Share

Our sudden agreement
Our sudden agreement
Author: YourArcheress

CHAPTER 1

Author: YourArcheress
last update Last Updated: 2022-07-12 03:24:08

Napabuntong-hininga na lang si Moira habang napapahilot sa batok patungo sa balikat dahil sa pangangalay. Maghapon na siya sa opisina at halos pa-dinner na ng matapos niyang basahin ang mga report at documents na kailangan pirmahan ng Boss niya. Ni hindi na nga siya nakakain ng lunch sa sobrang busy.

Kung hindi lang dahil kay Thunder na boss niya ay hindi siya mag-aapply sa company nito. No'ng nag-aaral pa ito ay sobrang sipag nito kaya nga niya ito gustong-gusto dahil bukod sa pogi na matalino pa. Hindi niya nga lang alam ang nangyari dito at naging tamad ito. Halos hindi na ito pumapasok, bilang lang sa isang buwan ito nagpapakita at para bang siya na ang tumatayong Boss dahil mas marami pa siyang ginagawa keysa dito.

Pero dahil gusto niya ito ay handa siyang magpaalipin mapansin lang siya nito.

Bahagya siyang napangiwi sa naisip at napanguso. Sa sobrang dami ba naman ng babae ng Boss niya ay halos araw-araw may nagwawala sa lobby at hinahanap ito, sa palagay niya hindi na siya nito mapapansin pa.

Sophisticated and rich ang mga type ng Boss niya at hindi tulad niyang maganda lang pero mukha namang manang.

Malakas na ring ng cellphone niya ang nakapag-paggising sa diwa niya. Agad niya itong sinagot nang makitang si Rhyker ang tumatawag.

"Hello? Bakit napatawag ka?" malamyang sagot niya dito.

"Moi? Ikaw ba 'yan? Bakit ang pangit ng boses mo?" Bagama't nang-aasar ay mahihimigan naman ang pag-aalala sa boses nito na lihim niyang ikinangiti.

"I'm just tired," pagod na pagod na talaga niyang sabi. Kahit maghapon kasi siyang nakaupo ay gumagawa naman ang mga kamay at isip niya kaya naman ubos na ubos ang lakas niya.

"Sabi ko naman sa'yo huwag mong papagurin ang sarili mo. Bakit kasi hindi ka na lang magreklamo kay Thunder, secretary ka lang at hindi boss." Galit na ang tono nito pero mababakas pa rin ang bahid ng pag-aalala sa boses nito.

Kaya’t nanahimik na lang siya dahil alam niyang maiinis lang ito sa isasagot niya. "Alam mo naman ang rason Rhyke, I still love him."

Alam ni Rhyker ang mga pinagdaanan niya simula college para lang masundan-sundan si Thunder. Palagi siya nitong sinasamahan saan man siya magpunta dahil nag-aalala ito palagi sa mga ginagawa niya.

Nang minsan kasing sinundan niya si Thunder ay nakagat siya ng aso. Kapag naaalala niya 'yon ay natatawa na lang siya sa mga pinaggagawa niya.

Rinig niya ang malalim nitong pagbuntong-hininga na sinundan nang mapaklang pagtawa. "Sabi ko naman sa'yo magtira ka para sa sarili mo. You derserve the best Moi, hindi lang pagiging secretary ang kaya mong marating. You can do more and we both know that."

Napailing na lang siya, alam naman niya 'yon pero hindi niya kayang iwan si Thunder kahit nga wala na siyang nakikitang pag-asa.

Nag-usap pa sila ni Rhyke habang ipinapahinga niya ang likod sa office chair niya. Pinangaralan lang siya nito na paulit-ulit naman nitong ginagawa. Sadyang matigas lang talaga ang ulo niya at hindi niya ito pinakikinggan. Sa huli, sinabi rin nitong napatawag lang ito dahil aanyayahan siya nitong mag-dinner na hindi naman niya natanggihan kahit pagod na.

Six thirty na mahigit at seven ang usapan nila ni Rhyke. Sa Aztra Restaurant sila magkikita. Isa iyong Filipino restaurant kung saan tanging Filipino dish lang ang sine-serve. Isa ito sa maraming pag-aari ni Rhyker. Magaling at kilala itong chef kaya naman maraming tumatangkilik at dumadayo sa mga pag-aari nitong restaurant.

"Good evening Ma'am!" Magiliw na pagsalubong sa kaniya ng isang waitress pagpasok pa lang niya.

