Kasalukuyan kong ginagamot ang mga sugat at pasa ni Jonas at nandito na kami ngayon sa bahay. Wala pa si Tatay dahil nasa trabaho pa daw ito habang si Nanay naman ay nasa Barangay pa. Secretary kasi siya do'n at alam ko na marami pa itong inaasikaso. Baka siguro ay bukas na iyon makakauwi dahil minsan ay nag-oovernight talaga siya sa trabaho niya.Hindi tulad ng kanina ay mas maayos nang tignan si Jonas. Pinalitan ko na rin siya ng damit na pinaglumaan na ni Tatay dahil may mga bahid pa ng dugo ang t-shirt niya. Sigurado akong hindi pa muna siya makakapasok ng trabaho dahil sa kalagayan niya at ganon na rin siguro ako dahil kailangan ko siyang bantayan."Ang mas mabuti pa siguro, Jonas ay iwasan nalang muna natin si Ysmael para hindi ka na ulit mapahamak. Kung hindi pa siya tumigil sa pambubugbog sa'yo ay baka mapatay ka na niya." Nag-aalala kong sabi.Umiling naman si Jonas. "Ano ba 'yung ginawa natin kanina, Mirae? Iniwasan naman natin siya, hindi ba? Pero hinarang pa rin niya tayo
Linggo ngayon at wala kaming pasok ni Jonas sa trabaho. Mamayang hapon ay dadaan daw siya dito para sabay kaming makapagsimba. Siyempre excited din ako dahil sa bukod na magsisimba kami ay makakasama ko ulit siya.Wala yatang araw na hindi ko iniisip si Jonas. Iyong lalakeng iyon kasi, todo-todo ang ginagawang effort ngayong boyfriend ko na siya. Bukod sa gwapo ay masyado pa itong maaalalahanin at kaya akong protektahan sa lahat. Hinding-hindi ko na talaga ipagpapalit ang Mister ko na iyon!Bigla ay naalala ko na naman 'yung weirdong lalakeng nakabungguan ko sa plaza. Ang gwapo pa naman kaso ay ang creepy naman nun pero infairness ay mabait naman siya ayon nga lang ay ang weirdo niya. Hindi katulad ni Jonas ay mestizo ang lalakeng iyon, para ngang may lahing banyaga ang itsura niya, e. Teka, bakit ko ba biglang naalala ang lalakeng iyon?Habang nanonood ako ng TV sa maliit naming sala ay inabutan ako ni Nanay ng listahan na may pera at inuutusan ako nitong mamalengke. Tumango naman ak
"Jonas..."Mahinang sambit ko habang nakaupo kami ni Jonas sa isa sa mga bench dito sa parke. Kakatapos lang namin magsimba at napansin ko ang kanina pa niyang pananahimik magmula nang nakita niyang inihatid ako ni Andy sa tapat ng bahay namin.Bumuntong-hininga ako. "Siya 'yung lalakeng nakasalubong natin dito sa parke noon, 'di ba?" Tanong niya habang nakatanaw sa malayo.Tumango naman ako. "Oo. Nakita ko lang naman kasi siya kanina sa palengke tapos g-gusto niyang makipagkaibigan sa akin kaya sinamahan niya ako sa pamimili. Pagkatapos ay nagsabi siyang ihahatid nalang niya ako pauwi ng bahay." Paliwanag ko.Hindi ko kayang magsinungaling kay Jonas sa relasyon namin. Sinabi ko ang totoo dahil gusto kong maging tapat sa kanya.Napayuko naman ito. "Gwapo siya, hindi ba?" Tanong niya habang nakatingin lang sa grass ng parke."Jonas, ano bang pinagsasabi mo diyan? Bakit-" Bigla ay humarap siya sa akin habang nakangiti pero alam ko na peke lang ang ngiti niyang iyon."Gwapo siya, mayama
Ngayon ay alas kwatro na ng umaga at nag-aabang kami ngayon ni Jonas ng bus papuntang Maynila dito sa Bus Station. Hindi ko na pinaalam pa sa kanya ang nangyaring panggugulo sa akin ni Ysmael para hindi na siya mag-alala pa. Ayoko nang pag-alalahanin pa si Jonas dahil makakalayo na rin naman kami kay Ysmael.Kanina sa bahay ay umiyak pa si Nanay dahil mamimiss niya raw ako ng todo habang si Tatay naman ay tahimik lang pero alam kong mamimiss niya rin ako. Sina Nanay at Tatay talaga, parang mawawala na ako sa kanila ng matagal nung nagpaalam ako e, babalik rin naman kami kaagad ni Jonas dito sa San Alfonso kapag hindi kami nakapasa sa job interview."15 minutes pa siguro bago makarating dito ang unang bus." Sabi ni Jonas habang tinitignan ang oras sa cellphone niyang de keypad.Tumango naman ako bilang sagot.Ano ba itong kakaibang nararamdaman ko ngayon? Bakit parang kinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan?"Jonas-"Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang may mga naka it
