"SORRY late ako," ang humahangos na bungad kay Aria ng nobyong si Norman.
Nakakaunawang ngumiti lang ang dalaga sa nobyo. "Okay lang, halika na?" aniya saka naglalambing na ikinapit ang kamay sa braso ng binata.
"Baka nagugutom ka, kumain muna tayo?" si Norman nang naglalakad na sila papunta sa sakayan ng jeep.
Mahigit isang taon narin niyang kasintahan si Norman na matanda lang ng dalawang taon sa kanya. Katulad niya ay sa mall rin ito nagtatrabaho.
Ang kaibahan nga lang ay Merchandiser ito at sa supermarket ito naka assign habang siya ay isang regular kahera sa department store ng malaking mall na iyon kung saan sila nagkakilala.
Tapos si Aria ng kursong Hotel and Restaurant Management. Pero dahil mahirap maghanap ng trabaho, hindi na importante sa kanya kung malayo sa kursong tinapos niya ang trabahong pinasok niya. Ang importante kasi sa dalaga ay kumikita siya.
"Hindi na, okay lang ako" sagot niya saka na sumakay sa pinarang jeep ni Norman.
Gaya ng dati dala ng pagod ay nakatulog si Aria sa byahe habang nakahilig sa balikat ng kanyang nobyo. Ganoon sila araw-araw. Ginigising nalang ito ni Norman kapag bababa na sila.
"Dinner ka muna?" nasa may gate na sila ng kanilang bahay noon.
Magkakasunod na umiling ang kanyang nobyo. "Uuwi narin ako," anitong bakas sa mukha ang matinding pagod at pagmamadali.
Tumango-tango si Aria saka tinugon ang halik sa kanya ni Norman sa mga labi.
"Rest day mo bukas?" ang binata nang pakawalan nito ang mga labi niya.
Nakangiting tumango ng magkakasunod si Aria. "Bakit?" kabisado na niya ang tanong na iyon ni Norman, at hindi nga siya nagkamali.
"Dun tayo sa apartment ko bukas? Ipagluluto kita ng lunch," nito saka nanunuksong kinagat ang kanyang punong tainga.
Mabilis na tinablan si Aria sa ginawing iyon ni Norman. "S-Sige, puntahan kita" sagot niya.
Muli siyang dinampian ng simpleng halik ni Norman bago ito tuluyang nagpaalam.
"GOOD morning Dad," si James na mahinang tinapik sa balikat ang amang si Jaime na inabutang niyang kumakain na ng almusal sa komedor.
"Tinanghali ka yata ngayon hijo?" anitong dinampot ang tasa nito ng kape saka humigop.
Nagmamadali ang mga kilos na sinimulan ni James ang pagkain. "Nakatulog ulit ako Pa," aniyang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.
Umangat ang daalawang kilay ng matanda. " Masyado kang stress anak, why don't you take a break. Kahit mga isang buwan, walang kaso iyon" payo nito sa kanya.
Nagkibit lang ng balikat si James. "Pag-iisipan ko, Pa" aniya.
Naiiling na muling humigop ng kape nito ang matanda. "Gusto ko nang magkaroon ng apo," anito sa seryosong tono.
Agad na natigilan si James sa narinig saka tahimik na tinitigin ang ama.
"You heard me right anak, matanda na ako at gusto kong maranasan ang magkaroon ng apo. Alam mo naman ang kundisyon ko," ang makahulugan nitong sabi saka pinakatititigan ang binata.
"Pa," nasa tono niya ang makahulugang protesta at nakuha naman ni Jaime ang ibig niyang sabihin.
Mapait ang ngiting pumunit sa mga labi ng kanyang ama. "Hindi lahat ng babae kagaya ng Mama mo," anito.
Noon tahimik na ipinagpatuloy ni James ang pagkain. Kaya naman muling nagsalita ang Papa niya.
"Akala mo ba hindi ko alam na iyon ang dahilan kaya ka nagkakaganyan?"
