Alas nuwebe ng umaga ng buksan ni Icy ang roll up stainless metal sheet door ng stall sa loob ng malaking mall sa poblacion. Ito ang in charge in keeping the keys of the store. Nandoon na silang lahat sa façade ng tindahan. Namely Lizbeth, Celia, Lulu, Icy at Nina. Ang mga store attendees ng Monique’s Perfect Click. Pagkabukas ay pumasok na silang lahat sa glass entrance door ng tindahan. To prepare for a whole day of busy work.
Pagkapasok na pagkapasok ay napansin na nila ang salansan ng cards na nakapatong sa pinakaunang estanteng salaming pinakamalapit sa entrance. May mga taling red ribbon bawat isa.
“Ano ‘to?,” si Icy ang kumuha ng mga iyon. Tiningnan at siniyasat na mabuti. Shuffled them. Nang makita ang card ng may imprint ng pangalan niya ay binuksan nito iyon. Si Icy ay isang lesbian. Obvious naman sa porma at masculine gestures nito. Girlfriend nito si Nina na kasamahan din nila. Kung Lesbian din ito ay hindi nila masabi. Unlike Icy ay very ladylike naman kasi ito sa pananamit at kilos. She’s not telling or confirming any. They didn’t dare ask as respect na rin. Tanggap naman nila ang relasiyon ng mga ito. No discrimination.
Matapos mabasa ang nilalaman niyon. “Guys, seryoso si Ma’m Monique. Pinapa-attend talaga tayo sa party niya. Look, mga invitation cards para sa birthday party niya!,” manghang-mangha ito when she realized. Minsan na rin kasing nasabi ng kanilang employer na balak silang imbitahan sa party nito. Akala nila ay nagbibiro lang ito. Pero ngayon ay may invitation cards pa itong kasama.
Saka ay isa isa na nitong ipinamigay ang cards to each designated individual. Kung saan nakapangalan ang bawat card. And all of them had one each.
“Oo nga, tinotoo nga ni Ma’m Monique. Seryoso siya sa pagpapa-attend sa atin,” si Lulu na medyo gulat pa.
And they look intently on the cards. Hindi makapaniwala na nakasulat nga ang pangalan nila roon. Tiffany scented birthday cards at talagang nandoon ang pangalan nila. Pihadong bongga talaga ang magigihg party, dahil cards pa lang ay mamahalin na. At ang bango pa.
Samantala, ayon sa kanilang Ma’m Monique nang minsang magkuwento. Wala naman daw talaga itong kabalak-balak na mag-throw ng party for her 25th birthday. Isang tita na ninang din nito galing States ang may pakana ng celebration. After 10 years ay finally nakapagbalikbayan sa Pilipinas. Naging kilala sa fashion industry sa States. Nakapag-asawa ng isang Amerikanong negosyante. Sumabak sa real state business at iba pa. Like a jack of all trades ay pare-parehong naging successful ang mga pinasukang investments.
Dahil na-missed out nito ang debut celebration ng paboritong pamangkin at inaanak ay bumawi ito ngayon. Isang grandiyosong birthday celebration sa pagtuntong nito ng beinte singko anyos. Almost as identically grandiose as her debut party. Siyempre minus the cotillion dance, 18 roses, 18 candles at iba pang abubot ng isang debut celebration.
At siyempre gastos lahat ng ninang nito. At hindi nito tatanggapin ang ‘No’ for an answer mula sa pamangkin at inaanak.
Kayat as courtesy ay pumayag na rin ito. Makulit kasi kayat pinagbigyan na rin nito.
“Ano guys, sa tingin niyo, dadalo ba tayo?,” si Lizbeth. Halata sa tono nito ang pag-aatubili.
“E-Ewan,” si Celia naman. Halatang matabang din. “Dapat ba tayong dumalo guys? Pihado namang puro mga mayayaman lang din lahat ang dadalo sa party.”
“Oo nga. Balita ko lahat ng business tycon ng probinsiya at karatig lugar ay imbitado. Pati mga kilalang pulitiko—mayors, congresmen, saka ilang senador. Pati ang speaker of the house. At may mga celebrity pa nga raw,” si Nina naman.
“Naku po!, pihado, magiging parang fashion show ang party. Tingnan niyo,” habang matamang tinititigan ni Lulu ang card. “Nakalagay formal dress.”
“Saan naman kayang lupalop ng lupa tayo kukuha ng isusuot kung sakali,” si Lizbeth.
