Share

OWNED BY POSSESSIVE MAFIA BOSS
OWNED BY POSSESSIVE MAFIA BOSS
Author: Jaha mara

PROLOGUE

OWNED BY POSSESSIVE MAFIA BOSS

PROLOGUE : YOU'RE FAMILIAR

Nakakapagod ang araw na ito!

Paano hindi mapapagod pabalik-balik ako sa room 120 dahil sa makulit na pasyente.Shota tatakasan pa ako sa kadahilanang takot maturukan.

Kay tanda-tanda na akala mo naman bata kung umasta, talagang tatakasan pa niya ako para hindi siya maturukan, hahayaan ba niyang ma-infect ang sugat niya, anti-infection iyon.

"Bakit ganiyan ang mukha mo? Pawis na pawis ka punasan mo nga yan," kinuha ko ang binigay ni Teff na panyo.

" Nakakainis kasi ang pasyente ko ang kulit, concern lang naman ako sa kalagayan niya tapos tatakasan pa ako," sita ko habang pinupunasan ang pawis ko.

" Hey! What happened?" nilingon ko si Maxillo at natawa sa reaksyon ko.

" Para ka namang batang inagawan ng candy pftt!" napairap ako sa pang-aasar niya, kanina pa ako naghahanap sa pasyenteng iyon pero wala parin maging ang miyembro ng pamilya niya ay pinaghahanap na siya.

" Nakakainis kasi, bad mood ako ngayon Max huwag mong dagdagan," padabog akong umalis sa harapan nila ni Tiff ngunit narinig ko ang mahina nilang tawa, kaasar naman.

--

Hii bago ang lahat ako nga pala si Zepheanna Mae Bonales 22 years old I'm a nurse and currently working in a private hospital.Mag-isa kong tinataguyod at binubuhay ang isa kong anak, I have a son and his name is Freozon Bonales 2 years old.

Actually may kaya naman talaga kami sa buhay, our family is one of the well-known rich families. At the age of nineteen, I became pregnant by an unfamiliar man.

Esh nagpapabuntis sa di kilalang lalaki?

Nope, lasing ako ng gabing 'yon, what I mean we both drunk.Seguro kung hindi ko nalaman ang panloloko ni Dad kay Mom hindi mangyayari ang gabing iyon.That was the incredible pain I found out about Dad, I thought he was a sensible man all along, but I was wrong.

It is now clear that he has been cheating on Mom for a long time, even when I was a child. Every week, he would travel to other countries for his alleged business trips, but little did we know that these trips were not just for business purposes. He was visiting another family that he hid from all of us, including his own parents.

Ang saklap ni Dad.

When Mom discovered the truth, they came close to getting a divorce. I, on the other hand, became depressed and rebellious, and ended up going to the bar with my friends.Siyempre ayaw ko ng broken family tsaka di namin basta-basta susukuan si Dad, kami ang legal na pamilya dzuh.

At dahil lang sa isang gabing kalasingan ko sa bar ay hindi ko inasahan na aabot sa puntong may batang mabubuo.Kung sana sumama na lang ako sa kaibigan kong umuwi na lang hindi sana ako mahihila ng lalaki sa loob ng VIP room.

Wala na. Dahil sa kalasingan nagpadala din ako, nagsisisi ako pero kapag nakikita ko ang anak kong ubod ng guwapo parang hindi naman lugi.May lahi ng guwapo.Eme!

Pagkatapos mangyari ang gabing iyon, pinilit ako ni Mom na umalis sa ibang bansa at para takasan si Dad sobra siyang nagalit, ako din naman pero ginawa na ni Dad.Nagawa na nitong lokohin si Mom.

Muntik pa tuloy masira ang pamilya namin dahil sa kabit na iyon at may anak pa talaga si Dad sa kabit niya na kaedad ko lang.

She's Cherry Zhen Bonales 22 years old. See? Ang tagal na palang nagloloko ang Dad ko.Sa Paris ako itinago ni Mom and then I found out that I was pregnant which surprised Mom, of course she was angry, how can I get pregnant if I don't have a boyfriend?

