“HINDI mo ako pipiliting pumasok?” tila nagtatakang tanong sa akin ni Caren.
“Nah. Let’s just watch movies or something. Whatever you like to do today.” Dalawang araw na ang nakalipas mula noong managap ang birthday ni Jake at matauhan siya sa lalaki. Simula noong umuwi kami galing sa bahay ni Lenos ay hindi pa niya ako tinatarayan. Napansin ko rin na nagbago ang pakitungo niya kay Yaya Feling. Iyon ba ang epekto ng pagka heartbroken niya?
“Caren, san ka galing?” nag-aalalang tanong ni Yaya Feling kay Caren nang makita siya ng matanda. Hinatid kami ni Lenos gamit ang kotse nito sa tapat ng gate ng bahay nila Caren. "Bakit namumugto ang mga mata mo? Akala ko ba gumawa ka ng project?" Pinasadahan nito ang damit ni Caren. Bago umalis kanina ay pinahiram siya ni Lenos ng mga lumang damit ni Lena.
<"SEE? It looks good on you," puri ko kay Caren habang nakangiting pinagmamasdan ang maiksing buhok niya. Pagkatapos naming lumabas ng department store ay inudyukan ko siya na magpagupit ng buhok. I knew bob style haircut would suit her more. "You look beautiful."Bahagya siyang ngumuso. "Matagal na akong maganda."Paglabas namin ng salon ay naglakad-lakad kami sa loob ng mall. Napatingin ako sa paper bag na bitbit niya. Kalahati sa mga pinamili niya ay para kay Yaya Feling. She must really care a lot for that old lady.Napatingin ako sa mga food kiosk na naghilera sa paligid. I don’t know how we ended up here in the seaside. Itinuro ko sa kanya ang natanaw na ice cream stand. “Kumain ka ng ice cream. It's cure for the brokenheart.”“Bakit?"
“TSS, ang lampa talaga ng Marcus na iyan,” komento ni Caren nang makita namin ang kaklase niyang nerd na matumba nang mabunggo ito ng isang estudyante habang naglalakad sa hallway. Nalaglag ang salamin nito sa sahig.“Akala ko ba magpapakabait ka na?” sita ko sa kay Caren.“I just can’t help but hate him. Ang weak niya. Kaya lagi siyang nabu-bully eh.” Pumalatak siya at nilapitan ang lalaki. Kinuha niya ang salamin nitong nahulog sa sahig at inabot sa lalaki. I even saw her offered her hand to the poor boy. “Get up. Oh, ano, tiningnan mo na lang ang kamay ko?” nakaangat ang kilay na sambit ni Caren nang tingnan lang iyon ng lalaki.Tila natatarantang inayos ng nerd ang nahulog nitong salamin bago inabot ang kamay ni Caren. It was the first time I saw him wi
"HANGGANG ngayon pala uso pa rin iyang mga booth na iyan.”Pagtapak pa lang namin ni Caren sa campus ground ay sinalubong na kami ng kung ano-anong booth. Sa gate pa lang ay nakadisplay na ang malaking banner kung saan nakasulat ang pagbati para sa ika-100 founding anniversary ng St. Claire. Kabi-kabila rin ang mga food stall at kiosk na nagtitinda sa paligid.Bumaling sa `kin si Caren. “Bakit parang ang bitter? May memories ba kayo ni Sir Lenos sa mga ganyan?”“Wala!”“Ows?” hindi naniniwalang sagot niya."Wala nga—"I stopped halfway when two students approached Caren.
“BAKIT pa ako magdo-doorbell eh, puwede naman akong pumasok sa loob. I’ll just waste my energy,” wika ko sa sarili habang nakatingin sa harap ng pinto ni Lenos. Nandito ako sa harap ng bahay niya para huminga ng tulong. I just learned that tomorrow is Caren’s eighteenth birthday and I wanted to surprise her.I said I’ll help her move on from that jerk of her ex-boyfriend. Besides, I learned that she never celebrated birthday before."Anak, birthday mo na bukas. Anong gusto mo? Gusto mo bang maghanda tayo at imbitahin ang mga kaklase mo?" tanong ni Yaya Feling kay Caren nang tumayo si Caren mula sa hapag-kainan."Hindi na, Yaya. May klase kami rin kami bukas. Madami akong gagawin sa school.""Pero nagpadala ang dad
"KAPITBAHAY mo iyong ex-boyfriend ni Caren?" hindi makapaniwalang baling sa akin ni Lenos paglabas namin ng elevator."Yeah. I didn't know na kapitbahay ko pala ang gagong iyon." Inunahan ko siya sa paglalakad, hanggang sa makarating ako sa tapat ng unit 259, na siyang unit ko.Bumaling ako kay Lenos para sabihin ang passcode ng unit ko. Subalit bago pa ako magsalita ay pumindot na siya sa security pad."Bakit mo alam ang passcode ko?" nagtatakang tanong ko nang mabuksan niya ang unit ko.“You always use your birthday as your password,” sagot niya sa akin.Natigilan ako. He's right. I couldn't believe he still remember that little detail about me.
