Iyak lang ako ng iyak sa mga bisig ni Jonas habang patuloy niya pa rin akong pinapatahan. Nandito kami ngayon sa parke at hindi na kami nakapasok pa sa trabaho dahil sa ginawa sa akin ni Ysmael kanina.
Alam kong nanganganib na mawalan kami ng trabaho ni Jonas pero ang sabi niya ay huwag ko na raw munang isipin iyon at pwede pa naman kaming makahanap ng ibang trabaho. Mahalaga kay Jonas ang pagtatrabaho sa Bakery dahil mas doble ang kita namin doon kumpara sa minimum wage dito sa probinsya ng San Alfonso.Tinaasan ni Mrs. Glenda ang sweldo namin dahil mga kakilala niya kami at mabait rin siya sa amin pero sa ngayon, hindi ko na alam dahil kinalaban namin ang anak niyang si Ysmael.Nang matigil na ako sa pag-iyak ay humarap ako kay Jonas. "Jonas, patawad kung nadamay ka pa sa gulo kanina at baka mawalan ka na ng trabaho-"Kaagad niya akong pinatigil sa pagsasalita sa pamamagitan ng paglapat ng isang daliri niya sa labi ko."Huwag mo nang alalahanin 'yon, Mirae. Makakahanap pa naman tayo ng ibang trabaho. Hindi ko hahayaan na magawan ka ulit ng masama ni Ysmael. Nililigawan na kita kaya duty ko lang na protektahan at bantayan ka." Nginitian niya ako na mas lalo pang ikinatuwa ng puso ko.Sa lahat ng lalake ay si Jonas lang ang bukod tanging pinagkakatiwalaan ko. Panatag ang loob ko kapag kasama ko siya at alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya. Alam ko rin na hinding-hindi niya ako bibiguin."Salamat, Jonas. Salamat at dumating ka sa buhay ko." Niyakap ko siya hanggang sa naramdaman ko nalang na hinahagod-hagod niya ang balikat ko."Salamat rin at dumating ka sa buhay ko, Mirae. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko at hindi ko hahayaan na magkahiwalay tayo." Puno ng sinseridad niyang sabi.Sa mga sinabi ni Jonas ay umaasa ako doon at kahit kailan ay hindi siya makakalimutan ng puso ko.Makalipas ng isang oras ay tumambay muna kami sa parke at nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay na hindi pa namin alam sa isa't-isa."Sigurado ka bang hindi ka pa nagkakagirlfriend man lang? Ang gwapo-gwapo mo kaya tapos palagi ka pang pinagtitinginan ng mga customers natin sa Bakery." Nakalabi kong sabi kay Jonas habang nakaakbay siya sa akin.Natawa naman siya ng mahina sa sinabi ko. "Nagkaroon naman ako ng mga ka M.U noong nasa high school pa lang ako pero hindi pa talaga ako nagkakagirlfriend dahil nga sa wala na rin akong time pa para makipagdate. Busy rin akong mag-aral nung college dahil ang hirap rin ng kurso kong Mechanical Engineering kaya mas nagfocus ako doon. Pagkatapos kong grumaduate ay nagtake naman ako ng Pastry and Bread short course sa TESDA kaya wala na talaga akong time pa para magkagirlfriend." Sabi niya at kinurot nito ng mahina ng ilong ko.Tumango-tango naman ako sa sinabi niya. Nakakabilib si Jonas dahil mas nagfocus talaga siya sa future niya para sa pamilya niyang umaasa sa kanya."Eh ikaw, Mirae. Bakit wala ka man lang sinagot na isa sa mga manliligaw mo? 'Yung iba doon ay mayayaman katulad nalang ni.." Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin niya at bumuntong-hininga nalang.Hinawakan ko naman ang isang kamay ni Jonas. "Anong magagawa ko kung hindi ko sila type? At 'yung tungkol sa panliligaw sa akin ni Ysmael? Neknek niya na papatulan ko siya! Ang lakas ng loob niyang suhulan sina Nanay at Tatay para magawa niya ang balak niya sa akin. Kahit kailan ay hindi ako magkakagusto sa manyak at hambog na lalakeng iyon, no!" Nakangiwi ko pang sabi na ikinatawa naman ni Jonas.Kinikilabutan talaga ako kung sakali mang maging boyfriend ko ang Ysmael na iyon. Masyado siyang hambog at mapangmaliit sa aming mahihirap. Kung ang ibang babaeng nagkakagusto sa kanya ay napipikot niya sa pamamagitan ng kagwapuhan at yaman nila ng pamilya niya pwes sa akin ay hindi uubra iyon.Kay