wala naman akong ginagawa ah?
Tumayo ako sa kinauupuan ko pero agad akong hinila ni Rose paupo sa upuan ko. Nandidiri ang paningin niya sa'kin at si Bea na walang tigil sa pagtawa.
"Bakit ka aalis?" hindi ako sumagot. Hindi ko naman kailangan magpaliwanag ng sarili ko, mas kilala ko ang sarili ko kesa sa kanila.
"Masyado ka naman defensive, Monica. Bakit totoo bang may sugar daddy ka?" muli silang nagtawanan tatlo.
Wala akong magawa kundi ang yumuko at pigilan ang mga luha ko. Wag mo sila patulan, Monica.
Wala lang silang magawa sa buhay nila, palibahasa hindi nila alam ang pinagdaraanan mo ngayon. Wala silang alam Monica. Wala.
May ibang kumatyaw na at nakikisali, mas lalo kong gusto lumubog sa kinauupuan ko ngayon. Buti nalang at dumating na si Sir kahit medyo late na.
Tumahimik ang lahat at kumuha ng papel. "Okay, ilagay niyo ang name niyo at ibibigay ko na ang grade niyo for Midterm"
Nag-umpisa akong magsulat, masakit ang balikat ko sa tuwing ginagalaw ko at napwersa pero kailangan ko 'to gawin. Ayaw ko madissapoint si Mama sa'kin.
Esquibel, Monica A.
Second year College
BSBA major in Financial Management
Tama kayo, sa awa ng diyos ay nakaabot ako ng second year. Last sem na ngayon, mahirap dahil sa pressure ni Mama at sabayan pa ng family problem.
Gumugulo na ang isip ko, minsan nga ay di ako makapag-aral ng maayos dahil sa kaiisip ng problema na hindi ko dapat isipin. Hindi ko lang maiiwasan minsan, mas lalo na tuwing aalis ako na nag-aaway at uuwi sa bahay na hindi alam ang aabutan.
"Esquibel, Monica A." tumayo ako ng tawagin ako sa harap. Kailangan ko maging uno kay Sir para hindi ako maging delikado sa dean's lister.
"Hindi ko alam kung anong problema, bumaba ang quizzes mo pati na rin ang result ng exams mo. Kailangan mo mahabol 'yan Miss Esquibel" sabi ni sir at nilagay ang 89 sa papel ko.
Nakaramdam agad ako nang panlulumo sa nakita ko, bat ganito? Wala akong reklamo na bumalik sa upuan ko, bago pa man ako makaupo ay hinila na ni Bea ang papel na hawak ko.
"89? 94 ka last time diba? Mahirap ba ipagsabay ang sugar daddy at pag-aaral?" malakas niyang sabi bago muling nagtawanan ang mga classmate ko.
"Epekto 'yan ng hindi pagpapakopya sa'min!" sigaw ng isang lalaki.
Napayuko nalang ako at hinayaan ang papel ko. Wala akong oras para sagutin sila at ipagtanggol ang sarili ko dahil ang nasa isip ko ngayon ay si Mama.
Siguradong madidissapoint siya sa'kin dahil bumaba ang grades ko.
"QUITE!" sigaw ni sir.
Napabuntong hininga nalang ako, bakit ba sobrang malas ko. Wala na nga akong masayang pamilya, wala rin maayos na kaibigan?
Wala naman akong ginagawa sa kanila, bakit pinagtatawanan nila ako ng harapan at nagpapalabas ng kung ano-anong mga bagay na hindi naman totoo.
Una si Papa. Pangalawa sila Bea't Rose at Pangatlo itong grades ko.
Ano paba ang kailangan kong problemahin, kulang paba ang pasakit na nararamdaman ko sa bahay?
Gusto ko lang naman maging masaya, bat hindi kaya ibigay ng mga taong nakapaligid sakin no'n?
Isang subject lang kami ngayong araw. Ngayon naman hindi ko alam kung saan ako pupunta, siguradong nandoon si Papa at baka saktan ako ulit.
Napakagat labi ako ng di sinasadya na mapwersa ang balikat ko. Mukhang sa ayaw at sa gusto ko kailangan ko ng umuwi.
"Una na ako" paalam ko sa kanila.
"Bakit ang aga? Magkikita pa ba kayo ng sugar daddy mo?" pang-aasar na sabi ni Bea.
"Baka kulang pa ang round kaninang umaga" singit ni Rose bago sila muling nagtawanan tatlo. Kasama si Joanna na palagi nilang katabi.
"Masakit kasi ang balikat ko" paliwanag ko bago kinuha ang bag ko sa upuan. Kadidismiss palang ni Sir, ang iba ay nag-aayos pa at ang iba ay naghaharutan.
