"TAMA na iyan Aria, hindi ka naman talagang umiinom eh. Malalasing ka ng husto" ang nag-aalalang awat ni Jocel sa kanya.
Mapait ang ngiting pinakawalan ng dalaga saka naiiyak na hinarap ang matalik na kaibigan. "Putang ina niya!" mura niyang si Norman ang tinutukoy.
Narinig niya ang mabigat na buntong hiningang pinakawalan ni Jocel saka siya naaawang pinakatitigan. "M-May nangyari ba sa inyo ni Norman sis?" nahimigan ni Aria ang pag-aalangan sa tanong na iyon ng kaibigan.
Noon na tuluyang napaiyak ang dalaga saka magkakasunod na umiling. "Kaya nga siguro niya nagawa ang ganoon sa akin kasi hindi ako pumapayag na may mangyari sa'min eh" aniyang nagpahid ng mga luha.
"Tama lang na walang nangyari sa inyo. Sa tingin mo ba kung sakali mapipigil iyong gawain niyang ganoon? Hindi mo siya deserve" may diin ang huling salitang sinabi nito.
"Mahal na mahal ko siya eh" aniyang muling napaiyak.
Nakakaunawang magkakasunod na tumango si Jocel. "Alam ko" anito. "at sigurado rin akong kakausapin ka niya. Baka pilitin niyang makipagbalikan sa'yo. Sana lang huwag na, kung makikinig ka lang sa'kin. I've been there, at sigurado akong hindi siya mababago ng isang pagkakamali lang" anitong ginagap ang palad niya pagkatapos.
Tahimik na nilagok ni Aria ang beer sa kanyang baso. "Salamat" aniyang nagbuntong hininga saka sinulyapan an suot na relo. "mauna kana, alam ko pagod ka. Pasensya kana naistorbo kita" aniya pa.
Umiling si Jocel. "Okay lang iyon. Sigurado ka bang ayos ka lang? Baka gusto mong ihatid na muna kita sa inyo?"
"Okay lang ako. Sige na, baka hinihintay kana ng inaanak ko" pagtataboy niya rito.
Sinundan lang niya ng tingin ang papalayong bulto ni Jocel pagkatapos. Noon kolehiyo sila nagkakilala at naging magkaklase ni Jocel. Naging malapit sila sa isa't-isa at hindi nagtagal ay naging mag-bestfriend na nga ang turingan nilang dalawa.
Sinuwerte sa buhay nito ang kaibigan niya. Seaman ang nitong si napangasawa nitong si Allan na kumikita ng malaki. Si Janna ang nag-iisang anak ng mga ito na dalawang taong gulang pa lamang at inaanak niya sa binyag.
Store manager ng isang international bakeshop ang kaibigan niya at kumikita na ng malaki. Sa isiping iyon ay mapait na naman siyang napangiti.
Ang totoo dalawa talaga silang nagbalak ni Jocel na magtrabaho sa kompanyang iyon. Ang Sebastian International Bakeshop. Pero mas pinili niya sa dakong huli ang maging kahera sa kasalukuyang mall na pinagtatrabauhan niya dahil sa may kalayuan sa kanila ang branch kung saan siya na-assign bilang sales associate.
Sa ganoong posisyon rin naman nagsimula si Jocel. Masipag at magaling kasi ito kaya naging mabilis at sunod-sunod ang promotion. Sa branch na hawak nito nakilala ng kaibigan niya ang mister nito. Parang siya at si Norman. Ang kaibahan nga lang, nagkatuluyan ang dalawa habang sila?
Noon mabilis na nag-init ang mga mata niya magkakasunod na huminga pagkatapos ay kinawayan ang waiter. Nang makalapit sa kanya ay umorder ulit siya ng dalawang bote pa ng beer.
NAPANGITI si James habang pinagmamasdan ang babaeng simpleng maong pants at itim na polo shirt ang suot. Maganda, ang totoo ay napakaganda. At iyon ang dahilan kung kaya kahit sabihin pang mahigit thirty minutes na niya itong pinagmamasdan ay hindi siya nakakaramdam ng boredom.
Makatawag pansin ang mahaba at alon-alon nitong buhok na light brown ang kulay. At dahil likas ang pagiging mestisa, natural na natural ang pamumula ng mukha nito gawa ng nainom naring beer.
