Share

One Rule: Don't Fall
One Rule: Don't Fall
Author: nexirie

Chapter 1

Author: nexirie
last update Last Updated: 2022-01-22 16:21:43

Chapter 1: Offer

"Anak ka ng tokwa oh! Kung minamalas ka nga naman. Bakit ngayon pa ako nawalan ng trabaho? Maliit na ngalang ang sweldo tapos tinanggal pa ako!" Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga pagkatapos kong sabihin iyon.

"Edi maghanap ka ng bagaong trabaho," sagot sa'kin ng kaibigan ko habang nakatutok ang mga mata niya sa hawak niyang cellphone.

"Mabuti sana kung ganoon lang kadali maghanap ng trabaho ngayon Bri," seryosong sagot ko. "Alam mo na sobrang hirap maghanap ng trabaho ngayon. Ikaw nga walang trabaho, e."

"Ouch ha! Hindi ko naman kasi kailangan magtrabaho 'no. Kasama ko ang parents ko, may boyfriend akong may pera at kahit papaano kami rin ay may pera." Sa sinabi ng kaibigan ko ay parang nanghina ako.

Siguro kung meron man na pinaka malas na tao sa mundo masasabi ko na ako na iyon. Iniwan na nga ako ng mga magulang ko sa Lola at Lolo ko kasama ang Auntie ko na sobrang mapintas, ako na nga ang bumubuhay sakanila tapos ngayon mawawalan pa ako ng trabaho. Paano na ako nito? Ano nalang ang gagawin ko? Sigurado ako na kapag nalaman ito ni Auntie ay hindi lang masasakit na salita ang matatanggap ko.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang luhang gustong kumawala galing sa mga mata ko. Gusto ko rin ng buhay na katulad ng kaibigan ko. Iyong may mga magulang ka na nasa tabi mo sa tuwing kailangan mo sila. Yung buhay na parang walang problema, gusto ko rin maranasan iyon kahit minsan lang. Gusto ko rin makaranas ng ganoong buhay kahit sa isang araw lang pero alam ko naman na malabo iyon, sobrang malabo na mangyare iyon.

"Paano ka na ngayon n'yan? Ikaw lang inaasahan ng Auntie mo kasi tamad silang magtrabaho ng asawa niya, may mga anak pa sila, 'yong Lola at Lolo mo pa!" Naramdaman ko ang mabigat niyang kamay sa balikat ko pagkatapos niyang sabihin iyon. "Alam mo Solene hindi mo naman kailangan gawin 'yan, e. Hindi mo kailangan magtrabaho para sakanila. Sarili mo nalang dapat ang iniisip mo kasi wala ka namang mga magulang,"

"Sila ang kumupkup sa'kin—"

"Ayon na nga! Andoon na nga tayo. Sila ang kumupkup sa'yo pero grabe naman sila kasi simula noong bata ka pa e ikaw na ang gumagawa ng paraan para makakain sila. Ikaw na nga ang nagpapaaral sa sarili mo tapos ikaw pa ang nagpapakain sakanila! Hindi mo na sila probema oy!" Halata sa boses niya ang inis habang sinasabi niya iyon.

Nagpakawala lang ako ng isang malalim na buntong hininga ulit.

"Patay ako nito, Bri. Anong gagawin ko ngayon?" Tumigil ako sa paglalakad noong tumigil siya. Dahan-dahan kong itinagilid ang ulo ko at tinignan siya. 

Ngumiti ito. "H'wag ka na umuwi sainyo."

"Siraulo 'to!" Malakas ko siyang hinampas at napairap dahil sa walang kwentang sagot niya. 

Nakakita ako ng isang bakanteng bench sa gilid, sa harapan ng store kung saan kami nakatayo ngayon kaya naglakad ako patungo roon para umupo. Umupo ako at inilapag sa hita ko ang bag na dala-dala ko bago yumuko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naiinis ako. Masipag naman ako, bakit kailangan pa nila akong tanggalin sa Cafe? Matagal-tagal narin ako roon tapos ngayon biglang papaalisin nalang ako.

