Itinaas ko ang kamay ko upang ipakita ang engagement ring na ibinigay ni Mommy sa akin kanina. Napapikit ako sa sunod-sunod na pagkuha ng mga litrato sa amin. Hindi na ako magtataka kung nasa headlines na naman kami ng mga balita. "Miss Caroline, totoo po bang may relasyon kayo ng former bodyguard mo?" "Miss Caroline, if you are engage, bakit po kayo pumatol sa personal bodyguard niyo? Does it mean that you cheated on your boyfriend?" "For follow up question, may nangyari na po sa -" "Wala kaming relasyon ng former boyguard ko. We're just friends," sagot ko sa mga tanong nila. Inayos ko ang takas kong buhok. "I don't know kung sino ang nagpapakalat ng fake news. Binibigyan nila ng malisya ang pagiging magkaibigan namin." "Totoo po bang ikaw ang nagbayad sa operasiyon ng kapatid niya, Miss Caroline?" Napasinghap ako. Paano nila nalaman ang tungkol doon? Ikinuyom ko ang aking mga palad nang naalala ang sinabi ng isang reporter kanina. Love Rein Dela Vega. Hinawakan ko ng mahigpit
Mabilis kong ibinalik ang sulat sa loob ng puting envelope kasama ang cheque bago tumakbo palabas ng opisina. Napapatingin ang ibang empleyado sa akin habang luminga-linga ako sa paligid, hinahanap si Miguel. "Ma'am Caroline, tapos ko na po kayong ipagtimpla ng -" "Sino ang nagbigay nito sa 'yo?" tanong ko kay Lena. "Ibinigay lang po kasi 'yan sa guard, Ma'am. Hindi ko po alam kung sino ang -" Dali-dali akong tumakbo patungong elevator. Halos mabangga ko na ang ibang empleyadong nakakasalubong ko. Napamura ako nang nakitang puno ang unang elevator na huminto. Wala akong ibang choice kundi dumaan sa hagdanaan. Hinahabol ko ang aking paghinga nang nakarating ako sa ground floor. Luminga-linga ako sa paligid pero kahit anino niya ay hindi ko nakita. Kinapa ko ang cellphone ko nang naramdaman ang pag-vibrate nito. Dali-dali kong tiningnan kung sino ang nag-text. From: 0910****011 I'm sorry for tarnishing your image. I never realized that loving you would be so challenging. I believ
Mabilis lumipas ang mga araw. Tanging bahay at opisina lang ang routine araw-araw. Pinagbawalan akong pumunta sa iba't ibang lugar ni Daddy dahil 'yon ang gusto ni Mommy. Para silang nandidiri sa akin dahil pumatol daw ako sa former bodyguard ko at nakikipaghalikan sa iba't ibang lalaki. "Ma'am Caroline, pinapasabi po pala ni Sir Samson baka pwede ka ba raw dumalo sa isang Art Auctions mamayang gabi," sabi ni Lena pagkatapos niya akong ipagtimpla ng kape. "Ako talaga ang dadalo? Why?" tanong ko at sumimsim ng kape. "May meeting daw kasi siya mamaya sa mga investors ng kompanya, Ma'am. Si Ma'am Glenda naman ay nasa Belgium pa kasama ang kapatid niyo." "Anong oras ba magsisimula ang event?" tanong ko habang abala sa pagpirma ng mga dokumento. "By 7pm, magsisimula raw ang event. Imbitado rin po pala ang pamilyang Mercedez. Gusto po ni Sir Samson na sumabay ka sa kanila patungo roon." Huminto ako sa pagpirma at nag-angat ng tingin kay Lena. "Is it mandatory to attend the event?" "Y
Nakatingin ang lahat sa kaniya habang tinataas ang paddle. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang sarili ko. "Miguel?" sambit ni Alexander nang napagtanto kung sino ang katabi ko. "We have an opening bid of 500,000 pesos. Do I hear 600,000 pesos?" tanong ng Auctioneer. "600,000," sabi ni Alexander at itinaas ang paddle niya habang nakatingin pa rin kay Miguel. "600,000 from Mr. Mercedez -" "One million." Itinaas ni Miguel ang paddle niya. Hindi ko alam kung ano ang i-re-react ko. Bakit siya nagsasayang ng pera sa isang lumang painting? Bumaba ang paningin ko sa pangalang nasa table niya. "Miguel Damien Montevallo..." Bumaling ulit ako kay Alexander nang itaas niya ulit ang paddle niya. "Two million!" Nakita kong ngumisi si Miguel bago siya tumingin sa amin. Napalunok ako ng ilang beses. Sobrang laki ng pinagbago niya. Hindi halatang isa siyang bodyguard. "Look at him, Caroline. Ang bilis niyang nakahanap ng ipapalit sa 'yo. Naka-jackpot ang gago, mukhang Sugar Mommy ang ipina
