“Namatay siya dahil sa kagagawa ng isang organization sa underworld. Wala talaga akong balak na pumasok sa ganitong mundo pero hindi ko naman hahayaan na hindi magbayad ang may gawa nito sa kambal ko. Isama mo pa ang katotohanan na sila ‘din ang pumatay kay Bella, mas lalong hindi ko maiiwan ang underworld Anastasia.” ***“TOTOO nga ang sinabi mo Daisy, kabilang si Tanner sa isang sindikato.” Napangisi ng palihim si Daisy dahil sa kaniyang narinig ngunit itinago niya ito at nagpakita ng pagkatakot sa kaniyang expression. “S-Sabi ko sa’yo Anastasia! Kailangan mong lumayo sa kaniya! Kailangan mong ilayo sa kaniya ang kambal Anastasia!” Isang araw na ang nakakalipas mula ng malaman ni Anastasia ang totoo at si Daisy agad ang una niyang tinawagan. Hindi niya ipinagsabi sa iba ang kaniyang mga nalaman tulad na ‘rin ng sabi sa kaniya ni Tanner. “Tama ka Daisy, kailangan kong ilayo ang kambal bago pa sila tuluyang mapahamak!” parang nagdidiwang na ang kalooban ni Daisy dahil sa nari
ANASTASIA “NAHULI niyo na si Daisy?!” Napangiwi ako dahil sa lakas ng sigaw ni Kathy, kahit kailan talaga itong babaeng ‘to. Nandito na kami ngayon sa hotel at nag desisyon na kaming sabihin sa kanilang lahat ang totoo. Inilihim kasi namin ang tungkol sa paghuli kay Daisy at ang pagtatangka nito sa buhay ko. Hindi ko talaga akalain na isang malaking tanga ‘din pala si Daisy. Akala niya talaga maniniwala ako sa kaniya samantalang noong una ay pinapadalhan ako ng mg death threat tapos sinisiraan pa si Tanner. “She is currently on the basement. Doon mismo sa basement na pinagkulungan kay Anastasia noong buntis siya sa anak namin.” Tumango ako sa sinabi ni Tanner bilang pag sangayon. “OMG! Totoo ba?! Dapat lang sa kaniya ‘yun! Ikulong niyo din siya ng limang buwan!” natawa ako sa naging reaction ni Kathy. Hindi ko siya masisisi, pinahirapan ako nito noong mga panahon na pinagbubuntis ko ang kambal. “Teka sandali, paano niyo nahuli si Daisy?” kunot noong tanong ni tita Sanity na ikina
“A-Ano bang klaseng tanong ‘yan anak?” nagkibit balikat siya sa sinabi ko. “I want us to be complete mommy. Naalala ko kapag pumapasok kami sa school wala kaming napapakilalang daddy. Are we staying here for good mommy? Can we please? Gusto ko magkakasama na tayo ni daddy.” “Tama si kuya mommy!” sabay kaming napalingon kay Amari ng tumakbo ito papunta saamin at kumandong sa kabila kong hita. “Gusto ko na ‘din pong makumpleto tayo mommy! Sagutin mo na po si daddy para masaya! Tapos make a new baby na!” nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Amari. “Anong baby ka jan?! Kayong dalawa talaga kayo niloloko niyo si mommy!” agad na dipensa ko sa sarili kahit na alam kong namumula na ang muka ko dahil sa pinagsasabi ng mga ito. “Mommy, hindi ka po namin niloloko. Gusto na po namin ng kapatid ni kuya, gusto ko baby girl para may kalaro na ako! Lagi kasing magkasundo si Billie at kuya, ang daya!” simangot na sabi ni Amari kaya napatawa ako ng mahina. “No! Baby boy dapat para ikaw lang ang princess