Umupo sa tabi ko si Bri, ang kaibigan ko matagal na mula palang noong highschool kami. Mahina niyang itinapik ang likod ko na siyang dahilan para sunod-sunod na lumandas sa pisnge ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Dito ka lang ha? Bibili lang ako sa loob ng store, babalik din agad ako." Paalam niya kaya dahan-dahan akong tumango.

Hindi na tumigil ang luha ko. Nagmistula iyong waterfalls dahil sa sunod-sunod at walang tigil na lumandas sa pisnge ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko at kung paano ko mamaya ang sasabihin sakanila na wala na akong trabaho. 

Bakit ba kasi pinanganak pa ako? Pinanganak lang ata ako para sakanila, para maging alila nila. Pinanganak at nabuhay lang ata ako sa mundo para magdusa. Gusto ko nalang maging bula ngayon. Gusto ko na maglaho nalang bigla at h'wag na bumalik pa.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko bago pinunasan ang luha ko. Tinignan ko ang mga sasakyan na nagmistulang nagkakakarera sa daan. Ilang minuto akong nakatingin at pinapanood lang ang mga sasakyan hanggang sa may isang ideya na pumasok sa isip ko. Isang ideya na alam kong tatapos sa problema ko ngayon. Dahan-dahan akong tumayo at nag-umpisang maglakad. May mga nakakabunggo pa akong mga tao pero hindi ko na nagawa pang humihingi ng pasensya ko sumulyap man lang sakanila. Alam naman siguro na may problema ang tao at hindi naman sila tanga para hindi makita ang mga namumula kong mga mata na kakagaling lang sa pag-iyak.

Nagsimula akong maglakad sa kalsada. Walang pakealam kung mabunggo ako dahil sa iyon talaga ang plano ko. Nakakawalang gana mabuhay. Mabuti rin sana kung maayos ang buhay ko pero hindi.

"Ano ba naman kasi e! Bakit ba ganito ang buhay ko!" Nagsimula na namang maglaglagan ang luha ko noong nasa gitna na ako ng kalsada.

Tumigil ako roon at hinarap ang isang sasakyan na palapit na sa akin. Ang ibang mga sasakyan naman ay bumubusina pero hindi na ako tumabi pa. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago ipinikit ang mga mata ko, ready na sa mga susunod na mangyayare. Hindi ko alam pero parang nawalan na kasi ako ng gana sa lahat. Ito nalang din ang naiisipan kong solusyon sa problema ko.

Hinihintay ko na mabunggo ako ng sasakyan na nasa harapan ko na kanina. Nakita ko na malapit na iyon sa'kin, halos mapapikit na nga ako dahil sa ilaw ng sasakyan pero wala, wala akong naramdaman na nakabunggo sa'kin kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

"Buhay parin ako?" Tanong ko sa sarili ko bago dumapo ang mga mata ko sa sasakyan na nasa harapan ko. Muntik ulit ako mapapikit dahil sa ilaw ng sasakyan niya na tumatama sa mga mata ko.

Hindi tinted ang sasakyan niya kaya kitang-kita ko ang mukha niya sa loob, kitang-kita ko na nakatingin siya sa'kin, seryoso siyang nakatingin sa'kin. Nakipagsabayan siya sa mga malalim kong tingin bago siya bumaba sa sasakyan niya. Sumunod nalang ang mga mata ko sakanya hanggang sa nasa harapan ko na siya at biglang hinawakan ang braso ko. 

Nagulat ako roon at hindi na nagawang maglaban pa dahil sa bigla niya akong ipinasok sa sasakyan niya. Sumunod ulit ang mga mata ko sakanya noong umikot siya hanggang sa makapasok na siya at doon na ako nabahala noong tinapunan niya ako nang tingin.

