pasensya po talaga sa super tagal ng update, dami po event. Bawi po this month! Shout out po kina madam Alma, Zia Venancio at Zara Mae Segafu, salamat po sa follow, ;-) huwag niyo rin po sana kalimutan e-rate ang story at e-share ang precious niyong gems and vote! Thank you din po sa mga nag-subscribe, hindi ko po kayo ma-mention dahil wala po details na binibigay si GN. Unlimited back to the moon po sa lahat na sumusubaybay!
"Good mo—" natigil siya sa pagsasalita nang tumambad sa kanya ang abalang amo sa pag-aayos ng mga serving plate at pagkain sa meeting table."I've be—" narinig niyang bungad ni Miguel ngunit natigil din sa pagsasalita.Kaya naiangat niya ang paningin upang tagpuin ang mga mata ng amo. At gayun na lamang ang pagtataka niya nang makita ang bagama't gulat na gulat na reaksyon ni Miguel ay bumakas rin ang paghanga nito na nakatitig sa kanya.Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng pagbangon ng pagkabalisa ng dibdib sa kakaibang tingin na ipinupukol sa kanya ni Miguel, habang tinatawid ang distansya sa pagitan nilang dalawa."Tsk! This is the first time I've seen you wearing makeup on your eyes, Marga," he remarked with admiration as he approached her. His deep dimples, now more pronounced, added to his charm.Napalitan ng hiya ang kanyang ngiti. Hindi naman kasi niya alam kung ano at para saan ang mga pinapagawa sa kanya kanina ni Ellen, sinunod niya lang ang mga sinasabi nito. Nagulat na lan
"I'm glad na nakapasa sa'yo ang lasa, Marga," natutuwang sabi ni Miguel.Natapos niya ng tikman ang tatlong putahe. At talagang hindi niya naitago ang paghanga sa sobrang sarap ng pagkakaluto nito.Sinabayan siya nito sa pagkain at masaya nilang napag-usapan ang lasa. Ibinahagi din sa kanya ni Miguel ang mga sangkap na ginamit nito at mga kwento tungkol sa dalawa pang putahe. Nilunok niya nginunguya bago pumihit paharap sa natutuwang amo. Nasa kaliwang bahagi niya ito nakaupo. "Perfect nga talaga, boss," natutuwa niyang turan sabay thumps up na nagpatawa muli kay Miguel. "Ang swerte ng girlfriend mo, boss. Tummy satisfied lage," dagdag niya saka muling itinuon ang pansin sa pagsubo. "What's all this about, my love?" a sweet voice interrupted Miguel's joyful laughter.Natigil siya sa pagnguya at dahan-dahang napapihit paharap sa pinanggalingan ng boses. At halos makapanabay lang din pala sila ni Miguel na napalingon sa bukana ng pinto. "Love? When did you get here?" Miguel asked in
Wala pa rin siyang natanggap na bagong message mula kay Xander. Kahit pa na seen na nito kanina pa ang kanyang naging response sa mensahe nito sa kanya. Gusto niyang ipaalam sa binata ang naging interaction nila ni Pebbles gaya nga ng naipangako niya rito. Pero tingin niya, hindi nakakabuti na malaman ni Xander ang buong kwento. Magiging big deal rin rito kung bakit siya ipinagluto ng matalik nitong kaibigan. Ayaw niyang maging dahilan na naman iyon ng pagtatalo nila ni Xander.Hindi niya pa nga alam kung bakit pakiramdam niya ginu-ghosting siya nito, mula nang nagkausap sila nito kahapon. Pero wala naman siyang dahilan o karapatan na kulitin o tanungin ito kung bakit tila nanlalamig ang binata sa kanya. Nakagat niya ng mariin ang pang-ibabang labi para itaboy ang pag-aasim ng kanyang sikmura sanhi ng tila may kumirot sa kanyang dibdib. Kapagkuwan, muli niyang inilagay ang cellphone sa kanyang blazer at nagpakawala ng malalim na paghinga bago lumabas ng pantry room. Subalit hindi p
“Fine!” patamad na turan ni Ellen saka bumuntong-hininga.Mariin niyang nakagat ang labi dahil sa takot na baka marinig na rin ni Ellen ang sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso. Hindi niya talaga maitindihan ang nararamdaman sa mga sandaling ito. Gusto niyang mainis o magalit pero bakit at kanino? A strange, unexplainable pain throbbed in her chest, a dull ache that she couldn't quite place. It was like her heart was caught in a vice, squeezed by invisible hands. All she knew was that it gnawed at her from the inside, leaving her feeling hollow and unsettled.It was an emotion she couldn't fully understand, yet it consumed her, casting a shadow over her thoughts and making it hard to breathe.“Sabi rito, inaasahan umano ng pinakamalaki at nangungunang holding company ng bansa ang engagement sa pagitan ng dalawang bilyonaryong pamilya sa susunod na buwan. Mas matanda pala ng dalawang taon si Xander sa fiancee nito, then, nasa top 20 most richest woman in the country pa,”She barely
