Share

Chapter 27

Penulis: Raw Ra Quinn
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-27 15:07:11

PAGKATAPOS nilang maglambingan sa kama, sabay silang naligong dalawa at siyempre pa, hindi lang basta pagligo ang ginawa nilang dalawa sa loob ng banyo.

Tinuyo siya nito ng tuwalya at binuhat papunta sa walk-in closet at pinilian ng damit. Isang pink na maternity dress ang pinili nito para sa kanya. Tinulungan siya nitong suotin iyon at kung hindi niya pa ito sinaway at sinabing nagugutom na siya, baka kung saan na naman napapunta ang tagpo nilang iyon.

Magkahawak ang mga kamay na bumaba sila ng hagdan at nagtungo sa kusina. Sa pintuan pa lang ay amoy na ang mabangong niluluto ni 'Nay Caring.

"Good morning po, 'Nay," bati niya sa matandang katiwala.

Lumingon ito sa kanila mula sa pagluluto nito at bumati rin ng magandang umaga.

Pinaghila siya ni Mael ng silya. Nakangiting umupo siya at nagpasalamat dito.

Hindi ito naupo sa tabi niya. Lumapit ito sa sink at kinuha ang strawberries doon.

Naglaway siya habang pinanonood itong gumawa ng strawberry smoothies. Ilang araw na siyang nagke-cra
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 28

    GABI NA nang dumating si Mael. Siya naman ay nagbabasa habang nakasandal sa headboard ng kama, inaantay niya kasi ang asawa.Napangiti siya nang makitang may bitbit itong mga laruan. Hindi ito magkandatuto sa pagbububat."Ano 'yang mga dala mo?" natatawang tanong niya dito. Hindi kasi bagay dito ang mga bitbit nito. Naka-three piece suit ito, businessman na businessman tingnan, a very dignified one. Tapos napakadaming bitbit na makukulay na mga laruan.Binitawan niya ang binabasang libro sa gilid niya para abutin ang mga dala-dala ni Mael.Inilapag nito sa ibabaw ng kama ang mga plastic saka siya hinalikan sa mga labi at nakikalkal na rin sa mga dala nito. Parang mga batang inisa-isa nilang tingnan ang mga pinamili nito. Natatawang dinampot niya ang teether at winagayway sa tapat ng mukha ng asawa."Hindi pa ito agad magagamit ni Baby," naiiling na turan niya. Iginala niya ang paningin sa lahat ng mga pinamili nito na nakasabog na sa ibabaw ng kama. "Ahmm, lahat ito hindi pa naman niy

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-27
  • Owning Her (tagalog)    Chapter 29

    "SINIPA AKO NI BABY!" manghang ani ni Mael kay Angela. Nanlalaki ang mga mata nito at parang batang nabigyan ng regalo ang itsura.Nakadikit ang mukha nito sa malaki na niyang tiyan. Nakahiga ito sa kandungan niya habang siya naman ay nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama. Pitong buwan na ang tiyan niya at sobrang excited na itong makita ang baby nila.Kung noon ay maalaga na ito sa kanya, mas lalong naging OA ang pag-aasikaso at pag-aalaga nito sa kanya ngayon. Para na siyang malulumpo lalo na nang magdeklara ito na kailangan niya nang mag-bed rest kahit wala namang problema at healthy naman silang mag-ina.Ito rin ang personal na naghahanda at namimili ng mga kakainin niya. Lagi rin itong nagbabasa ng mga blogs about parenthood. Gusto raw kasi nitong paghandaang maigi ang paglabas ng baby nila.Napakasuwerte ng anak nila at napakasuwerte rin niya. Tinupad nito ang pangako nitong babawi ito sa kanya. Na magiging mabuting asawa ito at ama sa anak nila."Excited na rin siguro si B

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-27
  • Owning Her (tagalog)    Chapter 30

    NAGISING SI Angela sa tunog ng makina.Nakatulog na pala siya sa pagbabasa. Madilim na sa labas. Bumaling siya sa wall clock, ala-una na ng madaling araw.Nanatili siyang nakahiga. Hinila niya ang unan at niyakap iyon saka muling pumikit.Maya-maya pa narinig niya ang mga yabag ng asawa. Nanatili siyang nakapikit kahit na naramdaman niya ang paglundo ng kama.Hinaplos ni Mael ang buhok niya saka siya kinintalan ng halik sa sentido."I'm sorry..." mahinang bulong nito. "I love you."Imumulat niya na sana ang mga mata nang marinig niyang tumunog ang cellphone nito.Napamura nang mahina si Mael. Nagtaka siya kung sino ang tumatawag at bakit parang galit na galit si Mael. Nanatili siyang nakapikit at nagtutulug-tulugan. Naramdaman niyang umalis sa kama si Mael."What do you fucking want, Suzette?!" gigil na bulong ni Mael.Para naman siya natulos nang marinig kung sino ang kausap ng asawa."Kakagaling ko lang d'yan, dammit!"Parang huminto sa pagtibok ang puso niya dahil sa sinabi ni Mael