"Hoy, bakit ganyan ka makatingin? Sandali— saan mo ako dadalhin? Dadalhin mo ba ako sa presinto? Ano ba naman 'to oh! Bibigyan mo na naman ako ng problema e! Madami na akong problema sa buhay h'wag mo na dagdagan pa oh!" Halos maiyak na ako habang sinasabi ko iyon dahil sa naiisip kong posibleng mangyare kapag dinala niya ako sa presinto.

"Could you please shut your mouth for a while?" May halong inis ang boses nito na nagpadagdag sa kaba na nararamdaman ko ngayon. "You have a problem that's why you wanted to end your life? You didn't even think if I got hit you I was the one who will have a problem after? I can even go to jail if I got hit you and if you die."

"Edi sorry akin! Sana lumiko ka nalang para ibang sasakyan yung makabangga sa'kin," pinipigilan ko ang sarili ko na h'wag maiyak at h'wag ipakita sakanya na kinakabahan ako.

"What?" Anak ka ng malas oh! Okay sana kung hindi siya marunong magtagalog basta nakakaintindi lang ng tagalog.

"Wala, sana binangga mo nalang ako. Mas mabuti pa iyon. Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa makipag-englishan sa'yo." Biro ko lang naman iyon kasi hindi naman siya nakakaintindi ng tagalog pero nagulat ako noong mahina siyang natawa.

"I can speak tagalog and I understand tagalog," napatingin ako sakanya dahil doon. Nakangiti siya habang napa-iling-iling. "What I mean is what? Gusto mo na ibang tao ang makabangga sa'yo? Binigyan mo pa sila ng problema."

"Kung ikaw kasi nasa sitwasyon ko siguro mas pipiliin mo nalang magpabangga sa kalsada," ibinalik ko ang mga mata ko sa kalsada.

"Everyone has a problem. Mas mahirap at mas mabigat pa nga sa problema mo."

"Oo na nga. Ano na? Bakit mo ba ako sinakay sa sasakyan mo? Saan mo ako dadalhin? May balak ka bang dalhin ako sa presinto?" Iniba ko ang usapan namin.

Hindi agad siya sumagot kaya hindi na ako nagsalita pa. Tumingin nalang ako sa labas. Inisip ko na naman ang sasabihin ko mamaya sa Auntie ko dahil alam ko talaga na ikakagalit niya kapag nawalan ako ng trabaho, posible na palayasin niya pa ako. Saan nalang ako titira? Wala na nga akong trabaho tapos papalayasin pa ako? Mabuti sana kung meron akong pera. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin sa labas pero nabalik lang ako sa realidad noong tumigil ang sasakyan.

Nauna siyang lumabas at nagulat ako noong pinagbuksan niya rin ako ng pintuan ng sasakyan kaya lumabas din agad ako. Inilibot ko ang mga mata ko. Nasa harapan kami ng isang malaking bahay. 

"Anong ginagawa ko rito?" Tanong ko.

"Okay, ayoko na magpaligoy-ligoy pa. I am a straight forward person so... I wanted to offer you something," binuksan niya ang pintuan ng bahay at sumandal sa hamba nito. "You have a problem right?"

"Oo tapos ano ngayon?"

"Pera?"

Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Agad kong niyakap ang sarili ko. 

"Hindi ako ganoong babae! Oo, may problema ako sa pera pero kahit kailan hindi ko inisip ang mga ganyang gawain para lang magkapera 'no! Hindi—"

"What the fuck are you thinking? Excuse me, girls chased after me, hindi ko kailangan magbayad ng babae 'no." Naningkit din ang mga mata niya. "I just wanted to offer you a money because as you've said, your problem is money and I have a countless money."

Gusto ko siya sagutin na 'share mo lang' kasi akala ko nagbibiro lang siya roon pero mukhang seryoso naman siya. Halatang seryoso siya.

"Gusto ko makuha ang anak ko sa mother ko." Deretsong sabi niya.

