ONE NIGHT DARKERKabanata 59.4 “Anak…” “Ikaw? Ikaw ang tunay kong ina?” wala sa sariling tanong ni Mereya. Tumango nang marahan si Noemi. “Ako nga, anak.” Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Tinitigan nang matagal ni Mereya ang kaniyang ina. Panay ang lunok niya. Hindi niya mawari kung bakit hindi siya makaalis sa kaniyang kinatatayuan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang basa na ang kaniyang mga pisngi. “Masisira ang make-up mo, anak. Huwag kang umiyak,” mahinang sabi ni Noemi. “Unang beses kitang nakita. Kamukha pala kita? Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa'yo.” Pinahid ni Mereya ang kaniyang mga luha. Mabilis na lumakad si Noemi palapit kay Mereya at niyakap ito nang mahigpit. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Tanging paghikbi lamang nilang dalawa ang maririnig sa silid. Pumikit si Mereya at ninamnam ang unang yakap mula sa kaniyang tunay na ina. Hindi niya akalaing ganoon pala iyon
ONE NIGHT DARKERKabanata 59.5 “Ikaw ba si Yuna?” nakangiting tanong ni Linda matapos niyang lumapit dito. Nasa restroom sila habang kapwa nag-re-retouch ng kanilang make-up. Kumunot ang noo ni Yuna. Tiningnan niya nang matagal sa mukha si Linda. “Ako nga. Do you know me? ‘Coz, I don't know you.” Bumalik siya sa kaniyang ginagawa. “Ku-Kumusta ka? Ano kasi. Matalik akong kaibigan ng iyong lola. Isa ako sa mga natulungan niya dati. Masaya akong makita ka ngayon. Napakabata mo pa noong huli kitang nakita,” naluluhang sambit ni Linda. Nagdesisyon siyang hindi na magpakilala kay Yuna bilang ina nito dahil ayaw niyang kamuhian siya nito. Isa pa, ayaw niyang maging pabigat dito. Ayaw rin niyang bansagan ito ng ibang tao na anak ng isang kriminal. Nakausap na niya ang witness na tinutukoy ni Jackson. Hindi na siya tumanggi sa kasalanan niya dahil ayaw na niyang dagdagan pa ito. Hindi na rin siya maghahabol sa yaman ng mga Wrights dahil napag-alaman niyang ang witness na ito pala na dating
ONE NIGHT DARKERKabanata 60.1 “Nasaan si Yael?” tarantang tanong ni Jett kina Set at Jun. Magkakasama silang kumakain kanina nang magpaalam ang kaniyang pamangkin na pupunta sa banyo. Halos sampung minuto na ang dumaan ay hindi pa ito bumabalik kaya napilitan silang sundan ito. Laking gulat ng tatlo nang hindi nila ito nakita sa restroom. “Baka po namamasyal lang?” ani Jun. “Namamasyal? Hindi aalis ang batang ‘yon nang hindi nagsasabi sa akin. Dàmn!” Napatingin si Jett sa kaniyang relo. “Malapit nang mag-umpisa ang kasal nina kuya. Kailangan na nating mahanap si Yael. Maghiwa-hiwalay tayo. Tawagan niyo agad ako kapag nakita ko na siya, maliwanag ba?” “Sige po, Sir Jett,” magkasabay na tugon nina Set at Jun. Umalis na silang dalawa. Tulad ng panuto ni Jett, naghiwalay sila ng direksyon. Sa pagkataranta ni Jett ay hindi na niya naisipang i-check ang kuha ng security cameras sa paligid. “Mapapatay ako ni Hakob kapag may nangyaring masama kay Yael. Tang.ina! Napakalawak ng resort na
ONE NIGHT DARKERKabanata 60.2 - Ang Wakas Pasan ni Jackson si Baby Sonya habang binibigyan ng lilom si Mereya. Nagtitirik ngayon ng kandila sa puntod ni Linda ang kaniyang asawa. Tumayo si Mereya matapos niyang magsindi ng kandila. “Aling Linda, nais kong malaman mo na napatawad ka na namin nina mommy, Tita Nadia at lolo. Maraming salamat dahil iniligtas mo ang buhay ko. Kung saan ka man naroroon, sana maging masaya ka. Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala kay Yuna. Nasa Paris nga pala siya ngayon. Inaasikaso niya ang company na ipinamana mo sa kaniya. Pasensya ka na kasi sinabi namin sa kaniya ang totoo. Deserve niya kasing malaman ‘yon. Huwag kang mag-alala, hindi na siya galit sa'yo. Nagpapasalamat siya dahil kahit saglit ay pinuntahan, kinausap at niyakap mo siya. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat. Isang taon din siyang hindi nagparamdam sa aming lahat. Isang taon niyang hinanap ang kaniyang sarili at isang taon ka rin niyang paulit-ulit na dinalaw rito. Masaya na s
GRAY SERIES #3 LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN Blurb: (Jett Jamison Gray's Story) After being an obedient, caring, and martyr wife, Arya only ended up signing the divorce papers given by her husband. She had already given up hope that Damon Walton would reciprocate her feelings. She intended to vanish from their lives, but she came across something that reawakened the lioness within her. Now, she's back for vengeance, and she will make sure that everyone who lied and hurt her will suffer. After knowing Arya's real identity, Damon keeps on crawling to her feet, saying, "Arya, please come back to me. I'm going insane! I badly miss everything about you. Let's marry each other again."PANIMULA"What are you waiting for, Arya? Sign the divorce papers. I already put my signature on it. I want to accomplish all the legal procedures today." Damon looked at his reflection in the mirror and didn't turn his back to see Arya's reaction.Hindi agad nakapagsalita si Arya. Titig na titig siya