"Hello, Deanna!" magiliw na bati rin niya. Kilala siya ng mga tauhan ni Rhyker dahil madalas talaga silang magkasama. Sa sobrang dalas ay napagkakamalan na silang may relasyon.

Nginitian siya nito. "This way po Ma'am." Iginiya siya nito hanggang sa table na naka-reserved na para sa kanila.

Naka-vintage style ang buong restaurant, maliit lang ang branch na ito dahil nasa Tagaytay ang main. Bagama't gano'n ay maganda ito at parang ibinabalik ka sa lumang panahon dahil sa disenyo at vibes ng buong restaurant.

Halos manlaki ang mata niya nang matanaw ang matalik na kaibigan na si Abigail na kumakaway-kaway sa kaniya mula sa table nito. Dala ng excitement ay tinakbo niya ang pagitan nila at niyakap ito ng mahigpit. Sobra niya itong na-miss!

"Hoy! Ano ba?" Tumatawa siya nitong hinampas sa braso ngunit lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. "Hindi ako makahinga!" inis na sigaw nito na ikinatawa niya bago ito pinakawalan.

Hindi talaga siya makapaniwala na nasa harapan na niya ito ngayon. Dalawang taon na niya itong hindi nakikita dahil abala ito sa trabaho nito sa ibang bansa bilang isang modelo.

"Wow! Ang ganda-ganda mo!" Humahanga niya itong inikutan at pinagmasdan. Mas matangkad ito sa kaniya ng kaunti. Itim na itim ang mga mata nito na may mahahabang pilikmata, makapal din ang kilay nito kaya nagmumukha itong masungit. Maging ang kurba ng katawan nito ay masyadong perpekto.

Natawa naman ito sa reaksiyon niya. "Ikaw talaga! Ma-upo ka na nga."

Excited siyang na-upo sa harapan nito. Madalas silang nag-vi-video call nito pero kahit gano'n miss na miss niya pa rin ito. Iba pa rin kasi kapag personal silang nagkikita at nagkaka-usap. Lalo na't sanay siyang palagi itong nasa tabi niya.

"Bakit hindi ka nagsabi na darating ka? E di sana ay sinundo kita sa airport," nagtatampong tanong niya rito.

"Surprise nga e, surprise pa ba 'yon kung sasabihin ko na?" She rolled her eyes at her. Natawa naman siya dito, wala talaga itong ipinagbago mas lalo itong nagmumukhang masungit kapag umiirap ito.

"Hey!" bati sa kanila ni Rhyker na kalalabas lang sa opisina nito.

Humalik ito sa pisngi nila ni Abigail na nakasananayan na nila bago naupo sa tapat nila. "Bakit hindi pa kayo umu-order?" nagtatakang tanong ni Rhyker.

"Hinihintay ka kaya namin, order-an mo kami ng pinakamasarap na pagkain sa restaurant mo," utos ni Abigail dito.

"Yes Boss!" Sumaludo pa ang loko na agad ding umayos nang makita ang masamang tingin ni Abigail.

Natakot yata ito sa tingin ni Abigail kaya mabilis nitong tinawag ang waiter at sinabi ang mga order nito. Natawa siya ng marinig kung gaano karami ang in-order nito na puro specialty ng restaurant, paniguradong ito rin ang magbabayad. Wala naman itong masisingil sa kaniya dahil wala siyang pera at alam niyang hindi na nito susubukan pang tanuning si Abigail.

"Balita ko inaalipin ka na naman ni Thunder, sinabi ko naman sa'yo at mag resign ka na. Ang laki-laki ng kumpaniya ninyo sa ibang bansa pinagpipilitan mo ang sarili mo bilang secretary niya lang?" Napakamot siya sa noo habang lihim na sinasamaan nang tingin ang tatawa-tawang si Rhyker na tapos nang sabihin ang order sa waiter. "Ang swerte naman niya kung gano'n?"

Napanguso na lang siya habang nakatungo ang ulo dahil paniguradong sermon na naman ang aabutin niya. Napaka-ingay talaga nitong si Rhyke, kalalaking tao chismoso!

"Alam mo naman kasi diba?" Napapalunok na tanong niya rito dahil wala pa nga ay pasama na nang pasama ang tingin ng kaibigan. Gusto niyang batukan si Rhyker sa kadaldalan nito.