"Oh ngayon? Madami ka namang pera sabi mo, diba? Edi ipa-kidnapp mo," napairap siya dahil sa sinabi ko.

"Are you for real? Ugh! Napaka-useless mo kausap!" Napahilot siya ng sentido niya bago bumuntong hininga. "Just accept my offer, please? Hindi naman ito favor lang, offer ito at malaking halaga rin naman ang makukuha mo sa'kin once I get my daughter."

"Anong offer ba 'yan?"

"Marry me."

Related chapters

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 2

    Chapter 2: Down Payment "Ano?!" Nabigla ako roon sa naging tanong niya. "Funny mo ha!" Mahina ko siyang hinampas sa braso kasi nasa harapan ko lang naman siya. "I'm freaking serious. I need a woman who I can introduce to my Mom just to get my child," hinagod niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay napangiti. "And don't you get it? You have a problem and I was the one who almost hit you earlier, me who has a problem also, see? We're meant to meet to help each other." Dagdag pa niya. "Akala ko sasabihin mo meant to be," bulong ko. "May sinasabi ka?" Tinaasan niya ako ng kilay kaya agad akong umiling-iling. "So, are you in? Malaking halaga makukuha mo don't worry. I can assure you that, kung gusto mo pwede na agad kitang bigyan ngayon palang, down payment, gano'n." Nakagat ko ang labi ko habang nakatingin sakanya. Nakangiti ito na parang kahit hindi ako

    Last Updated : 2022-01-22
  • One Rule: Don't Fall   Chapter 3

    Chapter 3: The Only Rule"Hi, morning," bati niya sa'kin noong bumaba ako galing sa kwarto na pinahiram niya sa'kin."Good morning." Bati ko rin sakanya pabalik at tipid na ngumiti."How's your sleep?" Tanong niya noong tuluyan na akong makababa. "I bet it's good. Compare to your house, that room is much bigger and better, right?" May pagkamayabang ang boses nito dahilan para umagang-umaga ay mapairap ako.Pagkatapos niya kasi akong tulungan kagabi ay inalok niya ako na sa bahay niya na ako matulog dahil unang-una wala na akong pera para kahit man lang sana mag-hotel, wala ako kahit pang pamasahe man lang kasi yung 50k na down payment niya sa'kin ay kinuha lahat ni Auntie. Nanghihinayang ako. Yung 25k na ititira ko sana ay sobrang laki pa at madami pa akong magagawa roon, pwede pa nga siguro ako magnegosyo.Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago tumingin ulit ka

    Last Updated : 2022-01-22
  • One Rule: Don't Fall   Chapter 4

    Chapter 4: “Prove to me”"Hey," muntik na akong mapatalon dahil sa gulat noong may marinig akong boses galing sa likuran ko. Agad ko na niyakap ang sarili ko at pinukol siya ng isang masamang tingin. Naka-bathrobe lang kasi ako at kakalabas lang sa cr, kakatapos lang maligo. "Did I startled you?""Hindi halata?" Tinaasan ko siya ng kilay.Nakasandal siya sa hamba ng pintuan at nakatingin sa'kin."Halata— could you please control your voice? H'wag ka magpaka-bossy. I am the boss here." Pinagkrus ko ang kamay ko sa harapan ng dibdib ko at nakataas parin ang kilay ko sakanya pagkatapos niya na sabihin iyon."I am the wife here, duh? Ako yung babae, asawa mo ako, ako yung boss."Pagbibiro ko lang naman iyon at mukhang umepekto naman ang biro ko sakanya dahil sa natawa siya. Ang kaso ngalang iba yung tawa niya, hindi iyon basta-basta na tawa lang

