Vreihya's P.O.VHiyang-hiya ako ngayon na humarap at magpakita kay Mino na alam kong nasa likuran ko lang. Tila gusto ko na lamang bumuka ang lupa at magpakain nang buo. Buong akala ko kanina ay isa lamang siya sa mga ilusyon ng diwata.Hindi ko alam pero parang gusto ko na lamang maglupasay at mamato ng kung ano-ano habang tila nag-iinit nang husto ang aking pisngi. Matindi na ang kaba at pamumula ng aking pisngi dahil sa nangyari at pakiramdam ko ay napakaliit ng lugar na ito para sa aming dalawa.Gusto ko magtatakbo upang hindi ko muna siya makita o maramdaman. Dyosang kataas-taasan, kunin niyo na ako pakiusap. Hiyang-hiya na ako sa aking pinaggagagawa kanina. Ngayon lamang ako nahiya nang ganito sa buong buhay ko.Mas lalo pang nagwala nang husto ang aking dibdib at nanghina ang aking tuhod dahil sa narinig ko ang malalim niyang paghinga na tila pa niyayanig ang pagkatao ko dahil sa nangyari kanina. Utang na loob gusto ko na talagang magtatakbo! Naiiyak na ako!Agad akong napating
Agad akong luminga-linga sa aking paligid habang ramdam ko ang pagyakap sa akin ng malamig na tubig. Agad ko siyang nakita na bahagyang malayo sa akin at hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at lumangoy ako nang mabilis.Nang malapitan ko na si Mino ay marahan kong tinapik ang kaniyang pisngi. Marahan siyang nagmulat ng kaniyang nanghihinang mata ngunit marahan din siyang pumikit na muli. Entrante! Hindi! Hindi ka maaaring mamatay habang nandirito ako.Marami tayong dapat pag-usapan at linawin patungkol sa ating dalawa. Hindi mo ako pwedeng iwan! Hindi na ako nag-atubili pa at muling inangkin ang kaniyang mga labi ngunit sinikap ko na mabibigyan ko siya ng hangin na kaniyang kailangan.Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi upang mas idiin siya sa akin. Hindi mo na ako maaaring iwan Mino pagkatapos ng mga pinakita at pinaramdam mo sa akin. Wala kang karapatan na basta na lamang mawala.Pagbabayaran mo ang naging epekto mo sa aking sistema! Hindi ako makakapayag na iiwan mo ako na m
Third Person's P.O.VMabagal na ininom ni Circa ang kaniyang inumin sa magarang baso na tangan niya sa kaliwa habang hindi naalis ang paninitig niya sa magkasayaw na mortal at prinsesa. Ngumisi ito at bahagyang umiling tsaka inayos ang takas niyang buhok."Vreihya doesn't changed a bit. Kailangan pa talaga takutin na aagawan bago niya ipaglaban ang isang bagay," natatawa niyang pahayag sa kausap sa katapat na lamesa. They are at the table at the corner of where the two are dancing ngunit hindi sila nakikita o nararamdaman."So you're not really into the mortal?" tanong lamang ng kausap habang malungkot ang mga mata na nakatitig sa prinsesang nakatitig sa mga mata ng mortal habang ramdm nito ang pagtibok ng kanilang mga puso."No! But he has my interest," makahulugan lamang na pahayag ng diwata. "He is not a typical human na madaling akitin. At first I thought that was easy yet upon discovering everything..." bahagya niyang itinigil ang pahayag tsaka tumitig sa kaniya ang kausap."Care
Vreihya’s P.O.V“I guess I am falling for you! A feeling that I tried to control yet succeeded to deepen,” he said slowly yet full of sincerity. Hindi ko alam kung bakit pero tila huminto ako sa aking paghinga. Agad kong sinapo ang aking dibdib habang nangangatal ang aking kamay.Tila umatras ang aking dila at nawalan ako ng kakayahan na magsalita. Damn! I froze! Paano ba ang tamang reaksyon sa ganito? Ano ba ang dapat sabihin? Ano ba ang tamang gawin kapag nasa ganitong pagkakataon.Bakit ba ako kinakabahan? Bakit ba ako tila hindi mapakali? Tiyo! Ina! Hindi ko alam ang aking gagawin! Bahagya akong napakagat sa ibabang bahagi ng aking labi dahil sa halo-halong nararamdaman ko ngayon.Kinakabahan ako ngunit hindi ko mapigilan ang ngiti na gustong mamutawi sa aking mga labi. Tila sinilaban ang aking pisngi dahil sa matindi nitong pag-iinit. HIndi ko alam ngunit isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib dahil sa matindi kong pamumula.Tila hindi ko kayang salubungin ang kaniyang