Jonas lang ako hanggang sa huli."Edi ang swerte ko pala na nagkagusto ka sa akin? Hindi nga ako makapaniwalang pumayag kang ligawan kita. Ang akala ko tuloy ire-reject mo rin ako katulad ng ibang nanliligaw sa'yo. Masyado ka kasing maganda para sa akin at marami akong karibal sa puso mo." Hinawakan ni Jonas ang pisngi ko at nagulat ako nang hinalikan niya ako sa pisngi.Sobrang namula na naman ako sa ginawa niya at may kung anong umiikot sa sistema ko na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko na rin marinig pa ang ibang ingay na nasa paligid namin dahil rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko.Nang humiwalay siya sa akin ay kaagad niya akong itinayo habang magkahawak pa rin ang isa naming kamay."Kumain muna tayo. Alam kong hindi ka pa nag-aalmusal." Sabi niya.Tumayo naman ako hanggang sa umalis na nga kami sa parke at nagtungo sa isang karinderya."Gusto kong heavy meal ang kainin mo para hindi ka manghina at maging malusog ka lang. Ang sexy mo kasi masyado, kung pwede lang ay patatabain nalang kita para wala nang iba pang nakakita sa'yong ibang lalake." Naiiling niyang sabi habang pinagsasandok ako ng kanin at ulam na inorder namin.Napansin niya kasing nakatingin sa akin ang mga lalakeng kumakain rin dito sa karinderya."Hayaan mo na nga sila." Natatawa ko namang sabi.Ngumiti lang siya sa akin pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. Pati sa pagkain ay ang gwapo-gwapo pa rin tignan ni Jonas. Hindi rin niya napapansin na may napapatingin sa kanyang mga babaeng customer lalo ang bantay ng karinderya na nahuhuli kong sumusulyap-sulyap sa kanya.Masyado talagang malakas ang appeal ng lalaking ito at hindi niya iyon napapansin dahil nakatutok lang talaga siya sa akin."Ang sabi nga pala ni Inay na minsan ay bumisita ka sa bahay namin kapag nakalabas na siya ng Ospital sa makalawa. Ilalabas na sila ni Baby Jepoy doon at sinabi ko na rin sa kanya na nililigawan na kita." Banggit ni Jonas bago ito uminom ng tubig mula sa baso."Talaga? Sige, pakisabi kay Inay Rosie na makakaasa siya sa akin." Sabi ko.Mabuti nalang at tanggap ni Inay Rosie na nililigawan ako ni Jonas. Kilala ko si Inay Rosie dahil talagang mabait iyon katulad nalang rin ni Jonas. Sa kanya namana ni Jonas ang pagiging marespeto at mabait nito.Tumango si Jonas hanggang sa habang kumakain pa rin kami ay ramdam kong nakatitig lang siya sa akin. Tila nailang naman ako dun."M-may dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko.Naiiling na ngumiti lang siya. "Hindi lang talaga ako makapaniwalang nasa harapan na kita ngayon, Mirae. Hindi na ako makapaghintay na sagutin mo ako." Seryoso niyang sabi.Napangiti ako sa sinabi niya at pigil na naman ang kilig na nararamdaman ko.Nang matapos na kaming kumain ay siya na ang nagbayad ng lahat ng kinain namin. Nag-insists pa akong magbabayad rin pero pinigilan niya ako at sinabi niyang siya na ang gagastos sa lahat tutal ay nililigawan na niya ako. Hindi ko naman siya napigilan dahil iyon ang gusto niya.Magkahawak kami ng kamay at naglalakad papunta ulit sa parke. Ayoko munang umuwi dahil paniguradong kakausapin ako ni Nanay tungkol sa nangyari kanina sa bahay.Habang naglalakad kami ni Jonas ay may isang gwapo at kasing tangkad lang ni Jonas ang naglalakad patungo sa direksyon namin at may kasama itong isa rin'g gwapong lalake. Nag-uusap lang sila ng seryoso at alam kong hindi sila taga rito sa amin. Mukha pa silang mayayaman dahil sa mga brand na suot nilang damit, sapatos at relo."Bro, 'di ba ayaw ng Mommy mo na makipagkita ka pa dun sa totoo mong Tatay? I'm sure that Tita Eirie will be mad because of that." Sabi nung isang lalake."She can't do anything about that, Andy. I want to see my real father." Matigas namang sabi nung isa.Nang makasalubong namin sila ay sabay silang