Nagising siya na may piring ang mga mata at nakatali ang mga kamay at paa. Pinakiramdaman niya ang paligid, nakahiga siya sa isang matigas na higaan at may naamoy rin siya na tila nag iihaw. Sinubukan niyang bumangon ng bahagya at pilit inaalis ang tali sa kanyang kamay, subalit sobrang higpit nito. Ginalaw galaw niya ang mga paa para sana lumuwag ang pagkakatali niyon subalit bigla namang bumukas ang pintuan at may boses ng lalaki ang biglang nag salita.
“Gising na pala ang bisita natin eh!” palatak nito. Naramdaman niya ang paglapit nito sa hinihigaan niya at ganoon din ang pag upon ito malapit sa kanya.
“Sino ka? Bakit mo ko dinala dito? Anong kailangan niyo?” matapang niyang tanong dito. Ayaw niyang ipahalata na natatakot siya. naramdaman niya ang pag haplos nito sa pisngi niya subalit mabilis niyang iniwas ang mukha dit
F*ck! F*ck! He cursed. Mag-dadalawang araw ng nawawala si Emy at hanggang ngayon wala pa ring lead na nakukuha ang mga imbestigador kung sino ang maaaring dumukot sa asawa. Siya dapat ang susundo dito ng araw na naroon ito sa bahay ng mga kaibigan, subalit na huli lang siya ng sandali dahil dumaan pa siya sa flower shop sa bayan at nag pa-reserve ng dinner sa restaurant roon. Balak niya kasi sorpresahin sana ang asawa. Pero pagdating niya sa bahay ni Cheska, nagkakagulo ang mga tao roon at may pulis na rin.Ibinalita ng dalawang kaibigan nito na dinukot si Emy ng mga lalaking armado sakay ng isang itim na Van, hindi nila nakilala ang mga lalaki dahil mga naka mask ang mga iyon, wala rin plate number ang van na gamit. Halos mag wala siya sa nalaman na nawawala na naman ang asawa. Halos isang linggo pa lang silang nagkasama tapos ganito naman ang nangy
Biglang naalimpungatan si Emy ng bumukas ang pinto ng kubo, bumangon siya ng makita niya na si Migo iyon at may dalang pagkain niya.Ngumiti siya dito ng ilapag nito ang pinggan na may lamang dalawang pirasong kamote at isang tasa ng kape."Salamat Migo,"Tumango ito sa kanya at pagkatapos ay inalis ang tali sa kanyang kamay."Ka...kaka...in ka...na" utal nitong sabi sa kanya. Kumuha siya ng kamote at binalatan iyon at kumagat. Habang nanguya siya ay nakatingin lamang ito sa kanya kaya inalok niya ito ng kamote. Gaya ng inaasahan niya ay tumanggi lamang ito."Masarap ang kape mo," puri niya dito ng makahigop siya ng kape. sinusubukan niya kasing kunin ang loob sana nito."Sasasa....lamammat. Ka..kai
Kasalukuyang silang nagmamanman ng grupo nila sa Sebastian sa hideout ng hinihinala nilang dumukot sa kanyang asawa, ganoon pa rin ang dami ng mga bantay at pawang mga armado ang mga ito. Nag sama si Sebastian ng mga pulis at binigyan din siya nito ng baril para kaya niyang ipagtanggol ang sarili.May tatlong oras na silang namamasid sa paligid ng maulinigan nila na may paparating na sasakyan, kaagad silang nag kubli sa mga makakapal na damo at likod ng mga puno. Kitang kita niya ng bumaba mula roon sina Don Gustavo at ang dalawang lalaki na kasama nito.He is not familiar with the other two men pero kay Don Gustavo sa ama ni Nicole lubha siyang nagulat. Di yata tama ang hinala ng mga kaibigan ni Emy na may kinalaman dito sina Nicole.He clenched his fist in anger. Hindi niya alam ang motibo ng mga ito kung bakit nila ginawa iyon sa asaw
“Emy!” kaagad pumasok sa loob ng kubo si Damian, pero hindi niya roon nadatnan ang asawa. Lumabas siya ng kubo at hinanap ito.F*ck! Emy where are you!“What happened?” tanong agad ni Sebastian ng makalapit ito sa kanya.“Wala si Emy sa loob, ang hula ko ay nakatakas ito at nakatakbo. Kailangan ko siyang hanapin.”Nasukol na lahat ng mga kasama nilang pulis ang mga tauhan ni Don Gustavo maging ang matanda at ang isa sa mga anak nito. Pero ang isang anak pa nito ay hindi nila matagpuan.“Nawawala ang isang kasama ni Don Gustavo na lalaki. Baka hinabol nito si Emy.” Sabi pa niya.Tinulungan siya ni Sebastian na hanapin at tuntunin si Emy, may mga nakita silang mga patak ng dugo sa daan kaya iyon ang sinundan nila.Habang papasok sila sa loo
