“Are you sure, na dito nakatira ang babaeng ito?” ulit niyang tanong sa bangkerong sinakyan niya patungo sa Buenavista Marinduque. May nakapag-sabi kasi sa kanya doon sa dalahican port na dito nakatira sa Buenavista ang hinahanap niya. Ayon sa mga ito ay Lenie raw ang pangalan ng babae sa larawan.
Bigla tuloy siyang napa-isip kung kamukha nga lang ba ito ng asawa at ibang tao talaga ito. Para makatiyak ay minabuti niyang puntahan ang lugar na sinabi sa kanya ng mga tindero sa fish port. Nag pahatid siya sa bangkero dito sa Buenavista. Nag pasalamat siya sa bangkero at binayaran na ito.
Nag hanap siya agad ng maaaring matuluyang hotel roon, balak niyang mag stay roon ng ilang araw para umpisahan ang pag hahanap sa ‘Lenie’ na iyon. Isang simpleng hotel ang nahanap niya, ayos na rin dahil malinis naman.
Tumingin siya
Damian decided to follow Emy or Lenie whatever her name is, sumakay din siya ng tricycle at sinabihan ang driver na sundan lamang iyong huling umalis na tricycle. He is certainly sure na ang Lenie na iyon ay si Emy ang kanyang asawa, nararamdaman niya dahil sa bilis ng pintig ng puso niya. Maski ang boses nito ay pareho ng sa asawa niya kaya imposibleng ibang tao ito.Nang makita niyang bumaba ang dalaga at pumasok pa loob sa tila masukal na gubat, sumenyas siya sa driver na itigil ang tricyle at hintayin siya roon. Pasimple niyang sinundan ang dalaga ng pumasok ito sa loob ng masukal na gubat. Hindi siya sigurado kung may bahayan nga ba roon. Bumalik siya sa tricycle driver at tinanong kung anong lugar ang nasa looban ng gubat.“Meron sir mga ilang residente ang nakatira diyan, ligtas naman ho diyan kahit ganyan na masukal,” sabi ng dr
I know that she is my wife, but I need to figure out something why she can’t remember me. Her looks, voice, her eyes and even the way she talks, lahat katulad na katulad ng sa asawa niya. Imposible naman na mag-kaibang tao ang mga ito gayong parehong-pareho ang itsura nila. He suddenly remembers the kiss they shared a while ago, her warmth lips and her sweet moan that makes me back the day when we first consumed our marriage, it brings me back to the nights when we hold each other so tight.Kailangan ko ng umisip ng ibang paraan kung paano mapapalapit sa kanya. Mahinang usal niya sa sarili. Bigla naman niyang naalala ang kasama ni Mang Pilo kanina, si Mang Ramon. Ayon kay Mang Pilo ay ito ang ama ni Lenie, batid niyang mahihirapan siya kung dederetso siya kay Lenie ng pakikipag-usap kung kaya naisip niya na kausapin muna ang kinikilala nitong m
Matamang inusisa ni Mang Ramon ang kanyang mga ID’s at calling card.“Isa ka pa lang mataas na tao at mayaman?”“Ang pamilya namin ay kilala sa probinsiya ng Rizal Mang Ramon, si Emy ay kinupkop ng mga magulang ko noong teenager ito at pinag-aral. Itinuring itong tunay na anak ng mga magulang lalo na ng Mama ko. Kaya naman sobra ang naging kalungkutan nito ng mawala ito.” Lumambot ang tinig niya dahil naalala na naman niya kung gaano sila naging miserable ng mawala si Emy.“Natagpuan ko siya na palutang lutang sa laot anim na buwan na ang nakakaraan,” panimulang saad ni Mang Ramon, napatingin siya dito at hinintay ang susunod nitong sasabihin. Sa puso niya ay mas lalo siyang nabubuhayan ng pag-asa na ito ang kanyang asawa.“May sugat siya sa ibat-ibang parte ng katawan nya, meron
Kinabukasan nga ay naging bisita nila Lenie si Damian sa pahintulot na rin ni Mang Ramon, kasalukuyang nasa likuran ng bahay ang tatay ni Lenie at nag aayos ng kanilang lambat ng dumating si Damian.Kaagad naman siyang nakita ni Lenie mula sa kanilang bintana at mabilis na isinara iyon. Tinungo niya ang kusina kung saan naroon ang ina at sinabi dito na nasa labas lamang ng bahay nila iyong lalaking nag sasabi na asawa niya.Maya-maya lang ay nakarinig sila ng mahinang katok kaya no choice siya kundi ang buksan ang pinto. Alam niya na ito ang kumatok at naihanda na rin niya sana ang sarili para sungitan ito subalit tila na na batubalani naman siya sa ganda ng smile nito ngayon sa kanya.Ano ba Lenie! Nag smile lang para ka ng nawala sa sarili! Lihim na kastigo niya sa sarili, pinaseryoso niya ang mukha at salubo