dalawa na napatingin sa amin ni Jonas. Bigla ay nakaramdam ako ng kakaiba nang tumingin sa akin 'yung gwapo at matangkad na lalake na may seryosong tindig.Kaagad namang napansin ni Jonas na tinitignan ako nung dalawang lalake kaya dali-dali niya akong hinila hanggang sa makalayo na kami sa kanila.Tila may kaba at takot akong naramdaman sa paraan ng pagtitig sa akin ng lalakeng iyon.Tumigil kami ni Jonas sa isang bench at umupo kaming dalawa dun. Tahimik lang siya habang nakatingin sa akin. May gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi."May problema ba, Jonas?" Tanong ko.Nakita ko naman ang pag-igting ng panga niya at pagkuyom ng kamao. Para bang galit siya."Mirae, pasensya na kung mahirap lang ako." Bigla ay napayuko siya at malungkot ang tono niya nang sabihin iyon."Ano bang sinasabi mo, Jonas? Wala naman akong pakialam kung mahirap ka lang. Pareho lang naman tayong mahirap, e." Sabi ko naman.Tumingin siya sa akin. "'Yung nakita kong tinitignan ka nung dalawang lalake, bigla ay nakaramdam ako ng insecurities sa kanila. Ang gagwapo nila at mukha pang mayayaman. Mukha pa silang interesado sa'yo." Bumuntong-hininga siya at pinaglaruan ang mga kamay niya.Napailing nalang ako at hinapit sa bewang si Jonas na ikinahinto pa niya. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya."Ano naman kung mayayaman sila? Papatulan ko ba 'yon e, may gwapong Jonas na nga ako sa harapan ko?" Kunwari'y naglulungkot-lungkutan kong sabi.Napangiti naman si Jonas dun at muli nitong kinurot ang ilong ko. Trip na trip niya talaga ang ilong ko palibhasa kasi ay matangos ito at mahaba pa."Alam mo talaga kung paano mo mapapalubag ang loob ko, no? Sa akin ka lang talaga, Mirae. Huwag na huwag kang magpapaligaw sa iba." Hinalikan naman niya ang isang kamay ko."Opo. Promise, Sir Jonas! Sa'yo lang ako magpapaligaw at wala nang iba pa." Sabi ko at itinaas pa ang isang kamay ko na parang nanunumpa.Natawa siya at masuyo nitong hinaplos ang buhok ko."Mahal na mahal kita. Sisiguraduhin kong magiging tayo pa rin sa huli."Napangiti nalang ako sa sinabi niya at sinulit ang oras na magkasama kami. 7pm na nang mapag-isipan ni Jonas na umuwi na kami dahil maggagabi na. Kahit ayoko pang umuwi ay kinakailangan na dahil baka nag-aalala na rin sa akin sina Nanay at Tatay.Nang nasa tapat na kami ng bahay at maihatid na ni Jonas ay nagpaalam na siya sa aking uuwi na at didiretso ito sa Ospital kung saan ay naka confine pa doon sina Inay Rosie at Baby Jepoy. Nagpaalam na siya sa akin at sinabi na tatawagan niya ako mamaya sa cellphone ko.Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay naabutan ko sina Nanay at Tatay na nakaupo sa sofa at mukhang hinihintay nila ako.Mukhang malungkot si Tatay base sa ekspresyon ng mukha niya."Tay, may problema po ba kayo?" Tanong ko at nilapitan siya."Anak, tinanggal na ako sa trabaho ko." Tila nanghihina niyang sabi.Nagulat naman ako dun. "P-Pero bakit po?"Tumingin naman ako kay Nanay at nagulat nalang ako nang nakatitig ito sa akin ng masama."Tinatanong mo pa 'yan, Mirae? Malamang ay dahil ito sa pagtanggi mong ligawan ka ni Ysmael at sa pagsuntok sa kanya ng manliligaw mong si Jonas."Napahinto naman si Tatay dun at tumingin ito kay Nanay. "Anong sinasabi mo, Cely? Nililigawan ng hambog na batang 'yon si Miraela? Saka bakit sinuntok ni Jonas iyon?" Naguguluhan namang tanong ni Tatay.Mukhang hindi niya alam ang nangyari kanina. Alam na niyang nililigawan na ako ni Jonas pero hindi niya alam na pati si Ysmael ay nanliligaw na rin sa akin."Nagpunta kaninang umaga dito si Ysmael at sinabi niya na kapag pumayag tayong ligawan niya si Mirae ay mas patataasin niya ang posisyon mo sa talyer pati na rin ang pagtulong niya para mabawi sa atin ang lupang sinangla natin. Kaya ka siguro natanggal sa trabaho ay dahil sa