“Kung pagagawa ka ng formal dress, malamang ubos ang isang taong suweldo mo. Tapos kung sa rental naman tayo kukuha ng damit na isusuot. Malamang kahit ang pinakamahal na dress for rent ay magmumukhang basahan kapag humalo tayo sa mga crème dela cream ng lipunan.”
“Saka alam ko, sa mga ganyang klaseng okasiyon. Yung mga party na pangmayayaman, may mga table manners na sinusunod. Yung class kang kumilos, yung aristokrata talaga ang dating. ‘Yung hindi mukhang patay gutom na ngayon lang nakatikim ng mga masasarap na pagkain,” paliwanag ni Nina.
“Naku!, sa bahay nga namin, bihira kaming magkubyertos. Kahit simpleng kutsara lang,” si Lulu na sumingit.
“I second the motion. Sa amin naman wala talagang kubyertos. Kayat wala ring gagamitin,” bisto ni Icy sa sitwasiyon sa bahay nila. Saka ay nagtawanan silang lahat.
Ramdam naman talaga nila ang mabuting pakikisama ni Monique sa kanila na mga empleyado lang nito. Para imbitahan ba naman sa ganoon kagarbong okasiyon. Lubos ang pasasalamat nila sa gesture nitong iyon.
Pakiramdam nila kahit papaano ay importante rin silang nilalang ng Diyos. Pero hindi pa naman sila nasisiraan ng ulo para dumalo.
Simply they had no business messing up with the most beautiful and the elite rankings. Isasalba na lamang nila ang kani-kanilang mga mukha mula sa kahihiyang maaaring idulot niyon.
Oo nga’t tanggap sila ni Monique. Ni minsan ay hindi pa sila pinakitaan nito ng pagiging matapobre. Hindi pa nito ipinaramdam sa kanila na mula sila sa mababang uri ng lipunan.
But how many among the rich had the same soft spot for poor ones like them? Baka nag-iisa na nga lang si Monique sa mundo. At baka nag-iisa lang ito sa bilang sa party na iyon. And the rest, hindi tanggap ang kagaya nila. Baka pagkatuwaan pa sila ng mga iyon. Ang kanilang pananamit, kamangmangan sa table manners, at ang natural scent nila sa pagiging mahirap.
Bandang huli ay nag-insist na lamang si Monique na magkaroon sila ng small get-together as celebration for her birthday. Their version of a party na sila sila lamang para maging komportable ang mga ito. Ipapasyal niya ang mga ito sa kanilang farm at sa mansion.
Alas nuwebe ng umaga ay nasa farm na sila. Feeling na mga VIP na rin dahil may mga tauhan pang sumalubong at bumati sa kanila. Samantala ay hindi sumama sina Icy at Nina. Nagpa-excuse sila kay Monique. Monthsary kasi ng mga ito at may ibang lakad.
Nagmiryenda muna sila. Organic food ang mga nakahain. Something expected anyway dahil puro tanim ang nasa paligid. May organic mango avocado salsa, malunggay pesto, banana cake loaf, veggie wrap, herbed cheese and tomato sandwich. May mga slices of fresh fruits pa gaya ng pakwan, melon, peras at may fruit juices din.
Matapos ay ipinasyal sila sa mga alagang baka ng farm. Tila iyon isang educational tour. Ang proseso ng pagpapakain sa mga baka. Makabagong paraan ng pagkuha ng gatas mula sa mga ito. Pamamasyal sa planta to see the process ng paggawa ng mga dairy products out of the milk collected—gaya ng cheese, butter, yogurt, fresh milk drinks at iba pa.
May mangilan-ngilang tupa rin at kambing sa farm. May hardin din sa may bandang kaliwa na puno ng mga naggagandahang bulaklak.
Matapos ay nagtungo sila sa stable section ng rantso. Tig-iisa sila ng mga kabayong sasakyan saka ay inilibot sila sa buong banana orchard at iba pang mga tanim doon. May mga handler na nagmamaniobra sa mga kabayo. Napakalawak ng farm nina Monique. Napakayaman talaga ng pamilya nito. Pumitas at tumikim din sila mula sa isang puno ng mga hinog na saging lakatan. Very fresh and sweet as sugar.
Matapos ng ilan pang sandali ay nananghalihan naman sila. Animo ay may piyesta. Muli ay may mga sariwang prutas na nakahain, putaheng gulay, stuffed squid, tortang alimasag at roast chicken. Kasama na ang lechon baboy as centerpiece ng made of slab na dining table sa open area. Meron ding malunggay and corn soup.
