ANASTASIA “WHATEVER your plan is we trust you, Kevin.” Nagtiwala kaming lahat kay Kevin at pagsapit nga ng kinabukasan ay handa na kaming lahat upang umalis. Kahit nagtataka ang mga bata ay sinabi nalamang namin na magbabakasyon kami—kahit na walang kasiguraduhan kung babalik pa ba kami sa bahay na iyon. Matapos ang ilang oras na byahe ay nakarating kami sa isang liblib na lugar sa Paris, hindi ko na alam ito ngunit nasisigurado ko na malayo ito sa kumunidad. Malaki ang bahay at kulay brown and white ang interior nito, sa likuran niya ay mayroong pond kung saan maraming puno kung kaya napaka-aliwas ng paligid. Marami ‘ding nakapalibot na mga iba’t-ibang halaman kung kaya tuwang-tuwa ako. “Alam na alam mo talaga ang gusto ko Kevin,” nakangiti kong sabi ng makababa kami ng sasakyan. “Of course, ako pa ba.” niyakap ko siya sandali at nagpasalamat na ikinagulo niya lang sa aking buhok. Pumasok kami sa loob at talagang malaki siya, kasyang-kasya talaga kaming lahat. Tahimik ngunit hind
NAG-AYOS lang ako ng sarili ko sa cr ni Kevin at lumabas na ‘din, nauna na siya saakin at pagbaba ko ay nasa dining na ang mga ito handa na para sa umagahan, mukang inantay nila ako bago mag breakfast. “Good morning mommy!” sinalubong ako ng kambal at hinalikan ang magkabila kong pisnge. “Good morning too twins, what do we have for breakfast?” nakangiti kong tanong. “Pancake, hodog, bacon and eggs!” hyper na sabi ni Amari, paburito niya ang itlog kaya ganiyan ka-hyper ‘yan tuwing umaga. Hindi nawawala sa hapagkainan namin ang itlog, si Asher naman ay hotdog. Mabuti at hindi sila pareho dahil siguradong mag-aaway sila. Ipinag-usog ako ng upuan ng panganay kong si Asher kaya nginitian ko siya bilang pasasalamat at lumipat kay Amari upang ito naman ang ipag-usog niya ng upuan. He’s so sweet. “Who will lead the prayer?” Nagtaas ng kamay ang tatlong bata ngunit nauna si Amari kaya tinatawag ito ni tito Erwin. Ganito kami lagi sa hapagkainin, sinanay namin ang mga bata sa culture
“HEY wait up!” Rinig ng kambal ang pagtawag sa kanila ng lalaking nakabangga nila—si Tanner. Si Amari ay takang taka dahil kamukang kamuka ito ng kaniyang kakambal nakita pa niyang hinahabol sila ng lalaking iyon kung kaya nilingon niya ang kakambal. “Kuya wait, bakit kamuka mo siya? Is he, our daddy?” natiglan si Asher dahil sa sinabi nito at laking gulat ni Amari ng biglang humarap sa kaniya ang kambal. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at nagsalita. “Amari you have to listen to me, never talk about our mom. Leave it to me, okay? Trust me and go with the flow, we have to know if he is our dad.” Agad naman naintindihan ni Amari ang sinabi ng kakambal, hinawakan ni Asher ang kamay ni Amari at magkaharap nilang nilingon si Tanner na nagtataka pa ‘rin. “You have to treat us mister, let’s just say that it is the payment for bumping us. I’m not accepting a no,” Nagulat si Tanner sa sinabi ni Asher at hindi makapaniwalang nakatingin dito. Maya-maya ay napatawa siya dahil naki
