"Axcel!" Sita ni Carmela sa lalaki. Paano ba naman at simula kaninang umaga ay palagi nang naka buntot sa kanya ang lalaki. Hindi lang yon dahil parang mas naging maalaga pa ito sa kanya. Nalilito na tuloy sya kung sya ba ang mag aalaga sa lalaki o si Axcel ang mag aalaga sa kanya. Nandito na sila sa taas ng Mansion dahil anong oras na rin ng gabi. Kailangan na nilang matulog dahil bukas mag sisimula na nyang turuan ang lalaki. Kailangan nila ng sapat na tulog para masigla sila bukas. "Gusto kitan-g katabi, maha-l" mala Bata nitong wika. "Hindi ako pumunta rito sa Mansion para tabihan kang matulog, Axcel. Pumunta ako rito para tulungan kang maka recover —""Bak-a maka recove-r ako ng mabili-s kung k-atabi kita—""No Axcel!""Pleaseee-e, asawa ko~"Parang si Arkin lang ang datingan kung may ipapabiling lalaruan! Malamang sa malamang dahil mag Ama sila. "Hindi ka pa ba nag sasawa? Katabi mo ako sa hapag kainan, sa sala, sa veranda at kung saan saan pa. Kulang nalang ay kumandong kan
Nagising nalang si Carmela sa sinag ng Araw na tumatama sa kanyang mukha. Iminulat nya ang kanyang mata na may pagtataka dahil naka higa na sya sa kama. Matapos ang eksena kagabi ay hindi sya tumabi sa kama kasama si Axcel. Sa couch sya natulog at nakalimutan nya na ngang buksan ang drawer dahil umiinit ang kanyang ulo matapos makita ang kanyang ex mother in law. Dinaig nya pa ang uling na nag aapoy sa inis."Good mornin-g!""AY KABAYO!" Napatayo sya sa gulat at matalas na tinignan si Axcel. Kahit kapapasok lang nito sa kanyang kwarto at may ilang kilometro silang distansya naamoy nya na ang mabangong lalaki. Paano ba naman at bagong ligo ito naka ayos ito ngayon. Natawa si Axcel sa kanyang reaction."Walang nakakatawa!" Inayos nya ang kanyang hinigaan. "Anong oras darating ang mga kaibigan mo?" Nag text ang mga Promises na pupunta sila ngayon dito sa Mansion at nong tanungin nya kung anong oras, wala man lang ni Isa sa kanila ang sumagot! Dinaig pa nila ang mga famous na artista
Matapos nyang kunan ng meryenda ang mga Promises ay bumalik na sya sa loob ng kanyang kwarto. Abala ba naman ang mga lalaki sa pag pupusta ng manok online. Kaya heto at sa tuwing nananalo sila sa pusta ay nag hihiyawan sila. Masaya naman sya dahil nakikita nyang tumatawa ang kanyang Asawa, pero ewan ba nya at naiinis din sya dahil tinuturuan ng mga Promises ang kanyang Asawa sa ibang uri ng sugal. Napapa hilot nalang talaga sya sa kanyang sintido. Para saan pa na nananalo sila ng 500? kung barya lang naman ito sa kanila. Timpak timpak ang kanilang mga pera pero halos lahat ng bagay babaratin na ata nila. Sabagay at mga negosyante nga naman. "Kaya siguro niregaluhan nila ng manok si Axcel" napa ngiwi nalang sya sa kanyang iniisip. Muli nyang binalingan ng tingin ang malaking larawan ni Gramps. Hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Bruce kanina. Paulit-ulit pa rin nya itong naririnig. Pagak syang natawa, "Sa dami ng pasikot sikot dito sa Mansion paano ako makakah