    Last Updated : 2022-01-29
  • One Rule: Don't Fall   Chapter 5

    Chapter 5: Mom"Hoy! Wala sa usapan 'yong dito tayo titira!" Mariing bulong ko kay Khalil noong naglalakad na kami papunta sa kwarto ng anak niya."Do you think alam ko 'yon? Hindi ko rin naman alam na ganoon ang gusto niya!" Mariin din ang pagkakasabi niya noon at pabulong."Ano na? Paano 'yon? Dito talaga tayo titira? Maganda naman yung bahay niyo, e. Kahit sino siguro gustong tumira rito pero ano ba naman 'yan Khalil, hanggang kailan?" Sinamaan niya ako nang tingin kaya napabuntong hininga ako.Hindi ko alam kung makakaya ko na tumira rito kasama ang nanay niya. Ang sama pa naman ng aura niya, parang suplada. Ano naman ang ibig niya sabihin kanina na kailangan ko patunayan ang sarili ko? Totoo naman talaga iyon at hindi lang puro salita. Kung sakali na girlfriend ako ni Khalil sa totoong buhay tatanggapin ko talaga si Jana kasi parang mabait naman siya na bata. Ang sweet niya.

    Last Updated : 2022-02-01
  • One Rule: Don't Fall   Chapter 6

    Chapter 6: Maling Akala"Sol," itinagilid ko ang ulo ko noong marinig ko ang pangalan ko na binanggit ni Khalil."Her name is Mommy Solene!" Si Jana na alam ko na ngayon ay nakanguso na."You call her Mommy Solene, I'll call her baby..." Agad kong sinamaan nang tingin si Khalil dahil sa sinabi niya."I am your baby!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Jana.Papunta na kami ngayon sa bahay ng nanay ni Khalil. Hindi parin ako makapaniwala na pumayag ako sa ganitong agreement. Hindi ako makapaniwala na nagpakasal ako kay Khalil at ngayon ay nanay na. Ganito pala yung feeling kapag tinatawag ka na Mommy? Nasisiyahan ako sa pinapakita sa'kin ni Jana."Huwag ka mag-pout, I was the one who's nagtatampo here, bumalik lang yung momma mo hindi mo na ako love!" Ngumuso rin si Khalil.Hindi ko napigilan ang sarili ko na huwag matawa dahil doon. Malakas talag

    Last Updated : 2022-02-01
  • One Rule: Don't Fall   Chapter 7

    Chapter 7: “My wife”"Jana?" Sinubukan kong kunin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi ko iyon nakuha, mahigpit ang pagkakahawak niya kaya akala ko gising pa siya.Noong tinignan ko siya ay nakapikit na ang mga mata nito. Katulad ng pwesto namin noong nakatulog din siya sa'kin, nakaupo ito sa hita ko. Nakasandal ang likod niya sa'kin at nakapikit na ang mga mata at parang mahimbing na ang tulog. Nag-uusap lang kami e tapos sabi niya kantahan ko siya, biglang nakatulog. Nakatulog ba siya dahil sa boses ko? Hindi naman maganda ang boses ko? Siguro inaantok na siya kakaantay kay Khalil.Nilapag ko siya sa kama ko— kama namin ni Khalil bago humiga sa tabi niya. Itinukod ko pa ang isang siko ko sa unan at ipinatong ang ulo ko sa kamay ko."Paanong nakayanan ng nanay mo na iwan ka? Ang sweet at ang bait mo na bata. Sa tingin ko rin ay may pera naman ang nanay mo, makakayanan

    Last Updated : 2022-02-02
  • One Rule: Don't Fall   Chapter 8

    Chapter 8: Boss"Hey drink your milk," inabot ni Khalil kay Jana ang baso ng gatas pero hindi siya nito pinansin. "Here we go again! Come on, drink your milk na!""I'm already big, I don't need to drink milk!" sabat naman ni Jana bago niya hinawakan ang kamay ko.Itinigil ko ang pagkain. Binaba ko ang mga tingin ko kay Jana at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin at nakanguso na parang sinasabi na kampihan ko siya roon sa sinabi niya. Tinitignan niya ako na parang nagpapaawa siya kaya ngumiti ako sakanya."You need to drink your milk. Ako nga umiinom ng milk para mas lalong gumaganda kaya inumin mo narin ang sa'yo," kinuha ko kay Khalil ang baso ng gatas at binigay iyon kay Jana.Nagpakawala lang siya ng isang buntong hininga at kinuha narin sa'kin ang baso na hawak ko. Ngumiti muna ito sa'kin bago ininom ang gatas niya. Napangiti naman ako bago ko tinignan si Khalil na nakan