"Wag ka kasing pasobra, wag masyadong wild!" sabat ni Rose.
"Baka mamaya niyan makita ko nalang na nasa pornhub kana kasama ang sugar daddy mo" hindi papatalo na sabi ni Bea.
Ang iilan ay napatingin sa'min, nakahihiya lang dahil may irregular pa kaming kasama at ganyan ang lumalabas sa mga bunganga nila.
Ngumiti ako, tinggal ko ang pagkakahawak sa balikat ko bago tinabig ang uniform ko. Sakto na para makita nila na pasa ang sinasabi nilang chikinini.
Mga naturingan susunod na edukada pero ang mga bunganga ay walang preno kakapanira ng kapwa. Mga tao nga naman, hindi nila inaalam kung ano ba ang tunay na nangyari bago magbunganga.
Mga walang pinagkaiba sa mga chismosang walang trabaho, pero sila level up. Mga edukadang mapanira, palibhasa'y nalalamangan at di matanggap sa sarili.
Pero kung tutuusin, utak at ganda lang naman ang meron ako. Wala akong pera, maayos na bahay at mas lalo wala akong matinong bahay katulad ng sakanila kaya kung titignan mas lamang pa sila sa'kin.
"Bat mo nilabas? Naghahanap ka pa ng iba?" taas kilay na tanong ni Rose.
"Baka nakulangan pa sa isa. Gusto ata ng criminology" dugtong ni Bea bago sila ngumisi sa'kin.
Ngumiti lang ako ng matami sa kanila at marahan na napailing.
"Iba ang pasa sa chikinini, wag kayong bobo." Aniko bago ako tumalikod.
"Bobo pala kayo eh!" sigaw ng isang lalaki na mapang-asar, tinakpan ko ang pasa ko at lumabas ng room.
Mahirap paliwanagan ang mga taong kulang sa aruga, mas lalo na kung inggit pa sa kung anong meron ka.
Umuwi ako ng bahay, tahimik ang bumungad sa'kin. Nandon parin ang mga chismosa sa harap ng bahay at nag-aabang na balita, siguradong tumahimik lang para tignan ako na dumadaan.
"Ma?" tawag ko, lumabas mula sa kusina si mama. May hawak siyang walis at dustpan.
Nag-umpisa akong kabahan, mabait si mama pero iba kung magalit.
"Sorry ma" tanging na sabi ko bago inibaot sa kanya ang isang papel. "Bumaba ako ng limang puntos sa Law, sorry ma"
Wala akong narinig, tinignan ko lang siya at bumungad sa'kin ang masamang tingin niya.
"Ito ba ang gusto mong ipagmalaki sa ama mo, Monica?! Ang baba ng grades mo! Sabihin mo, may nobyo ka no?!" galit na sabi ni Mama.
Agad akong umiling "Wala ma! Wala po akong boyfriend" paglilinaw ko pero halata sa mukha niyang di naniniwala.
"Umakyat kana sa kwarto mo, Monica" Mama.
"Sabing umakyat ka na!" wala akong magawa kundi ang sundin ang inutos niya, tumalikod ako sa kanya at nag-umpisa nang maglakad ng magsalita siya muli.
"Dissapointed ako sa'yo, Monica. Baka nga tama ang papa mo nang sinasabi tungkol sa'yo"
Agad na nagpatakan ang luha ko. Masakit madissapoint ng dahil sakin ang mga importanteng tao sa paligid ko, mas lalo na kung si Mama. Pero;
Mas masakit ang walang maniwala sa kakayahan mo.