Third Person's P.O.V"Vreihya!" malakas na sigaw ni Mino pagkatapos niyang sumalampak sa mababaw na tubig. Unang hinanap ng kaniyang mga mata ang binibini ngunit nabigo siyang masilayan ang pigura nito. Kadiliman ang siyang nakapalibot sa kaniya habang may liwanag na sa kaniyang lamang nakatutok.Sa kaniyang pagtingin sa tubig na hanggang tuhod niya lamang ay hindi niya maiwasan na mapahanga sa kalinisan nito. Malinaw niyang nakikita ang kaniyang repliksyon sa tubig na bahagyang gumagalaw dahil sa kaniyang pagkakasalampak dito.Bahagya siyang napatulala sa tubig habang tila nakakarinig siya ng mahihinang bulong. Ilang segundo pa siyang tumitig dito habang hinihintay na tumigil sa paggalaw ang tubig na kaniyang kinatatayuan. "Mino," bahagya siyang natigilan dahil sa tinig na tumawag ng kaniyang pangalan."Nakalimutan mo na ba lahat?" muling saad ng tinig na batid niyang nanggagaling sa tubig na kaniyang kinatatayuan. Bahagya siyang napaatras dahil sa narinig niyang tila umiiyak na tini
Third Person's P.O.V"Anong nangyari?" mabilis na napasinghal si Mino nang makita niya ang nanghihinang katawan ng diwata na nakasandal sa isang malaking puno. Umiiyak sa tabi nito si Kypper habang marahan na tinatapik ang pisngi ng diwata upang hindi ito tuluyang pumikit."Papa!" malakas na humagulgol ang batang lobo habang mabilis na lumapit si Mino sa duguan na katawan ng diwata. Mabilis na tumakbo si Kypper sa kaniyang mga bisig at nang buhatin niya ito ay bakas ang matinding panginginig."Don't ever try to follow her!" nahihirapan ngunit madiin na utos ng diwata. "You're bleeding!" mabilis na sagot ni Mino habang hindi na magkamayaw si Kypper sa pag-iyak. "Don't worry about me, hindi pa ako mamamatay," mahinang sagot ng diwata.Agad niyang pinilit ang kaniyang katawan na makatayo at mahinang sumandal sa malaking puno. Sapo-sapo niya ang kaniyang nagdurugong tagiliran. Marahas niya ding pinahid ang dugong lumabas sa kaniyang bibig.Mino can't help but to worry about what just happ
Mino P.O.VI have never been this scared my whole life but… I also never had felt this way for a girl especially for a vampire. I want to punch myself for feeling this way towards a creature that I despised my whole life. Even I, can’t believe that I ended up feeling this way for her.I am just a normal human being, nothing special to be exact. I am a man that was born with golden spoon on my mouth. I fell in love before, I’ve been hurt, I’ve been left behind but now… I feel like I am the one on the peak of leaving her.I am scared! I am horrified! I feel like I want to run for miles just to get away from her. I want to throw this feeling away as fear consumes me. She is different, she is not the princess that made my heart gone wild without me noticing a single bit of it.I should be happy right? Nakikita ko ngayon sa aking harapan ang katotohanan na isa silang halimaw. With that being in front of me, all of the negative image that was instilled to me since I was young is coming into
Mino's P.O.VI have been avoiding her since this morning. Hindi din ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa pakikipagtalo ko sa aking sarili. I have never been this frustrated in my whole life. Thank God that she is busy enough building the villager's houses upang may matuluyan sila.Nakakaramdam man ako ng pagod dahil sa kanina pa ako nagbubuhat ng mga kagamitan na ipapasok sa bawat bahay ay alam ko na wala ito kumpara sa pagod niya at ng kaniyang pamilya. She's been using her magic to build houses at hindi ko maiwasan na mainis sa aking sarili dahil hindi ko man lamang siya matulungan.Although, maybe this is better para hindi na muna ako mapalapit sa kaniya. "Ano ang paborito niyang bulaklak?" malumanay niyang tanong sa isang batang kausap niya. Kanina niya pa sinasabi ang tanong na 'yan sa bawat taga-baryo na kaniyang nakakasalubong.Her smiles never failed to register on her face na tila ba pinapabatid niya na kailangan niya maging matatag at huwag ipakita ang matindi niyang pa