Kasama nila sa pagkain ang ilang mga tauhan sa farm. Napaka-festive ng mood. Here’s where they truly belong. Sa mga taong kauri nila na simple at mga manggagawa rin.
Matapos ay namahinga sila sa isang nipa hut na open sa harap at walang dingding. Maihahalintulad iyon sa cottage sa isang beach resort. Napaka-presko niyon at napapaligiran ng mga puno at halaman. Animo’y inehele sila sa sariwang ihip ng hangin. Masarap matulog dahil presko. At masarap managinip.
Magdadapit-hapon nang tinungo nila ang mansion. Ang centerpiece ng buong Sandival Farm. Nag-swimming party sa napakalaking swimming pool hanggang alas siyete ng gabi. It was an action-packed whole day.Talagang sinulit nila ang libreng pa-outing ni Monique. Why not, minsan minsan lang naman ito. Baka pa nga hindi na ito maulit pa.
Wala talaga silang problema ni katiting sa kanilang employer. Napaka-down to earth nito sa kabila ng estado sa buhay. Magaan itong katrabaho, mahusay makitungo at palakaibigan.
Kung tutuusin ay kapritso lamang ni Monique ang pagmamay-ari ng isang computer and gadget shop. Living a princess kind of life was just an armstretch away. May tinatanggap itong cash dividends mula sa mga naglalakihang kumpanya ng kanilang pamilya. Mula kasi nang mamatay ang kanilang mga magulang ay technically at legally naging shareholder na siya ng kumpanya. Receiving investment returns regularly.
Kabilang sa negosyo ng kanilang pamilya ay real estate development, construction supplies business, heavy equipments supplier din sila. Lahat ng negosyo ng pamilya ay pawang may kinalaman sa construction. Liban sa malawak na farm na generally alagaan ng mga baka at taniman ng saging lakatan. Ico-construct na rin ang kauna-unahang mall na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.
While she had never had the itch of holding down any significant office in any of the family’s muti-million businesses.
Wala siyang maramdamang interes dito. Isa pa’y nasaksihan niya ang kanyang Papa kung paano ito todo ma-stress sa tuwing magkakaroon ng mga problema tungkol sa negosyo. Call her chicken hearted for that matter but she rather safeguard her youth and beauty from the stresses. Ayaw niya ngang maagang mapanot gaya ng nangyari sa kanyang Papa—at mga kapatid na rin. May plano pa kaya siyang mag-asawa. .
Mahilig siya sa gadgets—cellphones, computers, cameras etch. Pati mga abubot ng mga ito. She’s as well a blogger—her subject—the latest and the most advance in the world of technology. What’s the latest out in the market she should have it first. Ito na ang masasabi niyang pinaka at nag-iisa niyang kapritso. Her blogs were as well her way of promoting her shop. A half a million followers and counting.
And her precious baby, ang ‘Monique’s Perfect Click.’ Ngayon ay running for a year na ang kanyang very own business. Maliit na negosyo kumpara sa mga multi-million businesses ng kanyang pamilya. But it’s not about the grand scale. Malaking kita. Katanyagan sa local business community. It’s about passion and living a happy and stress-free life. Hindi pa ito demanding sa oras kayat may panahon siya para sa sarili.
“Are you enjoying yourselves ladies?,” muli ay ang birthday celebrant na itinaas ang mga wine glasses para muli ay mag-toast sila.
“Yes Ma’m,” sagot ng tatlo.
“Anong Ma’m?, call me Monique. I’m one of you guys for today. Wala tayo sa shop.”
“Yes Monique,” pagsunod naman nila rito.
Nasa mini bar section sila ng napakalaking mansion na iyon ng mga Sandival. Ang home bar na iyon ay mas malaki pa yata sa bahay ng isang ordinaryong tao. Surely, mas malaki iyon kaysa sa kanilang humble apartment na tinutuluyan. Kinaroroonan nila ay isang sturdy solid wood pub table with the warm mahogany finish. Nakaupo sa apat na well designed bar stools.
Magara at high-society ang feel ng paligid ng bar sa loob mismo ng mansion na iyon. Sa counter ay display ng helera ng mga alak na nakalulan sa wooden wine rack na nakakabit sa wall. Karamihan ay mga imported na animo’y collection from around the globe. The best tasting and the most expensive. Sa isang alcohol enthusiast ay talaga namang mouth-watering pagmasdan ang mga iyon.