Nagising na lamang ako na may tumatamang ilaw na nanggagaling sa bintana. Madilim ang kwarto kung saan ngayon ay nakahiga ako sa isang puting kama.Napatingala ako dahil parang may matang nakamasid sa akin. Kaagad akong kinabahan sa klase ng mga titig niya.Mayroon siyang itim na aura at aaminin ko na napakagwapo din niya. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko lang ito maalala.As in wala akong maalala. Kahit pangalan ko o kung saan ako nanggaling ay hindi ko rin matandaan.I'm clueless!"S-Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nasa tabi ko.Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at hinawakan ang isang kamay ko."I'm Josiah. Your husband." Sabi nito sa baritonong boses niya.Ang pangalan niya ay Josiah? At asawa ko daw siya? Nakaramdam kaagad ako ng kirot sa sentido ko dahilan para lumapit sa akin ang lalakeng nagpapakilalang asawa ko.Siguro ay kaya nga siya pamilyar sa akin ay dahil sa asawa ko siya. Napansin ko na may nakakabit din pala sa aking mga suwero at kung anong tubo sa may ulo ko na n
"Paano nga ba magmahal ang isang totoo at tapat na tao? You can love him or her unconditionally. Kahit ano man ang antas niya sa buhay ay matatanggap mo pa rin siya sa kabila ng lahat.Isa sa pinakamagandang paraan ay ang isama mo siya sa mga pangarap mo. If both of you succeed then it's good but when only one of you succeed then don't leave.The progress of being in love is to be with him or her all the times. Magmamahal ka na nga lang ay mang-iiwan ka pa? That's a total bullshit!Another thing is, loving is also sacrificing. Naranasan mo na bang bitawan ang taong mahal mo para lang mapabuti siya o matupad ang mga pangarap niya? That's brave love!"Halos mapaiyak na ako sa sinasabi ng isang love guru sa isang TV Program. Hindi ko alam pero sobra talaga akong naaapektuhan sa mga sinabi niya. Nang lingunin ko si Andy ay nakangiwi itong nakatingin sa akin habang patuloy pa rin sa pagkain ng Piattos Cheese niya."Napaiyak ka pa talaga ng tanders na 'yan? Her program sucks." Tanong niya a
Nagising ako na parang may nakayakap sa akin. Kaagad kong nilingon iyon at si Josiah ito na mahimbing na natutulog. Tinignan ko ang bintana at napagtanto ko na umaga na pala. Napatingin naman ako sa wall clock ng kwarto namin at 10am na ng umaga. Tinanghali na pala kami ng gising.Alam kong may pasok si Josiah sa trabaho ngayon kahit Sabado pa."Josiah? Hindi ba't may pasok ka pa? 10am na," Sabi ko mahinang tinapik ang pisngi niya.Nakatingin lang ako sa kanya. Kahit sa pagtulog ay ang gwapo pa rin ni Josiah. Ni wala na yatang maipipintas sa physical appearance niya. Kahit palaging nakakunot ang noo niya ay hindi pa rin iyon nakakabawas sa kagwapuhan niya. Maganda rin ang pangangatawan niya at hindi na nakapagtataka iyon dahil sinabi sa akin ni Andy na nagwowork out talaga sila ni Josiah sa Gym kapag wala silang pasok sa trabaho. Salong-salo niya ang biyaya ng isang pagiging gwapong lalake. Siya na!Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Ang bango bango rin niya. Pagkatapo
Lumipas ang lunes at pilit ko nalang kinakalimutan ang mga narinig ko sa lalakeng naka grey suit kausap 'yung lalakeng naka itim na suit. Bakit ko nga ba pinoproblema ang mga walang kwentang bagay kung hindi naman mahalaga iyon? May asawa na ako at mas makabubuti sigurong kay Josiah nalang ako magfocus kaysa ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay.Nakahiga ako ngayon sa kama kahit 7pm palang. Nakapagluto na rin ako ng dinner para sa amin mamaya ni Josiah at nagpatulong pa ako sa katulong namin. Medyo napagod rin ako sa pagluluto kaya nagpapahinga ako ngayon.Biglang bumukas ang pintuan ng kwartong hindi ko ini-lock at nagulat ako nang si Andy ang bumungad sa akin."A-Andy? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at kaagad bumangon mula sa kama.Lumapit naman siya sa akin na may malungkot na tingin at nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap."Olivia, I don't know what to do anymore. Ang dami kong nalaman ngayon tungkol sa past nina Mom at Dad." Mahinang sabi niya habang nakayakap