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKABANATA 1"Who said that we can't marry each other, Greta? I am now a free man." Inalis ni Damon ang wedding ring nila ni Arya sa kaniyang daliri."That fast? Processed na agad ang divorce papers niyo?" Greta couldn't help but smile."Hindi pa. Ipapadala ko pa sa lawyer ko sa States para masimulan ang proseso. If you want to see her signature on it, here." Tumayo si Damon at kinuha sa kaniyang case ang pirmadong divorce papers. Iniabot niya iyon kay Greta."I didn't expect that you could do this in just a day. Paano mo siya napapayag?" manghang tanong ni Greta."Kahit bihisan mo ang isang daga, daga pa rin ito. I told her that she needs to pay every cent that my family spent on his sick brother IF she will not sign the papers. She's poor so…"Mabilis na hinalíkan ni Greta sa labi si Damon. "You are cunning but I love it! Hanggang ngayon pala eh paniwalang-paniwala ang babaeng 'yon na ang mga Walton ang nagpagamot sa kapatid niya! Another thing, matalin
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 2"Mama, totoo ba na on-process na ang divorce nina Ate Arya at Kuya Damon?" tanong ni Dionne, ang nakababatang kapatid ni Damon.Ngumiti si Divina Walton, ang current vice president ng Walton Insurance Incorporated. Si Damon ang kasalukuyang presidente ng naturang kumpanya."Oo, totoo ang nabalitaan mo. Greta is back at dahil wala na ang iyong grandpa, there is no more reason para ituloy ng kuya mo ang relasyon niya sa babaeng 'yon. Besides, she's worthless. Arya is just an obedient housewife. She's nothing compared to Greta." Nag-aayos ng kaniyang sarili si Divina. Pulang-pula ang kaniyang labi, gano'n din ang kaniyang mga pisngi. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niya ang nakasimangot na mukha ni Dionne sa salamin. "Bakit malungkot ka? Don't tell me, naaawa ka sa babaeng 'yon?""Mama, she has a name. She's ARYA. Three years niyo na siyang tinatawag na "babaeng 'yon". And, she's not worthless. Did you forget how she saved our company
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 3"Bakit mo pa ba ipinakuha sa akin ang mga gamit mo, ate? Hindi mo na naman kakailanganin ang mga ito." Pinagulong ni Aiven ang mga maletang dala niya."Ayokong mag-iwan ng kahit anong bakas sa bahay na 'yon." Isinuot ni Arya ang dangling earrings na regalo sa kaniya ng lolo niya sa kaniyang kaarawan. Nagkakahalaga iyon ng sampung milyong piso!"Nakakasilaw naman ang hikaw mo. Ang daming diyamante. Oo nga pala, tama ang hula mo. Pumunta sa mansyon ni Damon si Dionne." Kinuha ni Aiven ang tuxedo na binili ng ate niya."Naibigay mo ba ang USB?" Binuksan ni Arya ang isang drawer na puno ng mga mamahaling kuwintas. Ang lahat ay may angking ganda pero wala ng mas gaganda pa sa iniwang regalo ng kaniyang yumaong ina, ang L'Incomparable necklace na nagkakahalaga ng $55 Million! Ito ang may pinakamalaki at pinaka makinang na diyamante sa buong mundo. Mayroon itong dilaw na bato na tumitimbang ng lagpas 407 carats at nakakabit ito sa isang daan at dala
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN Kabanata 116 - ANG WAKAS “JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia. “Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya. “Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan. Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.” Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi. Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito. "Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay. "How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog sar
Longing for my Ex-Wife's ReturnKabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig ni
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISA
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at iti
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na p
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 109“Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage.“Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa.“Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’“Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon.“Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!"Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip.Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki an
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and