“HAPPY birthday, Caren!” malakas at sabay sabay na bati kay Caren ng mga kaklase niya pagpasok niya sa classroom.Kitang-kita ko kung paano siya napapikit sa gulat nang bagsakan siya ng confetti na galing sa kisame. Her whole face was in shock.Inikot ko ang mga mata sa buong silid. May nakasabit na banner sa board ng classroom habang sa isang bahagi ng silid ay may long table kung saan nakahilera ang mga pagkain.Nakita ko si Lenos na nakatayo sa gitna ng mga kaklase ni Caren. Katabi niya si Leah na may hawak na cake at nagsimulang maglakad papunta kay Caren."Happy birthday, Ate Caren," malaki ang ngiting bati ni Leah kay Caren.Ibinalik ko ang atensyon kay Caren. Hanggang nga
“LENOS…” mahinang sambit ko sa kanya. It was my chance to clear everything about the past. “Remember the day we broke up?”“Cresia… I’m sorry.”Marahan akong umiling. “I just wanted to clear everything…” Ito na ang huling pagkakataon ko para masabi sa kanya ang lahat. “Remember? We broke up dahil sa nakita mong picture namin ni Gray na magkasama sa hotel?” Mapait akong ngumiti habang muling binabalikan ang mga sandaling iyon. “It was the day of your parents' anniversary. Nagsinungaling ako sa `yo na may sakit ako para makipagkita kay Gray…""I went to your apartment that night, Cresia. Naalala kong sinabi mo na huwag na kitang puntahan pero nag-aalala ako sa `yo kaya umalis pa rin ako sa party." Sandali itong huminto
“ABSENT si Sir Lenos kanina."Bumaling ako kay Caren na iniluwa ng bumukas na pinto ng kwarto. Hindi ako sumama sa kanya sa school. I can’t see Lenos…Hindi ko kayang makita siya."Kumusta ka?" tanong ko sa kanya.Nagkibit-balikat siya. "Ang daming final project," reklamo niya. "Pero alam mo ba, naka-perfect ako sa quiz kanina." Ngumisi siya."That's good." Ngumiti ako sa kanya. Simula ng mawala ang Jake na iyon sa buhay niya, malaki ang nakita kong pagbabago kay Caren.Dapat kahit paano ay makaramdam ako ng saya ngayon, dahil malaki ang tsansa ko na makapunta sa langit. Pero kabaligtaran iyon ng nararamdaman ko ngayon.“So, an
“OKAY na ba ang lasa?” tanong ko kay Daddy. Ipinatikim ko sa kanya ang niluluto kong adobo. Balak kong dalhan si Lenos ng lunch sa school.Binago ng aksidenteng nangyari sa akin ang buhay ko. Dalawang buwan akong walang malay sa ospital at sa loob ng mga araw na iyon, bumalik sa buhay ko si Lenos.Nalaman ko na pamangkin ni Lenos ang bata na iniligtas ko noong gabing iyon. Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha ng babae. Kaya pala ganoon na lang kalakas ang pwersang nagtutulak sa akin na iligtas siya noong gabing iyon. Sa loob ng dalawang buwang wala akong malay ay si Lenos ang nag-alaga sa akin. And he told me he still love me after all these years.Lenos and I were together again. And our love was sweeter the second time around. Ipinaliwanag niya sakin ang dahilan ng pag-alis niya noon.
NAGISING ako sa nakasisilaw na liwanag. Ikinurap-kurap ko ang mga mata at hinayaang mag-adjust ang mga iyon sa liwanag.“Gising ka na!” tila hindi makapaniwalang sambit sa akin ng babaeng nakaputi.Iginala ko ang paningin ko. I realized I was in a... hospital. Ibinaling ako ang nga mata sa IV drip na nakakabit sa braso ko. Sinubukan kong bumangon subalit napahawak ako sa ulo ko. My head hurts like hell.“Dahan-dahan po, Mam,” alalay sa akin ng nurse. "Wag po kayo agad bumangon kasi baka mabigla ang katawan niyo." Nilapitan ako ng nurse at inalalayang maupo sa hospital bed. Isinandal niya ang katawan ko sa headboard ng kama. Muli akong napahawak sa ulo ko nang mapansin na parang may mali roon. Bakit maiksi ang buhok ko? What happened to my hair?