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-27
  • Owning Her (tagalog)    Chapter 31

    "AMARIAH!" tumatawang tawag niya sa isang napakagandang bata na tumatakbo palayo sa kanya. Napakatinis ng halakhak nito."Mama!" tawag nito sa kanya at ikinaway pa ang dalawang maliliit na kamay sa kanya.Napangiti siya. Hahakbang sana siya papalapit dito pero hindi niya maigalaw ang mga paa."Amariah!" tawag niya sa munting anghel nang tumalikod ito at muling tumakbo. "Anak!" sigaw niyang muli pero hindi siya nito nililingon. Napahagulgol siya, pilit inihahakbang ang mga paa, pero ayaw talagang umalis niyon sa pagkakadikit sa kinatatayuan niya. Binundol ng matinding takot ang dibdib niya nang paliit na nang paliit sa paningin niya ang anak."Anak! Amariah! Anak, 'wag mong iwan si Mama! A-anak ko..." Napalupasay na siya at humagulhol nang iyak ng tuluyang mawala ang anak."Angela... Honey... wake up!"Nagmulat siya ng mga mata at una niyang nabungaran ay ang nag-aalalang mukha ni Mael. Saglit siyang naguluhan, hanggang sa maunawaan niyang nananaginip na naman siya.Galit na pinalis ni

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-27
  • Owning Her (tagalog)    Chapter 32

    NAKAKULONG lang si Angela sa kuwarto niya at walang kinakausap kahit isa. Wala siyang ginagawa kundi ang umiyak nang umiyak. Hindi niya alam kung kailan mawawala ang sakit. Nawalan siya ng anak. At ngayon, ilang linggo na siya dito sa bahay nila pero kahit minsan hindi siya pinuntahan ni Mael.Ang gaga niya. Siya ang umalis para lumayo dito pero sa bawa't araw naman na dumaan ay lagi niyang inaantay na susunduin siya ni Mael. Nami-miss niya na ito. Gusto niyang pagsisihan ang desisyong nagawa pero kapag naaalala niyang may nabuntis itong iba, napipigil niya ang sarili.Nag-uumpisa uli siyang magalit. Nagagalit siya dahil bakit kailangan siyang lokohin at saktan ni Mael? At mas nagagalit siya sa sarili niya dahil bakit hindi niya magawang kalimutan ito?Kailan ba titigil sa pagiging miserable ng buhay niya? Wala siyang inapakang tao. Kahit kailan hindi siya namintas man lang ng kapwa niya. Pero bakit buhos ang pagpapahirap sa kanya? Na pati ang anak niya kinuha sa kanya?Minsan gusto n

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-27
  • Owning Her (tagalog)    Chapter 33

    "G-Gusto k-ko lang pong makita si Mael kahit ngayon lang," aniya.Napangiti naman ng maluwag ang dalawa."Sige, pumasok ka na."Pumasok siya sa loob at nakita niya ang biyenan niyang lalaki doon. Nginitian siya nito pero sa bigat ang pakiramdam niya, hindi niya magawang ngumiti rin dito.Lumabas ito at hinayaan siyang mag-isa sa loob ng kuwarto ni Mael.May cast ang kanang binti ni Mael, may benda din ito sa ulo at braso. Maga ang kaliwang bahagi ng mukha nito at maraming galos. Lumapit siya sa tabi nito.Gusto niya itong yakapin pero natatakot siyang masaktan niya ito. Nakuntento na lamang siyang hawakan ang kamay nito. Hinalikan niya iyon.Tulog pa rin ito at sabi ng doctor kung hindi ito magigising sa loob ng 24 hours, maaaring mauwi ito sa coma.Hinaplos-haplos niya ang kamay nito. "Nakita ko 'yung anak mo..." aniya dito kahit hindi siya nito naririnig. "Ang ganda niya. Kamukhang-kamukha mo." Mahina siyang tumawa kahit tumutulo na ang luha niya. "Gumising ka na diyan, kailangan ni

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-27
  • Owning Her (tagalog)    Chapter 34