ginawa ng Jonas na iyon kay Ysmael na pagsuntok sa kanya!" Galit na sabi ni Nanay.Napaiyak na ako dahil ngayon ko lang ulit nakitang magalit si Nanay ng ganito.Napatayo naman mula sa pagkakaupo sa sofa si Tatay at napailing ito ng paulit-ulit. "Ayan ang huwag mong hahayaang mangyari, Cely. Hindi ko gusto ang Ysmael na iyon para sa anak natin at hindi ko hahayaang masuhulan tayo ng batang iyon para lang makuha niya si Miraela. Mas panatag ang loob ko kung si Jonas ang makakatuluyan niya. Maghahanap nalang ako ng ibang trabaho kaysa naman mapunta siya sa demonyong lalakeng iyon!" Galit na rin na sabi ni Tatay."Macario, maging praktikal ka naman minsan. Oo, gusto ko si Jonas para kay Miraela pero alam kong hindi niya mabibigyan ng magandang kinabukasan ang anak natin. Kulang pa ang kinikita ni Macky sa Dubai para sa ating pamilya. Kung si Ysmael ang makakatuluyan niya ay siguradong aahon tayo sa hirap!"Hindi ko na kayang marinig ang pagtatalo nila. Nasasaktan ako, nasasaktan ako sa maaari pang sabihin ni Nanay."At anong gusto mo? Ang mapakasalan ni Miraela ang Ysmael na iyon? Cely, alam natin kung gaano kademonyo ang batang iyon dahil sa ginawa niyang pambubugbog kay Macky noon. Gusto mo bang manganib ang buhay ni Miraela sa lalakeng iyon?"Ramdam ko ang galit ni Tatay. Natutuwa ako dahil kahit papaano ay naiintindihan niya ako. Pero si Nanay, hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. Marahil ay sawa na siya sa kahirapang nararanasan namin.Hindi ko na kinaya pa ang pagtatalo nila kaya tumakbo na ako papunta sa kwarto ko at isinarado ang pintuan.Doon ko ibinuhos ang luha ko dahil sa bigat na nararamdaman ko. Nag-aaway na sina Tatay at Nanay nang dahil sa akin. Nawalan pa ng trabaho si Tatay dahil sa nangyari kaninang umaga sa amin nila Ysmael at Jonas.Jonas, kailangan kita ngayon dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.-Ajai_KimKinabukasan ay sabay na kaming pumasok ni Jonas sa Bakery dahil maaga kaming pinatawag ni Mrs. Glenda para makausap. Siguro ay baka tatanggalin na niya kami ni Jonas sa trabaho dahil sa ginawa namin kay Ysmael at nakahanda na kami doon.Bago ako umalis ng bahay ay hindi ko muna kinausap sina Nanay at Tatay dahil masama pa rin ang loob ko sa pagtatalo nila. Ayoko na munang mapag-usapan at isipin pa iyon.Ngayon ay kaharap namin si Mrs. Glenda na may seryosong tingin sa amin at katabi naman nito si Ysmael na sobrang sama ng tingin sa amin. Napansin ko na may band aid ang parteng gilid ng labi niya at alam ko na dahil ito sa pagsuntok sa kanya ni Jonas."Jonas, why did you hurt my son? Ni hindi ko nga siya sinasaktan tapos ikaw pa ang may ganang manakit sa kanya?" Galit na sabi ni Mrs. Glenda kay Jonas."Mrs. Glenda, hindi ko po sasaktan si Ysmael kung wala siyang ginawang masama kay Mirae-""I get it. Sinabi na sa akin ng anak ko na nililigawan niya si Mirae tapos ikaw naman daw ay nags
Nalaman na nina Nanay at Tatay na girlfriend na ako ni Jonas dahil kagabi ay inihatid ako ni Jonas sa bahay at kaagad rin niyang sinabi iyon sa mga magulang ko. Hindi naman tumutol pa si Tatay do'n dahil kung ano daw ang naisin ng puso ko ay susuportahan niya ako habang si Nanay naman ay walang imik nung malaman iyon. Hindi ko alam kung tanggap ba niya ang relasyon namin ni Jonas o hindi pero sa nakikita ko naman ay okay lang iyon sa kanya. Hindi ko na rin muna inaalala pa ang pagtatalo nila ni Tatay nung isang araw dahil masaya naman ako ngayon. Sinabi na rin namin na natanggal na kami mula sa Bakery at naiintindihan na nila kung bakit.Alam na ng Inay, Itay at mga kapatid ni Jonas na girlfriend na niya ako. Pagkatapos makalabas mula sa ospital sina Inay Rosie at Baby Jepoy ay kaagad pinaalam iyon ni Jonas sa pamilya niya. Hindi rin sila tumutol sa relasyon namin at botong-boto daw talaga sila sa akin noon pa para kay Jonas kahit hindi pa ako nito nililigawan. Alam na daw kasi kaagad