Kahit kailan, mula pagkabata ay pirming sa ganitong paraan siya kinakausap ni Jaime. Malumanay. Pero hindi niya maipaliwanag ang epekto ng style nito. Dahil totoong tinatalaban siya ng matinding guilt at hiya.
"Darating ang araw mawawala ako, mag-iisa ka. Totoong marami kang pera pero iba parin ang pamilya. Iba parin ang may anak at asawa," dugtong pa nito.
Ngumiti lang si James saka tuluyang tinapos ang pagkain. "Pag-iisipan ko, Papa," aniyang hinalikan ang ulo ng matanda bago lumabas ng komedor.
BETRAYAL
NASA daan na si James ay tahimik parin niyang pinag-iisipan ang sinabi ng ama. Si Mang Damian, ang matandang family driver nila ang nasa harapan ng manibela gaya ng dati ay tahimik lang habang pinatatakbo ang sasakyan.
"Kumusta ho ang pamilya ninyo Mang Damian?" ang naisip niyang itanong sa matanda.
Nakangiti siya nitong sinulyapan mula sa salamin sa may ulunan nito. "Mabuti naman hijo" sagot nito. "hulaan ko, siguro kinausap ka na naman ng Papa mo tungkol sa pag-aasawa ano?" anitong sinundan pa iyon ng mahinang tawa.
Alanganin ang ngiting pumunit sa mga labi ng binata. "Masyado na po bang matanda ang edad kong thirty para ipagtulakan niya akong lumagay sa tahimik?"
Katulad kanina ay nakangiting muling nagsalita ang matanda. "Hindi naman, pero aminin mo, sa mga naging kaibigan at kaklase mo noon sa kolehiyo, ikaw nalang ang walang pamilya?" nasa tono ng matanda ang panunukso.
"Oo nga naman, aminado ako roon" pag-amin niya.
"Sixty six na ang Papa mo hijo, ako manang nasa katayuan niya ay ipagtutulakan na kita sa pag-aasawa. Lalo na at hindi naman lingid sa atin ang sakit niya sa puso" paliwanag sa kanya ni Mang Damian.
Sa huling sinabi ni Mang Damian ay hindi na nakapagsalita pa si James. Mahal na mahal niya ang Papa niya at wala siyang hindi gagawin para dito.
Kung apo lang ang gusto mo Papa mabibigyan kita niyon. Pero manugang?
Sa kaisipang iyon ay natigilang napaisip si James.
I'm not sure...
Ang kabilang bahagi ng isipan niya.
"HINDI ba dayoff mo ngayon anak? Bakit ang aga mo yatang bumangon?" ang nanay niyang si Cita na noon ay nasa kusina at naghahanda ng agahan.
"May lakad po kami ni Norman, nay," sagot niya saka nagtimpla ng kape.
Tumango-tango ang nanay niya.
"Mukhang napasarap ang tulog ng mga kapatid mo. Pakigising mo nga at baka mahuli sa klase. Baka nakalimutan nilang Miyerkules ngayon at hindi Sabado."
Matapos ang almusal ay nagsimula na ring gumayak si Aria. Alam niyang lunch pa ang usapan nila ni Norman. Pero dahil wala rin naman siyang gagawin sa bahay ay naisip niyang sorpresahin na ang nobyo. Para mas matagal niya itong makasama.
May sarili siyang susi sa inuupahang apartment ni Norman na ang nobyo mismo ang nagbigay.
Pasado alas nueve nang marating niya iyon. Napangiti siya nang mapunang sarado parin ang mga bintana ng apartment. Naisip niya na baka tulog pa ito kaya naging maingat siya sa kanyang mga kilos.
Pero iba ang nangyari nang makapasok na si Aria at mamataan ang isang kulay pulang shoulder bag na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nagsimulang kumabog ang dibdib niya saka maingat na naglakad palapit sa kinaroroonan ng kwarto ni Norman.
Parang ipinako sa kinatatayuan niya si Aria nang mula mismo sa malaking uwang ng pintuan ay maaktuhan ang nobyo niyang katalik ang kung sino.