THIRD PERSON'S POVHinihintay ni Rebecca sa field si Aiden. Kinausap pa kasi si Aiden ng coach na sinalihan nito sa Basketball Team ng school nila. Bukod sa paggigitara ay magaling rin sa basketball si Aiden kaya sumali nalang ito bilang libangan at sports.Habang naghihintay siya ay nakita niyang papalapit sa kanya sila Kris, Colt at Demi. Hindi talaga mapanatag ang loob niya kapag nakikita ang mga ito. Oo nga at magkakaibigan na ulit sila pero hindi na niya kayang pagkatiwalaan ng buo ang mga binata dahil sa masasakit na salitang binitawan ng mga ito sa kanya."Hi, Sexy!" Bati ni Kris nang makalapit ang mga ito.Nailang siya sa itinawag sa kanya ni Kris pero hindi siya nagpahalata doon."H-Hi rin." Sabi nalang ni Rebecca at ngumiti ng pilit."Are you waiting for Aiden?" Tanong naman ni Colt habang nakapamulsa.Tumango si Rebecca. Malakas ang dating ni Colt. Gwapo rin ito at may magandang pangangatawan. Hindi na nakakapagtaka kung bakit marami na itong naging girlfriends."Yes. He jo
REBECCA'S POVPagkatapos noong nangyari sa condo unit ni Aiden ay hindi na nasundan pa iyon. Baka nga sigurong nagselos lang siya that time at hindi na niya napigilan ang sarili niyang magwala. I'm just thinking na baka may pinagdadaanan siya na hindi niya masabi-sabi sa akin kaya nagkaganon siya nung time na iyon.He's becoming very sweet and gentle to me at bumawi siya sa nagawa niya sa akin. He's a jealous guy at katulad nga ng sinabi niya ay hindi ko siya binibigyan ng rason para magselos.He is possesive, that's I noticed from him pero sana ay hindi siya umabot sa punto na katulad nina Eli at Isaac. Aiden promise me na he will not possessed and dominate me at umaasa ako doon. Inisip ko nalang na kaya lang siya nagselos ng ganon kagrabe ay dahil sa mahal rin niya ako at natatakot siyang mawala ako sa kanya.Pagkatapos ng klase namin at maihatid na ako ni Aiden dito sa bahay namin ay naabutan ko si Kuya Rodney na nagbabasa ng magazine sa sala. Himala yata at maaga siyang umuwi?"An
MESSIAH'S POVFor 23 years, I'm not really happy in my life. I'm living with my half brothers and sister in house one. My Mom had a 4 husbands and they are stuck in a Polyandry relationship.I'm against their relationship, until now I still can't accept that but what will I'm going to do if that's their decision to live in one house and have a bunch of kids who's only mother related?I can't stand to call Eli, Isaac and Selah's father a word 'Dad'. That's not right for me because they are not my real father. I know they already treated me as their real son but I don't like to call them Dad because they steal my mother from my Dad Josiah.I'm not really Avenido dahil Sandoval ang dugong nananalaytay sa amin ni Dad. Dinala lang namin ang apelyidong Avenido dahil naging asawa ni Lola Eirie si Lolo Yuri na totoong Avenido. Lola Eirie was raped by her ex-boyfriend's brother na si Leona Sandoval at ang bunga nun ay si Dad Josiah.Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ma
REBECCA'S POVIt's been 2 weeks simula nung tinangka akong pagsamantalahan nina Eli at Isaac. I didn't expect na kaya nila sa aking gawin ang bagay na iyon. I trust them at kababata ko sila, ni hindi sumagi sa isipan ko na kaya nila akong gawan ng masama but they did, at mas lalong tumindi ang galit ko sa kanila.Hindi ko na sinabi sa pamilya ko at kay Aiden ang ginawa sa akin nina Eli at Isaac dahil ayokong mag-alala sila sa akin. Wala namang nangyari sa aking masama.Messiah saved me. I thank him for that pero hanggang doon na lang iyon. I don't want to see him anymore dahil kung patuloy pa rin niyang gagawin ang mga bagay na iyon sa akin ay baka tuluyan na akong bumigay. I need to respect Aiden and I's relationship at masaya ako dahil kasama ko siya.May mga times na nagtatangkang lumapit sa akin sina Eli at Isaac pero pilit akong umiiwas. I'm really mad at them and they knew it. Wala silang magagawa dahil kung ipagpipilitan pa ulit nila ang sarili nila sa akin ay talagang ipapakul
REBECCA'S POVSa sinabi ni Messiah iyong pagkahilo at kalasingan ko ay tila nawalang bigla. Kaagad akong lumayo sa kanya dahil baka marinig niya pa ang mabilis na pagtibok ng puso ko.I didn't really expect him to kissed me at hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa. Maybe he only did that dahil lang hindi matanggap ng pride niya na may iba nang nanliligaw sa akin?Because he knew from the very start that I love him very much at ngayong nakahanap na ako ng lalakeng willing akong mahalin at alagaan ay saka niya ito gagawin?Naaalala ko pa rin ang mga oras na ilang beses niya akong pinagtabuyan, nilayuan at iyong araw rin mismo na sinabi niya sa aking hinding-hindi niya ako magugustuhan.He only said that he owns me but he didn't said that he loves me. He's only threatened to Aiden.Sumandal ako sa upuan ng kotse niya at ipinikit ang mga mata ko."I will forget what you did and this is the last time that we will see each other." Malamig kong sabi.He didn't respond on what I said at n