Ang mansion naman ay tila isang palasyo ng mga prinsipe at prinsesa sa mga fairy tales. Ngayon pa lang sila nakapasok sa isang kagaya nitong magarbong bahay.
Samantalang si Celia ay laki sa hirap. Maagang naulila sa magulang. Namatay ang kanyang mga magulang noong pitong taong gulang siya sa isang passenger’s ship wreck. Noon ay kasama niya ang mga ito sa paglalayag papuntang Maynila upang bisitahin ang lola on her mother side. Pitong taon na kasing hindi nagkikita ang kanyang ina at lola. Itinanan ng kanyang ama ang kanyang ina at nagtungo ang mga ito sa may bandang southern part ng bansa at doon namuhay. Ayaw kasi sa ama niya ng mga magulang ng kanyang ina. At gusto itong ipakasal sa ibang lalaki. Ending ay nagtanan ang dalawa. At namuhay sila sa probinsiya ng kanyang ama.
After seven years of totally having no communication ay sa wakas napagdesisyunan ng kanyang mga magulang na makipagkita sa kanyang lola. Confirmed naman na hindi nagbago ng address ang mga ito.
Ngunit sa kamalas-malasan ay lumubog ang ferry na kanilang sinasakyan. Ewan kung dapat nga ba niyang pasalamatan ang isang lalaking pasaherong nagligtas sa kanyang buhay. Kasi’y mula nang maulila siya dahil sa aksidenteng iyon ay hindi naman naging mabuti ang kanyang buhay.
Countless times she had wished she had died along with her parents. Siguro ay mas masaya pa ang buhay na magkakasama silang pamilya sa kabilang buhay.
Dahil hindi naman karangyaan ang buhay ng kanyang mga kamag-anak ay pinagpasa-pasahan siya ng mga ito upang hindi solohin ng isa ang gastos sa pagpapalaki sa kanya. Ang siste, palipat-lipat din siya ng eskuwelahan bawat taon.
Palagi na lamang ay siya ang katu-katulong ng kanyang mga tita sa mga gawaing bahay. Samantalang ang kanyang mga pinsan na anak ng mga ito ay animo’y puro mga sinyorito’t sinyorita na pinagsisilbihan. Puro mga batugan na parati ay nakahilata. Na kung hindi nanonood ng tv ay busy naman sa pakikipag-textmate or chatmate. O kaya naman ay sa paglalaro ng mga computer games o iba pang entertainment gadgets na pag-aari ng mga ito. Todo layaw ang mga ito sa magulang kahit baon sa pagkakautang sa tindahan.
Samantalang siya’y ni minsan ay hindi nakahawak ng mga iyon dahil ni minsa’y hindi man lang siya napahiraman ng mga pinsan.
Pero pasalamat na rin siya kahit papaano ay nakaraos siyang may kinakain at nakapagtapos hanggang grade 12. Hindi naman niya inaasahan na mapapag-aral pa siya ng kanyang mga kamag-anak sa kolehiyo.
Ngunit dahil gustong ipagpatuloy ang pag-aaral at makaangat-angat naman sa buhay ay nagsumikap siya. Through sheer efforts, lumapit siya sa mga kilalang pulitiko at humingi ng tulong para sa kanyang pag-aaral. May nagmagandang loob at binigyan siya ng scholarship. May nag-pledge din naman sa kanya ng buwanang allowance para sa kanyang pag-aaral nang malamang ulila na siya.
Kasabay niyon ay ang pagiging working student niya. Kalaunan ay nagdesisyon na siyang maging totally independent at humiwalay na sa mga kamag-anak. Hindi na niya kasi kaya pang makipisan sa mga ito. Pagod na siya sa pagtatrabaho at pag-aaral kayat hindi na niya kaya pang gawin ang mga gawaing bahay na sa kanya inaatang ng mga ito. Marahil bilang bayad sa mga gastos niya habang nakikitira sa mga ito. Hindi na rin siya naging close sa kanyang mga pinsan. In short, hindi niya naramdaman pa ang pagmamahal ng isang pamilya buhat nang maulila siya sa magulang.
Kinalaunan, like the norms of every politician, mga pangakong napako ika nga— kusa na lamang huminto ang pagbibigay ng allowance ng mga ito. Kasama na rin ang pagpapalit ng mga nakaupo dahil sa eleksiyon. Noon ay naka-dalawang taon na rin siya sa kolehiyo.