ANASTASIA DALAWANG araw na ang nakakalipas magmula nang magkagulo sa kumpanya ko dahil sa nakawan ng designs na ginawa ko. Until now ay hindi ko pa ‘rin nalalaman kung sino ang may kagagawan kung bakit nakuha ng kalaban kong kumpanya ang designs na ginawa ko. Unti-unti na ‘ring nagsialisan ang ibang investors namin para sa launching ng event na ito at hindi ko na talaga alam ang gagawin. Sa dalawang araw na iyon ay halos tumira na ako sa office ko parang lang maibalik sa dati ang lahat, pero bakit hindi ko magawa? “Anastasia?” Napatingin ako sa tumawag saakin at biglang bumukas ang ilaw dito sa kusina. Nakita ko ang nakakunot na noo ni Brandon. “Kauuwi mo lang?” tanong niya saakin. “At umiinom ka?” napayuko ako sa sinabi niya at inabala ang aking mata sa alak na nasa isang baso. Naramdaman ko ang pagtabi niya saakin ngunit hindi ko siya nilingon. “Alam mo bang alas dos na ng madaling araw?” tumango lang ako sa sinabi niya at tinungga ang alak na nasa baso. Hinawakan kong muli
NAGISING ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Mayroon akong naaamoy na pag-kain na siyang nagpabangon saakin at nakita ko ang gulat na expression ng mga kasama ko. Teka nasaan ako? “Mommy!” Tumakbo papunta saakin ang kambal at sumampa sila sa kinahihigaan ko't niyakap ako ng mahigpit. Doon ko lang nailibot ang paningin ko at nasa ospital ako? Naalala ko na! Hinimatay ako sa opisina dahil sa pagkahilo. “Mommy are you feeling better now? We are so worried.” Tinging sabi saakin ni Asher kaya ngumiti ako at ginilo ang buhok niya. “I’m feeling better now, lalo na yakap niyo akong dalawa.” Nakangiti kong sabi ngunit napansin ko na umiiyak si Amari kaya nag-alala ako dito. “Amari, stop crying na. Mommy is okay now okay?” pag-aalo ko sa kaniya. Sa kanilang dalawa kasi si Amari talaga ang pinakang soft hearted, parang ako na ako talaga siya habang si Asher ay kuhang-kuha ang kaniyang ama pati ugali. “Mommy natakot po ako! Noong nakita ka namin na nakahiga sa hospital bed akala ko po
“Good morning too my babies, susunod nalang si mommy.” Tumango sila at umalis na sa kwarto. Sabado ngayon at bukas na ang event. Naalala ko ngayon ko pala sasabihin sa kambal ang tungkol kay Tanner at sa pamilya ko. Handa na ba ako? Pero nagtatanong na si Asher, kilala ko ang anak ko. Hindi siya titigil hangga’t walang nakukuhang sagot sa tanong sa kaniyang isipan at ayaw kong malaman pa niya ito sa iba. Mas mabuti ng saakin nanggaling. Matapos kong mag ayos at sipilyo at bumaba na ako. Naabutan ko silang masayang nag-aabang sa lamesa, kumpleto kami. Mas mabuti dahil hindi ko kakayanin na ako lang mag-isa ang magpaliwanag sa kambal. Si Billie ang nag lead ng prayer at kumain na kami, masaya ang hapagkainin lalo na tuwang-tuwa ang kambal. Mukang sinabi na ni Asher ang tungkol sa pagsasabi ko sa pamilya ko at daddy nila kaya ganiyan sila ka-bibo. Sana lang ay hindi magalit saakin ang mga kasama ko sa bahay sa gagawin kong ito. “A-Ah guys? May sasabihin sana ako.” Naramdaman ko a