    Last Updated : 2022-02-03
  • One Rule: Don't Fall   Chapter 9

    Chapter 9: His wife"You have a meeting to Mr. Samonte at 10 am..." Pinagmasdan ko ang korte ng katawan niya.Mula sa malalaking pwet, mayayaman na dibdib at may korbang katawan masasabi mo na pwede siyang mag-model. May itsura rin siya at medyo maputi. Ito yung mga babae na alam mo na magugustuhan talaga ng mga lalaki. Syempre, ngayon pa sa henerasyon na ito na kapag maganda ka e gusto ka na kaagad. Itong secretary ni Khalil full package. May itsura, magandang katawan at may utak din pero medyo malandi.Paano ko nasabi iyon? Si Khalil na mismo ang nagsabi na ang secretary niya ang may gusto ng set-up nila. Itong si Khalil magaling din mamili. Ang sarap niya pektusan."Excuse me," napatingin silang dalawa sa'kin noong magsalita ako."Yes baby?" Tumaas ang kilay ni Khalil, nagtatanong.Tumayo ako at pumunta kay Khalil pero ang mga tingin ko ay nanatili r

    Last Updated : 2022-02-05

Latest chapter

  • One Rule: Don't Fall   Epilogue

    Epilogue: “No rule anymore”"I do have a girlfriend, Mom, and actually we're planning...""Planning about what, Khalil?""Oh didn't I tell you? I forgot to inform you. Matagal na naming inaayos ang kasal namin. Our relationship is you know... kinda lowkey. Pero hindi ko ba talaga nasabi sa'yo ang tungkol doon? Oh... maybe I forgot?" I lied."Okay, introduce her to me. I want to know her. Make it sure that your soon to be wife is a decent woman. I want a woman, Khalil, a woman and not a party girl who's actually your type. If your soon to be wife is just like to the girls you bring here before, then, you can't have Jana, you can't have your daughter." she said in a serious tone that's why I forced a smile.Umalis ako ng nakabusangot. I even kicked the door of my car because of frustration. Now I don't know where I am going to find a decent woman that she wants. I mean yes, I have a lot of girls. But where the fuck I am going to find a decent woman? Madaming babae ang naghahabol sa akin

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 38

    Chapter 38: Masamang Nangyare"Oh ano meron?!" Mukhang naintriga rin ang kaibigan ko at bakas din sa boses niya ang pag-aalala.Balak ko pa sanang sumagot sa sinabi ni Jana, magtanong kung anong nangyare at kung anong ibig n'ya sabihin roon sa mga sinabi niya ang kaso ay binabaan na ako. Napatingin nalang ako sa kaibigan ko na nakalukot ang mukha."Sino 'yon? Anak ni Khalil? Bakit daw?" tanong pa niya."May nangyare ata Bri," sagot ko at binaba narin ang cellphone. "Pero bakit si Jana ang may hawak ng cellphone? I mean, oo, marunong siya gumamit ng cellphone pero may password iyong cellphone ng tatay n'ya? Alam niya?"Umikot ang mga mata ng kaibigan ko. "Gaga, anak niya e! Baka alam syempre! Ano ba bakit ayan pa iyong inaalala mo? Ano ba nangyare? Ano sabi n'ya?"Nabalik ako kay Khalil dahil sa sinabi ng kaibigan ko. Napatingin din ako sa cellphon