Tumaas ang kilay nito habang nakakunot ang noo na para bang isa siyang math problem na walang solusyon. "A-ano? Bakit ang sama mo tumingin?" Halos mautal pa niyang tanong dito.

Magsasalita na sana ito nang dumating ang mga orders na dala ng waitress. Inihain ng mga ito isa-isa ang mga pagkain sa table nila. Puro mga sikat na pagkain 'yon dito sa Pilipinas na ikinatakam niya. Ang mga specialty naman ay sariling recipe ng pamilya ni Rhyker.

"Wow!" Pinagkiskis niya ang mga palad at parang takam na takam na tinignan ang mga pagkain.

Akma na siyang magsasandok ng paluin ni Abigail ang kamay niya dahilan para malaglag ang sandok na hawak. "Ayan!"

"Aray!" Nahawakan niya ang kamay niyang hinampas nito at tinignan ito ng masama. "Bakit ba?" Angil niya dito habang nakanguso.

"Nakakainis ka kasi! Hindi ka na naman nag-lunch 'no? Gutom na lang ang napapala mo palagi sa pagmamahal na 'yan kaya sinasabi ko sa'yo tumigil-tigil ka na! Kinakawawa mo lang ang sarili mo!" Masama ang tingin nito sa kaniya. Agad naman siyang sumeryoso nang makitang naiinis na talaga ito. Alam naman niyang nag-aalala lang ito sa kaniya.

Napayuko na lang siya at napabuntong-hininga. Naiintindihan niya ang mga ito kung nag-aalala sila sa kaniya. Pero sana maintindihan din nila na mahal niya talaga si Thunder at hindi siya susuko.

"I'm sorry," mahinang bulong ni Abigail bago tumayo at niyakap siya na mabilis naman niyang ginantihan. "Ang dami-dami mo na kasing sinasakripisyo, paano naman ang sarili mo?"

Nagsalubong ang tingin nila ni Rhyke na ngiting-ngiti habang nanonood sa kanila. Pinagkunutan niya ito ng noo at agad itong nag-iwas ng tingin. Daig pa kasi nito ang nanonood ng drama.

"Okay lang, kumain na tayo." Tinapik niya ito sa balikat bago kumalas sa pagkakayakap nito.

"C'mon guys, nandito tayo para kumain tama na muna ang drama!" Natawa silang lahat sa ingay ng bunganga ni Rhyke.

Naging magana ang dinner nila at puro pagbabalik tanaw lang ang naging usapan nila. Quarter to nine na sila natapos mag-dinner sa sobrang dami nilang napag-usapan kasama na ang mga kalokohan niya kasama si Rhyke noong college at ang palaging nagagalit na nanay na si Abigail tuwing malalaman ang mga kalokohan nila. Doon niya lang na-realize na ang swerte niya talaga sa mga kaibigan niya para na niya itong mga kapatid.

"Hatid ko na kayo." Alok ni Rhyke na hindi na niya tinanggihan.

"May dala akong sasakyan." Iwinagayway ni Abigail ang susi ng kotse nito at may pinindot na button doon dahilan para umilaw ang pulang kotse na nakaparada sa tabi ng kotse ni Rhyke.

Halos manlaki ang mata niya nang makita ang tatak ng kotse nito. "Sa'yo yan?" hindi makapaniwalang tanong niya sa kaibigan.

Kinindatan lang siya nito at nginisihan bago sumakay sa kotse nito.

"Ganiyan na siya kayaman ngayon?" hindi pa rin makapaniwalang bulong niya na mukhang narinig ni Rhyke. Alam niya kasi kung gaano kamahal ang gano'ng sasakyan. Ferrari 'yon! Isang taong sahod niya ang halaga no'n!

"Ikaw lang naman ang mahirap sa ating tatlo, Miss secretary?" inis niya itong nilingon at hinampas sa tiyan na umani nang malakas nitong tawa.

"Tara na nga!" Tatawa-tawa pa rin ito at nanguna na sa sariling sasakyan.

Agad naman siyang sumakay sa sasakyan nito at hinayaan niya itong kabitan siya ng seatbelt. Sanay na siya kay Rhyke masyado itong gentleman at protective sa kanila ni Abigail. Mas close lang talaga sila dahil palagi silang magkasama kumpara kay Abigail na palaging nasa ibang bansa. Kung hindi ito ang bibisita sa kanila ay sila ang pumupunta dito.