Nahirapan na siyang ipagpatuloy pa ang kanyang pag-aaral. Hindi na niya kayang akuin pa ang lahat ng gastos. Bayad sa renta ng bahay, pagkain, pag-aaral at iba pa. Kinalaunan ay napagdesisyunan niyang huminto na lang muna at magkaroon ng full-time job.
Ngayon ay kasama niya ang kanyang besfriend na si Lizbeth sa kanyang tinitirhang apartment na kahati niya sa bayad. Maliit lang iyon at halos antique na sa kalumaan at marami pang depekto. Pero pinagtitiyagahan na nila dahil mura at iyon lang ang kaya ng kanilang budget.
Hindi naman siya mahilig uminom, lalo’t mahina ang tolerance niya sa alak. She would drink occasionally─during celebrations. Si Lizbeth naman ay masasabi niyang mas mataas ang tolerance sa alak kaysa sa kanya ngunit hindi rin naman heavy drinker.
Matapos ng kalahating oras ay napansin niyang malakas sa alak ang dalawa nilang kasama na sina Monique at Lulu—pinagsamang high-society drunkard plus squatter na tomadera.
Para lamang lumalagok ng softdrinks ang dalawa. Samantalang silang dalawa ni Lizbeth ay pini-pace ang mga sarili para hindi kaagad malasing.
Ilang sandali pa ay may dalawang lalaking dumating. Kahit na may sipa na ng alak sa kanyang pagkatao ay malinaw na rumehistro sa kanya ang itsura ng isa sa mga lalaki. The man had very strong presence. Ang presensiya nga yata nito ang nagpabalik kahit papaano ng katinuan ng kanyang huwisyo na tila pinanlalabo na ng epekto ng alak. He was outstandingly standing tall. His shoulders—very broad, his chest—looking massive and tough. At nagtataglay ito ng mukha ng isang guwapong Adonis.
His face had the features of a royal highness. Mukhang mamahalin at mukhang aristokrata. Tila ba ito ang Prine William or Prince Harry version ng Pilipinas sa karisma. But with miles upperhand when it came to looks. Yes, such a phenomenally handsome face.
Ngayon lamang yata siya nakakita ng ganito kaguwapong lalaki. A blessed day to lay eyes on one of God’s mightiest creations. Mukha itong napakabango. Kung puwede lang lumapit dito at samyuhin ang amoy nito.
Saka ay nagtinginan sila ni Lizbeth. Somewhat a familiar exchange of gaze. Very telling indeed that they both agreed this man was a cut above the rest. At pareho silang sobrang kinikilig.
Kasi kahit naman mahirap ang buhay at puro kayod silang magkaibigan ay marunong naman silang magpakasaya in some petty ways. Minsan ay may kung anong pagti-trip ang ginagawa nila kapag tumatambay sa may park. Nire-rate nila ang mga lalaking nakikita at dumaraan sa kanilang harapan depende sa angking kaguwapuhan at dating ng mga ito. People around would find them crazy at times. Lalo na kapag bigla na lamang silang nagtatawanan. Pero deadma lang sila. Wala naman silang sinsagasaang tao at hindi sila gumagawa ng krimen. Masaya lamang nilang pinapalipas ang oras.
Kapag naman nasa mall ay titigan ang kanilang way ng pagre-rate sa mga dumaraang lalaki. They would make sad, ugly or frowned faces kapag bagsak ang grado ng lalaki. Pero kapag makalaglag-panty ay abot tenga ang kanilang ngiti. Kapag naman sobrang guwapo ay talaga namang ngumingiti maging mata nila at napapakanta pa sila. Like the caliber of this man that had popped out from nowhere. Imposibleng hindi nila ito mapansin o ng kahit na sinong babaeng makatagpo rito. May itsura rin naman ang kasama nito ngunit milya naman ang layo ng dating ng isa.
“Girls, I would like you to meet my brother, Harold and his friend, Jarred,” si Monique nang lumapit sa kanila ang mga lalaki.
Jarred? Jarred. Pangalan niya ay Jarred. He looked like a warrior angel. Maamo ang mukha nito pero lalaking-lalaki ang dating. Or was he a saint? Tila ba may nariring siyang mga kumakantang anghel sa langit.
Pagkatapos ay ipinakilala rin sila nito sa dalawang lalaki.