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 37

    Chapter 37:"Morning," bati sa akin ng kaibigan ko kinaumagahan paglabas ko sa kwarto."Wala siya?" tanong ko sakanya noong wala akong makitang ni anino ni Khalil. "Mabuti naman at wala siya. Sabi ko na sa'yo kahapon, titigil din iyon, susuko rin siya at tignan mo naman, tama ako." Pilit akong ngumiti."Tumigil kasi napagod. Binigyan mo ng rason para tumigil, ikaw ang gumagawa ng paraan para mapagod tapos ngayon hahanapin mo? Sinabi ko narin sa'yo kahapon na sa huli ma-re-realize mo iyong mga ginagawa mo at magsisisi ka Solene. Sus!" Napa-iling-iling siya."Tinatanong ko lang okay? Hindi ko sinabing hinahanap ko siya—""Tanga, Solene! Tinatanong pero hindi hinahanap? Dati ka bang tanga? Tinatanong mo kung asan siya so obviously hinahanap mo siya. Siraulo 'to! Pagtatabuyan tapos ngayon naman hinahanap!" Inirapan niya ako at pinagpatuloy na ang pagkain niya ng agahan.

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 36

    Chapter 36: Usap"Welcome po..." nakangiting bati ko noong may pumasok pero ang ngiting iyon ay nawala rin kaagad noong makita ko kung sino ang pumasok. "Marissa? Anong ginagawa mo rito? Sino kasama mo?""If you're expecting that I am with Khalil and Jana then you're wrong. Ako lang mag-isa. I need to talk to you, we need to talk.""Bakit naman kita kakausapin aber? Wala naman tayong dapat pag-usapan. Hindi ako makikipag-usap sayo at paano mo ba nalaman kung saan ako nagtatrabaho huh?" Tinaasan ko siya ng kilay."I followed Khalil and then of course alam ko na kaagad kung sino ang pupuntahan n'ya sa ganoong klaseng lugar, ikaw. Pinuntahan ka niya, sinundan ko siya, at noong umalis siya naghintay ako sa labas hanggang sa lumabas ka at sinundan ka. Ugh! Bakit ba ako nag-e-explain? Can we just talk? Mag-usap tayo babae sa babae." inikutan niya na ako ng mata pagkatapos niya sabihin iyon.&n

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 35

    Chapter 35: “Flowers for you”"Teh?! Asan na yung asawa mo? Umalis na?" Iyon ang naging bungad ni Bri noong makabalik na siya."Umalis na," simpleng sagot ko sakanya."Bakit ba raw pumunta rito beh?""Namimiss na raw ako ni Jana. Baka hinahanap ako gano'n. Ewan, iyon ang sinabi niya. Hindi ko siya naiintindihan Bri," napapikit ako dahil sa iritasyon na biglang naramdaman ko. "Ginugulo niya iyong isip ko!""Bakit?" naguguluhan na tanong ng kaibigan ko."Ang sabi niya bakit daw hindi ko siya pagbigyan na magsalita, na sabihin sa'kin iyong nararamdaman niya. Hindi ko alam kung ano ang gusto n'yang sabihin kasi hindi ko siya pinagbigyan na magsalita. Hindi ko siya hinayaan na sabihin ang gusto n'yang sabihin para sa akin ay ito ako ngayon, naguguluhan, nagtataka, naiinis. Na-curios ako bigla sa gusto niyang sabihin, Bri. Anong nararamdaman?" tan