    "You can't do this to me, Mael!" galit na galit na sigaw ni Suzette sa kanya. Nagpupumilit itong magpumiglas sa mga nurses na may hawak dito. "I'm not crazy!" muling sigaw nito.Mas lalo itong nagmukhang baliw dahil sa ginagawa nito at dahil do'n, tinutulungan siya nitong mapaniwala ang mga taga-mental institute na isa itong baliw.Pinalungkot niya ang mukha. "It's hard for me too, but you need help, baby," aniya. "You'll be fine. I p-promise," he said in a cracked voice. Nakita niya ang awa ng mga nurse na may hawak kay Suzette. Napangiti siya nang lihim."Hayup ka! Napakahayup mo! Ikaw ang baliw!" umiiyak na sigaw nito. "Hindi ako baliw! Bitawan n'yo ko!" Nagpupumiglas ito kaya sapilitan itong sinuotan ng straight jacket.Kahit ano pang sabihin nito, wala nang maniniwala dito. Pumayag siyang tumira ito sa log house kasama ang anak nito. Pumayag siya at pinakita dito na tanggap niya ang mga ito. Little did she know na unti-unti niya itong binabaliw. Matagal nang lulong sa casino si S

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-27
  • Owning Her (tagalog)    Chapter 35

    Melbourne Airport,AustraliaNapatingin si Angela sa batang babaeng kumalabit sa kanya. Sa tantiya niya ay nasa tatlong-taong gulang na ito.Napakaamo ng mukha nito. Matangos ang ilong at napakaganda ng itim na itim na mga mata. Mamula-mula ang kutis nito na lalong tumingkad dahil sa kulay mais nitong buhok. Para itong manikang gumagalaw.Parang may kumurot sa dibdib niya habang nakatingin dito. Yumuko siya upang makapantay ito."Hello," bati niya dito. Nginitian niya ito na ginantihan din nito ng ngiti. Lumabas tuloy ang bungi nitong ngipin na mas lalong nagpa-cute dito."Mama," tawag nito sa kanya. Natigilan siya dahil parang may sumuntok sa sikmura niya sa tinawag nito sa kanya. Bigla ay parang gusto niyang umiyak. Ilang beses niya bang pinangarap na may tumawag sa kanya ng ganoon?"Julianna!"May lumapit na isang babaeng nasa mid-thirties na ang edad at naka-scrub suit na pink. Agad nitong binuhat ang bata na kaharap niya. "Naku kang bata ka! Malilintikan ako sa 'yo n'yan, eh!" se

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-27

Bab terbaru

  • Owning Her (tagalog)    Final Chapter

    NAPANGITI si Angela nang makita ang resulta. Inilapag niya ang hawak niya sa ibabaw ng sink, kung saan alam niyang agad na makikita ni Mael. Lumabas siya ng banyo at nakasalubong niya pa si Mael sa may pintuan hawak ang tungkod nito."Morning..." anito, saka siya hinapit sa baywang at hinalikan sa mga labi. Agad siyang tumugon sa halik nito at ikinawit ang kamay sa leeg ni Mael."Morning," aniya nang maghiwalay ang mga labi nila. "Ligo na. Malapit ng dumating ang mga bisita," aniya saka bumitaw dito at itinulak na ito papasok sa banyo."They can wait, Hon!" tutol nito."No. Take a shower now, Hon," natatawang aniya.Umungol lang ito saka pumasok na sa loob ng banyo.Naupo naman siya sa kama at napapangiti. Nakarinig siya nang bumagsak sa sahig pagkatapos ay malakas na bumukas ang pinto ng banyo. Nanlalaki ang mga mata ni Mael na nakatingin sa kanya habang hawak sa kaliwang kamay nito ang pregnancy test.Pero maging siya ay nanlaki din ang mga mata. Dahil sa gulat. Nakakalakad na si Ma

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 42

    KINABUKASAN, bumiyahe sila pabalik ng San Ignacio. Dumiretso sila sa bahay nila para kamustahan ang itay niya. Umiyak ang itay niya pagkakita sa kanya kaya hindi niya na rin napigil ang mapaiyak.Pinaliwanag niya dito ang sitwasyon nilang mag-asawa at ang tungkol kay Julianna. Tanggap naman ng mga ito si Julianna at nangakong ililihim ang tunay na pagkatao ng bata. Giliw na giliw ang itay niya at lola kay Julianna kaya naman hinayaan niya na muna ang mga ito.Nilapitan niya si Juancho at Mael na nag-iinuman sa labas ng bahay nila. Agad na napangiti si Mael nang makita siyang papalapit sa mga ito."Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan niyo, ah?" aniya nang makalapit sa mga ito. Naupo siya sa tabi ni Mael."Tungkol sa Almendra," sagot ni Juancho. Ito na kasi ang tumatayong COO sa kompanya ng Lolo nila. Isinalin na rin ni Mael sa pangalan niya ang share na nakuha nito nang pinakasalan siya nito.Tumango siya at binalingan si Mael. "'Wag ka ng masyadong uminom," aniya dito. Uuwi pa kasi s