REBECCA'S POVKakatapos lang ng exam namin at ngayon ay Sabado na kaya ito na ang rest day na pinakahihintay ko. Hindi ko nalang iniisip pa ang sinabi sa akin ng mga kabanda ni Isaac dahil alam ko sa sarili ko na hindi totoo iyon.I understand them why they are mad at me, I turned down Isaac tapos bigla nalang na pumayag akong magpaligaw kay Aiden. But they don't know everything, the reason I why give Aiden a chance is because I saw how he respects and love me. He already said to me that he loves me at may parte na sa puso ko na sobrang natutuwa dahil inamin niya iyon sa akin.Aiden is very sweet, handsome and down to earth person. Kahit sinong babae ay magkakagusto sa kanya. I'm starting to like him at sana ay magtuloy-tuloy pa ito to forget someone that I really love.Habang nagbabasa ako ng libro sa kwarto ko ay biglang kumatok si Kuya Rodney sa pintuan. Mom and Dad went to our company ng maaga, kahit weekends talaga ay nagtatrabaho pa rin sila kaya kami lang ang naiwan ni Kuya Rod
AIDEN'S POVI think I'm the luckiest guy in the world nang pinayagan akong manligaw ni Rebecca sa kanya. I will never thought that we're going to be a close friend then suddenly I'm now her suitor.She doesn't deserve what Isaac and his brother Eli doing to her. Rebecca is such a fragile and innocent woman. She deserve to be happy and free that's why I would not waste this opportunity to love and take care of her.Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ng kapatid ni Isaac kay Rebecca na hindi daw ako magandang dulot para dito? What does he mean by that? Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong ginawang masama sa kapwa tao ko. I'm a carefree and kind person. Ni wala pa nga akong nakakaaway except for Isaac na may gusto rin kay Rebecca.Napailing ako. Pagkatapos kong maihatid si Rebecca sa kanila ay kaagad na akong umuwi sa condo unit na pinagtutuluyan ko. I drink my Paroxetine medicine na para sa OD ko.Yes, I have an Obsessive disorder pero matagal na rin naman akong gumaling s
REBECCA'S POVIsang linggo na ang nakakalipas simula nang manligaw sa akin si Aiden. I can see that he's really serious about me and I can also see his efforts para lang mas lalo pa kaming magkakilala at magkapalagayan ng loob.Nagpapasalamat ako dahil pagkatapos naming mag-away ni Isaac ay hindi na niya ako ginulo. Kapag nagkikita kami ay sinasamaan niya lang ako ng tingin maging pati na rin ang mga kabandmates niya.I know they are all mad at me dahil binasted ko ang kaibigan nila but I think this is the right thing that I need to do para hindi na umasa pa sa akin si Isaac. Ganoon rin si Eli sa akin na hindi ko pa nakakausap simula ngayon and I think Isaac already said to him na tigilan na nila ang panliligaw sa akin.I was waiting for Aiden here in the field pagkatapos ng klase namin at medyo nahuli lang itong lumabas ng klase nila dahil may sasabihin pa raw sa kanya ang professor nila. He texted me at sinabi nitong hintayin ko nalang siya sa field and I texted him back na I will w
REBECCA'S POVNandito kami ni Sheila sa field at pinagmamasdan naming magperform sila Isaac at ang banda niya sa stage. Kilig na kilig naman ang bestfriend ko dahil sa boyfriend nitong si Earl habang ako naman ay nagtatakang nakatingin lang kay Isaac na mula pa kahapon ay hindi ako pinapansin.I know there's something wrong with him at hindi mapanatag ang loob ko sa kung anuman ang problema niya."Ang gwapo-gwapo talaga ng magkakaibigan na 'yan, no? Gwapo naman si boyfriend ko pero napapansin kong mas lalo pang gumagwapo si Demi. Inspired siguro?" Kinikilig na sabi ni Sheila habang nakatingin ito kay Demi na busy sa pagtugtog sa electric guitar na hawak niya. Nasasabayan naman ito ng vocalist nilang si Colt na may maganda talagang boses.Napatingin ako kay Demi. Talaga ngang gwapo ito kahit may pagka badboy ang itsura. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit marami na itong naging girlfriends. Pero ang mas bumabagabag lang sa akin ay ang malaman niyang close na kami ni Aiden.Hindi kaya