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 34

    Chapter 34: “Hi, asawa” "Gago! Bakla ka! Ano na nangyare sa'yo? Wala na akong balita sa'yo. Ilang buwan din akong walang balita sa'yo. Ilang buwan ka rin hindi nagpakita sa'kin. Anyare teh? May nangyare ba sa'yo? Kahit yung auntie mo ay sa'kin ka hinahanap aba malay ko naman kung asan ka! Akala niya pa tinatago kita kaya hinayaan ko siyang tumuloy rito sa loob at hanapin ka. Noong hindi ka makita ay nagalit! Saan ka ba nanggaling? Bumili lang ako noong gabing iyon tapos paglabas ko wala ka na. Akala ko umuwi ka na pero— anong iniiyak mo r'yan? Umiiyak ka ba?" Hindi pumasok sa utak ko yung sinasabi ng kaibigan ko. Sa bahay na ako ni Bri dumiretso dahil sa wala naman akong ibang mapupuntahan pa. Gusto ko rin ng kausap, gusto ko ng may paglalabasan ng nararamdaman ko ngayon. Baka hindi ko kayanin at bigla nalang ako sumabog. Kapag hindi ko nakayanan ay sasabog na talaga ako. "Meron bang problema?" nag-aalalang t

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 33

    Chapter 33: New Life"We're here," napatingin ako sa labas noong sabihin iyon ni Khalil. "Let's go baby!" Agad siyang lumabas at pinagbuksan si Jana ng pintuan.Lumabas narin ako sa sasakyan at napabuntong hininga. Tinignan ko sa labas ang bahay at pilit na ngumiti."Can I sleep with you tonight Dada? Mommy Solene also said that she's going to read me a bedtime story later. So... I am going to sleep with you?" Masiglang sabi ni Jana."Of course baby! You're going to sleep with us tonight!" Pinisil ni Khalil ang pisnge nito pagkatapos niya iyong sabihin. "Right Solene?" Nalipat ang mga mata ko kay Khalil. Tipid akong ngumiti sa sinabi niya bilang sagot."Sir! Andito na pala kayo! Nahanda ko na po iyong mga kwarto. Naglinis na ako at kagaya nang sinabi ninyo Sir Khalil ay magluto narin po ako," may isang babae na lumabas galing sa loob."I forgot to

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 32

    Chapter 32: End"Shit," tuluyan na naglaglagan ang luhang pinipigilan ko pagpasok ko sa loob ng kwarto. Nag-lock ako bago ko inilunod ang sarili ko sa kama.Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak nang umiyak, ang magmura nang magmura. Iba yung sakit na nararamdaman ko kesa sa mga unang naramdaman ko. Hindi lang ito basta selos— naghalo-halo na. Selos, galit, at pagkalungkot. Hindi ko na alam kung kaya ko pa. Sobra na iyong sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang sakit nang narinig ko, ang sakit nang nakita ko.Wala akong ibang ginawa ng gabing iyon kundi ang umiyak. Natulugan ko na ngalang din. Noong magising ako kinaumagahan ay agad na pumasok sa isip ko ang narinig at nakita ko kagabi."Kailan pa ba matatapos ito?" tanong ko sa sarili ko. "Kung alam ko lang na ito pala yung mangyayare edi sana pala hindi na ako pumayag sa gusto ni Khalil. Sana mas pinili ko nalang na manatili kela Auntie at ha

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 31

    Chapter 31: “I love you”"Anong tinitingin-tingin mo Solene?" Tinaasan niya ako ng kilay pagkatapos niyang itanong iyon."W-Wala naman..." pagsisinungaling ko.Inikutan niya lang ako ng mata at pinagpatuloy ang paglalaro niya sa hawak niyang phone. Nasa kwarto kami ngayon ni Jana. Nasa kama nsya at ako ay nasa couch. Hindi ko ma-alis-alis yung mga tingin ko sa kwintas na suot n'ya. Pamilyar iyon sa akin. Nakita ko na iyon. Magkatulad na magkatulad ang desenyo ng kwintas na suot ni Marissa sa kwintas na nakita ko sa kabinet ni Khalil.Para sakanya iyon?Hindi ko mapigilan ang magtanong sa sarili ko. Bakit siya binigyan ni Khalil ng kwintas? Nagkabalikan na ba sila? Sila na ba ulit? Sinabi kaya ni Khalil sakanya na itong pagpapakasal ko sakanya ay isang palabas lamang para makuha ang anak nila?Madaming tanong ang bumabagabag sa isip ko. Pakir

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status