“KAILAN mo balak sabihin kay Tanner ang totoo Anastasia? Alam mo bang excited na akong magka-apo ulit!” “Tita Tanaya naman, hinaan niyo lang po boses niyo. Tayo palang po nakaka-alam tyaka surprise natin ‘to sa kanila.” Mahinang bulong ni Serene sa ina ni Tanner na ikinatawa nito ng mahina pagkatapos ay umakto na nilagyan ng zipper ang bibig. Napailing nalang si Anastasia dahil sa kakulitan ng mga ito. Andoon sila sa kusina ngayon dahil naiwan ang iba sa sala habang nanonood ng TV. Si Tanner naman ay umalis kasama sina Clark, Lawrence, Brandon at Kevin upang i-check ang nangyaring aksidente kay Daisy. ***“ANO nanaman ba ang kinain mo at nagsusuka ka?” Sinesermunan nanaman ni Tanner si Anastasia sa loob ng CR nito. Gustong kotongan ng babae si Tanner dahil nagawa pa nitong sermonan siya gayong nahihirapan na nga siyang sumuka. “Gusto mo bang mawala ‘yang sickness mo hija? Secret lang natin ‘to. Ginawa ko ‘to noon sa asawa ko at effective siya…” Agad na napatayo si Anastasia
“AYOS na ayos lang Ms. Anastasia! Gusto ko pa nga po ng isang sampal! Fan na fan niyo po ako! Ang gaganda ng mga damit niyo!” Napangiwi si Anastasia sa sinabi ni Rain matapos niyang magsorry dito. Si Tanner naman ay nakasimangot pa ‘rin dahil sa ginawa ni Clark na nakatanggap ng black eye dahil sa ginawa nito. “Mauuna na po ako, enjoy po!” Maya-maya pa ay nagpaalam na si Rain upang mag lunch. “Huy! Sorry na nga e!” hinging tawad ulit ni Anastasia ngunit hindi siya pinansin ni Tanner kung kaya napa-cross arms siya. Kanina pa kasi siya humihingi ng tawad dito pero agad nitong tanggapin. “Bahala ka nga jan!” Tuluyan ng natawa si Tanner at inalis na ang inis sa kaniyang muka. Sinusubukan niya lang kasi ang babae kung ano ang gagawin nito ngunit ngayon alam na niya. Tumayo siya at naupo sa tabi nito sa sofa at niyakap ito mula sa likod. “Wife naman, ako ‘yung nagtatampo tapos ikaw naman sumabay pa,” napairap si Anastasia dahil doon. “Napahiya na nga ako at nagsorry sa’yo ayaw m
ANASTASIA “SUSUNOD ako mamaya wife, promise. I just want to celebrate more, sobrang saya ko talaga ngayong gabi.” Napangiti ako dahil sa sinabi ni Tanner at hinalikan ako sandali sa labi. “Basta sumunod ka ah?” sunod-sunod siyang tumango saakin at naglakad na papunta sa may dalampasigan kung saan nandoon ang iba at nagkakasiyahan. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin kay Tanner na nakikipag-usap kila Brandon. “Sobrang saya niya talaga…” napailing ako dahil hindi ko maiwasang kiligin. Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko. Hindi pa ‘rin ako makapaniwala na engaged na kami. Niloloko ko lang naman siya na bakit girlfriend lang inaalok niya saakin hindi ko naman akalain na totohanin niya. Wala na sa labas ang mga bata dahil tulog na sa loob. Sa sala natutulog si Kathy at si Billie na kasabay natulog ng kambal na nasa kwarto. Ang iba naman ay bahala na ‘daw sila kung paano matutulog. Ang alam ko mag ca-camping sila Lawrence dahil may dala ang mga ito na tent. Tumalikod
“Nope. Gusto lang i-check ang family ko.” hinawakan niya ang tyan ko at tumingin sa kambal kaya lumaki lalo ang aking ngiti. “I need to go back, aasarin nanaman ako nila Brandon kapag nagtagal ako.” Napataas ang kilay ko dahil doon ngunit ng mabasa ko ang ngiting nakakaloko niya ay agad ko siyang napalo sa braso. “Hindi ka talaga pumunta dito para i-check ako no! Anong inutos sa’yo?!” natawa siya sa sinabi ko pero hindi pa ‘rin inaalis ang mata saakin. “Sabi nila ihabol ko ‘daw para