“MALAYO naman ang Cebu sa Manila.” Ilang beses ko na bang nasabi ‘yan sa sarili ko? Siguro isang daang beses na. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-eempake ng ilang damit na dadalhin ko papunta sa Cebu. Hindi ko alam kung ilang araw ako magtatagal sa Pilipinas. Araw nga ba o buwan? “Sabi ko naman sa’yo Anastasia, kahit malayo pa ang Cebu sa Manila, oras na malaman nilang andoon ka pupunta ‘yun.” Tinignan ko ng masama si Serene na andito sa kwarto namin ng kambal. Dito na ‘rin kasi namin siya pinatuloy sa bahay dahil bukas na ang flight namin papunta sa Pilipinas. Isang linggo na simula nang matapos ang event na nagpabuhay lalo sa aming kumpanya. Tulad ng inaasahan ay bumalik ang mga umalis na ka-negosyante ko pero mahigpit talaga ang bilin ko na hindi pwede. Nagsagawa ‘din kami ng isang private party sa kumpanya biglang celebration ng pagkapanalo namin. Lasing na lasing ako ng gabing ‘yun, mabuti nalang anjan si Kevi—siya kasi ang escort ko. Hindi alam ng mga employees ko
“Kevin is so perfect for me Serene. Hindi kami pwedeng dalawa,” wala sa sarili kong sabi. “Hindi ba talaga pwede o sadyang may iba pang tinitibok ang puso mo?” Gulat akong napatingin sa kaniya sa sinabi niyang iyon at natatawa niya akong tinuro. “You should see you face right now! Hahaha parang ako si Tanner na gulat kang makita dahil sa itsura mo!” nakatanggap siya saakin ng malakas na hampas pero hindi na niya ako tinigilan. Hindi nalang ako pumatol dahil baka lumaki pa. Pero tama nga kaya ang sinabi niya? What?! No, Anastaisa! Bakit mo iniisip ang ganiyang bagay! Erase, erase! ~AFTER 19 HOURS~ “Ladies and gentlemen, welcome to ***. Local time is 3 o’clock in the afternoon and the temperature is ***. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign…” Naramdaman ko ang pagkapit ni Serene sa kamay kong hindi ko manlang namalayan na mahigpit na pala ang kapit sa kinauupuan namin. Nginitian ko siya
MATAPOS malaman ni Duke at Luke ang sinabi ng kanilang ate Amari ay ginusto ‘din nila na magkaroon ng bagong time machine para mayakap ang kanilang magulang mula sa nakaraan nila. Kaya pumayag naman si Asher at binigyan ang dalawa. Bumalik muna sila sa time nila at ibinalik ang unang bracelet at sabay na bumalik kung saan agad nilang niyakap si Anastasia. Inamin ng dalawa na natigilan sila ng makitang malakas ang kanilang ina at nakakatayo pa. Kaya napaiyak si Luke ng makita ang ina dahil doon. Nakangiti namang pinanood ng mga ito ang kambal hanggang sa pati si Tanner ay niyakap na nila. Nang matapos ay nagsiupo sila ng maayos sa sofa na naroroon. Ipinaliwanag ni Asher ang naging dahilan kung bakit nagkaganoon ang kanilang ina. Nalaman niya na isa sa mga council ang may kagagawan, noong nalaman nila na buntis si Anastasia ay doon nagsimula ang pagpapadala ng mga ito ng regalo at isa na doon ang regular na regaling natatanggap ni Anastasia, isang kandila na nakakapagpakalma ng siste
“BAKIT Tanner?” takang tanong ni Anastasia mula sa future ng bigla nalang mapahinto si Tanner. “Bigla lang akong nakaramdaman ng kakaiba. Parang mayroong memory na pumasok sa isip ko tapos biglang nawala,” kunot noon a tanong nito at inihiga si Anastasia sa kanilang higaan. “Ikaw ‘din? Akala ko ako lang. Ano kaya ‘yun?” takang tanong ni Anastasia. Npaangiti lang si Tanner at umiling sa asawa pagkatapos hinalikan ito sa labi. “Wala siguro ‘yun, matulog na tayo wife,” tumabi siya sa asawa at niyakap ito. “Ang mga bata? Si Duke at Luke hindi ko na nakikita,” bilang tanong ni Anastasia. “Ako nga ‘din, dati naman bumibisita sila lagi dito. Pero ngayon hindi na, siguro nagsasanay na ‘din sila?” “Alam mong hindi pwede si Luke, Tanner,” samang tingin ni Anastasia sa asawa. “Kapag may nangyari sa mga anak mo ikaw talaga sisisihin ko,” “Oo na po, i-che-check ko sila bukas,” napabuntong hininga si Anastasia sa sinabi ng kaniyang asawa. “’Wag kasi puro saakin ang focus mo, ang underworld