Halos mailuwa niya ang mga mata sa sobrang gulat nang maalala ang tinutukoy ni Rhea. Kaya agad niyang nilapitan ang naluluhang si Rhea.“Bago lang ba? Nasaan si Ellen?” she asked with a calm demeanor, though a flicker of worry lay hidden beneath her composed exterior.Mariin na umiling si Rhea bago humugot ng malalim na paghinga. “Kanina pa, Madam. Nung pumunta ka sa accounting para kunin iyong budget mo para sa lunes. Bumaba si Madam Ellen, nagbabakasakali na dumaan sa fire exit dahil bahagyang nakaawang ang pinto dun kanina,” mahabang turan nito.She gently held Rhea with her right arm, trying to soothe her. “Calm down, Rhe. Hindi iyon lalayo dahil alam nu’n na naririto ang human niya. Nasubukan mo na ba sa floor niyo? Possible kasi na hinanap niya ang amoy ng kanyang amo,” mahina niyang sabi.Maagap na umiiling si Rhea pero unti-unting lumiwanag ang mukha nito na para bang nakakita ng pag-asa. “Sige, Madam, subukan ko sa taas,” positibo nitong turan.Tinapik niya ng dalawang beses
“This will be the last time I ask you this, Marga. Are you sure you'll let me do what I want to do to you tonight?” he warned huskily. His gaze stared down at her cleavage, smirking more broadly. He placed his finger under her chin and raised her head, ensuring that she was staring him in the eyes. She gave Xander a fierce look. She could see how much he wanted her from the look in his eyes. It was the third time that Xander asked her that way. She didn't expect that after several attempts to invite her to sleep with him, he would still ask her like this. She felt a mix of emotions within herself. The feeling of both fear and excitement coursed through her veins. The warmth of his deep breathing sent a shiver down her spine. “Gusto mo talaga na magbago pa ang isip ko?” naghahamon niyang tanong. He squinted his eyes for a few seconds, then his smirk grew, and he nodded in satisfaction. “Tonight, Marga, you will be mine. And you will never be able to get away from me. You are min
"Magz, pinapapunta ka ni Boss sa office niya," boses ni Ellen ang umalingawngaw sa kabuuan ng operation department.Napatingin siya sa direksyon ni Ellen na siyang kakapasok lamang ng kanilang opisina. Unlike other departments, where each one has a dedicated cubicle, their department office is different. Pagkapasok mo ay isang malaking round table meeting na good for 20 persons ang bubungad sa'yo. Nasa kanang bahagi ng pinto naman ang malaking organizer shelves na nakalaan sa bawat district team. Sa kabilang bahagi naman ay ang mga office supplies na nakalaan sa department nila at iba pang office equipment. At sa kaliwang bahagi ang malaking TV LED screen na nagsisilbing stage para sa presentation.Sinadya ang design dahil ang department nila ay hindi naman madalas sa opisina. Nasa field, nasa branch sila sa buong limang araw ng isang linggo. Napapadpad lamang sila ng kanilang opisina sa tuwing monthly or urgent meeting, product rollout or training, contract signing or franchise meet
Ang apartment niya ay may mumunting sala na para sa apat na tao, may isa ding CR at kusina. Ngunit isa lang ang kanyang kwarto. Hindi niya alam kung ilang square meter ang kabuuan nu’n pero sigurado siya na times three ng laki ng apartment niya ang opisina ng kanyang CEO. Pagkapasok niya sa opisina ay hindi agad makikita ang CEO’s office table, kung hindi ang good for five person na hallway. Ang nasa kanang bahagi niya ay ang glass panel ng sariling conference room ng CEO. Mahigit sampung metro din ang haba nu’n, saka iluluwa ang munting sofa ng opisina, at sa pinakadulo ang office desk ng kanilang CEO. Natigil siya sa paghakbang nang magtama ang kanilang paningin ng lalaki na marahil ang best friend ng kanilang CEO. Naka-dekwarto itong nakaupo sa swivel chair ng kanyang CEO habang hawak-hawak ang phone nito. Kitang-kita niya kung paano siya nito pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa, saka muli siyang pinakatitigan sa kanyang mukha. Daig pa niya pa ang walang saplot sa paraan n