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 41

    PAGKATAPOS nilang mag-usap ni Mael, pinuntahan niya si Julianna sa kuwarto nito. Alam niyang nagtatampo ito kanina. Binuksan niya ang kuwarto nito na parang kuwarto ng isang prinsesa. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang may pagka-spoiler si Mael.Nakita niyang nakaupo ito sa tapat ng isang malaking doll house. Mag-isa lang itong naglalaro. Saglit na sinulyapan siya nito pero agad ding ibinalik ang tingin sa nilalaro."Hi," bati niya dito pero hindi ito umimik. "Anong nilalaro mo?" tanong niya ulit. Naupo siya sa tabi nito. "Pwede ba akong sumali?"Tumingin sa kanya si Julianna na may nagbabadyang luha sa mga mata. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Nagtatampo ka ba kay Mama?" malambing na aniya dito.Nanlaki naman ang mga mata nito."Sorry, ha...? Hindi ka kasi agad nakilala ni Mama kanina. Ganito ka lang kaliit nung huli kitang makita," ipinakita niya dito ang hintuturo at hinlalaki niya na kakaunti lang ang uwang.Bumilog ang mga mata nito. "Ganyan lang po ako kaliit?" namamangha

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 40

    AYAW ni Mael na sumbatan ito pero hindi na niya mapigil ang sama ng loob niya. Masakit at parang sasabog na siya."Kung nasaktan ka nang mawala ang anak natin, mas nasaktan ako. Mas masakit sa 'kin dahil wala akong ibang masisi kung 'di ang sarili ko. Takot na takot ako, dahil hindi lang ako nawalan ng anak. Nawala din 'yung isang bagay na pinanghahawakan ko sa 'yo." Pasabunot na sinuklay niya ang kamay sa buhok."Pinagdasal ko 'yun e, hiniling ko na magkaroon tayo ng anak. Hindi lang dahil gusto kong magkaanak tayo pero dahil alam kong kapag nagkaanak tayo mananatili ka sa tabi ko." Tumawa siya nang mapait. "Alam ko kasi kung gaano mo pinahahalagahan ang pamilya. At magiging pamilya tayo kung magkakaanak tayo. Umasam ako na kapag nakita mong isa tayong pamilya baka sakali pahalagahan mo rin ako... na mahalin mo rin ako sa kabila ng mga kasalanang ginawa ko sa 'yo." Huminga siya nang malalim para tanggalin ang bara sa lalamunan niya. "Kaya kung nasaktan ka dahil napabayaan ko kayong m

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 38

    KAHIT GAANO pa kaganda at karangya ang kuwartong kinaroroonan ni Angela ngayon ay hindi niya ma-appreciate iyon. Masyado itong maganda para sa isang kulungan. Napabuntong-hininga siya.Pagkatapos siyang iwanan ni Mael sa dining table kahapon, hindi niya na ulit ito nakita.Wala siyang nagawa at hanggang ngayon wala siyang magawa. Kinuha nito ang cellphone niya at laptop. Sa labas ng kuwarto niya ay may mga bantay. Hindi siya nakakalabas ng kwarto at pinahahatiran lang dito ng pagkain. Para siyang preso with privileges.Gusto na niyang magwala sa sobrang frustration na nararamdaman niya. Umuwi siya ng bansa para sa tatay niya pero heto siya ngayon at nakakulong sa apat na sulok ng kuwarto na ito. Kung alam niya lang na ganito ang gagawin ni Mael, dapat sana'y pinaalam niya kay Juancho na ngayong araw ang uwi niya para ito na ang sumundo sa kanila. Wala tuloy kaalam-alam ang pamilya niya sa sitwasyon niya ngayon. Napabuntong-hininga na lang siya.Napalingon siya mula pagkakatanaw sa bin