MATAPOS ang limang taon na pagpapakasal ni Tanner at Anastasia ay dumating muli ang hindi nila inaasahan na bisita. Hindi akalain ni Anastasia na magbubuntis pa siya dahil ilang taon na nilang sinusubukan ni Tanner na mag-anak pa ngunit hindi ito binibigay sa kanila ng panginoon. Hinayaan nalang nila iyon dahil naisip nila na kung para sa kanila ay para sa kanila. Ngunit ilang taon na ang lumipas ay sumuko ‘din sila at hinayaan nalang ang tadhana. Kapwa naging busy sa kanilang mga gawain at sa tatlo nilang anak. Sa lumipas na mga taon ay lumaki na ang kambal, ang kambal ay naging dose anyos na habang si Theodore naman ay nasa edad apat na taon. Lumaki ang mga ito na matalino at gwapo at maganda. Hindi nga nagkamali ang magkakaibigan na magiging mahusay sa labanan ang kambal lalo na si Asher. Si Asher na hindi mo aakalain na mas matalino pa sa kaniyang mga magulang, tahimik lamang ito ngunit mapagmasid. Si Amari naman ay tuso, akala mo’y friendly ito at easy to be with ngunit ang tot
NAGKATINGINAN ang kambal ng makita nila ang isang brDukelet na sa pagkaka-alam nila ay ang time machine ayon na ‘din sa kwento ng kanilang mga magulang. Hindi nagdalawang isip ang mga ito na kunin iyon at isinuot naman nang nasa kaliwa. “T-twin, sigurado ka ba dito?” tumingin sa kaniya at tumango. “Ito lang ang paraan twin, kailangan nating bumalik sa nakaraan para pigilan sila,” napabuntong hininga ang kambal niya dahil doon at ngumiti ng pilit dito. “Para kay mommy,” banggit nito na ikinatango ng isa. “For mommy,” pagkasabi nila niyon ay pinindot na nila ang brDukelet na siyang ikinadala nila sa nakaraan. *** NAGISING sila Anastasia at Tanner ng bigla nalamang tumunog ang malakas na alarm sa kanilang bahay. Nagkatinginan sila dahil doon at dali-daling kinuha ang baril na nasa ilalim ng kanilang hinihigaan. Mabilis ang kanilang mga kilos na pumunta sa lugar kung saan nagmumula ang alarm. “Anong nangyayari dito?!” napatingin ang mga tauhan nila ng magtanong si Tanner. Nandoon na
“HINDI ako makapaniwala na ikakasal ka na anak,” iyak na sabi ng mommy ni Anastasia habang nakatingin sila ngayon sa isang full length mirror. Katatapos lang magbihis ni Anastasia at make-up-an ng kaniyang make up artist para sa kasal nila ni Tanner. Isang buwan lamang ang naging preperasyon nila ni Tanner sa kasal na iyon. Dahil na ‘rin sa naudlot ang kasal nila noon ay hindi siya nagdalawang isip na isuot muli ang ginawang gown sa kaniya ni Serene lalo na’t itinabi niya ito. Sabi pa nga ni Serene na gagawa nalang siya ng bago ngunit umayaw siya. Iba pa ‘rin ang unang gown na ginawa nito at mahalaga iyon sa kaniya kaya hindi niya ito basta-bastang ibaliwala. Samantalang si Kathy ang kaniyang bride’s maid, kung hindi siya ang naging bride’s maid nu’ng kasal nito ngayon ay ito naman ang kinuha niya. “Mommy, pinapaiyak mo naman ako e,” tingin sa taas na sabi ni Anastasia upang pigilan ang kaniyang mga luha. Nasa ganoong ayos sila ng dumating ang kaniyang daddy upang sunduin na sila.