“Sir, we already searched this area, pero bigo kaming makita ang asawa mo,” malungkot na balita sa kanya ng coast guard. Isang buwan na rin nilang hinahanap si Emy pero hanggang ngayon ay wala pa rin balita sa kanya ang mga ito.Parang bangungot na paulit-ulit na bumabalik sa gunita niya ang nangyari dito, he almost killed that bastard na bumaril sa asawa niya.Niligtas siya ni Emy pero ito naman ang napahamak at nahulog mula sa cliff na iyon. Ayon sa mga coast guard ang area na iyon ay masyadong malakas ang current o alon at imposibleng may maka-survive doon.Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa, alam niya buhay ang asawa at makikita niya ito.“Still look for other areas, sa mga kalapit isla, sa mga nangingisda sa lugar for pete sake hanapin niyo ang asawa ko! I am not paying you for a huge amount of money
Sobrang daming tao ngayon dito sa dalahican fort, alas tres pa lang ng madaling araw pero sobrang dami ng Bolante ng mga isda ang dumating. Ang iba dito ay galing pa sa malalayong lugar at dito talaga pumupunta para mamakyaw ng panindang isda. Uso dito ang bulungan, noong bago-bago pa lang siya dito ay hindi niya alam ang Sistema kaya madalas ay tamang kitaan lang naiuuwi niya pero ngayon ay medyo sanay na siya kaya kumikita na siya ng malaki.Sabi ng kaibigan niyang si Letty malaking bentahe din daw ang itsura niya kaya mas maraming Bolante ang lumalapit sa kanya. Marami na din ang nag papalipad hangin sa kanya na mga kapwa niya tindero dito sa fish port pero wala siya ni-isa sa mga iyon ang pinapansin dahil pakiramdam niya kasi ay hindi dapat at hindi tama. Ewan ko ba pero feeling ko may tao akong hinihintay.“Oi Lenie ubos na agad ang pani
“Are you sure, na dito nakatira ang babaeng ito?” ulit niyang tanong sa bangkerong sinakyan niya patungo sa Buenavista Marinduque. May nakapag-sabi kasi sa kanya doon sa dalahican port na dito nakatira sa Buenavista ang hinahanap niya. Ayon sa mga ito ay Lenie raw ang pangalan ng babae sa larawan.Bigla tuloy siyang napa-isip kung kamukha nga lang ba ito ng asawa at ibang tao talaga ito. Para makatiyak ay minabuti niyang puntahan ang lugar na sinabi sa kanya ng mga tindero sa fish port. Nag pahatid siya sa bangkero dito sa Buenavista. Nag pasalamat siya sa bangkero at binayaran na ito.Nag hanap siya agad ng maaaring matuluyang hotel roon, balak niyang mag stay roon ng ilang araw para umpisahan ang pag hahanap sa ‘Lenie’ na iyon. Isang simpleng hotel ang nahanap niya, ayos na rin dahil malinis naman.Tumingin siya
Damian decided to follow Emy or Lenie whatever her name is, sumakay din siya ng tricycle at sinabihan ang driver na sundan lamang iyong huling umalis na tricycle. He is certainly sure na ang Lenie na iyon ay si Emy ang kanyang asawa, nararamdaman niya dahil sa bilis ng pintig ng puso niya. Maski ang boses nito ay pareho ng sa asawa niya kaya imposibleng ibang tao ito.Nang makita niyang bumaba ang dalaga at pumasok pa loob sa tila masukal na gubat, sumenyas siya sa driver na itigil ang tricyle at hintayin siya roon. Pasimple niyang sinundan ang dalaga ng pumasok ito sa loob ng masukal na gubat. Hindi siya sigurado kung may bahayan nga ba roon. Bumalik siya sa tricycle driver at tinanong kung anong lugar ang nasa looban ng gubat.“Meron sir mga ilang residente ang nakatira diyan, ligtas naman ho diyan kahit ganyan na masukal,” sabi ng dr