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 37

    Huminto sila sa isang Mediterranean-inspired mansion sa isang exclusive village.Bumukas ang pinto sa tabi niya. Isang naka-black tux ang nagbukas ng pinto. Bahagya itong nakayukod habang ang isang kamay ay nasa tiyan nito."Welcome home, Madame," Bati nito sa kanya. Naguguluhang tumingin siya kay Mael."Sa San Ignacio ako uuwi!" singhal niya dito.Tamad na tiningnan siya nito at ni hindi man lang nabahala sa pagsinghal niya dito. "This is your home now, Angela," malamig na anito.Natawa siya nang mapakla. Nagbibiro ba ito? Bakit kung makaasta ito ay parang ito lang ang may karapatang magdesisyon sa buhay niya? Apat na taon na silang hiwalay. Hindi ba man lang nito naisip iyon?Nanatiling blangko ang mukha nitong nakatitig sa kanya.Umiling-iling siya. "You can't force me against my will, Mael. Hindi mo hawak ang buhay ko para ikaw ang magdesisyon para sa 'kin!"Tumalim ang tingin nitong ipinukol sa kanya. "'Wag mong sagadin ang pasensya ko, Angela. Baka hindi makarating ng Australia

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 36

    After eight hours na biyahe, lumapag na ang eroplano sa NAIA. Hindi alam ng Itay niya na ngayon ang uwi niya. Kahit si Juancho ay hindi niya sinabihan. Gusto niya kasing surpresahin ang mga ito sa pag-uwi niya.Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makababa sila. Nasa Pilipinas na siya. Ilang oras pa, makakasama na niya ang pamilya niya."Wait for me here. Kukunin ko lang ang mga bagahe natin."Tumango na lang siya kay Jonas. Nang makabalik ito ay tulak-tulak na nito ang mga bagahe nila. Nasa labas na sila ng airport nang may isang itim na van ang huminto sa harap nila. Hindi na sana nila 'yun papansinin, pero nang bumaba ang limang lalaki na mga naka-black suit at lumapit sa kanila...Agad na hinarangan siya ni Jonas. Siguro'y maski ito ay kinutuban nang masama."Yes?" tanong ni Jonas sa mga ito nang huminto ang mga ito sa harap nila at ang tatlo ay pumwesto pa sa likod nila. Bigla ang pag-ahon ng kaba sa dibdib niya. Mahigpit siyang napahawak sa braso ni Jonas.Hindi ito pina

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 35

    Melbourne Airport,AustraliaNapatingin si Angela sa batang babaeng kumalabit sa kanya. Sa tantiya niya ay nasa tatlong-taong gulang na ito.Napakaamo ng mukha nito. Matangos ang ilong at napakaganda ng itim na itim na mga mata. Mamula-mula ang kutis nito na lalong tumingkad dahil sa kulay mais nitong buhok. Para itong manikang gumagalaw.Parang may kumurot sa dibdib niya habang nakatingin dito. Yumuko siya upang makapantay ito."Hello," bati niya dito. Nginitian niya ito na ginantihan din nito ng ngiti. Lumabas tuloy ang bungi nitong ngipin na mas lalong nagpa-cute dito."Mama," tawag nito sa kanya. Natigilan siya dahil parang may sumuntok sa sikmura niya sa tinawag nito sa kanya. Bigla ay parang gusto niyang umiyak. Ilang beses niya bang pinangarap na may tumawag sa kanya ng ganoon?"Julianna!"May lumapit na isang babaeng nasa mid-thirties na ang edad at naka-scrub suit na pink. Agad nitong binuhat ang bata na kaharap niya. "Naku kang bata ka! Malilintikan ako sa 'yo n'yan, eh!" se

  • Owning Her (tagalog)    Chapter 34

    "You can't do this to me, Mael!" galit na galit na sigaw ni Suzette sa kanya. Nagpupumilit itong magpumiglas sa mga nurses na may hawak dito. "I'm not crazy!" muling sigaw nito.Mas lalo itong nagmukhang baliw dahil sa ginagawa nito at dahil do'n, tinutulungan siya nitong mapaniwala ang mga taga-mental institute na isa itong baliw.Pinalungkot niya ang mukha. "It's hard for me too, but you need help, baby," aniya. "You'll be fine. I p-promise," he said in a cracked voice. Nakita niya ang awa ng mga nurse na may hawak kay Suzette. Napangiti siya nang lihim."Hayup ka! Napakahayup mo! Ikaw ang baliw!" umiiyak na sigaw nito. "Hindi ako baliw! Bitawan n'yo ko!" Nagpupumiglas ito kaya sapilitan itong sinuotan ng straight jacket.Kahit ano pang sabihin nito, wala nang maniniwala dito. Pumayag siyang tumira ito sa log house kasama ang anak nito. Pumayag siya at pinakita dito na tanggap niya ang mga ito. Little did she know na unti-unti niya itong binabaliw. Matagal nang lulong sa casino si S

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status