“AYOS na ayos lang Ms. Anastasia! Gusto ko pa nga po ng isang sampal! Fan na fan niyo po ako! Ang gaganda ng mga damit niyo!” Napangiwi si Anastasia sa sinabi ni Rain matapos niyang magsorry dito. Si Tanner naman ay nakasimangot pa ‘rin dahil sa ginawa ni Clark na nakatanggap ng black eye dahil sa ginawa nito. “Mauuna na po ako, enjoy po!” Maya-maya pa ay nagpaalam na si Rain upang mag lunch. “Huy! Sorry na nga e!” hinging tawad ulit ni Anastasia ngunit hindi siya pinansin ni Tanner kung kaya napa-cross arms siya. Kanina pa kasi siya humihingi ng tawad dito pero agad nitong tanggapin. “Bahala ka nga jan!” Tuluyan ng natawa si Tanner at inalis na ang inis sa kaniyang muka. Sinusubukan niya lang kasi ang babae kung ano ang gagawin nito ngunit ngayon alam na niya. Tumayo siya at naupo sa tabi nito sa sofa at niyakap ito mula sa likod. “Wife naman, ako ‘yung nagtatampo tapos ikaw naman sumabay pa,” napairap si Anastasia dahil doon. “Napahiya na nga ako at nagsorry sa’yo ayaw m
ANASTASIA “SUSUNOD ako mamaya wife, promise. I just want to celebrate more, sobrang saya ko talaga ngayong gabi.” Napangiti ako dahil sa sinabi ni Tanner at hinalikan ako sandali sa labi. “Basta sumunod ka ah?” sunod-sunod siyang tumango saakin at naglakad na papunta sa may dalampasigan kung saan nandoon ang iba at nagkakasiyahan. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin kay Tanner na nakikipag-usap kila Brandon. “Sobrang saya niya talaga…” napailing ako dahil hindi ko maiwasang kiligin. Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko. Hindi pa ‘rin ako makapaniwala na engaged na kami. Niloloko ko lang naman siya na bakit girlfriend lang inaalok niya saakin hindi ko naman akalain na totohanin niya. Wala na sa labas ang mga bata dahil tulog na sa loob. Sa sala natutulog si Kathy at si Billie na kasabay natulog ng kambal na nasa kwarto. Ang iba naman ay bahala na ‘daw sila kung paano matutulog. Ang alam ko mag ca-camping sila Lawrence dahil may dala ang mga ito na tent. Tumalikod
“Nope. Gusto lang i-check ang family ko.” hinawakan niya ang tyan ko at tumingin sa kambal kaya lumaki lalo ang aking ngiti. “I need to go back, aasarin nanaman ako nila Brandon kapag nagtagal ako.” Napataas ang kilay ko dahil doon ngunit ng mabasa ko ang ngiting nakakaloko niya ay agad ko siyang napalo sa braso. “Hindi ka talaga pumunta dito para i-check ako no! Anong inutos sa’yo?!” natawa siya sa sinabi ko pero hindi pa ‘rin inaalis ang mata saakin. “Sabi nila ihabol ko ‘daw para maging kambal.” Nanlaki ang mata ko at napaatras kasabay ng pagakyat ng dugo sa aking muka. “Tanner!” “Hahaha ito naman wife! ‘Di naman kita pipilitin hahaha sige na mahiga ka na and take a rest, okay? Maybe someday you will agree to me,” “Tanner Grimes!” Natatawang hinalikan niya ako sa labi saglit at tumakbo na palabas. Napahawak ako sa magkabila kong pisnge dahil sa kahihiyan! *** MAAGA kaming bumalik sa kabilang isla dahil na ‘rin hindi na sumapat ang pagkain na naka-stock sa ref sa sobrang dami
“AYOS ka lang ba wife? Bakit gising ka pa?” Napalingon ako kay Tanner ng magsalita ito sa aking tabi. Gabi na ngayon at tulog na ang lahat ng tao maging ang mga anak namin. Tahimik na ‘rin ang paligid kaya nasisiguro ko na tulog na sila samantalang ako ay hindi makatulog. Nagtatalo ang isip ko kung gagawin ko ba o hindi ko gagawin. “A-Ayos lang ako, nagpapaantok lang.” tumango naman siya sa sinabi ko at niyakap ako ng mahigpit. “Okay then, yayakapin nalang kita para makatulog ka.” Napangiti ako sa sinabi niya at ginantihan nalang ‘din siya ng yakap at sinubukang makatulog. NAGISING ako saktong alastres ng umaga pagkakita ko sa orasan. Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan. Mabuti nalang at hindi na nakayakap saakin si Tanner at doon na siya nakayakap sa dalawang bata. Maingat akong bumaba mula sa higaan at lumabas. Kailangan ko munang makuha ang susi bago ako tuluyang makapasok sa loob. Bago ako tuluyang makatulog ay nag-decide ako na papasok ako sa loob at hahanapin ang