maging kambal.” Nanlaki ang mata ko at napaatras kasabay ng pagakyat ng dugo sa aking muka. “Tanner!” “Hahaha ito naman wife! ‘Di naman kita pipilitin hahaha sige na mahiga ka na and take a rest, okay? Maybe someday you will agree to me,” “Tanner Grimes!” Natatawang hinalikan niya ako sa labi saglit at tumakbo na palabas. Napahawak ako sa magkabila kong pisnge dahil sa kahihiyan! *** MAAGA kaming bumalik sa kabilang isla dahil na ‘rin hindi na sumapat ang pagkain na naka-stock sa ref sa sobrang dami
“AYOS ka lang ba wife? Bakit gising ka pa?” Napalingon ako kay Tanner ng magsalita ito sa aking tabi. Gabi na ngayon at tulog na ang lahat ng tao maging ang mga anak namin. Tahimik na ‘rin ang paligid kaya nasisiguro ko na tulog na sila samantalang ako ay hindi makatulog. Nagtatalo ang isip ko kung gagawin ko ba o hindi ko gagawin. “A-Ayos lang ako, nagpapaantok lang.” tumango naman siya sa sinabi ko at niyakap ako ng mahigpit. “Okay then, yayakapin nalang kita para makatulog ka.” Napangiti ako sa sinabi niya at ginantihan nalang ‘din siya ng yakap at sinubukang makatulog. NAGISING ako saktong alastres ng umaga pagkakita ko sa orasan. Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan. Mabuti nalang at hindi na nakayakap saakin si Tanner at doon na siya nakayakap sa dalawang bata. Maingat akong bumaba mula sa higaan at lumabas. Kailangan ko munang makuha ang susi bago ako tuluyang makapasok sa loob. Bago ako tuluyang makatulog ay nag-decide ako na papasok ako sa loob at hahanapin ang
MATAPOS malaman ni Duke at Luke ang sinabi ng kanilang ate Amari ay ginusto ‘din nila na magkaroon ng bagong time machine para mayakap ang kanilang magulang mula sa nakaraan nila. Kaya pumayag naman si Asher at binigyan ang dalawa. Bumalik muna sila sa time nila at ibinalik ang unang bracelet at sabay na bumalik kung saan agad nilang niyakap si Anastasia. Inamin ng dalawa na natigilan sila ng makitang malakas ang kanilang ina at nakakatayo pa. Kaya napaiyak si Luke ng makita ang ina dahil doon. Nakangiti namang pinanood ng mga ito ang kambal hanggang sa pati si Tanner ay niyakap na nila. Nang matapos ay nagsiupo sila ng maayos sa sofa na naroroon. Ipinaliwanag ni Asher ang naging dahilan kung bakit nagkaganoon ang kanilang ina. Nalaman niya na isa sa mga council ang may kagagawan, noong nalaman nila na buntis si Anastasia ay doon nagsimula ang pagpapadala ng mga ito ng regalo at isa na doon ang regular na regaling natatanggap ni Anastasia, isang kandila na nakakapagpakalma ng siste
“BAKIT Tanner?” takang tanong ni Anastasia mula sa future ng bigla nalang mapahinto si Tanner. “Bigla lang akong nakaramdaman ng kakaiba. Parang mayroong memory na pumasok sa isip ko tapos biglang nawala,” kunot noon a tanong nito at inihiga si Anastasia sa kanilang higaan. “Ikaw ‘din? Akala ko ako lang. Ano kaya ‘yun?” takang tanong ni Anastasia. Npaangiti lang si Tanner at umiling sa asawa pagkatapos hinalikan ito sa labi. “Wala siguro ‘yun, matulog na tayo wife,” tumabi siya sa asawa at niyakap ito. “Ang mga bata? Si Duke at Luke hindi ko na nakikita,” bilang tanong ni Anastasia. “Ako nga ‘din, dati naman bumibisita sila lagi dito. Pero ngayon hindi na, siguro nagsasanay na ‘din sila?” “Alam mong hindi pwede si Luke, Tanner,” samang tingin ni Anastasia sa asawa. “Kapag may nangyari sa mga anak mo ikaw talaga sisisihin ko,” “Oo na po, i-che-check ko sila bukas,” napabuntong hininga si Anastasia sa sinabi ng kaniyang asawa. “’Wag kasi puro saakin ang focus mo, ang underworld