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang maging kami ni Jonas. Maganda at maayos naman ang relasyon naming dalawa. Masaya ako dahil siya ang nakatuluyan ko at nakakatuwa lang na sobra siyang nag-eeffort para sa akin.Nang matanggal na kami sa trabaho sa Bakery ay sa kabutihang palad ay nakahanap kami ng trabaho sa isang factory ng mga noodles at pareho kaming nakuha doon. Hindi naman ito gaanong malayo sa tinitirhan namin kaya nakakatipid pa kami sa pamasahe.Ang boyfriend ko ay katrabaho ko pa rin at sabay pa kaming umaalis at umuuwi ng bahay. Masaya lang ako dahil palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Tama nga ang sinabi ni Tatay na mas motivated ka sa trabaho mo kapag nakikita at nakakasama mo ang taong mahal mo. Nang mag 5pm na ay natapos na ang duty namin ni Jonas sa factory. Kaagad ko naman siyang hinila sa Mamang nagtitinda ng fishball na nasa labas lang ng kalsada."Mister, gusto ko nito!" Masayang sabi ko kay Jonas na itinuro ang stall ng fishball at natawa nalang ito s
Kasalukuyan kong ginagamot ang mga sugat at pasa ni Jonas at nandito na kami ngayon sa bahay. Wala pa si Tatay dahil nasa trabaho pa daw ito habang si Nanay naman ay nasa Barangay pa. Secretary kasi siya do'n at alam ko na marami pa itong inaasikaso. Baka siguro ay bukas na iyon makakauwi dahil minsan ay nag-oovernight talaga siya sa trabaho niya.Hindi tulad ng kanina ay mas maayos nang tignan si Jonas. Pinalitan ko na rin siya ng damit na pinaglumaan na ni Tatay dahil may mga bahid pa ng dugo ang t-shirt niya. Sigurado akong hindi pa muna siya makakapasok ng trabaho dahil sa kalagayan niya at ganon na rin siguro ako dahil kailangan ko siyang bantayan."Ang mas mabuti pa siguro, Jonas ay iwasan nalang muna natin si Ysmael para hindi ka na ulit mapahamak. Kung hindi pa siya tumigil sa pambubugbog sa'yo ay baka mapatay ka na niya." Nag-aalala kong sabi.Umiling naman si Jonas. "Ano ba 'yung ginawa natin kanina, Mirae? Iniwasan naman natin siya, hindi ba? Pero hinarang pa rin niya tayo
Linggo ngayon at wala kaming pasok ni Jonas sa trabaho. Mamayang hapon ay dadaan daw siya dito para sabay kaming makapagsimba. Siyempre excited din ako dahil sa bukod na magsisimba kami ay makakasama ko ulit siya.Wala yatang araw na hindi ko iniisip si Jonas. Iyong lalakeng iyon kasi, todo-todo ang ginagawang effort ngayong boyfriend ko na siya. Bukod sa gwapo ay masyado pa itong maaalalahanin at kaya akong protektahan sa lahat. Hinding-hindi ko na talaga ipagpapalit ang Mister ko na iyon!Bigla ay naalala ko na naman 'yung weirdong lalakeng nakabungguan ko sa plaza. Ang gwapo pa naman kaso ay ang creepy naman nun pero infairness ay mabait naman siya ayon nga lang ay ang weirdo niya. Hindi katulad ni Jonas ay mestizo ang lalakeng iyon, para ngang may lahing banyaga ang itsura niya, e. Teka, bakit ko ba biglang naalala ang lalakeng iyon?Habang nanonood ako ng TV sa maliit naming sala ay inabutan ako ni Nanay ng listahan na may pera at inuutusan ako nitong mamalengke. Tumango naman ak
"Jonas..."Mahinang sambit ko habang nakaupo kami ni Jonas sa isa sa mga bench dito sa parke. Kakatapos lang namin magsimba at napansin ko ang kanina pa niyang pananahimik magmula nang nakita niyang inihatid ako ni Andy sa tapat ng bahay namin.Bumuntong-hininga ako. "Siya 'yung lalakeng nakasalubong natin dito sa parke noon, 'di ba?" Tanong niya habang nakatanaw sa malayo.Tumango naman ako. "Oo. Nakita ko lang naman kasi siya kanina sa palengke tapos g-gusto niyang makipagkaibigan sa akin kaya sinamahan niya ako sa pamimili. Pagkatapos ay nagsabi siyang ihahatid nalang niya ako pauwi ng bahay." Paliwanag ko.Hindi ko kayang magsinungaling kay Jonas sa relasyon namin. Sinabi ko ang totoo dahil gusto kong maging tapat sa kanya.Napayuko naman ito. "Gwapo siya, hindi ba?" Tanong niya habang nakatingin lang sa grass ng parke."Jonas, ano bang pinagsasabi mo diyan? Bakit-" Bigla ay humarap siya sa akin habang nakangiti pero alam ko na peke lang ang ngiti niyang iyon."Gwapo siya, mayama