Ilang sandali pang nakontento lang si James sa simpleng pagtanaw rito. Hanggang sa dumating siya sa puntong natagpuan nalang niya ang sariling nilapitan ito para makipagkilala.
"NAPANSIN ko mag-isa ka, actually wala rin akong makausap. Can I join you?" nagulat pa si Aria nang lapitan siya ng isang lalaking hindi man niya aminin pero totoong napaka-gwapo.
Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa katotohanang lasing na siya? Pero totoong kilig ang naramdaman niya kasabay ang masarap na kilabot na hatid ng mga titig sa kanya ng lalaki.
Nanatiling nakatitig lang siya rito. At ganoon rin ang lalaki sa kanya. Hindi niya maintindihan, nakangiti ito sa kanya pero parang may maliliit na apoy siyang nakikita sa maiitim nitong mga mata. Sa kabila ng pangingislap ng mga iyon, parang nakita niya ang mensaheng "I will not disappoint you" sa mga iyon.
"Okay lang?" untag nito sa kanya ilang sandali pagkatapos.
Nagkibit siya ng mga balikat nang makabawi saka muli ay uminom ng beer. "Mukha namang hindi kita mapipigilan eh" aniyang inirapan pa ito nang mapuna ang amusement sa mga labi ng lalaki.
"Suplada ka pala" sagot naman nito saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa. "I'm James, ikaw?" pakilala nitong inilahad ang kamay sa kanya.
Nahihilong tiningnan lang ni Aria ang kamay ng lalaki. "Importante pa ba ang pangalan? Eh sigurado ako sa sobrang dami ng naging babae mo hindi mo na sila kilalang lahat" aniya rito saka naiiling na muling uminom ng beer. "pare-pareho lang kayong mga lalaki eh, mga tarantado!" ang bitter niyang sabi.
"Hey" ang narinig niyang sinabi ni James kaya siya marahas na napalingon dito.
"Huwag mo nga akong ma-hey-hey diyan! Hindi kita kilala at hindi tayo close kaya huwag kang mag-FC diyan!" ang muli ay mataray niyang sabi.
Umangat ang makakapal na kilay ng lalaki. "FC?" tanong nito.
Doon hindi napigilan ni Aria ang matawa. "Feeling close!" aniya.
Titig na titig na sa mukha niyang nagsalita ang lalaki. "You look so pretty when you smile. And I like the sound of your laugh, husky, so sexy" seryoso nitong sabi.
Mabilis ang naging epekto sa kanya ng sinabing iyon ng lalaki. Naramdaman agad ni Aria ang matinding kilabot sa kabuuan niya. At hindi niya maipaliwanag ang parang likidong umagos sa kanyang gawa narin ng kakaibang enerhiyang mayroon ang mga titig nito.
"T-Tumigil ka!" ang nahihilo niyang sabi saka dinuro ang lalaki.
"Lasing kana, halika ihahatid na kita" anitong tumayo saka umakmang hahawakan siya pero mabilis na nagprotesta ang dalaga.
"Huwag mo akong hahawakan, hindi ako lasing" palag niya.
"Okay," anitong bumalik sa kaninang kinauupuan pero nanatiling nakatitig sa kanya.
A-Ang g-wapo mo, sobra," si Aria na kinikilig pang ngumiti.
"I know..." ang walang gatol naman na sagot ni James saka tila nang-aakit siyang nginitian na sinundan pa iyon ng maharot na kindat. "maganda ka, and I have to be honest na gusto kita" ang prangka nitong dugtong.
Tumawa ng mahina si Aria. "Landian pala ang gusto mo eh, sorry wala akong panahon sa ganyan," sagot niya saka naiiling na inabot muli ang bote ng beer sa center table pero mabilis iyong nahawakan ng lalaki saka itinaas para hindi niya makuha.
Noon inis na napatayo si Aria para agawin ang bote ng beer. Pero gawa narin ng katotohanang lasing na siya ay nahilo siya. At sa kagustuhang huwag matumba ay napayakap siya sa leeg ni James. Dahilan kaya nadikit ng husto ang dibdib niya sa mukha nito.
Malakas siyang napasinghap gawa ng matinding boltahe ng kuryenteng naramdaman niya dahil doon. Pinakawalan naman siya ng lalaki pero nanatiling nakapulupot ang kamay nito sa baywang niya.
"Are you okay?" ang nag-aalala nitong tanong.