“Hello?” antok na sagot ni Kathy dito. “K-kathy wala talaga! Kahit saan wala!” pabulong na kausap niya sa kaibigan. “Ano ka ba, nanjan lang ‘yon,” umiling siya sa sinabi ni Kathy. Napatingin siya sa kaniyang kamay at simula ng mawala ang kaniyang engagement ring ay parang palagi ng may kulang doon. “Wala nga e! Naiiyak na ako Kathy! Naiwala ko ang engagement ring namin!” napahilamos siya sa kaniyang muka dahil doon. “Kumalma pa nga,” sabi ni Kathy at bumaling sa tabi niya kung nagising ba niya si Brandon, mabuti at hindi. “Mahahanap mo ‘rin ‘yun okay? Diba nga sabi nila kapag hindi mo na hinahanap bigla nalang lilitaw? Sige na, magpahinga ka na at may flight pa tayo mamaya. Aber magpatulog ka naman,” irap na sabi ni Kathy na ikinabuntong hininga ni Anastasia at nagpaalam na dito. Aalis kasi sila at pupunta sa Cebu, doon kasi gaganapin ang unang kaarawan ni Theodore. Agad namang kumalat ang tungkol sa pagpunta nila doon kaya alam niya na marami ng nag-aabang sa kanila sa Pilipina
MABILIS na lumipas ang isang buong taon. Sa nakalipas na taon ay naging busy si Tanner at Anastasia na naging dahilan para hindi lalong matuloy ang kanilang kasal. Gustuhin man ng dalawa ngunit hindi nila magawa dahil na ‘rin sa dami nilang kailangang asikasuhin. Bumibisita sila bawat bansa upang i-check ang underworld doon. Kung minsan ay nagtatagal pa sila dahil sa paglilinis ng rumi na mayroon doon. Sa kabila naman ng kanilang pag-alis alis ay kasama nila ang kambal at si Theo. Hindi lang iyon, maging ang kanilang mga kaibigan bilang sila ang bagong council ay dapat lang na magkakasama sila na ibinabalita ng personal ang bagong batas. Sa paglipas na taon ay marami nang nangyari. Naunang ikasal si Serene at Lawrence, nito nga lang nakaraang buwan ay katatapos lang ‘din ikasal ni Jennie at Kevin. Pinagtatawanan nga nila si Tanner at Anastasia dahil sila pa ngayon ang nahuli na magpakasal. Iniilingan nalang ng dalawa ang birong iyon dahil alam nila pareho na may tamang panahon doon.
Natawa na namamangha si Anastasia ng makita ang baril niya. Kahit na malaki na ang pagbabago niyon dahil sa tagal ng panahon ay hinding-hindi niya ito makakalimutan. “Galing pa ‘yan sa great, great grandfather mo. Tinanggal nila isa-isa pero bunuo ‘din. Naalala ko sabi ni daddy jan nanggaling ang business natin. Sinabi ‘daw sa anak ng great, great grandfather natin na darating ang panahon na mayroong isa sa reign natin ang magpapasimula ng ganitong negosyo. Para bang alam niya ang mangyayari sa future… Ikaw ang may gawa niyan anak ano?” Napatingin si Anastasia sa daddy niya at tumango. “Grabe daddy hindi ako makapaniwala! Baril ko ‘yan e, ibinigay ko sa kaniya para gamitin kay Sandro. Hindi naman ako papayag na mamatay lang siya dahil sa mga espada na gamit nila, gusto ko kung anong ginamit niya satin doon ‘din siya mamamatay,” napatango ang daddy niya dahil doon. “Hindi ‘rin ako makapaniwala, it was like a memory that I forgot for a while. Tama nga si Bella, malaki ang dalang epek
“ANASTASIA!” Napakurap si Anastasia ng marinig niya ang pagtawag sa kaniya. Nakita niya si Tanner na nasa kaniyang harapan habang hawak ang kaniyang magkabilang balikat habang niyuyugyog siya. Kanina pa siya nito tinatawag ngunit tila wala sa sarili ang babae simula ng bumalik ito mula sa nakaraan. “Wife, are you okay?! May nangyari ba?!” agad na napailing si Anastasia at niyakap si Tanner. “W-wala na siya Tanner… Iniwan ko na siya sa panahon niya,” narinig ng mga kasama nila ang sinabi ni Anastasia na siyang ipinagdiwang ng mga ito. Napayakap ng mahigpit si Jennie kay Kevin na sinuklian naman nito. Sina Tyler, Brandon, Lawrence, Melany at Vladimir naman ay nagyakapan dahil doon. Tapos na nilang talunin ang mga tauhan ni Sandro at kaya sila nandoon upang hintayin ang pagbabalik ni Anastasia. Lumitaw na nga lang ito bigla at wala na ang kasama nitong lalaki na at ngayon ay binalita na wala na si Sandro. Sawakas ay wala ng manggugulo sa kanilang lahat, wala na si Elizaveta o mas na