"H'wag mo nang uulitin yon ha?" Malumanay nyang wika habang pinupunasan ang buhok ng Asawa. Katatapos lang nitong maligo. Pagkatapos nilang mahanap si Axcel ay para silang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Kasalukuyan silang nasa kama ngayon, nasa harap nya si Axcel na naka higa sa kanya habang pikit ang mga mata. Ninanamnam nya ang bawat sandali ng punas ni Carmela sa hibla ng kanyang buhok. Tumango ang lalaki, "I wil-l not do it agai-n." He firmly said with a full of assurance na hindi nya na nga uulitin ang kanyang ginawa.Paniguradong ipapa alala ng kanyang kapatid at dating mother in law ang mga ginawang masama sa kanya ni Axcel para ang lalaki na ang lumayo. Ngayong alam nya na ang taktiks ng dalawang demonyo ay mas magiging maingat pa sya mas lalo kung patungkol ito kay Axcel dahil mabilis lang ma trigger ang lalaki. Kung pwede nya lang i-rugby ang kanyang sarili sa lalaki ay gagawin nya para hindi sila mapag hiwalay dito sa loob ng Mansion. Napag alaman nya ring kaya talaga
Napa inom ng tubig si Carmela sa kusina. Hindi nya na kinaya na pakinggan at panoorin pa ang nangyayari dahil nakikita nya naman kung paano mamuo ang emosyon ni Axcel kay Pearlyn. "Totoo naman eh. Kahit bali-baliktarin ang mundo si Pearlyn ang tunay nyang asawa. Hindi ko rin naman sya masisisi na ganoon ang naging reaksyon nya." Mahigpit ang pagkaka hawak nya sa baso na ibinaba nya sa counter. Bakit ba ganito ang kanyang nararamdaman ngayon?, parang kinukurot ang kanyang puso. May nakahain na sa hapag kainan. Ang sanay kasabay nyang kumain na si Axcel ay hindi nya na hinintay dahil alam nyang masasaktan lang ang kanyang puso kapag makikita nya ang lalaki ngayon. "Ano ba naman yan Carmela!" Reklamo nya sa kanyang sarili dahil hindi sya maka kain ng maayos. Nahihirapan syang lumunok ng pagkain, pano ba naman at parang may naka bara na kung ano sa kanyang lalamunan. Ito ang nararamdaman natin kapag pinipigilan natin ang sarili na hindi maiyak habang kumakain. Hindi nya na napigilang
"Hanggang sorry na lang ba?" May pang kukutya sa kanyang tono, "lagi mo nalang bang kakainin ang mga sinasabi mo? Nasaan na ang pangako mo? Tatangayin nanaman ba 'yon ng hangin?" Natawa sya ng pagak, "o nakalimutan mo na rin ang mga kaka pangako mo?" "Pero—...""Pero ano?!" Napasabunot si Carmela sa kanyang buhok dahil sa nararamdaman na frustration. Napakagat sya sa kanyang pang ibabang labi habang pinipigilan ang sarili na hindi maiyak. "A-asawa ko sya..." Natigilan si Carmela, para syang nabingi sa sinabi ni Axcel. Hindi nya alam kung paano nya tatanggapin ang mga narinig o kung ano man ang kanyang magiging reaksyon. Dahan-dahan nalang syang napa tango. Masakit ang kanyang mga mata na sinalubong ang tingin ni Axcel. "Asawa mo sya?" Mapakla nyang pag uulit. "Kung Asawa mo sya bakit mo nasabi sa akin noong muli mo akong nakita..." Dinuro nya ang dibdib ni Axcel, "na sa akin tumibok ang lintik mong puso!? Kung Asawa mo sya bakit—"Umiwas ng tingin si Axcel. Hindi nya kayang salubu
Dinukot ni Axcel ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa upang tawagan si Tristan. Kung kanina ay si JohnRobert ang tinanong nya, ngayon naman ay si Tristan na upang marinig kung mag kaka tugma ang sinasabi ng mga kaibigan. Wala pang ilang segundo ay sinagot na agad ni Tristan ang kanyang tawag, "Hey bro... It's new that you're the one who firstly called me... naaalala mo na ba ako?" May pag asa sa boses nito. "H-hindi pa..." Mabigat nyang sagot, kahit mismo sya ay gusto nya na ring maalala ang lahat. "Ohhh..." Nahihimigan nya ang pagka dismaya sa boses ng kausap, "alright then, bakit ka napatawag?" "I need to ask you something —"Naputol ang kanyang sasabihin ng maunang mag salita si Tristan. Rinig nya ang bawat flip ng papel mula sa kabilang linya. Tristan must be busy right now at nasingit lang sya sa oras ng kaibigan kaya hindi na sya mag papaligoy ligoy pa sa sasabihin. "Is it true? Jaren and Carmela was once living together in Germany?"Natigil si Tristan sa kanyang ginagawa