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Damain, he is currently in his office here in Makati, abala ang isip niya tungkol sa asawang si Emy at sa sinabi nito sa kanya noong nagdaang gabi. Sa totoo lang kahit siya ay napapaisip na rin kung bakit siya na lamang ang hindi matandaan nito, ang mga memories nila together simula noong una hanggang sa bago ito mawala one year ago. Yes, isang taon na rin ang lumipas simula ng mawala ito, at mahigit tatlong buwan na rin silang mag kasama simula ng matagpuan niya ito sa Buenavista.Hindi niya lubos na maintindihan kung bakit hindi pa rin siya matandaan ng lubusan ng asawa. Kahit ang mga doctor ay hindi rin sila mabigyan ng wastong sagot sa tanong nilang iyon. Palagi niyang sinasabi kay Emy na mag hintay lamang at babalik din sa dati ang lahat, pero pakiramdam niya ay malabo na iyon mangyari."Why the long face, bro?" it was Albert their CFO and his friend. Pinatawag niya ito dahil gusto niy
Habang binabasa ni Emy ang mga nakasulat sa diary niya ay di niya maiwasang kiligin at mainis sa sarili. Totoo nga pala ang sinasabi ng damuhong Damian na iyon! siya pala talaga ang patay na patay dito noong high school pa siya hanggang sa mag kolehiyo siya. Ang dami niyang ginawang pag papapansin at kapilyahan dito lalo na sa mga nililigawan nito noong araw.Hmp! kahit pala noon napaka lapitin na nito sa mga babae! inis niyang sabi sa sarili.Tuloy tuloy pa rin niyang binasa ang nilalaman ng kanyang diary, habang si Damian naman ay tumigil na rin sa pangungulit sa kanya na buksan ang pinto, marahil naisip nitong bigyan siya ng oras para matapos basahin ang nilalaman ng tala-arawan niya na iyon. Kaso habang palayo ng palayo ang mga pahina ay lalong nadagdagan ang kahihiyang nararamdaman niya sa isiping n
"Emy?? ikaw nga ba iyan hija?" ang naluluhang tanong ng matandang pari na ngayon ay nakaratay na lamang sa kanyang higaan. Bumuhos ang masaganang luha sa kanyang mga mata ng muling masilayan ang paring nag-alaga sa kanya at nagbigay ng panibagong pag-asa sa kanya noon.Lumapit siya sa kama nito at sinalubong ng yakap ang matanda. Para na itong ama sa kanya, ang mga payo at gabay nito noon ang nag silbing tanglaw niya para mag patuloy sa buhay, higit sa lahat binigyan siya nito ng bagong tahanan noong mga panahon hindi niya alam kung saan siya pupunta. Bigla ang pag daloy ng alaala sa kanya sanhi para matigilan siya ng bahagya. Napahawak siya sa sariling ulo, at parang tila kidlat na gumuhit sa kanyang isipan ang isang sakuna noon sa buhay niya.Nakita niya ang sarili na nakabitin sa isang bangin at tila may isang
Pag dating nila sa hospital sa Maynila ay agad siyang inasikaso ng doctor na kilala at malapit sa pamilya nila Damian, Si Doctor Estevan. isa itong sikat na nuerosurgeon sa bansa.Isinalang kaagad siya sa mga series of test at sinabihan na kailangan muna nila manatili sa hospital na iyon at hintayin ang resulta ng mga examination na ginawa sa kanya. Maraming agam agam ang pumapasok sa isipin ni Emy, pilit niyang inaalala ang nakaraan nila ni Damian ngunit kahit anong pilit niya ay wala talaga siyang makapa kahit na anong munting memories na kasama ito.Batid niyang nag sasabi ng totoo si Damian sa kanya at maging ang mga tao sa paligid niya, ngunit kung bakit ang isip niya ay wala man lang mahagilip kahit kaunti na alaala nito."Doc, bakit wala akong maalala tungkol sa asawa ko? bakit ang ibang mga tao sa paligid ko ay
Isang marahang tapik sa kanyang pisngi ang nag pagising kay Emy, si Damian iyon, buong pagmamahal itong nakatunghay sa kanya habang marahang hinahaplos ang kanyang pisngi.“We’re here, nakatulog ka sa biyahe.”Pupungas pungas siyang nag mulat ng mata at marahang iginala ang tingin sa labas ng sasakyan. Nakahinto sila ngayon sa labas ng isang malaki at mataas na gate na bakal. Sa ibabaw niyon ay naka ukit ang “Haciena Dela Cuesta”.Inalalayan siya ni Damian na makalabas ng sasakyan ng ganap na silang makapasok sa loob ng solar ng malawak na hacienda. Napakaganda ng bahay ng mga ito, pinag-halong Spanish and filipino style. Matayog ang tindig ng Mansion nila Damian, ang matingkad na kulay puti nitong pintura ay mas lalong nag bigay ng ambiance ng Spanish st