MATAPOS ang limang taon na pagpapakasal ni Tanner at Anastasia ay dumating muli ang hindi nila inaasahan na bisita. Hindi akalain ni Anastasia na magbubuntis pa siya dahil ilang taon na nilang sinusubukan ni Tanner na mag-anak pa ngunit hindi ito binibigay sa kanila ng panginoon. Hinayaan nalang nila iyon dahil naisip nila na kung para sa kanila ay para sa kanila. Ngunit ilang taon na ang lumipas ay sumuko ‘din sila at hinayaan nalang ang tadhana. Kapwa naging busy sa kanilang mga gawain at sa tatlo nilang anak. Sa lumipas na mga taon ay lumaki na ang kambal, ang kambal ay naging dose anyos na habang si Theodore naman ay nasa edad apat na taon. Lumaki ang mga ito na matalino at gwapo at maganda. Hindi nga nagkamali ang magkakaibigan na magiging mahusay sa labanan ang kambal lalo na si Asher. Si Asher na hindi mo aakalain na mas matalino pa sa kaniyang mga magulang, tahimik lamang ito ngunit mapagmasid. Si Amari naman ay tuso, akala mo’y friendly ito at easy to be with ngunit ang tot
NAGKATINGINAN ang kambal ng makita nila ang isang brDukelet na sa pagkaka-alam nila ay ang time machine ayon na ‘din sa kwento ng kanilang mga magulang. Hindi nagdalawang isip ang mga ito na kunin iyon at isinuot naman nang nasa kaliwa. “T-twin, sigurado ka ba dito?” tumingin sa kaniya at tumango. “Ito lang ang paraan twin, kailangan nating bumalik sa nakaraan para pigilan sila,” napabuntong hininga ang kambal niya dahil doon at ngumiti ng pilit dito. “Para kay mommy,” banggit nito na ikinatango ng isa. “For mommy,” pagkasabi nila niyon ay pinindot na nila ang brDukelet na siyang ikinadala nila sa nakaraan. *** NAGISING sila Anastasia at Tanner ng bigla nalamang tumunog ang malakas na alarm sa kanilang bahay. Nagkatinginan sila dahil doon at dali-daling kinuha ang baril na nasa ilalim ng kanilang hinihigaan. Mabilis ang kanilang mga kilos na pumunta sa lugar kung saan nagmumula ang alarm. “Anong nangyayari dito?!” napatingin ang mga tauhan nila ng magtanong si Tanner. Nandoon na
“HINDI ako makapaniwala na ikakasal ka na anak,” iyak na sabi ng mommy ni Anastasia habang nakatingin sila ngayon sa isang full length mirror. Katatapos lang magbihis ni Anastasia at make-up-an ng kaniyang make up artist para sa kasal nila ni Tanner. Isang buwan lamang ang naging preperasyon nila ni Tanner sa kasal na iyon. Dahil na ‘rin sa naudlot ang kasal nila noon ay hindi siya nagdalawang isip na isuot muli ang ginawang gown sa kaniya ni Serene lalo na’t itinabi niya ito. Sabi pa nga ni Serene na gagawa nalang siya ng bago ngunit umayaw siya. Iba pa ‘rin ang unang gown na ginawa nito at mahalaga iyon sa kaniya kaya hindi niya ito basta-bastang ibaliwala. Samantalang si Kathy ang kaniyang bride’s maid, kung hindi siya ang naging bride’s maid nu’ng kasal nito ngayon ay ito naman ang kinuha niya. “Mommy, pinapaiyak mo naman ako e,” tingin sa taas na sabi ni Anastasia upang pigilan ang kaniyang mga luha. Nasa ganoong ayos sila ng dumating ang kaniyang daddy upang sunduin na sila.