Padabog na pumasok si Carmela sa loob ng Mansion. Salubong ang kanyang mga kilay habang tumutungo sa ikalawang palapag ng Mansion. Langi-ngit ang kanyang ngipin sa sobrang gigil. Sa kanyang isipan ay kulang pa nga ang pananakit na ginawa nya kay Pearlyn. "Sana nilaglag ko nalang sya sa pool kanina!" She exclaimed. Napahinto sya sa tapat ng kwarto ni Pearlyn at Axcel nang biglang may pumasok na ideya sa kanyang utak. Lumingon sya sa paligid nang masigurado nyang walang tao ay maingat syang pumasok sa kanilang kwarto. Pinag masdan nya ang kabuoan ng kwarto. Ang kaninang mangalit nyang ngipin ay napalitan ng malapad na ngiti. Nag lakad sya papuntang CR kung saan nakalagay sa counter ang nga skincare products na ginagamit ni Pearlyn. "Oo at may ka mahalan ang mga produktong ito dahil galing pa ang mga ito sa ibang bansa, pero wala akong pake. Dapat hindi sya sa pag papaganda ng mukha naka focus, dapat sa pag papaganda ng ugali." Gigil nyang wika habang binubuksan ang lagayan ng cleanse
Pansamantalang itinigil ang pag ku-kwestyon kay Murphy dahil kahit anong pilit nilang sumagot ito ay mukhang wala itong balak mag salita, nawalan na ata nang boses ang G4ga! Hindi naman pwedeng mag tutuloy-tuloy ang lahat, buti nalang talaga at naibigay na nila ang ebidensya sa mga awtoridad. Laking tulong din talaga ang boses nang nga mamamayan nang mapanood ang balita. Hindi lang sya ang humihingi ng hustisya — marami sila. Si Axcel ay nasa loob ng investigation room para mag bigay nang kanyang panayam tungkol sa sitwasyon na kanilang kinakaharap ngayon. Pinapanood nya ang nang hihinang mukha ni Axcel sa one way mirror. Dinudurog sya habang pinapakinggan ang mga sagot nang lalaki. "Sigurado ka bang wala kang planong pagaanin ang kaso nang iyong Ama?"Umiling ito, "He deserves it..." Hindi nya na narinig ang mga sumusunod nitong sasabihin dahil...Nawala ang atensyon nya sa pinapanood nang tumunog ang kanyang cellphone. Number ito nang isa sa mga tauhan ni Bruce. Matapos nya kasin
NANGINGINIG ang kamay ni Regina habang inilalagay sa kanyang maleta ang kanyang ibang mga gamit. Halos lahat sila sa loob ng Mansion ay nag kakagulo, gusto na nilang umalis sa Pilipinas sa lalong madaling panahon bago pa tuluyang lumalin ang mga imbestigasyon at mag sama-sama pa silang lahat bumagsak sa loob ng kulungan. Kaliwa't kanan ang kanilang pagiging aligaga at panay ang tingin nila sa orasan. May flight kasi sila na kailangan nilang habulin na ka bo-book lang din nila. Salamat nalang talaga sa kanilang attorney na matalino't magaling dahil naka alis sila ng presinto kanina! Si Murphy lang ang naiwan duon dahil mas mabigat ang ebidensya na naka turo sa kanya. Hindi na nila alam ang mga nangyayari dahil wala silang koneksyon sa loob, baka mamaya ay nilalaglag na rin sila ni Murphy sa iba pang mga kasalanan! Ang Loko na 'yon! Tama lang na pinahiya sya ni Carmela sa public para si Murphy lang ang pag tuunan nang pansin nang lahat! Pumasok si Aegin sa kwarto ni Regina. Hanggang