Nanatiling nakatingala si Aria sa perpektong kagwapuhan sa kanyang harapan. Moreno ito na may mapupulang mga labi. Magagandang mga mata na maiitim. Napakatangos ng ilong, at kulot ang buhok nitong kulay chocolate brown.
"Kiss me" ang mga salitang kusang namutawi sa mga labi ni Aria.
Noon umangat ang sulok ng labi ni James, saka pagkatapos ay walang anumang salitang niyuko siya saka mapusok na hinalikan.
"Landian pala ang gusto mo eh, sorry wala akong panahon sa ganyan," -ARIA-
NANGitulak ni James pabukas ang pintuan ng hotel suite ay saka naramdaman ng binata ang pagkawala ng babae sa pagkakahawak niya. "Hey, sandali lang" aniya pang itinulak ang pinto saka ikinandado. "Okay ka lang?" tanong niyang hinarap ang babae.
HINDI sumagot ang binata at sa halip ay ipinagpatuloy nito ang pagdampi ng maliliit na halik sa palibot ng kanyang bukana. "I'm glad you shaved," anito na binilisan ng kaunti ang paglalabas-masok ng daliri nito sa hiwa ng kaniyang pagkababae. Pagkatapos ay muli nito iyong niyuko saka sinamyo ang bango niyon. "ikaw nga ito, mabango," pagkasabi niyon ay sinimulan nitong suyuin ng bibig nito hiyas na nasa pagitan ng kaniyang mga hita.
MADALINGaraw nang malingat si James para lang mapangiti nang makitang nanatiling nakasiksik sa tagiliran niya ang babaeng nagawang ibigay ang virginity sa kanya pero hindi ang pangalan nito. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa maganda nitong mukha. Napakahimbing ng tulog nito sa kanyang bisig at hindi niya maitatangging sa kabila ng pagiging estranghera nito ay gusto niya ito sa kanyang tabi.
"KELANnaman kaya iyon?" si Aria kausap ang matalik na kaibigang si Jocel sa kanyang cellphone.Naghahanda siya noon para sa pagpapasa niya ng resignation letter sa pinapasukang mall. "Next week ang job fair sa mismong head office. Punta ka nalang doon tapos sasabihan ko iyon kaibigan ko sa HR na isa sa mga interviewee na kung sakaling pumasa ka eh sa outlet ko doon ka niya ilagay para mas malapit sa inuuwian mo" paliwanag sa kanya ng kausap a kabi
"ARIAtingnan mo ito girl! Basahin mo!" nagsalubong ang mga kilay ng dalaga sa nakitang reaksyon ni Jocel. "Ano iyan?" ang tanging nasabi niya matapos basahin ang message. Umikot ang mga mata ni Jocel. "Ito iyong may-ari ng kompanyang pinagtatrabauhan ko. Mukhang
NAKITAni James na magkakasunod na napalunok si Aria sa sinabi niyang iyon. Maging ang matinding pamumula ng mukha nito. Isama mo pa ang mga mata nitong kanina pa maiilap. Totoong nagtutumindi ang kagustuhan niyang angkinin ito ng paulit-ulit. Hindi niya maintindihan, pero kung ang pananamit lang ng dalaga na napakasimple at masyadong formal ay wala naman dahilan para makaramdaman siya ng ganoon. Kung ano ang nangyayari sa kanya, hindi niya maintindihan. Pero i
GAYA ng gustong mangyari ng amo niya, pinuno niya ng maraming pagkain ang dambuhalang two door na refrigerator nito. Hindi naman siya nahirapang maghanap ng unit nito kasi naka embose sa mismong keycard ang numero ng silid na kailangan niya hanapin. Saktong quarter to twelve nang matapos niyang lutuin ang specialty niyang beef caldereta. Inayos niya ang mesa at tamang natapos siya ay narinig niya ang magkakasunod na katok sa
"SLEEP,alam kong pagod ka" si James nang ilapag nito ang pagod niyang katawan sa gitnan ng malambot nitong kama. "Inubos mo ang lakas ko eh" si Aria na tumawa ng mahina saka hinila ang putting kumot. "Here, isuot mo. Ipapalaba ko na muna iyong damit mo" anitong inalalayan siya sa pagbangon matapos iabot sa kanya ang t-shirt nito. "You have a very nice and soft skin, alam mo ba iyon?" si James nang muli ay mahantad rito ang kahubaran niya. "Ilang beses mo ng sinabi iyan" aniyang sinubukang isuot ang t-shirt pero inawat siya ng lalaki. "I already marked you as mine, see?" anitong pinadaanan ng hintuturo nito ang maliliit na marka sa katawan at dibdib niya. "J-James..." aniyang nag-iinit ang magkabilang pisngi dahil sa ginawing iyon ng binata. Umangat ang sulok ng labi ni James saka siya hinalikan. "Gusto mo bang kumain?" pagkuwan ay tanong nito. Ngumiti siya matapos isuot ang damit."Wala akong panty," ang natatawang sagot
"REALLY?"pinigil ni Aria ang sariling emosyon sa sinabing iyon ng binata. Nagkibit ng balikat nito si James saka muling nagsalita. "Hindi ko kasi magawang ipaliwanag kung bakit ganoon nalang ang tindi ng panghihinayang ko nung lumabas ako ng banyo tapos wala kana?"
SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ng lahat. Lalo na ni Aria, ang araw ng pag-iisang dibdib nila ni James. Isa iyong private garden wedding sa Tagaytay na dinaluhan ng malalapit na kapamilya, kaibigan at kamag-anak nila. Magandang-maganda si Aria sa suot niyang wedding gown. A
NAGINGabala sa sumunod na mga araw sina Aria at James. Isang buwan bago ang kasal nila ay mas pinili nalang ni James na mag-leave sa trabaho para matutukan nilang pareho ang pag-aasikaso sa nalalapit na araw ng kanilang pag-iisang dibdib.Kinabukasan makalipas ang nangyaring pagdukot sa kanya ni Norman ay minabuti ng binata ang ilapit siya sa isang psychologist. At ganoon rin naman ang ginawa ni Jocel sa anak nitong si Janna.
"JAMES?"si Aria nang marinig ang boses ng binata sa kabilang linya. "Aria, sweetheart napatawag ka? Pasensya na nasa meeting ako kanina kaya hindi ko nasagot iyong mga calls mo" paliwanag pa nito. "Pupuntahan ko si Norman" a
SAmansyon sa Quezon City siya iniuwi ni James makalipas ang ilang araw niyang pananatili sa ospital. Babalik parin naman daw sila ng San Benjamin. Sa ngayon kasi ay medyo nagiging maselan na ang kondisyon ng palilihi niya. Pero sa kabilang banda, may bahagi ng isipan niya ang parang ayaw maniwalang iyon lang ang dahilan ni James kaya mas pinili nitong doon sila mag-stay. Kung makakasama lang naman sa bahay ang iniisip nito, naroon naman si Aling Erlie na ma
"PINAKULONGmo siya?" hindi maintindihan ni Aria pero sa kabila ng lahat nakaramdam parin siya ng awa para kay Paula. "Iyon ang mas dapat. Pagkatapos ng ginawa niya sa'yo kahit alam niyang buntis ka? Kung tutuusin pwede kong isipin na gusto niyang patayin ang anak ko," ang galit na galit na sagot ni James sa mababang tao. "at pati narin ikaw," dugtong pa nito saka siya pinakatitigan.
"ANO?" si Aria na napatayo sa kinauupuan nang makatanggap ito ng tawag mula sa nanay niya kinagabihan. Concerned na nilingon siya ni James na nang mga sandaling iyon ay abala sa harapan ng manibela. Kagagaling lang nila sa opisina. Kakain lang muna sila at pagkatapos ay uuwi na ng San Benjamin.
HINDI maitatanggi ni James na lalo siyang nagkaramdam ng matinding pananabik kay Aria dahil narin sa sinabing iyon ng dalaga. Mariin niya itong muling hinalikan saka pagkatapos ay hinawakan sa balakang at itinaas. Madalas ay pikit ang mga mata ng dalaga habang hinahalikan niya ito. At madalas rin niyang panoorin iyon. Gusto niyang nakikita ang mga reaksyon nito at kung paano nitong isinusuko ang lahat ng mayroon ito sa kanya. Kung paano nito tinatanggap ang matinding pagkatalo sa tuwing magtatalik sila na sinusuklian naman ni
"MUKHAmas worried pa yata ako kaysa sa'yo," si James na naupo sa tabi niya matapos makipag-usap kay Jocel sa telepono. "Seryoso ka ba na ipapatanggal mo si Norman sa trabaho?" ang sa halip ay tanong-sagot ni Aria sa nobyo. N