Ngayon ay alas kwatro na ng umaga at nag-aabang kami ngayon ni Jonas ng bus papuntang Maynila dito sa Bus Station. Hindi ko na pinaalam pa sa kanya ang nangyaring panggugulo sa akin ni Ysmael para hindi na siya mag-alala pa. Ayoko nang pag-alalahanin pa si Jonas dahil makakalayo na rin naman kami kay Ysmael.Kanina sa bahay ay umiyak pa si Nanay dahil mamimiss niya raw ako ng todo habang si Tatay naman ay tahimik lang pero alam kong mamimiss niya rin ako. Sina Nanay at Tatay talaga, parang mawawala na ako sa kanila ng matagal nung nagpaalam ako e, babalik rin naman kami kaagad ni Jonas dito sa San Alfonso kapag hindi kami nakapasa sa job interview."15 minutes pa siguro bago makarating dito ang unang bus." Sabi ni Jonas habang tinitignan ang oras sa cellphone niyang de keypad.Tumango naman ako bilang sagot.Ano ba itong kakaibang nararamdaman ko ngayon? Bakit parang kinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan?"Jonas-"Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang may mga naka it
Nagising na lamang ako na may tumatamang ilaw na nanggagaling sa bintana. Madilim ang kwarto kung saan ngayon ay nakahiga ako sa isang puting kama.Napatingala ako dahil parang may matang nakamasid sa akin. Kaagad akong kinabahan sa klase ng mga titig niya.Mayroon siyang itim na aura at aaminin ko na napakagwapo din niya. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko lang ito maalala.As in wala akong maalala. Kahit pangalan ko o kung saan ako nanggaling ay hindi ko rin matandaan.I'm clueless!"S-Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nasa tabi ko.Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at hinawakan ang isang kamay ko."I'm Josiah. Your husband." Sabi nito sa baritonong boses niya.Ang pangalan niya ay Josiah? At asawa ko daw siya? Nakaramdam kaagad ako ng kirot sa sentido ko dahilan para lumapit sa akin ang lalakeng nagpapakilalang asawa ko.Siguro ay kaya nga siya pamilyar sa akin ay dahil sa asawa ko siya. Napansin ko na may nakakabit din pala sa aking mga suwero at kung anong tubo sa may ulo ko na n
THIRD PERSON'S POVHinihintay ni Rebecca sa field si Aiden. Kinausap pa kasi si Aiden ng coach na sinalihan nito sa Basketball Team ng school nila. Bukod sa paggigitara ay magaling rin sa basketball si Aiden kaya sumali nalang ito bilang libangan at sports.Habang naghihintay siya ay nakita niyang papalapit sa kanya sila Kris, Colt at Demi. Hindi talaga mapanatag ang loob niya kapag nakikita ang mga ito. Oo nga at magkakaibigan na ulit sila pero hindi na niya kayang pagkatiwalaan ng buo ang mga binata dahil sa masasakit na salitang binitawan ng mga ito sa kanya."Hi, Sexy!" Bati ni Kris nang makalapit ang mga ito.Nailang siya sa itinawag sa kanya ni Kris pero hindi siya nagpahalata doon."H-Hi rin." Sabi nalang ni Rebecca at ngumiti ng pilit."Are you waiting for Aiden?" Tanong naman ni Colt habang nakapamulsa.Tumango si Rebecca. Malakas ang dating ni Colt. Gwapo rin ito at may magandang pangangatawan. Hindi na nakakapagtaka kung bakit marami na itong naging girlfriends."Yes. He jo