"Daan muna tayo sa bahay ng Boss ko, ihahatid ko 'yong documents na kailangan ng pirma niya." Excited niyang sabi dito. Excited na siyang makita ulit si Thunder, minsan lang kasi niya ito makasama sa trababo. Akala niya kasi noon ay kapag naging secretary siya nito ay madalas na niya itong makakasama, kaso hindi pa rin pala. Pero okay lang din naman nagkaroon naman siya ng chance na makapunta sa bahay nito.

Tumango si Rhyke pero nakakunot na ang noo nito habang mahigpit ang hawak sa manobela. "Hindi ba siya makapunta sa opisina niya at doon pumirma? Ikaw na nga ang gumagawa ng lahat ng trabaho niya pati ba naman ang paghahatid ng documents ikaw pa rin?"

"Confidential kasi 'to kaya hindi pwedeng ipagkatiwala sa iba." Pagdadahilan niya na ikinailing nito.

"Bahala ka!" Inis na talagang saad nito.

Hindi na lang siya umimik dahil baka mainis lang ito lalo sa mga dahilan niya at hindi pa siya ihatid.

Tahimik ang naging byahe nila, tutok si Rhyke sa pagmamaneho at inabala naman niya ang sarili sa pagtingin sa bintana ng kotse kung saan natatanaw niya ang mga buildings and houses na nadadaanan nila.

Napakaganda talaga sa Pilipinas. Kaya mas gusto niya rito tumira, kahit kasi mag-isa siya ay hindi niya 'yon maramdaman dahil maraming mababait na tao ang nakapaligid sa kaniya.

Nang makarating sa tapat ng bahay ni Thunder ay agad siyang umibis sa sasakyan ni Rhyke, nilingon niya ito ngunit nanatili naman itong naka-iwas ang tingin sa kaniya.

"Sama ka?" tanong niya kay Rhyker na nakatanaw lang sa unahan at hindi man lang siya tapunan ng tingin.

"Hindi na, hintayin na lang kita dito," mahinang sabi nito na ikinangiti niya dahil alam niyang kahit inis ito ay mabait pa rin ito sa kaniya.

Isinara niya ang sasakyan nito bago inayos ang sarili. Kailangan ay magmukha siyang presentable sa harap ni Thunder. Ayaw niyang mapahiya sa lalaking gusto niya. Simple lang siya manamit, knee length skirt at White long sleeve lang ang madalas niyang suotin kapag nasa opisina. Mas kumportable kasi siya sa ganoon.

Akmang mag-do-door bell siya nang makitang bukas ang gate ng bahay. Nagtataka man ay dumiretso na siya papasok. Alam naman ng Boss niyang darating siya dahil kahapon pa niya ito tinawagan.

Tumaas ang kilay niya ng makitang bukas pati ang pintuan ng bahay nito.

Ganito ba ito ka-excited na makita siya?

Napatawa na lang siya ng mahina sa pagiging assumera niya. Dumiretso na siya papasok sa loob at halos pagsisihan niya iyon nang makita ang ginagawa ng Boss niya na hindi man lang naramdaman ang presensya niya.

Nanlaki ang mata niya at natulos sa kinatatayuan nang makita ang ayos nito kasama ang babae nito. Nasa pagitan ito ng nakabukang hita ng isang babae.

Sa sobrang pagkabigla at panginginig ng katawan sa nasaksihan ay nabitawan niya ang mga documents na dala at nagkalat ito sa sahig. Doon niya naagaw ang atensiyon ng dalawa na abala sa makamundong ginagawa.

Halata ang gulat sa Boss niya nang magtama ang tingin nila, basa pa ang labi nito dahil sa pinaggagawa nito. Mukhang hindi nito inaasahan ang pagdating niya. Kinalimutan ba nito ang pagtawag niya kahapon?

"Hey!" Malanding pagtawag sa kaniya ng babae nito na mukhang sayang-saya na nahuli itong may ginagawang milagro kasama si Thunder. Akmang tatayo ito at lalapit sa kaniya nang talikuran niya ito at tumakbo siya palabas ng bahay.

Sa sobrang inis at pagkataranta niya basta na lang siyang umalis at iniwan ang mga documents sa sahig ng bahay nito. Peste naman! Sa dami ng masasaksihan bakit 'yong gano'ng tagpo pa? Nakakahiya!

"Moira!" Narinig pa niya ang pagtawag ni Thunder na mukhang natauhan lang no'ng umalis siya.