Nakabalik na sila ni Damian sa bahay nila, sinamantala nila na medyo humina ang ulan ng mag pasya sila na umalis na sa kweba at umuwi sa bahay nila. Sinalubong agad sila ng kaniyang ina at binigyan sila ng tig-isang tuwalya.Naligo na rin siya dahil basa na rin naman sila ng ulan habang pauwi. Matapos maligo at makapag bihis ay nadatnan niyang nag uusap sa sala ang kanyang ama at si Damian, mukhang masinsinan ang pag-uusap ng dalawa. Nakapag bihis na rin si Damian ng tuyong damit.Ewan ba niya pero simula ng isalaysay ni Damian sa kanya ang nangyari noon, may kung anong mga imahe na ang nabubuo sa kanyang isip. Mga mukha ng tao na pilit niyang inaalala kung sino at kung ano ang kaugnayan sa kanya. Ang nakakapagtaka lang ay bakit hindi niya makita sa balintanaw niya ang mukha ni Damian.Batid niyang may
Hindi na niya napigilan pa ang sarili niya ng mag tama ang mata nila ni Emy or Lenie, kaagad niya itong hinalikan ng may pananabik. Ang plano niya na dahan-dahanin ito ay hindi rin nangyari, masyadong makapangyarihan ang nararamdaman niyang pananabik para sa asawa.Muli niya itong siniil ng halik at ng hindi ito tumutol ay pinagapang niya ang mga kamay sa likuran nito, pinaloob niya ang kamay sa suot nitong maluwang t-shirt at dinama ang ibabaw ng dibdib nito. Kahit may suot pa itong panloob ay damang dama niya ang init na nagmumula dito. napakislot pa ito ng marahan niyang pisilin iyon, akala niya ay magagalit ito subalit matagal lamang siya nitong tinitigan na wari ay may nais sabihin.“Please tell me not to stop Emy, I’ve longed for this,” sumamo niya dito.Hindi ito sumagot sa kanya sa halip ay ito ang kusang humalik sa kanya. Bahagya siyang nagulat sa ikinilos nito subalit sa kaibutan ng puso niya
Inabala ni Lenie ang sarili sa iniinom niya na kape para lang di niya makita ang mga pasimpleng sulyap sa kanya ng binata habang nag sisibak ito ng kahoy. Bawat hampas nito ng palakol ay lumalabas ang mga masel nito sa braso. Nakasuot din ito ng white t-shirt at maong pants, lalo tuloy itong nag mukhang sexy model sa paningin niya. Hindi niya mapigilang mapalunok sa tuwing dadako ang tinging niya sa mukha nito na ngayon ay pawis na pawis na.Halos mabuga niya ang iniinom na kape ng bigla itong mag hubad ng t-shirt dahil basa na iyon ng pawis. Kahit malamig naman ang panahon dahil may paparating na bagyo pakiramdam niya pinagpapawisan rin siya, kaya naman tumayo na lamang siya at pumasok sa loob ng bahay dahil baka mag kasala pa ang kanyang mga mata.Lihim naman napangiti si Damian sa inakto ni Lenie, kahit na may amnesia ito ang gawi nito ay di pa rin nagbago. Madali pa rin itong mailang sa kanya kahit na ba ilang beses na rin nilang nakita
Kinabukasan nga ay naging bisita nila Lenie si Damian sa pahintulot na rin ni Mang Ramon, kasalukuyang nasa likuran ng bahay ang tatay ni Lenie at nag aayos ng kanilang lambat ng dumating si Damian.Kaagad naman siyang nakita ni Lenie mula sa kanilang bintana at mabilis na isinara iyon. Tinungo niya ang kusina kung saan naroon ang ina at sinabi dito na nasa labas lamang ng bahay nila iyong lalaking nag sasabi na asawa niya.Maya-maya lang ay nakarinig sila ng mahinang katok kaya no choice siya kundi ang buksan ang pinto. Alam niya na ito ang kumatok at naihanda na rin niya sana ang sarili para sungitan ito subalit tila na na batubalani naman siya sa ganda ng smile nito ngayon sa kanya.Ano ba Lenie! Nag smile lang para ka ng nawala sa sarili! Lihim na kastigo niya sa sarili, pinaseryoso niya ang mukha at salubo