“OMG! Ang cute naman ni Theo!” tiling sabi ni Jennie. “Tama ka, Jennie! Kamuka ulit ni Tanner, hahahha!” natawa sila sa pagsang-ayon ni Melnay at kinongratulate na nila ang dalawa. “Parang nainggit tuloy ako,” biglang sabi nI Kevin at tumingin kay Jennie na nanlaki ang mata. “Inggit mo muka mo! Mahirap manganak!” natawa sila dahil sa sinabi ni Jennie. “Kami nagpaplano na,” walang pagdadalawang isip na sabi ni Clark na ikinangiti lang ni Melany at tumango. “Hindi na tayo pabata, sige ka Mel lalo kang mahihirapang manganak,” pananakot pa niya sa kaibigan ngunit wala pa talaga sa plano ni Jennie nag magka-anak dahil gusto niya munang sulitin ang oras nilang dalawa ni Kevin. “Don’t worry guys, mapipilit ko ‘din si my love,” “Che!” Natawa sila dahil sa pagtatalo ng dalawa. Ngayon na nakalabas na si Theodore ay maghahanda naman si Anastasia sa physical training. Sa totoo lang matagal na niyang inaantay ang training na iyon. Ang pakikipaglaban talaga ang pinakang gusto niya lalo na’t g
“ANONG ginawa mo Kevin?! Sinabi mo ba ang tungkol sa Red Dragon?! Alam mo kung ano ang maaari nilang gawin sa organization natin!” bulalas na sabi ni Sandro kay Kevin ng makarating ito sa kanilang hideout. “I do not care, wala na akong kinatatakutan ngayon. Baka nga nasa kaniya pa si Anastasia kaya tama lang na mawala na ang Red Dragon na ‘yan,” Hindi makapaniwala si Sandro sa naririnig niya mula kay Kevin. Hindi naman ganoon ang lalaki dati, never pa nitong ginusto na sumabak sa gulo kaya nga ng padalhan niya ito ng babala ay agad na nagpadala sa takot si Kevin. Ngunit anong nangyayari? Parang hindi na niya kilala ang Kevin na nasa harapan niya. “Kevin—” “Are you going to question me Sandro?! Anastasia and Tanner have been missing for almost a year! Wala ng silbi ang buhay ko!” Hindi pinatapos ni Kevin ang sasabihin ni Sandro na ikinatigil naman nito sandali. Ngunit maya-maya ay sinamaan ng tingin ni Sandro si Kevin. “Sa ginawa mo ay mas lalong hindi mo sila mahahanap! Kapag na
Matapos ang ilang minuto ay nagpasya na siyang pindutin ang hawak na button. Sigurado siya na andoon si Kevin kung kaya mawawala na ito ng tuluyan sa landas niya. “Good bye, uto-utong Kevin,” ngisi niyang sabi at pinindot na iyon. Ngunit ang buong akala niya’ng sa hideout nila Kevin sasabog ay nagkamali siya! Bigla nalamang nagkaroon ng malakas na pagsabog mula sa labas at sakto na papalabas ang ilang tauhan ni Sandro na ikinamatay ng kalahati nito. Lahat ng sasakyan na nasa parking ay bigla nalang nawalang parang bula at naging abo. Dahil sa nangyari ay nagsitarantahan ang mga tao na nasa bar at dali-daling lumabas doon. Ngunit mas natakot sila ng makitang mayroong dumating na mga tao na mayroong dalang baril. Iyon ang tauhan nila Anastasia, sa nakalipas na tatlong buwan ay nagpahinga siya ng isang buwan dahil ka-aanak niya lamang. Matapos iyon ay nagsanay na siya at sa loob lang ng dalawang buwan ay nagawa na niyang talunin ang kaniyang ama at ina. Hindi makapaniwala ang mga ito
“PAANO niyo nagawa saamin ito?! Halos isang taon! Isang taon Anastasia at Tanner!” Sigaw na sabi ni Kathy habang kausap si Anastasia at Tanner ng mahuli sila nila Brandon kanina ng sa may hideout ni Sandro. Nakatanggap pa nga siya ng suntok mula kay Brandon at Lawrence kanina, mabuti nalang at pinigilan sila ni Anastasia. Well, wala naman siyang balak na gumanti at isa pa deserve nila iyon. “Alam niyo ba kung gaano kasakit saamin na mawala kayo?! Tapos ano, malalaman namin na kami lang pala ang walang alam?! Pinagmuka niyo kaming tanga!” hinagod ni Brandon ang likuran ng kaniyang asawa para pakalmahin ito. “Kathy, kasama iyon sa plano—” “Plano, plano, lintik na plano na ‘yan! Palibhasa hindi ikaw ang naiwan Anastasia! Alalang-alala kami sa’yo lalo na buntis ka!” hindi na muling nakasagot pa si Anastasia ng sabihin iyon ni Kathy. Kung kaya hinawakan ni Tanner ang kamay ni Anastasia at siya ang nagsalita. “Walang kasalanan si Anastasia dito Kathy kaya ‘wag kang magalit sa kaniya. A