Naunang nakadalo sa kumpanya si Ronald at Precious. Ilang minuto na silang nasa loob nang kanilang sasakyan. Dinudumog kasi sila ng mga reporter ngayon, panay ang pag flash nang kanilang mga camera at ang iba naman ay sabik nang maka kuha ng kanilang panayam sa nangyari. Hawak ni Ronald ang lagayan. Mabigat ang kanyang nararamdaman ngayon sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ito hinahawakan ni Precious dahil para sa kanya ay nandidiri sya. Isasama sana nila ngayon si Pearlyn pero kailangan nilang ipakitang na kay Carmela lang ang atensyon. "I think we should go outside bago pa dumating ang mga Mostrales..." Hindi sumagot si Ronald duon. Nakatulala lang syang pinapanood ang mga tao sa labas habang mahigpit ang pagkaka kapit sa inaakalang abo ng katawan ni Carmela. "Do you think this is really an ambush against my political run?" Iyon lang kasi ang nakikita nilang rason kung bakit nila kinabitan ng Bomba ang sasakyan ni Carmela. Iyon din kasi ang sinabi sa kanila ng mga Mostrale
"Cheers?" Itinaas ni Murphy ang kanyang wine glass sa ere. Anong oras na ng gabi at natanggap na nila ang report na sumabog na ang bombang inilagay nila sa sasakyan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi si Manong Gab at Axcel. Iniisip nila na paniguradong nag luluksa na ang dalawa sa pagkawala ni Carmela. Ngayon, panahon naman na upang mag saya sila dahil sa wakas ay nagawa na nilang pabagsakin si Carmela dahil alam naman nilang makakapasok na sila kapag si Axcel na ang naupo sa pinakamataas na posisyon. Ipinag lapit nila ang kanilang mga baso dahilan nang malakas na tunog nito na umalingawngaw sa buong Mansion. Lahat sila ay may ngiting tagumpay sa kanilang mga labi. Ang karamihan ay dahil sa pera, kapangyarihan, at kumpanya. Habang si Pearlyn naman ay masosolo nya na si Axcel at hindi na kailan man malalaman ng kanyang magulang ang katotohanan. Ininom na nila ang kani-kanilang baso ng wine, "What a wonderful night..." Bulong ni Pearlyn. KINUHA ni Axcel ang kumot sa lo
Matapos ang usapan at mamatay ang tawag ni Jenny sa kanya ay bigla syang may natanggap na text na nang gagaling kay Manong Gab. Hindi nya na sana 'yon babasahin dahil pabalik na sya sa kanilang pinag parking-an nang mahagip nang kanyang mata ang salitang 'patawad' sa screen. Pinindot nya nalang ang text dahil sa pag tataka kung bakit ito humihingi ng tawad sa kanya kung pwede namang mamaya nalang sa loob ng sasakyan, hindi ba? "Carmela, sana mapatawad mo ako sa aking nagawa... lalo na sa pagka sira nang pamilyang binuo n'yo ni Axcel. Kasalanan ko kung bakit ito nasira... At sana mapatawad mo rin ako kung bakit hindi ko kayang harapin ang mga kabayaran sa aking nagawa." Nag sisimula nang bumilis ang tibok nang kanyang puso sa kanyang binabasa, "Ako ang naka patay kay Cody... ako ang salarin, ako ang truck driver..." parang nahulog ang kanyang puso. Si Manong Gab? Paano nya ito nagawa? At bakit?....Para syang pinag taksilan... Hindi... literal na pinag taksilan talaga sya. Namuo a
Naalimpungatan si Carmela ng makaramdam sya ng pagka lamig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman nyang naka sandal sya sa balikat ni Axcel. Kaagad syang umayos nang upo at tinanggal ang jacket na naka patong sa kanya. Alam nyang kagaya nya ay nilalamig na ngayon si Axcel. Inilagay nya rin ito sa lalaki. Napa buntong hininga sya. Anong oras na pero mukhang wala pa atang balak rumesponde ang mga empleyado. Pinakatitigan nya si Axcel na mahimbing na natutulog. Malumanay at puno ng rahan nyang inayos ang buhok nito para hindi sya magising. "Ano ba Carmela!" Wika nya sa kanyang sa loobin. Bumaba kasi ang kanyang tingin sa mapulang labi ng lalaki. Hindi nya maipaliwag ang kanyang nararamdaman na para bang gusto nya itong halikan na hindi. Ilang dangkal nalang ang lapit nang kanilang mukha at mukhang nananalo na ang sigaw ng kanyang puso. Unti-unti na syang napapalapit sa lalaki nang biglang mabilis na nag bukas ang pintuan ng elevator. Napa tingin sya duon, "Shit!" Utas nya nang