“Hello?” antok na sagot ni Kathy dito. “K-kathy wala talaga! Kahit saan wala!” pabulong na kausap niya sa kaibigan. “Ano ka ba, nanjan lang ‘yon,” umiling siya sa sinabi ni Kathy. Napatingin siya sa kaniyang kamay at simula ng mawala ang kaniyang engagement ring ay parang palagi ng may kulang doon. “Wala nga e! Naiiyak na ako Kathy! Naiwala ko ang engagement ring namin!” napahilamos siya sa kaniyang muka dahil doon. “Kumalma pa nga,” sabi ni Kathy at bumaling sa tabi niya kung nagising ba niya si Brandon, mabuti at hindi. “Mahahanap mo ‘rin ‘yun okay? Diba nga sabi nila kapag hindi mo na hinahanap bigla nalang lilitaw? Sige na, magpahinga ka na at may flight pa tayo mamaya. Aber magpatulog ka naman,” irap na sabi ni Kathy na ikinabuntong hininga ni Anastasia at nagpaalam na dito. Aalis kasi sila at pupunta sa Cebu, doon kasi gaganapin ang unang kaarawan ni Theodore. Agad namang kumalat ang tungkol sa pagpunta nila doon kaya alam niya na marami ng nag-aabang sa kanila sa Pilipina
MABILIS na lumipas ang isang buong taon. Sa nakalipas na taon ay naging busy si Tanner at Anastasia na naging dahilan para hindi lalong matuloy ang kanilang kasal. Gustuhin man ng dalawa ngunit hindi nila magawa dahil na ‘rin sa dami nilang kailangang asikasuhin. Bumibisita sila bawat bansa upang i-check ang underworld doon. Kung minsan ay nagtatagal pa sila dahil sa paglilinis ng rumi na mayroon doon. Sa kabila naman ng kanilang pag-alis alis ay kasama nila ang kambal at si Theo. Hindi lang iyon, maging ang kanilang mga kaibigan bilang sila ang bagong council ay dapat lang na magkakasama sila na ibinabalita ng personal ang bagong batas. Sa paglipas na taon ay marami nang nangyari. Naunang ikasal si Serene at Lawrence, nito nga lang nakaraang buwan ay katatapos lang ‘din ikasal ni Jennie at Kevin. Pinagtatawanan nga nila si Tanner at Anastasia dahil sila pa ngayon ang nahuli na magpakasal. Iniilingan nalang ng dalawa ang birong iyon dahil alam nila pareho na may tamang panahon doon.
Natawa na namamangha si Anastasia ng makita ang baril niya. Kahit na malaki na ang pagbabago niyon dahil sa tagal ng panahon ay hinding-hindi niya ito makakalimutan. “Galing pa ‘yan sa great, great grandfather mo. Tinanggal nila isa-isa pero bunuo ‘din. Naalala ko sabi ni daddy jan nanggaling ang business natin. Sinabi ‘daw sa anak ng great, great grandfather natin na darating ang panahon na mayroong isa sa reign natin ang magpapasimula ng ganitong negosyo. Para bang alam niya ang mangyayari sa future… Ikaw ang may gawa niyan anak ano?” Napatingin si Anastasia sa daddy niya at tumango. “Grabe daddy hindi ako makapaniwala! Baril ko ‘yan e, ibinigay ko sa kaniya para gamitin kay Sandro. Hindi naman ako papayag na mamatay lang siya dahil sa mga espada na gamit nila, gusto ko kung anong ginamit niya satin doon ‘din siya mamamatay,” napatango ang daddy niya dahil doon. “Hindi ‘rin ako makapaniwala, it was like a memory that I forgot for a while. Tama nga si Bella, malaki ang dalang epek
“ANASTASIA!” Napakurap si Anastasia ng marinig niya ang pagtawag sa kaniya. Nakita niya si Tanner na nasa kaniyang harapan habang hawak ang kaniyang magkabilang balikat habang niyuyugyog siya. Kanina pa siya nito tinatawag ngunit tila wala sa sarili ang babae simula ng bumalik ito mula sa nakaraan. “Wife, are you okay?! May nangyari ba?!” agad na napailing si Anastasia at niyakap si Tanner. “W-wala na siya Tanner… Iniwan ko na siya sa panahon niya,” narinig ng mga kasama nila ang sinabi ni Anastasia na siyang ipinagdiwang ng mga ito. Napayakap ng mahigpit si Jennie kay Kevin na sinuklian naman nito. Sina Tyler, Brandon, Lawrence, Melany at Vladimir naman ay nagyakapan dahil doon. Tapos na nilang talunin ang mga tauhan ni Sandro at kaya sila nandoon upang hintayin ang pagbabalik ni Anastasia. Lumitaw na nga lang ito bigla at wala na ang kasama nitong lalaki na at ngayon ay binalita na wala na si Sandro. Sawakas ay wala ng manggugulo sa kanilang lahat, wala na si Elizaveta o mas na