Chapter 3Makapal na kilay, sa ibabaw ng singkit kong mga mata. Maganda ang pagiging bagsak ng buhok ko na mas nagpapakita ng maliit kong mukha. Humarap ako sa malaking salamin ng kwarto ko.Medyo namamayat na ako sa palaging maraming iniisip, nahihirapan na rin ako matulog sa gabi dahil sa nararamdaman ko sa dibdib ko.Lungkot na hindi ko maintindihan, lungkot na nararamdan ko ngayon.Siguro dahil na disappoint sa’kin si mama o baka dahil sa ginagawa ng tinuturing kong kaibigan?Kinuha ko ang bag ko bago bumaba, tahimik at hindi ako nagising dahil sa sigawan ngayong araw. Wala silang dalawa ngayon, ang alam ko ay lumayas si papa dala ang mga iilan niyang gamit.Napabuntong hininga nalang ako. Ganon ba kahirap ang magstay sa’min ni mama?Kung sabagay, wala akong magagawa. Kahit nga
Imbis na tanungin nila ako kung ayos lang ba ako, o anong problema ko mas pinili pa nilang siraan ako sa marami. Ang sakit ng dibdib ko, pakiramdam ko ay hindi pa sapat ang ilang taon namin na pagkakaibigan.Ayos lang naman sana kung harapan nilang sabihin ang problema nila sa’kin, kung anong problema sa ugali o ginagawa ko pero bat humantong pa sa ganito?Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi. Ang dami ko ng iniisip na problema, dinagdagan pa nila. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, imbis na sila ang malalapitan ko sila pa ang mas nagpatumba sa’kin lalo.“Kaya mo ‘to, Monica. Pekeng kaibigan sila hindi sila kawalan, tandaan mo!” bulong ko at patuloy na pinupunasan ang mga luha ko na patuloy lang sa pagbagsak.Hindi mo sila kailangang iyakan Monica. Hindi sila karapat dapat sa luha mong ‘yan.Pinilit kong p
"Maybe death hurt less than life." -anonymousChapter 5 Nakayuko akong pumasok sa room, hawak ang kabilang kamay ko na may kaunting hiwa na ginawa ko kagabi.Ang sarap sa pakiramdam na saktan ang sarili, habang emosyanal ka rin na nasasaktan dahil sa iba.Hindi mo maramdaman ang tunay na sakit sa ginagawa mo sa katawan, dahil mas nanaig pa rin ang sakit sa dibdib mo.Gusto kong iiyak lahat, lahat ng sakit na nararamdaman ko pero walang lumalabas sa mga mata ko. Naiipon lahat sa dibdib ko, kinikimkim ko ang lahat ng galit, sakit at puot sa buhay ko.Dagdagan pa ngayon na wala akong kaibigan na pwedeng lapitan, wala akong mapagkatiwalaan sa lahat ng problema ko.Pakiramdam
Karamihan sa mga kaklase namin ay nasa paligid niya at ang nasa side ko lang ay mga may alam ng tunay na nangyari.“Kung wala kang pinapakalat, bakit umabot tayo sa ganito?” pinapanatili kong kalmado ang sarili ko.Dahil ang pag-iiskandalo, ugali lang ng mga taong walang pinag-aralan.Kayang baliktarin ng iskandalo ang lahat ng tunay na nangyari, pero hindi nila kayang baliktarin ang konsensya sa ginawa nila.Kung may konsensya pa sila.“DAHIL SAYO! KUNG HINDI MO AKO SINISIRAAN, HINDI TAYO AABOT SA GANITO!” pagwawala niya.Natawa ako sa sinabi niya, ngayon ako naman ang may kasalanan sa ginawa niyang gulo.Nakakatawa, malakas manira, malakas pang mangbaliktad. Pro na pro!“Ikaw nag-umpisa nito. Wala akong gi
"Can you see the suicidal in my eyes?" –anonymous.Chapter 7Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Isang puting kwarto ang agad na sumalubong sa'kin, habang may isang ulo na nakayuko ang sa gilid ko.Bakit hindi pa ako patay? Tinignan ko ang kamay ko, kung saan may mga nakakabit na kung ano at may benda kung saan ang mga ginawa kong mga sugat."M-ma" halos mapiyok kong sabi. Sobrang sakit ng lalamunan ko, kung magsasalita pa ako ng isang beses ay pakiramdam kong tuluyan nang mapupunit."Gising k
"Pumunta ako sa inyo ng araw na 'yon, tinawagan ako ng mama mo para ihabilin ka sa'kin. Ng araw na rin 'yon tinatanong niya sakin kung paano sasabihin sa'yo na aalis siya ng bansa. Pero pagpasok niya sa kwarto mo, nakita ka nalang namin na walang malay." Kwento ni tita bago hinawakan ang sugat ko."Wala akong anak, pero ramdam ko ang mama mo ng araw na 'yon. Wala siyang tigil sa pag-iyak, hawak niya lang ang kamay mo hanggang makarating tayo sa hospital. Hindi siya mapakali, sinisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa'yo, kahit anong alo ko sa kanya wala akong magawa kaya hinayaan ko nalang siya." pagpapaliwanag niya."Tita, bakit aalis si mama?" maayos naman ang trabaho niya.Kasya ang kita niya para sa'min sa bahay. Kahit hindi sunod ang lahat ng luho ko ay naibibigay niya ng paunti-unti, kaya bat pa siya aalis?"Hindi ba sinabi ng mama mo sa'yo kanina?" umili