Nag-init ang mga mata niya saka wala sa loob na itinakip ang kamay sa sarili niyang bibig. Napasigok siya at umabot iyon sa pandinig ni Norman na mabilis na natilihan pagkakita sa kanya.
Nakita niyang bumangon ito. Alam niyang magpapaliwanag ang binata. Pero hindi na niya kailangan iyon, tama na ang lahat ng nakita niya. Kaya nagmamadali siyang kumilos at iniwan ang lugar na iyon.
"Kung apo lang ang gusto mo Papa mabibigyan kita niyon. Pero manugang? I'm not sure..." -JAMES-
"TAMAna iyan Aria, hindi ka naman talagang umiinom eh. Malalasing ka ng husto" ang nag-aalalang awat ni Jocel sa kanya. Mapait ang ngiting pinakawalan ng dalaga saka naiiyak na hinarap ang matalik na kaibigan. "Putang ina niya!" mura niyang si Norman ang tinutukoy.
NANGitulak ni James pabukas ang pintuan ng hotel suite ay saka naramdaman ng binata ang pagkawala ng babae sa pagkakahawak niya. "Hey, sandali lang" aniya pang itinulak ang pinto saka ikinandado. "Okay ka lang?" tanong niyang hinarap ang babae.
HINDI sumagot ang binata at sa halip ay ipinagpatuloy nito ang pagdampi ng maliliit na halik sa palibot ng kanyang bukana. "I'm glad you shaved," anito na binilisan ng kaunti ang paglalabas-masok ng daliri nito sa hiwa ng kaniyang pagkababae. Pagkatapos ay muli nito iyong niyuko saka sinamyo ang bango niyon. "ikaw nga ito, mabango," pagkasabi niyon ay sinimulan nitong suyuin ng bibig nito hiyas na nasa pagitan ng kaniyang mga hita.
MADALINGaraw nang malingat si James para lang mapangiti nang makitang nanatiling nakasiksik sa tagiliran niya ang babaeng nagawang ibigay ang virginity sa kanya pero hindi ang pangalan nito. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa maganda nitong mukha. Napakahimbing ng tulog nito sa kanyang bisig at hindi niya maitatangging sa kabila ng pagiging estranghera nito ay gusto niya ito sa kanyang tabi.
"KELANnaman kaya iyon?" si Aria kausap ang matalik na kaibigang si Jocel sa kanyang cellphone.Naghahanda siya noon para sa pagpapasa niya ng resignation letter sa pinapasukang mall. "Next week ang job fair sa mismong head office. Punta ka nalang doon tapos sasabihan ko iyon kaibigan ko sa HR na isa sa mga interviewee na kung sakaling pumasa ka eh sa outlet ko doon ka niya ilagay para mas malapit sa inuuwian mo" paliwanag sa kanya ng kausap a kabi
"ARIAtingnan mo ito girl! Basahin mo!" nagsalubong ang mga kilay ng dalaga sa nakitang reaksyon ni Jocel. "Ano iyan?" ang tanging nasabi niya matapos basahin ang message. Umikot ang mga mata ni Jocel. "Ito iyong may-ari ng kompanyang pinagtatrabauhan ko. Mukhang
NAKITAni James na magkakasunod na napalunok si Aria sa sinabi niyang iyon. Maging ang matinding pamumula ng mukha nito. Isama mo pa ang mga mata nitong kanina pa maiilap. Totoong nagtutumindi ang kagustuhan niyang angkinin ito ng paulit-ulit. Hindi niya maintindihan, pero kung ang pananamit lang ng dalaga na napakasimple at masyadong formal ay wala naman dahilan para makaramdaman siya ng ganoon. Kung ano ang nangyayari sa kanya, hindi niya maintindihan. Pero i
GAYA ng gustong mangyari ng amo niya, pinuno niya ng maraming pagkain ang dambuhalang two door na refrigerator nito. Hindi naman siya nahirapang maghanap ng unit nito kasi naka embose sa mismong keycard ang numero ng silid na kailangan niya hanapin. Saktong quarter to twelve nang matapos niyang lutuin ang specialty niyang beef caldereta. Inayos niya ang mesa at tamang natapos siya ay narinig niya ang magkakasunod na katok sa
"REALLY?"pinigil ni Aria ang sariling emosyon sa sinabing iyon ng binata. Nagkibit ng balikat nito si James saka muling nagsalita. "Hindi ko kasi magawang ipaliwanag kung bakit ganoon nalang ang tindi ng panghihinayang ko nung lumabas ako ng banyo tapos wala kana?"
SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ng lahat. Lalo na ni Aria, ang araw ng pag-iisang dibdib nila ni James. Isa iyong private garden wedding sa Tagaytay na dinaluhan ng malalapit na kapamilya, kaibigan at kamag-anak nila. Magandang-maganda si Aria sa suot niyang wedding gown. A
NAGINGabala sa sumunod na mga araw sina Aria at James. Isang buwan bago ang kasal nila ay mas pinili nalang ni James na mag-leave sa trabaho para matutukan nilang pareho ang pag-aasikaso sa nalalapit na araw ng kanilang pag-iisang dibdib.Kinabukasan makalipas ang nangyaring pagdukot sa kanya ni Norman ay minabuti ng binata ang ilapit siya sa isang psychologist. At ganoon rin naman ang ginawa ni Jocel sa anak nitong si Janna.
"JAMES?"si Aria nang marinig ang boses ng binata sa kabilang linya. "Aria, sweetheart napatawag ka? Pasensya na nasa meeting ako kanina kaya hindi ko nasagot iyong mga calls mo" paliwanag pa nito. "Pupuntahan ko si Norman" a
SAmansyon sa Quezon City siya iniuwi ni James makalipas ang ilang araw niyang pananatili sa ospital. Babalik parin naman daw sila ng San Benjamin. Sa ngayon kasi ay medyo nagiging maselan na ang kondisyon ng palilihi niya. Pero sa kabilang banda, may bahagi ng isipan niya ang parang ayaw maniwalang iyon lang ang dahilan ni James kaya mas pinili nitong doon sila mag-stay. Kung makakasama lang naman sa bahay ang iniisip nito, naroon naman si Aling Erlie na ma
"PINAKULONGmo siya?" hindi maintindihan ni Aria pero sa kabila ng lahat nakaramdam parin siya ng awa para kay Paula. "Iyon ang mas dapat. Pagkatapos ng ginawa niya sa'yo kahit alam niyang buntis ka? Kung tutuusin pwede kong isipin na gusto niyang patayin ang anak ko," ang galit na galit na sagot ni James sa mababang tao. "at pati narin ikaw," dugtong pa nito saka siya pinakatitigan.
"ANO?" si Aria na napatayo sa kinauupuan nang makatanggap ito ng tawag mula sa nanay niya kinagabihan. Concerned na nilingon siya ni James na nang mga sandaling iyon ay abala sa harapan ng manibela. Kagagaling lang nila sa opisina. Kakain lang muna sila at pagkatapos ay uuwi na ng San Benjamin.
HINDI maitatanggi ni James na lalo siyang nagkaramdam ng matinding pananabik kay Aria dahil narin sa sinabing iyon ng dalaga. Mariin niya itong muling hinalikan saka pagkatapos ay hinawakan sa balakang at itinaas. Madalas ay pikit ang mga mata ng dalaga habang hinahalikan niya ito. At madalas rin niyang panoorin iyon. Gusto niyang nakikita ang mga reaksyon nito at kung paano nitong isinusuko ang lahat ng mayroon ito sa kanya. Kung paano nito tinatanggap ang matinding pagkatalo sa tuwing magtatalik sila na sinusuklian naman ni
"MUKHAmas worried pa yata ako kaysa sa'yo," si James na naupo sa tabi niya matapos makipag-usap kay Jocel sa telepono. "Seryoso ka ba na ipapatanggal mo si Norman sa trabaho?" ang sa halip ay tanong-sagot ni Aria sa nobyo. N