“PAANO nangyari ito?! Ibig sabihin alam na nila na niloloko ko sila?!” sigaw ni Sandro matapos siyang magamot ng kaniyang tauhan. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at nagpabalik-balik sa paglalakad. “Ibig sabihin ang pag-iyak nila na ‘yun ay arte lang? Lalo na ang magulang niya?!” natigilan si Sandro ng maisip na hindi makita-kita ng mga ito ang dalawa kahit pa sila ang empress at emperor. Ngayon naiintindihan na niya! Ginawa nila ‘yun para maloko siya! “Ahhh!” galit na pinagbabaril ni Sandro ang isang dummy person na nakatayo sa may dulo ng silid na kinalalagyan niya. Hindi na bago iyon sa mga tauhan niya kaya hindi na sila natataranta na baka may kalaban. Ang lungga na iyon ay ang pinakang unang lungga niya simula ng siya ay maging si Sandro. Laking pasasalamat nalang niya at nagawa pa niyang makatakas kila Anastasia kanina. Madaming tauhan ang nalagas sa kaniya at naiinis siya. Paanong hindi sumabog ang bomba sa warrior organization! Katanungan sa isip ni Sandro ngunit maya-ma
“Ay masakit ba? Diba may tanong ka kanina kung kanino nalaman ni Kevin? Well, parating na siya,” saktong pagkasabi ni Jennie niyon ay bumukas ang pinto at sabay silang napalingon doon. “V-vladimir?! Buhay ka pa ‘rin?!” gulantang na sabi ni Sandro na ikinangiti naman ng lalaki. “Ako nga boss, este dati kong boss. Dahil ang boss ko ngayon ay sila,” pumasok ang sinasabi ni Vladimir at nanlaki ang mata niya ng makita si Anastasia at Tanner. “P-paanong—” “Paano namin nalaman?” putol na sabi ni Anastasia kay Sandro. “Simple lang, same old technique. Grabe ah! Susunod isip ka naman ng magandang taktika, wala kang originality eh. Tyaka ‘di ka na-inform na well trained na ‘din si Jennie tulad ko. Kaya good luck jan sa ano mo,” ngising sabi nito habang inaalala ang kanilang naging plano. Una palang talaga ay expected na iyon ni Tanner at Anastasia. Kaya una na nilang sinabihan ay ang pinakang malaki ang chance na gawan ng masama ni Sandro, si Kevin at Jennie. Dahil lagi sjlang magkakasama
“ANASTASIA!” Napakurap si Anastasia ng marinig niya ang pagtawag sa kaniya. Nakita niya si Tanner na nasa kaniyang harapan habang hawak ang kaniyang magkabilang balikat habang niyuyugyog siya. Kanina pa siya nito tinatawag ngunit tila wala sa sarili ang babae simula ng bumalik ito mula sa nakaraan. “Wife, are you okay?! May nangyari ba?!” agad na napailing si Anastasia at niyakap si Tanner. “W-wala na siya Tanner… Iniwan ko na siya sa panahon niya,” narinig ng mga kasama nila ang sinabi ni Anastasia na siyang ipinagdiwang ng mga ito. Napayakap ng mahigpit si Jennie kay Kevin na sinuklian naman nito. Sina Tyler, Brandon, Lawrence, Melany at Vladimir naman ay nagyakapan dahil doon. Tapos na nilang talunin ang mga tauhan ni Sandro at kaya sila nandoon upang hintayin ang pagbabalik ni Anastasia. Lumitaw na nga lang ito bigla at wala na ang kasama nitong lalaki na at ngayon ay binalita na wala na si Sandro. Sawakas ay wala ng manggugulo sa kanilang lahat, wala na si Elizaveta o mas na
Natawa na namamangha si Anastasia ng makita ang baril niya. Kahit na malaki na ang pagbabago niyon dahil sa tagal ng panahon ay hinding-hindi niya ito makakalimutan. “Galing pa ‘yan sa great, great grandfather mo. Tinanggal nila isa-isa pero bunuo ‘din. Naalala ko sabi ni daddy jan nanggaling ang business natin. Sinabi ‘daw sa anak ng great, great grandfather natin na darating ang panahon na mayroong isa sa reign natin ang magpapasimula ng ganitong negosyo. Para bang alam niya ang mangyayari sa future… Ikaw ang may gawa niyan anak ano?” Napatingin si Anastasia sa daddy niya at tumango. “Grabe daddy hindi ako makapaniwala! Baril ko ‘yan e, ibinigay ko sa kaniya para gamitin kay Sandro. Hindi naman ako papayag na mamatay lang siya dahil sa mga espada na gamit nila, gusto ko kung anong ginamit niya satin doon ‘din siya mamamatay,” napatango ang daddy niya dahil doon. “Hindi ‘rin ako makapaniwala, it was like a memory that I forgot for a while. Tama nga si Bella, malaki ang dalang epek