REBECCA'S POVPagkatapos noong nangyari sa condo unit ni Aiden ay hindi na nasundan pa iyon. Baka nga sigurong nagselos lang siya that time at hindi na niya napigilan ang sarili niyang magwala. I'm just thinking na baka may pinagdadaanan siya na hindi niya masabi-sabi sa akin kaya nagkaganon siya nung time na iyon.He's becoming very sweet and gentle to me at bumawi siya sa nagawa niya sa akin. He's a jealous guy at katulad nga ng sinabi niya ay hindi ko siya binibigyan ng rason para magselos.He is possesive, that's I noticed from him pero sana ay hindi siya umabot sa punto na katulad nina Eli at Isaac. Aiden promise me na he will not possessed and dominate me at umaasa ako doon. Inisip ko nalang na kaya lang siya nagselos ng ganon kagrabe ay dahil sa mahal rin niya ako at natatakot siyang mawala ako sa kanya.Pagkatapos ng klase namin at maihatid na ako ni Aiden dito sa bahay namin ay naabutan ko si Kuya Rodney na nagbabasa ng magazine sa sala. Himala yata at maaga siyang umuwi?"An
MESSIAH'S POVFor 23 years, I'm not really happy in my life. I'm living with my half brothers and sister in house one. My Mom had a 4 husbands and they are stuck in a Polyandry relationship.I'm against their relationship, until now I still can't accept that but what will I'm going to do if that's their decision to live in one house and have a bunch of kids who's only mother related?I can't stand to call Eli, Isaac and Selah's father a word 'Dad'. That's not right for me because they are not my real father. I know they already treated me as their real son but I don't like to call them Dad because they steal my mother from my Dad Josiah.I'm not really Avenido dahil Sandoval ang dugong nananalaytay sa amin ni Dad. Dinala lang namin ang apelyidong Avenido dahil naging asawa ni Lola Eirie si Lolo Yuri na totoong Avenido. Lola Eirie was raped by her ex-boyfriend's brother na si Leona Sandoval at ang bunga nun ay si Dad Josiah.Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ma
REBECCA'S POVIt's been 2 weeks simula nung tinangka akong pagsamantalahan nina Eli at Isaac. I didn't expect na kaya nila sa aking gawin ang bagay na iyon. I trust them at kababata ko sila, ni hindi sumagi sa isipan ko na kaya nila akong gawan ng masama but they did, at mas lalong tumindi ang galit ko sa kanila.Hindi ko na sinabi sa pamilya ko at kay Aiden ang ginawa sa akin nina Eli at Isaac dahil ayokong mag-alala sila sa akin. Wala namang nangyari sa aking masama.Messiah saved me. I thank him for that pero hanggang doon na lang iyon. I don't want to see him anymore dahil kung patuloy pa rin niyang gagawin ang mga bagay na iyon sa akin ay baka tuluyan na akong bumigay. I need to respect Aiden and I's relationship at masaya ako dahil kasama ko siya.May mga times na nagtatangkang lumapit sa akin sina Eli at Isaac pero pilit akong umiiwas. I'm really mad at them and they knew it. Wala silang magagawa dahil kung ipagpipilitan pa ulit nila ang sarili nila sa akin ay talagang ipapakul
REBECCA'S POVSa sinabi ni Messiah iyong pagkahilo at kalasingan ko ay tila nawalang bigla. Kaagad akong lumayo sa kanya dahil baka marinig niya pa ang mabilis na pagtibok ng puso ko.I didn't really expect him to kissed me at hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa. Maybe he only did that dahil lang hindi matanggap ng pride niya na may iba nang nanliligaw sa akin?Because he knew from the very start that I love him very much at ngayong nakahanap na ako ng lalakeng willing akong mahalin at alagaan ay saka niya ito gagawin?Naaalala ko pa rin ang mga oras na ilang beses niya akong pinagtabuyan, nilayuan at iyong araw rin mismo na sinabi niya sa aking hinding-hindi niya ako magugustuhan.He only said that he owns me but he didn't said that he loves me. He's only threatened to Aiden.Sumandal ako sa upuan ng kotse niya at ipinikit ang mga mata ko."I will forget what you did and this is the last time that we will see each other." Malamig kong sabi.He didn't respond on what I said at n