Inabala ni Lenie ang sarili sa iniinom niya na kape para lang di niya makita ang mga pasimpleng sulyap sa kanya ng binata habang nag sisibak ito ng kahoy. Bawat hampas nito ng palakol ay lumalabas ang mga masel nito sa braso. Nakasuot din ito ng white t-shirt at maong pants, lalo tuloy itong nag mukhang sexy model sa paningin niya. Hindi niya mapigilang mapalunok sa tuwing dadako ang tinging niya sa mukha nito na ngayon ay pawis na pawis na.Halos mabuga niya ang iniinom na kape ng bigla itong mag hubad ng t-shirt dahil basa na iyon ng pawis. Kahit malamig naman ang panahon dahil may paparating na bagyo pakiramdam niya pinagpapawisan rin siya, kaya naman tumayo na lamang siya at pumasok sa loob ng bahay dahil baka mag kasala pa ang kanyang mga mata.Lihim naman napangiti si Damian sa inakto ni Lenie, kahit na may amnesia ito ang gawi nito ay di pa rin nagbago. Madali pa rin itong mailang sa kanya kahit na ba ilang beses na rin nilang nakita
Hindi na niya napigilan pa ang sarili niya ng mag tama ang mata nila ni Emy or Lenie, kaagad niya itong hinalikan ng may pananabik. Ang plano niya na dahan-dahanin ito ay hindi rin nangyari, masyadong makapangyarihan ang nararamdaman niyang pananabik para sa asawa.Muli niya itong siniil ng halik at ng hindi ito tumutol ay pinagapang niya ang mga kamay sa likuran nito, pinaloob niya ang kamay sa suot nitong maluwang t-shirt at dinama ang ibabaw ng dibdib nito. Kahit may suot pa itong panloob ay damang dama niya ang init na nagmumula dito. napakislot pa ito ng marahan niyang pisilin iyon, akala niya ay magagalit ito subalit matagal lamang siya nitong tinitigan na wari ay may nais sabihin.“Please tell me not to stop Emy, I’ve longed for this,” sumamo niya dito.Hindi ito sumagot sa kanya sa halip ay ito ang kusang humalik sa kanya. Bahagya siyang nagulat sa ikinilos nito subalit sa kaibutan ng puso niya
Nakabalik na sila ni Damian sa bahay nila, sinamantala nila na medyo humina ang ulan ng mag pasya sila na umalis na sa kweba at umuwi sa bahay nila. Sinalubong agad sila ng kaniyang ina at binigyan sila ng tig-isang tuwalya.Naligo na rin siya dahil basa na rin naman sila ng ulan habang pauwi. Matapos maligo at makapag bihis ay nadatnan niyang nag uusap sa sala ang kanyang ama at si Damian, mukhang masinsinan ang pag-uusap ng dalawa. Nakapag bihis na rin si Damian ng tuyong damit.Ewan ba niya pero simula ng isalaysay ni Damian sa kanya ang nangyari noon, may kung anong mga imahe na ang nabubuo sa kanyang isip. Mga mukha ng tao na pilit niyang inaalala kung sino at kung ano ang kaugnayan sa kanya. Ang nakakapagtaka lang ay bakit hindi niya makita sa balintanaw niya ang mukha ni Damian.Batid niyang may
Isang marahang tapik sa kanyang pisngi ang nag pagising kay Emy, si Damian iyon, buong pagmamahal itong nakatunghay sa kanya habang marahang hinahaplos ang kanyang pisngi.“We’re here, nakatulog ka sa biyahe.”Pupungas pungas siyang nag mulat ng mata at marahang iginala ang tingin sa labas ng sasakyan. Nakahinto sila ngayon sa labas ng isang malaki at mataas na gate na bakal. Sa ibabaw niyon ay naka ukit ang “Haciena Dela Cuesta”.Inalalayan siya ni Damian na makalabas ng sasakyan ng ganap na silang makapasok sa loob ng solar ng malawak na hacienda. Napakaganda ng bahay ng mga ito, pinag-halong Spanish and filipino style. Matayog ang tindig ng Mansion nila Damian, ang matingkad na kulay puti nitong pintura ay mas lalong nag bigay ng ambiance ng Spanish st