When she was about to shake hands with him, nakaramdam siya ng tensiyon at excitement at the same time. Her pulse rate racing and her heartbeat pounding fast. Nang mahawakan na niya ang kamay nito ay nakaramdam siya ng kakaibang init sa kanyang palad. Kung ang init ay nagmumula sa kanyang nilagok na alak o sa sensasyong dulot ng pagdadampi ng mga palad nila nito ay hindi niya matiyak.
And his hand was big. Almost twice as much as hers in size. Siguro naman sa laki ng bulto nito at sa height na slightly above six feet ay hindi iyon nakapagtataka. Tila kasyang makulong ang buo niyang kamay sa loob ng palad nito kapag kinuyom iyon. A man with a big hand? Her creative mind having wild thoughts. Napalunok sa bagay na biglang naglaro sa isip niya. Umiling-iling siya upang maalis iyon at muling tumino ang isip.
Bahagyang tumungo dahil nahiya sa sarili sa naisip. Only to have her eyes meeting his feet this time. Scrutinizing them. A lump in her throat. His shoes were huge as well, pihadong malaki rin ang paa nito. Big hands, big shoes, big feet, big….OMG! Kung bakit sumisirit sa isip niya ang kapilyahang iyon ay hindi niya mawari. Kagigil naman kasi talaga ang appeal ng isang ‘to.
“We’ll have a table, iinom lang ng konti,” ang kapatid ni Monique na ang tinutukoy ay ang kabilang table na malapit lang sa table na inookupahan nila.
“Why not join us, the more the merrier, right?”
“Thanks Monique, pero baka makaistorbo pa kami sa girl bonding ninyong apat,” ani Harold.
“No, it’s okay, hindi ba girls? Saka post-birtday celebration namin ito ng birthday ko. Don’t want to celebrate with us?,” yaya pa rin nito.
“No, it’s okay Monique. Darating pa kasi sina Gio at Jammil maya-maya lang. Talk about some business ventures. Saka alam mo naman ang dalawang ‘yon magugulo kapag may mga kasamang babae. Baka ma-culture shock pa ang mga kasama mo. Mukha pa naman silang mga naive at prim and proper. Knowing those two, kung anu-anong kalokohan ang pinagsasabi kapag nasa impluwensiya na ng alak.” paliwanag ni Jarred habang natitingin sa kanilang mesa.
At siyempre sa panig nila ay nahihiya rin silang makihalo sa tinuturing na mga prinsipe ng lipunan. Born from well-off families. Samantalang sila’y galing sa kabilang panig ng mundo na puno ng dumi at problema. First time nga nila sa ganitong klase ng lugar. They surely had no common grounds to talk about.
While she noticed his sexy, baritone voice. Very manly. Lakas maka-prince charming. Pakiramdam ni Celia ay ito na ang may pinakamagandang boses ng lalaki na kanyang narinig.
“Okay, if you insist,” pag-give up ni Monique sa pag-invite sa mga ito sa mesa nila.
Saka ay kumaway ang dalawa sa kanila para magpaalam. Matapos ay tinungo na ng mga ito ang isang available table sa may kanan na malapit lamang sa kanila.
“Enjoy guys,” pahabol pa ni Monique habang nakatalikod na ang dalawa.