Lenos' POV"Hi," bati ko sa walang malay na si Cresia. According to her doctor, successful ang naging operasyon kay Cresia subalit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagkakaroon ng malay."I'm sorry kung natagalan ako." Pagkatapos kong palitan ang mga bulaklak sa flower vase na nakadisplay sa isang sulok ng kwarto niya ay naupo ako sa tabi niya.Simula noong ilipat siya sa ICU ay araw-araw ko siyang binabantayan. Pansamantala akong umabsent sa eskwelahang pinagtatrabahuhan para personal kong maasikaso ang kalagayan niya. Walang ibang taong dumadalaw sa kanya maliban sa akin. After all these years, she was still alone in life.I couldn't believe I was standing in front of her right now. I couldn't believe she's the one who saved Leah. I remem
Dear Cresia,Hi. Siguro by the time you're reading this letter, I'm already gone. Hindi ko alam kung saan ako mapupunta pagkatapos nito o kung may pag-asang magkita tayo.Kaya iyong mga gusto kong sabihin sayo, isusulat ko na lang. Gusto kong malaman mo na sobra akong nagpapasalamat sayo. Nagpapasalamat ako na nakilala kita at dumating ka sa buhay ko.Thank you for everything, Cresia. Thank you for taking care of me. Thank you for being with me on my first heartbreak. Thank you for being a friend and for being an 'ate' to me.And I'm sorry if I failed you. Sabi ko, tutulungan kita. But I'm so sorry, hindi ko alam kung kaya ko iyong gawin ngayong hindi ko na alam kung paano ko pa ipagpapatuloy ang buhay ko. L
“LENOS… what are we doing here?” nagtatakang tanong ko sa kay Lenos. Sabi ni Lenos ay magdedate daw kaming dalawa. But he brought me to a church."Anong gagawin natin dito?" Inikot ko ng tingin ang paligid. The whole church was decorated with flowers. Black petals of roses are scattered on the floor.Puno ng pagsuyong ngumiti siya sa akin. “I want to make a promise in front of Him.”“What…" Hindi ako alam kung ano ang sasabihin.Napansin ko ang isang pigura na nakatayo sa pinto ng simbahan. It was Caren. And she was walking towards us."Hi, Cresia." Malaki ang ngiting bati niya sa akin.Sumulyap ako kay Lenos bago
"GRABE, ang dami mo palang gamit!" baling sa akin ni Caren habang nakatingin sa garage sale na in-organize ni Lenos sa St. Claire. Nandoon ang lahat ng mga damit, sapatos, bag, at ilan pang gamit na naiwan ko sa condo.Humingi ako ng tulong kay Caren at Lenos para maibenta ang lahat ng mga gamit na pag-aari ko."Cresia, are you sure you want to do these?" tanong sa akin ni Lenos habang kinukuha niya ang mga nakahanger na damit sa closet ko."I couldn't bring them to afterlife so might as well let other people have them, right?" I smiled at him. "Kaysa naman mabulok lang sila dito."Habang pinagmamasdan ang mga gamit sa harap namin ay lalo kong napatunayan kung gaano ako naging materialistic sa nakalipas na sampung taon. Materyal na bag
"CRESIA'S favorite color is black," pagkukuwento ni Lenos sa tatay ko matapos pansinin ng huli kung bakit panay kulay itim ang mga bulaklak na nakadisplay sa hospital room ko.Nandito ako sa loob ng ospital. Nakikinig ako kay Lenos na ngayon ay kausap ang tatay ko. Bumaling ako sa ama. Sabi ng nurse kay Lenos ay araw-araw daw ako nitong binibisita sa ospital. Minsan ay naabutan namin siya ni Lenos dito sa ospital na kasama ang kapatid ko."Mana pala siya kay Catherine," nakangiting sagot ng tatay ko kay Lenos. "I remembered I once gave her a sunflower but she just threw it right on my face. Ang sabi niya, palitan ko raw ng kulay itim para tanggapin niya."Natigilan ako sa narinig. My mother was like that?"Really?" namamanghang sagot ni Lenos sa ama ko.
“SIGURADO mapapanganga niyan si Marcus,” nakangising wika ko kay Caren. JS Promenade nila ngayong gabi. Pinasadahan ko siya ng tingin. She was wearing a blue ball gown with a sweetheart neckline paired with a silver stilettos. She looked amazing with that gown I chose for her.She made a face. “Stop it. Wala ngang gusto sakin ang nerd na iyon.”Ibinaba ko ang tingin sa kuwintas na suot niya. Iyon ang kuwintas na regalo sa kanya ni Marcus noong birthday niya. It was a silver necklace with a flower pendant."Eh, bakit ka binigyan ng kuwintas?" nang-iintrigang tanong ko."Alam mo ang malisyosa mo. Nagbigay lang ng regalo iyong tao, may gusto na agad?"Natawa ako. “Fine&hellip
"HEY" bati sa akin ni Caren pag-uwi ko. Naabutan ko siyang nakasalampak sa kama habang may ginagawa sa harap ng laptop. Sa tabi niya ay may isang plato ng nachos."Hindi pa rin tapos ang cravings mo?"Sa halip na sagutin ang tanong ko ay sumubo lang siya ng nacho. "Musta date nyo ni Sir?""Nanood kami ng sine," sagot ko sa kanya. Naupo ako sa tabi niya."Really?" Bahagyang umangat ang kilay niya. "Eh bat ang tagal mo umuwi?""I met my father," mahinang sambit ko.Napahinto siya sa ginagawa at napatitig sa akin."I mean, we did not obviously meet dahil hindi naman niya ako nakita," paglilinaw ko