Hindi niya ito nilingon dahil inis na inis siya sa sariling kahihiyan at kay Thunder. Hindi man lang nito ipinagpabukas ang ginagawa nito. Talagang ngayon pa talaga kung kailan darating siya at sa sala pa ha? Wala bang kwarto?

Walang ingat niyang pinahid ang mga luhang nahulog sa pisngi niya dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman at sa sakit na sadyang nangingibabaw sa lahat.

Related chapters

  • Our sudden agreement   Chapter 2

    Naging tahimik ang byahe nila ni Rhyke, walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Simula nang makasakay siya sa sasakyan nito at inaya ito ay hindi na ito nagtanong pa.Nakatanaw lang siya sa bintana ng sasakyan nito. Gabing-gabi na masyado at pagod na siya, gusto na niyang magpahinga. Pero sadyang makulit ang isip niya dahil kahit nasasaktan na ang puso niya ay paulit-ulit pa rin na bumabalik sa isip niya ang nasaksihan.Kaya ba hindi man lang ito nagpupunta sa opisina dahil busy ito sa mga babae nito? Napabuntong-hininga siya sa naisip, gusto niyang matawa ng mapakla dahil obvious naman 'yon sa dami ba naman nitong babae na nagpupunta sa office.Napahawak siya sa bandang dibdib niya nang makaramdam ng pagkirot doon. Nasasaktan siya pero wala naman siyang karapatan dahil empleyado lang siya nito at boss niya ito."Moira?" pagtawag sa kaniya ni Rhyke. Nilingon niya ito at doon niya lang napansin na nakahinto na sila sa parking lot ng condo niya. Ganoon na ba siya ka-occupied? Hindi man l

    Last Updated : 2022-07-12
  • Our sudden agreement   Chapter 3

    Gustong matawa ni Thunder ng magmadaling pumasok sa loob ng condo si Gianna matapos nitong makumpirmang hindi lang siya halusinasyon nito.Ipinilig niya ang ulo at pumasok na sa loob ng condo nito kahit walang imbitasyon. Ayos lang naman siguro 'yon dito, iniwan ngang bukas 'yong pinto e. Pagkapasok niya ay ipinalibot niya ang paningin sa kabuuan ng condo nito at halos mapangiwi siya nang makita ang napakaraming kalat. May mga nakakalat na bote ng alak at cake. Kalat-kalat din ang mga unan at plastic bottles sa sahig. Tsk! Kababaeng tao ang kalat ng condo! Paniguradong matatagalan pa ito kaya nagdesisyon siya na maglinis muna ng kalat sa sala nito para may maupuan naman siya. Hindi naman siguro ito magagalit kung pakikialaman niya ang mga gamit nito. He picked up the floor-scattered blanket and folded it properly. After that, he started to pick up each bottle of wine and water that was scattered across the floor. He hauled the mess into the kitchen. He raised an eyebrow as he not

    Last Updated : 2022-07-12
  • Our sudden agreement   Chapter 4

    Halos dalawang oras na silang nasa biyahe. Tanging tugtog lang mula sa radyo ng sasakyan ang nagsisilbing ingay nila. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kasama niya si Thunder sa meeting dahil madalas itong absent. Ito rin ang unang pagkakataon na nakasama niya ito sa iisang sasakyan. Kahit for business meeting ang pupuntahan nila hindi pa rin niya na-iwasang kiligin.Napangiwi siya nang maramdaman ang pananakit ng likod. Kanina pa sumasakit ang balakang niya, feeling niya rin nag-iinit na 'yong puwet niya sa tagal na naka-upo. Nagugutom na rin siya dahil hindi pa siya nag-aalmusal at tanghalian dahil nga tanghali na siya nagising. Walang stock sa unit niya at nahihiya naman siyang magpa-deliver pa dahil baka ma-late na sila. Bakit ba kasi ang layo no'ng location ng meeting? Gutom na gutom na ako! Sana lang talaga Lord huwag mag-ingay ang bulate sa tiyan ko, ayaw kong mapahiya sa harap niya! Wala sa loob na napahawak siya sa tiyan niya nang tumunog ito, hindi malakas para marinig n