Habang pinagpapatuloy ang kanilang inuman ay tila lalong umiinit ang pakiramdam ni Celia. Marahil ay dahil sa epekto ng alak na nainom. Kasama na ang hindi niya mapigilang pagsulyap-sulyap kay Jarred. Paano kasi ay nakaupo siya paharap mismo sa kinauupuan nito. Ang totoo’y hindi niya sinasadya ngunit hindi niya malaman kung bakit napapasulyap siya rito. Mamamalayan na lamang niyang nasa line of vision na niya ang guwapong mukha nito. Then her eyes would get stuck on him. My! Guwapo talaga niya. Kahit saang anggulo mo tingnan ay pogi talaga ito. Wala yata itong kapintasan physically-mukha, katawan, height. Ito na yata ang pinaka-perfect na lalaking nasilayan niya sa kanyang tanang buhay. While Jarred who’s having casual conversation with his friend had not once returned a glance her way. Miss Invisible pa yata ang peg ng beauty niya rito. She had been staring at him forever but never had her eyes met his. Tila wala naman itong pakialam sa presensiya niya. At kahit sulyapan pa niy
KINABUKASAN--Mismong si Ma'm Monique ang pumasok ng kuwartong tinulugan ni Celia upang sana’y gisingin ito. Upang sabay sabay na silang mag-almusal at ito na lamang ang wala sa mesa. Only to be greeted with the most surprising event of a lifetime—the most disgracful birthday presence she ever had had. The biggest scandal ever came about the Sandival mansion. Dalawang taong estranghero sa isa’t isa ang magkatabi sa iisang kama sa iisang kuwarto at hubu’t hubad pa man din. Sa pagkabigla sa nakita ay napasigaw si Ma’m Monique. Na siyang naging dahilan upang mabulabog ang buong kabahayan ng Sandival mansion. Ang mga naninilbihang naroon sa mansion. Mga kaibigan at katrabaho ni Celia. Ilang kaibigan ni Jarred na nag-overnight din pala sa mansion. Lahat sila ay tinunton ang sigaw ni Ma’m Monique. Curious for what could have happened. Huli na nang mapagtanto nina Celia at Jarred ang nangyayari. Dali silang nagtakip kapwa ng kumot. Lahat ng tao ay nasa may pintuan sa may doorframe. Iba
Patuloy pa rin siya sa paghahanap ng trabaho. Patuloy pa rin ang buhay. Now, more than ever, was the high time for her to find a job. She needed to have one the soonest. Kailangan na niyang umpisahang mag-ipon. Ilang buwan na lang ay lolobo na ang kanyang tiyan. Ilang buwan pang lilipas ay kailangan na niyang huminto sa trabaho para sa kanyang panganganak. Paano pa kung maging tuluy-tuloy ang pagiging maselan ng kanyang pagbubuntis? Minsan minsan ay nakakaramdam pa rin siya ng bahagyang pagkahilo. Ramdam niya ang pagiging maselan ng kanyang first trimester. But coulnd’t afford to take a rest and stop hunting for a job. She was like racing against time. Paubos na ang ipon niyang pera. At talagang minamalas pa siya sa paghahanap ng trabaho. Ni hindi pa nga siya nakakapagpa-check up sa isang ob-gyne dahil sa kakapusan. Naglalakad sa isang secondary road sa isang business district para maghanap pa rin ng trabaho. Lahat ng online application niya, ni isa hanggang ngayon ay wala pa ring
Unang araw niya sa pagpasok sa trabaho—as one of the hotel's front office receptionists sa dP Beach Tours Resort and Hotel. Hindi pa rin siya makapaniwala. Hindi niya talaga inakalang ang mestisang matandang babaeng nakilala niya at tumulong sa kanya ay siya palang pamilyang may-ari ng no. 1 luxurious resort hotel sa buong Romblon. Talagang bigatin pala ang matandang senyora. Bumaba siya ng main road. My shuttle service na nakaabang para sa mga empleyado mula roon. Nakamamangha na shuttle bus ang itsura ng service nila pero ang gulong ay parang sa mga monster car. She wondered why.Hanggang sa ang kanilang konkretong dinadaanan ay matapos na. The vehicle turned to the sandy part. Bahagi na iyon ng shore ng dagat. Kaya pala iba ang klase ng gulong niyon. Dahil may dadaanang bahagi na buhanginan. Sa daan palang palapit sa kanyang destinasiyon ay nalulula na siya sa istrukturang kanyang nakikita. A massive five-story building, that even from a distance, just by merely looking at it's
Past twelve na noon ng tanghali at siya na lamang ang nasa reception desk. Nakapananghalian na siya. Alternating sila ng schedule ng lunchbreak dahil hindi puwedeng walang tao sa reception counter. Samantalang ang kanyang dalawang co-receptionists ay kasalukuyang out for lunchbreak. Hanggang sa may dumating na package from a known courier service company. Itinuro siya ng mga guard sa entrance para ipagkatiwala ang brown envelope. Nakalagay ang pangalang Johnny Reid del Prado as consignee at may memo na urgent sa envelope. Tumawag siya sa intercom para ipakuha kay Mang Tasyo na siyang messenger ng kumpanya ang package. Pero ayon sa sumagot ay wala si Mang Tasyo at nautusan daw sa labas. She was reminded of the urgent memo. Wala siyang ideya kung para saan ang envelope o kung ano ang nilalaman niyon. Pero kung naka-label ito ng urgent ay kailangang maiabot iyon sa CEO office sa lalong madaling panahon.Pero wala si Mang Tasyo para gawin iyon. Kung ipagkatiwala niya sa iba, sagutin