"A problem will get heavier when the only person carrying it is you."Chapter 9"Tita, hindi po ba pupunta si mama?" dismayadong tanong ko."Busy ang mama mo ngayon, monica. Hindi siya nagsabi kung kalian siya babalik, pero sigurado naman ako na bibisitahin ka rin niya." Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni tita.Pangalawang araw ko na dito sa hospital. Sa dalawang araw na rin na 'yon ay hindi ko pa nakikita si mama, pagtapos niyang umiyak sa harap ko ay iyon na ang huling pagkikita namin.Alam kong busy si mama. Palagi naman siyang busy pero ngayon, kailangan ko siya.Muli akong bumuntong hininga, bago nahiga. Kahit paano ay kumakalma ang sarili ko habang nandito ako, pero sa tuwing naalala ko ang mga pinagdaan ko ng nakaraan ay halos di ko na kayanin ang sakit ng dibdib ko.Ang bigat,
"Depression is a mood disorder that causes a persistent feeling of sadness and loss of interest. Also called a major depressive disorder or clinical depression, it affects how you feel, think, and behave and can lead to a variety of emotional ang physical problems. Nang tinanong kita mrs, ang sabi niyo ay sinaktan siya ng ama niya bago siya pumasok sa school,"What? Sinaktan ni Kuya Harold si Monica bago pumasok? Kaya ba ang dami niyang pasa ng makita ko siyang walang malay?Tumingin ako kay ate, marahan lang siya tumango at pilit na pinipigilan ang luha niya."At pag-uwi niya ay may binigay s'ya sa inyong grade at nagkaroon kayo ng ilangan. Base on that situation, kahit saan tignan ay siguradong pressured ang anak niyo when it becomes to study, sa bahay niyo naman ay may problema din that gives her a trauma. May sinasabi po ba siya sa inyo about her life? Sa nangyayari sa buhay niya sa pang
PYSC EPILOGUE“Opo mama, mag ingat ka po dyan,” nakangiti na paalam ko kay mama bago binaba ang tawag.
PYSCHO25Kaharap ang lahat nang dean, kasama ang president nang school ay tahimik akong naka-upo. Habang si mama naman ay kinakamusta ako. Si greza na katabi ko, pati na rin ang ate niya na si Doctora. Hindi ko akalain na magkapatid silang dalawa. Kaya pala medyo pamilyar ang mukha ni Dra nang una ko siyang Makita.
PYSC24Masaya at ngiting-ngiti akong pumasok sa loob ng school namin at hindi pinapansin ang mga iilan na tumitingin sa’kin. Kailangan kong masanay na palaging may nakatingin sa’kin, remember pag nasa akin ang atensyon ay galit na galit ang isang impokrita na si Bea with friends.“Bat absent ka kahapon?” agad akong napahawak sa dibdib ko bago nilingon ang nag salita. Si Greza.“Bakit ka ba nang gugulat?” nakataas ang kilay ko na tanong sa kanya.Napapansin ko na sa tuwing dumarating siya o nakikita ako ay madalas niya akong ginugulat. Alam niya naman na ang bilis kong kabahan sa mga gano’n na bagay, pero paulit-ulit niya pa rin ginagawa sa’kin. Ayaw ko naman umabot sa point na bigla ko nalang siyang masapak, o kaya naman ay bigla nalang masampal.Kaibigan ang turing ko sa kanya, hindi dahil may alam ako tungkol sa kanya kundi dahil she’s sincere sa mga lumalabas sa bibig niya.&ldqu
PYSCH23Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon. Inaya ako nila tita't mama na umalis at pumunta sa kung saan ngayon.
PSYCH22Lumabas ako nang classroom na masama ang tingin sa’kin nang lahat. Paanong hindi’t niniwala sila kay Bea. Sa mga paawa effect na biglang mag lalabas nang pera.
PSYC21“Alam mo ikaw bumalik ka lang dito nag kanda-gulo-gulo nanaman! Wala kang ibang ginawa dito kundi ang manggulo. Bakit hindi ka nalang umalis dito nang matahimik na ang lahat?!” hesterikal na sigaw ni Mae sa loob nang room.
Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Maaga akong bumangon mula sa higaan para mag handa nang mga gagamitin ko sa pagpasok. Nag ayos ako nang sarili ko, bitbit ang bag papunta sa baba ay nakita kong na kahanda na ang mga pag kain sa hapag.Hab
Chapter 19“No, Monica. Hindi ko isasaalang-alang ang mental health mo para sa pagpasok. Hindi kita ipressure sa academics mo, ayos lang kahit bumagsak or mag drop ka ngayon pero please naman anak. Take a rest naman muna,” pagmamaka-awa ni mama sakin.
Chapter 18“Hindi po ako baliw. Hindi ako baliw para kitilin ang sarili ko, kundi sa mga taong nakapaligid sakin. Palagi kong iniisip ang iniisip nang iba, palagi kong iniisip ang mga sasabihin nila. nang araw na ‘yon na puno ako ng takot, sakit at galit. Galit sa sarili kong bakit hindi nila ako magustuhan, galit sa mga tinuring kong kai