"I really can't believe what's happening right now!" Si Tita Regina na kanina pa pabalik balik sa kanyang nilalakadan. Matapos ang mga pangyayari kanina sa opisina ay kaagad silang umuwi. Lahat sila ay wala sa katinuan at kapwa lumilipad ang mga utak—kung paano patalsikin si Carmela sa pwesto. "Hindi naman natin sya basta bastang matatanggal kung sya ang napiling taga pag mana ni Papang..." Muling humithit sa sigarilyo si Ortiz, "Besides, mukhang pinag isipan pa ito ng mabuti ng matanda bago sya pumanaw... Sa lahat pa talaga nang tao na pwede nyang pamanahan, bakit pa ang Babaeng p0kp0k na 'yon?" Niyupos nya ang sigarilyo sa isang Ashtray. Napa ngisi si Pearlyn nang may pumasok na ideya sa kanyang utak. Hindi nya na kasi kayang pigilan pa ang gigil nya kay Carmela. Nakaka asiwa lang isipin na pinapaburan nanaman si Carmela nang mga mahahalagang bagay ng Tadhana. Paniguradong magugustuhan ng pamilya ang kanyang plano. "Why don't we came out a plan?" Lahat sila ay napa baling sa kany
Aalis na sana ang mga Investors at ang mga mahahalagang tao nang biglang mag salita si Axcel na ikina tigil nilang lahat. "Since you're already the CEO of this company... Can I ask you personally?"Nagulat din sya sa biglang tanong ni Axcel. "Go on..." sumimsim sya sa wine na kanyang iniinom, pilit tinatago ang nararamdamang kaba. Paano ba naman ay seryoso kung makatingin sa kanya ang lalaki sa kanya ngayon. "I want to work here..." Nahulog ang panga nilang lahat sa kanyang sinabi. Maging si Carmela ay hindi nakapag salita ng ilang segundo. Tumayo ito mula sa pagkaka upo at humakbang papalapit sa kanya. Nakatayo na ang lalaki ngayon sa kanyang harapan, mata sa mata, lahat ng atensyon ay nasa kanilang dalawa. Ilang pulgada lang ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa at nang susukat ang kanilang mga tingin "with a greater position in this company..." Nagsimula nang mag bulung bulungan ang mga tao sa kanilang narinig. Naiilang syang napa ngiti ng pilit, "What do you mean?" Grab
Tumingin si Carmela sa kanyang repleksyon sa harap ng salamin. Kanina nya pa kinakausap ang kanyang sarili. Hindi nya na nakayanan ang kanyang emosyon at nasabunutan nya na ang kanyang sarili. Paano ba naman kasi ay sasabihin nya na sana ang totoo kanina kay Axcel pero nong nakita nya ang lalaki ay bigla nalang syang napa takbo papalayo. "Come on Carmela!" Pang babawi nya sa kanyang tunay na huwisyo, "Come to think of it!" Tumaas ang tono ng kanyang boses, "If you accept the position of the company... hindi na nila pag iinitan si Axcel..." gaya nalang ng naabutan nya kaninang umaga na kinakawawa nila ang walang kalaban-laban na si Axcel at nang mas lalo nya pa itong ma pro-protektahan. "Hindi nga nila pag iinitan si Axcel, pero pano naman ako?" Tinuro nya ang sarili, "Siguro ay mas maganda na rin 'yon dahil kaya kong mang laban kahit papaano at nasa tamang pag iisip ako..." Napalunok sya nang maalala ang mga pag babago ni Axcel at ang akusa sa kanya nang kanyang mga magulang na na