REBECCA'S POVKakatapos lang ng exam namin at ngayon ay Sabado na kaya ito na ang rest day na pinakahihintay ko. Hindi ko nalang iniisip pa ang sinabi sa akin ng mga kabanda ni Isaac dahil alam ko sa sarili ko na hindi totoo iyon.I understand them why they are mad at me, I turned down Isaac tapos bigla nalang na pumayag akong magpaligaw kay Aiden. But they don't know everything, the reason I why give Aiden a chance is because I saw how he respects and love me. He already said to me that he loves me at may parte na sa puso ko na sobrang natutuwa dahil inamin niya iyon sa akin.Aiden is very sweet, handsome and down to earth person. Kahit sinong babae ay magkakagusto sa kanya. I'm starting to like him at sana ay magtuloy-tuloy pa ito to forget someone that I really love.Habang nagbabasa ako ng libro sa kwarto ko ay biglang kumatok si Kuya Rodney sa pintuan. Mom and Dad went to our company ng maaga, kahit weekends talaga ay nagtatrabaho pa rin sila kaya kami lang ang naiwan ni Kuya Rod
AIDEN'S POVI think I'm the luckiest guy in the world nang pinayagan akong manligaw ni Rebecca sa kanya. I will never thought that we're going to be a close friend then suddenly I'm now her suitor.She doesn't deserve what Isaac and his brother Eli doing to her. Rebecca is such a fragile and innocent woman. She deserve to be happy and free that's why I would not waste this opportunity to love and take care of her.Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ng kapatid ni Isaac kay Rebecca na hindi daw ako magandang dulot para dito? What does he mean by that? Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong ginawang masama sa kapwa tao ko. I'm a carefree and kind person. Ni wala pa nga akong nakakaaway except for Isaac na may gusto rin kay Rebecca.Napailing ako. Pagkatapos kong maihatid si Rebecca sa kanila ay kaagad na akong umuwi sa condo unit na pinagtutuluyan ko. I drink my Paroxetine medicine na para sa OD ko.Yes, I have an Obsessive disorder pero matagal na rin naman akong gumaling s
REBECCA'S POVIsang linggo na ang nakakalipas simula nang manligaw sa akin si Aiden. I can see that he's really serious about me and I can also see his efforts para lang mas lalo pa kaming magkakilala at magkapalagayan ng loob.Nagpapasalamat ako dahil pagkatapos naming mag-away ni Isaac ay hindi na niya ako ginulo. Kapag nagkikita kami ay sinasamaan niya lang ako ng tingin maging pati na rin ang mga kabandmates niya.I know they are all mad at me dahil binasted ko ang kaibigan nila but I think this is the right thing that I need to do para hindi na umasa pa sa akin si Isaac. Ganoon rin si Eli sa akin na hindi ko pa nakakausap simula ngayon and I think Isaac already said to him na tigilan na nila ang panliligaw sa akin.I was waiting for Aiden here in the field pagkatapos ng klase namin at medyo nahuli lang itong lumabas ng klase nila dahil may sasabihin pa raw sa kanya ang professor nila. He texted me at sinabi nitong hintayin ko nalang siya sa field and I texted him back na I will w
REBECCA'S POVNandito kami ni Sheila sa field at pinagmamasdan naming magperform sila Isaac at ang banda niya sa stage. Kilig na kilig naman ang bestfriend ko dahil sa boyfriend nitong si Earl habang ako naman ay nagtatakang nakatingin lang kay Isaac na mula pa kahapon ay hindi ako pinapansin.I know there's something wrong with him at hindi mapanatag ang loob ko sa kung anuman ang problema niya."Ang gwapo-gwapo talaga ng magkakaibigan na 'yan, no? Gwapo naman si boyfriend ko pero napapansin kong mas lalo pang gumagwapo si Demi. Inspired siguro?" Kinikilig na sabi ni Sheila habang nakatingin ito kay Demi na busy sa pagtugtog sa electric guitar na hawak niya. Nasasabayan naman ito ng vocalist nilang si Colt na may maganda talagang boses.Napatingin ako kay Demi. Talaga ngang gwapo ito kahit may pagka badboy ang itsura. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit marami na itong naging girlfriends. Pero ang mas bumabagabag lang sa akin ay ang malaman niyang close na kami ni Aiden.Hindi kaya