Parang nalaglag ang mga panga naming lahat sa gulat. Hindi ko maialis ang paningin ko kay Miguel. "S-Siya ang anak niyo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tita Portia habang tinuturo si Miguel. "Paano kayo nagkaroon ng anak kung wala kayong asawa, Don Ernesto?" "Portia, matagal na kaming hiwalay ng asawa ko. Ang alam ng media ay isa akong matandang binata. Anyway, huwag muna nating pag-usapan 'yan. Ikinagagalak ko kayong makita ulit." Tumingin siya kay Miguel. "Hijo, hindi mo naman sinabi sa akin na kilala mo pala sila." "Hindi ko rin alam na magkakilala kayo, Dad," sagot ni Miguel. Napansin ko ang pag-iba sa ekspresiyon ng mukha nina Tito Rafael at Tita Portia. Bakas sa mga mukha nila ang hindi pa rin makapaniwala. "Kung hindi ninyo masasamain, mauuna na kaming umalis sa inyo," sabi ni Don Ernesto. Nanatili kaming nakatingin sa kanila habang naglalakad paalis hanggang sa hindi na namin sila nakita. Parang nakabalik lang ako sa sarili ko nang naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellp
Mabilis akong lumayo sa kaniya at tinalikuran siya. Ngunit bago pa ako makaalis ay hinawakan niya ang braso ko. Napalunok ako nang bigla siyang umupo, hinawakan ang parte ng gown na napunit. "What are you doing?" tanong ko nang nakitang pinunit niya ang gown ko. Nagmukha na itong dress pagkatapos niyang tanggalin ang ibang tela hanggang tuhod ko. Hinarap niya muli ang babae. "Ibigay mo sa akin ang cheque," utos niya rito. Nakataas ang kilay ng babae at mabilis na ibinasok sabra niya ang chequeng ibinigay ko sa kaniya. "Ayaw mong ibalik sa kaniya?" pagbabanta ni Miguel. Napalunok ako nang nilapitan niya ang babae. Napapaatras naman ito. "Hindi ko binabawi ang cheque. Ibinigay ko 'yon sa kaniya dahil nadumihan ang suot niyang dress," singit ko. "Ibibigay mo ba ang cheque o ako mismo ang kukuha ng 'yan sa loob ng bra mo?" pagbabanta ni Miguel. "Sige, subokan mo. Ipapapulis kita!" pagbabanta ng babae. Napalingon ako sa paligid, nakatingin na silang lahat sa amin. Tinakpan ko ang
Pagdating ko sa opisina, agad kong inutosan si Lena na papuntahin sa opisina ko ang personal assistant ni Daddy na si Miss Melani Angcahan. Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng accounting reports habang hinihintay ang pagbalik ni Lena. Nag-angat ako nang tingin sa pinto nang bumukas ito at pumasok sina Lena at Miss Melani. "Good morning, Ma'am. Narito po pala ang schedules ng meeting para sa dalawang taong mag-i-invest sa kompanya," sabi ni Miss Lani at lumapit sa akin saka ibinigay ang hawak niyang tablet sa akin. "By nine o'clock, magsisimula na po ang meeting sa unang investor at after lunch naman ang meeting sa ikalawa nating investor." Tumango lang ako at nag-scroll sa tablet niya. "Greensmith Innovations? A tech company that focused on sustainable solutions. Hindi pamilyar sa akin ang kompanyang 'to," komento ko pagkatapos kong basahin ang short background nila. "Bagong kompanya po 'yan, Ma'am, dito sa Pilipinas na pagmamay-ari ng isang Filipino-British businessman. Base
"He is an investor?" natatawang tanong ni Nico. "Are you joking? He's a body -" "Nico, this is Miguel Damien Montevallo. Are you familiar with their company?" Dali-dali ako tumayo at lumapit kay Miguel. "He's a Montevallo?" Nico clarified. "Oo. And -" Tumingin ako kay Miguel. "Mag-i-invest ka sa kompanya namin?" Napatakip ako ng bibig. Ngayon ko lang napagtanto na siya ang ikalawang mag-i-invest pero mamaya pa ang meeting namin. Hindi siya sumagot. Nanatili pa rin siyang nakatingin kay Nico. "Nagme-meeting ba kayo o naglalandian?" Hindi nakatakas sa pandinig ko ang tanong ni Miguel. Pilit kong pinakalma ang sarili para hindi niya mahalatang nakakapikon ang tanong niya. Kung ano man ang iniisip niya dahil nakita niya kami na nasa gannong posisyon, maling-mali ang nasa isip niyang naglalandian kami. Bumaling ako kay Nico. "I think tapos na tayong mag-usap, Mr. Winston. Please contact us if sigurado na kayong mag-i-invest sa kompanya namin para maihanda na namin ang kontrata." Ibin