“YES, do whatever you can to find information about her—yes. Thank you.” Pagkababa ko ng tawag ay napabuntong hininga ako. Ngayon ang balik namin papuntang manila. Hindi na ‘rin kasi kami pwedeng magtagal dahil mamaya na ang libing ni Daisy. After namin siya ipaburol syempre kailangan ‘din namin siya bigyan ng maayos ng libing. Bukod sa itatabi ko siya sa magulang namin ay gusto kong iparating sa kaniya ang huling sinabi ni daddy. ‘Yung kausap ko nga pala ay isang private investigator. Mabuti nalang talaga at may apilyido ang mga nasa contact list ni Bella kaya madali kong maipapahanap si Melany. Gusto kong malaman lahat, gusto ko ‘din malaman kung paano nawala si Bella. Kung paano siya nakabalik dito at nakausap ako. Kung tutuusin ay napaka-imposible at tanging si Melany lang ang makakasagot ng mga tanong ko. “Wife, are you ready?” napalingon ako kay Tanner at ngumiti. Sa ngayon ay kailangan na muna naming magbyahe. NAKATINGIN na ako ngayon sa nitso ni Daisy. Nakikita niya kay
“KASISIMULA palang namin sa pagsasanay nakitaan na agad si Bella ng kakaibang talento. Maganda, mabait, matalino at matapang. Kahit na ayaw ni Tanner ay wala siyang magawa dahil matigas ang ulo nu’n. Hanggang isang araw nalaman nalang namin na magaling palang mag-imbento si Bella. Mahilig siya mangalikot at siya ang naging utak ng Empire Organization. At dahil nga doon ay maraming nagtangka sa buhay niya. Tanner is doing his best to save her, pero hindi mo mapipigilan si Bella. Nalaman nalang namin na mayroon palang habol sa kaniya ang isang org, ang time machine. No one knows na gumagawa pala siya nu’n, nang malaman namin ay huli na. Binawian na siya ng buhay.” “Nang dahil lang doon kaya siya pinatay ng kalaban niyo? Hindi ba nakakapagtaka? Kung gusto nila ang time machine bakit nila pinatay si Bella, dapat kukunin nila ito.” “’Yan ‘din ang pinagtataka ko Anastasia. Pero mahigpit ang bilin saakin ni Bella na kalimutan ko na ang lahat at lumagay sa tahimik. Hindi kita matutulungan A
Pagkatapos ng aming yakapan ay pinunasan niya ang luha ko at isinuot na niya saamin ang bracelet na bigay niya. Nang matapos ang fire-works ay napatingin kami sa paligid at doon ay nakatingin na saamin ang mga tao. Natawa kami, ina-nanounce nga pala ni Tanner na nandito ako. “Sa susunod kung sasabihin mo ‘din sa lahat na nandito tayo sabihan mo kami huh?” natawa siya sa sinabi ko at tumayo na. Nakapalibot na saamin ang mga guards upang pigilan ang mga gustong lumapit saamin. “I guess this is the time for us to go home,” natatawang sabi ni Tanner. “Ano pa nga ba daddy, kung hindi pagkakaguluhan tayo. Ang hirap talaga ng magandang lahi.” Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng anak kong si Asher. “Asher anak, iwas-iwasan mo ang pagsama ng madalas kay tito Lawrence mo ah.” Natawa sila sa sinabi ko kung kaya maging ako ay natawa nalang ‘din. ***“NERVOUS?” Napangiti ako ng pilit kay Tanner habang andito kami ngayon sa back stage at inaabangan na tawagin ng MC. Kinakabahan ako dahil
“ANASTASIA hija! Hindi ko alam na babalik kayo dito. Teka nasaan ang alaga ko?” Napangiti ng alanganin si Anastasia ng marinig niya ang salubong sa kaniya ni inang Ica ng pagbuksan siya nito ng pinto. Sa rest house agad ang deretsyo niya ng makarating sa Cebu. Hindi siya dapat mag-aksaya ng oras dahil baka magising si Brandon at isiwalat nito ang lahat kay Tanner. “Ako lang po mag-isa inang, may kukunin lang po akong importante na naiwan namin. Kung maaari po ay pakihandaan nalang po muna ako ng afritada, caldereta at menudo. Medyo nagutom po ako at na-miss ko ang luto mo.” Ngumiti pa siya ng malaki upang mas maging kapanipaniwala ang sinasabi niya sa matanda. “Ganon ba? Okay sige, ipaghahanda kita. Doon ka na muna sa kwarto niyo.” Napangiti ng malaki si Anastasia dahil kumagat sa pa-in niya ang matanda. Iniwan na siya nito sa may sala kung kaya dumeretsyo na siya agad sa kwarto upang iwan doon sandali ang kaniyang dalang bag at dumaan sa veranda. Iyon lang kasi ang maaari niyang d