Kung nung unang araw sa trabaho, ang pumukaw ng kanyang atensiyon ay ang napakalaking istruktura ng hotel resort, ngayon naman ay ang malawak na dagat. Habang binabagtas ng shuttle service ang bahaging buhanginang parte ng shore ay hindi naalis ang tingin niya sa dagat. Nang-eengganyo ang asul na asul na kulay nito. The morning sun rays hitting the water surface reflecting gleaming effect. Kumikinang iyon na para bang tinitirhan ng libong bituin. Kaysarap sigurong maligo sa malinis na tubig nito. Hanggang sa pumasok na ang shuttle service sa mismong property ng hotel. Her second day at work. Kahapon ay maraming kagulat-gulat na pangyayari. Nawa’y maging iba naman ang istorya ngayon. A little bit more tame and peaceful. A little bit wiping of her table and chair saka ay naupo na siya. Had things to do so she became totally occupied of her work. Ilang sandali pa ay may dumating na VIP. Muli ay ang pagparada ng luxury BMW car sa harap ng hotel. The CEO had just arrived. Ang posibil
Bahagya siyang nahuhuli sa paglakad kay Jarred. Sinusundan niya kasi ang hakbang nito at direksiyon kung saan patungo. Nasa may bandang kanan siya nito. Saka ay lumiko sila sa may direksiyon patungong elevator’s door. Nang bumukas iyon ay lumulan sila. Pinindot nito ang second floor button tapos ay close button. Saka ay nagka-ideya siya kung saan posible ang tungo nila. Hindi nga ba at niyaya siya nito to have lunch with him. No! Can’t be for real. She had the feeling na sa pamosong ‘The Grand Spices’ ang destinasiyon nila. The hotel’s premier restaurant brand. Nasa second floor kasi iyon at iyon lang ang kainan sa floor na iyon. The most prestigious and awarded as michelin-star restaurant ng hotel resort. Isa sa mga ipinagmamalaki ng dp Luxe Hotel. A fusion of the words best food to offer. Mga piling putahe lang mula sa iba’t ibang parte ng mundo ang kasama sa menu. May mga iba pang restaurant sa hotel. But they held less prestige than ‘The Grand Spices.’Hindi pa siya nakakapasok
Very early in the morning ay may biglang hindi inaasahang naging bisita sa counter.“Good morning Miss Celia Mendoza.”Dahil sa busy sa computer works as nature ng kanyang trabaho ay hindi niya namalayan ang paglapit ni Candice sa may reception counter. Nagulat na lamang siya ng may biglang marinig na boses kaya siya napabaling at napalingon. Lalo’t narinig niya ang kanyang pangalan na binanggit nito.”M-Ma’m Candice!,” gulat na gulat siya nang makita ito. Matapos ay tumayo siya bilang respeto na rin. Saka ay humarap dito.“Indeed I am. Nagulat ka ba? Hindi mo ba ako inaasahang makita this very early in the morning, Miss…Mendoza?,” she sealed it with a meaningful smile. And the smile didn’t seat pleasant and amiable to her. Para bang may kakaiba at malisyosong kahulugan sa ngiting iyon.“Kumusta nga pala ang date mo with my boyfriend kahapon?”“P-Po, M-Mam?”That sweet evil smile again. “Maang-maangan ba ang peg Miss Mendoza?”Matapos ay pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hang
Mula nang bumalik si Jarred sa hotel ay hindi siya mapakali. Walang saglit na nawala sa isip niya ang tungkol sa pagbubuntis ni Celia. Kung bakit may agam-agam pa rin sa panig niya na basta na lamang lubusang maniwala sa sinabi nito. Sa kabila ng assurance nito na imposible ang chance na siya ang ama ng batang ipinagbubuntis nito. May bahagi sa kanyang pagkatao na tila nag-aatubiling basta na lamang tanggapin iyon bilang gospel truth. Nangungumbinsi sa kanyang magsiyasat. Upang makasigurado. May posibilidad bang magsinungaling sa kanya si Celia?Hindi niya mawari. Ngunit hindi naman imposible kung sakali. Sa kung anong kadahilanan. Wala naman siyang maisip. Something personal mightbe.Hindi nga ba’t ang sabi nito ay five weeks pregnant ito. At ang namagitan sa kanila ay nangyari anim na buwan na ang nakakaraan.Tama! Dapat sana kanina pa sa ospital, bago siya umuwi ay nag-usisa na siya. Tinanong ang doktor na tumingin kay Celia. Just to double check kung accurate ang bilang nito. O k