    Last Updated : 2022-07-12
  • Our sudden agreement   Chapter 5

    Matapos ang eksena nila sa labas ng restaurant, nanatili siyang walang kibo. Instead na ihatid siya nito sa condo niya ay dinala siya ni Thunder sa isang coffee shop.Gabi na at pagod na siya, gusto na niyang magpahinga pero gusto niya pang makasama si Thunder kaya nang ayain siya nito agad siyang sumama. "Coffee." Inilapag ni Thunder sa harapan niya ang in-order nitong kape at slice ng cake bago ito na-upo sa tapat niya."I'm sorry," paumanhin nito habang matamang nakatingin sa kaniya. Nanatili lang siyang walang kibo at hinihintay ang susunod pang sasabihin nito. Alam niya sa sarili niya na hindi siya galit sa ginawa nitong paghalik sa kaniya at pagpapakilala bilang fiance nito. Nababaliw na yata siya para masiyahan dahil imbis na magalit ay kinilig pa siya. Parang gusto na nga rin niyang hilinging sana totoo na lang. "Are you mad? I'm sorry talaga dahil sinabi kong fiancée kita." Pinagsalikop nito ang mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa."Hindi ka ba mag-so-sorry sa paghali

    Last Updated : 2022-07-12
  • Our sudden agreement   Chapter 6

    Inis na ginulo-gulo ni Moira ang buhok niya. Kanina pa siya pa-ikot-ikot sa kinahihigaan. Hindi siya makatulog dahil sa nangyari kanina lang sa mismong harap ng condo building na tinitirhan niya.Parang panaginip lang ang lahat. Hindi pa rin siya makapaniwala na nag-propose sa kaniya si Thunder. Umupo siya sa kama at sinampal-sampal ang sarili para magising siya sa katotohanan. "Come on Moira! wake up!" Ayaw niya kasing umasa lang, baka panaginip lang pala ang lahat tapos pag nagising siya balik na naman sa dati. "Hindi ba talaga panaginip 'yon?" Napabuntong-hininga siya. Hindi dahil may problema siya kundi dahil hindi niya alam kung paano niya pipigilan 'yong kilig na nararamdaman niya.Isa pa, hindi niya alam kung paano niya haharapin si Thunder pagpasok niya sa office. Napapikit siya nang maalala ang ginawa niyang pagtulak at pag-iwan niya dito matapos nitong alukin siya ng kasal. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa ginawa nito. "Hay! Bakit ko ba kasi ginawa 'yon." Minsan t

    Last Updated : 2022-10-19
  • Our sudden agreement   Chapter 7

    It's so early in the morning when he arrives at his office. This is actually the first time after a year that he really took an initiative to go to work without forcing himself. Well…there's another reason behind it. He still can't stop thinking about what happened yesterday between him and Moira. He laid his back on his swivel chair and closed his eyes. And there he saw a beautiful woman with distinctive eyes. Hindi siya nakatulog kagabi sa kaiisip sa ginawa niyang paghalik dito. She kissed him back na talagang ikinagulat niya. At the same time he was amaze, she's a fast learner huh? After kissing him two times in just a day she already knows how to kiss. Gusto niyang magsisi ng bigla siya nitong iwan kagabi matapos niya itong alukin ng kasal. He's such a big fool. After all, Moira doesn't deserve that kind of proposal. Napamulat siya ng mata ng biglang bumukas ang pinto at mamataan si Axel– his cousin from father's side. “What are you doing here?” he close his eyes again.

    Last Updated : 2024-04-10

Latest chapter

  • Our sudden agreement   CHAPTER 1

    Napabuntong-hininga na lang si Moira habang napapahilot sa batok patungo sa balikat dahil sa pangangalay. Maghapon na siya sa opisina at halos pa-dinner na ng matapos niyang basahin ang mga report at documents na kailangan pirmahan ng Boss niya. Ni hindi na nga siya nakakain ng lunch sa sobrang busy.Kung hindi lang dahil kay Thunder na boss niya ay hindi siya mag-aapply sa company nito. No'ng nag-aaral pa ito ay sobrang sipag nito kaya nga niya ito gustong-gusto dahil bukod sa pogi na matalino pa. Hindi niya nga lang alam ang nangyari dito at naging tamad ito. Halos hindi na ito pumapasok, bilang lang sa isang buwan ito nagpapakita at para bang siya na ang tumatayong Boss dahil mas marami pa siyang ginagawa keysa dito. Pero dahil gusto niya ito ay handa siyang magpaalipin mapansin lang siya nito.Bahagya siyang napangiwi sa naisip at napanguso. Sa sobrang dami ba naman ng babae ng Boss niya ay halos araw-araw may nagwawala sa lobby at hinahanap ito, sa palagay niya hindi na siya nito

DMCA.com Protection Status