Share

Chapter 78

NAGKAGULO ang gabi na dapat pahinga nila nang dahil sa pagkawala ni Tanner. Ang kaninang natutulog ng sina Kathy, Serene, Emily at ang magulang ni Kathy ay nabulabog dahil doon. Hindi ‘rin nakaligtas sa mga bata ang ingay lalo na’t bukas na bukas ang ilaw sa buong bahay.

Pagkababa ng kambal sa sala habang kusot-kusot pa ang kanilang mga mata ay nakita nila na nagkakagulo sila at pabalik-palik. Dahil na ‘rin sa pagkabusy ng mga ito ay hindi agad napansin ang kambal kung kaya nakababa pa sila ng hagdan.

“What is happening tita?” takang tanong ni Asher kay Kathy ng mapadaan ito sa harapan nila.

Gulat na nanlaki ang mata ni Kathy ng makita ang kambal. Dahil sa sobrang busy niya ay hindi niya agad napansin ang mga ito.

“T-twins!”

Naging dahilan iyon upang mapahinto ang iba nilang mga kasama sa sala sa kani-kanilang ginagawa. Ang mga gumagamit nang kanilang mga laptop ay napatingin sa gawi nila Kathy. Ang mga nag-uusap tungkol sa pag papaikot at pagpapalaganap ng kanilang mga tauhan sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status