Nahanap din naman kami ni Dad, he tried to fix our family problem kaya lang hindi niya puwedeng hiwalayan ang kabit niya at ang mas malala dinala niya pa ang kabit niya at anak niya sa mansion.So I decided to leave the mansion and try to become an independent woman.Nagalit na talaga ako kay Dad.

Habang si Mom na naging marupok, she really loves my Dad malamang first love niya si Dad tapos nga niloko pa siya.Ang ikinagalit ko ay pinatira niya ang kabit at ang anak niyang ubod ng sama sa mansion namin.

Naiintrega ako sa ugali ng babaeng iyon.Ubod pa ng yabang sa katawan.

Going back to the present.Masyado na akong madaldal.Binasa ko ang text ni Tayla my bestfriend na nurse din, iyon nga lang night shift siya ako naman morning hanggang 7:00 PM ang out namin.

[" Namiss kana daw ng baby mo."] basa ko sa text ni Tayla na ikinabuntong hininga ko.Kaya hindi ako pumayag sa night shift dahil hindi sanay ang anak ko, hindi siya nakakatulog kapag wala ako sa tabi niya.

"Namiss ko din siya, pakainin mo sa tamang oras kapag nangulit sayo takutin mo, isumbong mo sa akin." reply ko, medyo takot ang anak ko sa akin at sa'kin lang siya nagiging masunurin.

" Nurse Zeph nahanap na ang pasyente mo." binulsa ko muna ang cellphone ko at tumango sa kapwa ko nurse.Seryuso ang mukha ko nang maglakad ako papunta sa room 120 dala ang mga gamit ko.

" Huwag! Pakawalan niyo ako!" sigaw sa loob ng room at nang tuluyan akong pumasok ay bahagya akong nagulat dahil nakatali na ang lalaki.

" Ang tigas talaga ng ulo mo, injection lang yan parang hindi ka lalaki ah! " nasabi ko.May asawa na ang pasyente ko na panay ang hampas sa husband niya.

" Umayos ka nga nakakahiya sa mga anak natin sabihin pa nila duwag ang tatay nila!" sita ng asawa nito habang nakatingin ang dalawang bata sa Ama nila.

" Ayuko! Ayuk-Ahh!" tuluyan ko siyang tinurukan na ikinasigaw nito.Actually pinigilan kong huwag tumawa sa reaksyon niya, parang bata naman psh.

" Madi-discharge kana, finally wala na akong pasyenteng katulad mong sobrang oa."nahimas ko ang sentido ko, ilang araw na akong stress dito, sanay naman ang Misis niya sa ugali ko ganito na talaga ako.

Mabait naman ako, minsan nga lang ay umaatake ang pagiging mataray ko.Palabiro din minsan at madaling mapikon.

" Misis make sure po mainom niya ang gamot niya, nakausap ko narin si Doc Alex tungkol dito." mahinahon kong sambit na ikinatango ni Mrs.Lorente.

Nagpaalam narin ako dahil may meeting pa kami ni Dr.Alexadro Habrado. 7:00 PM exact ay umuwi na ako hinatid ako nina Teff at Max bago sila umuwi sa kani-kanilang bahay ako naman ay nasa condominium.

" Nandyan kana pala," si Tayla na suot narin ang unipormeng pang nurse, masuwerte ako sa kaibigan kong 'to biruin mo night shift siya tapos sa umaga kahit pagod nagagawa niyang alagaan ang anak ko.

Okay naman sa kaniya minsan ako na nga ang nahihiya pero okay lang daw nakakatanggal naman daw ng antok at pagod ang anak ko.

5:00 AM siya nakakauwi.Actually kakaiba si Tayla kahit night shift hindi siya natutulog buong araw, iwan ko nga kung maydugo pa ba 'to?

" May pagkain ng nakahain sa lamesa tsaka tapos na kami ng anak mo,"

" Okay.."sagot ko at isinandal ang ulo ko sa couch, pagod na pagod ako.

Kinaya ko naman nasasanay narin ako na ganito ang setup palagi.I just closed my eyes to rest until soft lips touched my cheek.

" Good evening, Mommy," I heard a small and soft voice.Naidilat ko tuloy ang mata ko at hindi napigilang ngumiti nang makita ang guwapo kong anak.Napaayos ako ng upo at binuhat siya para mapaupo sa hita ko.

"Baby did you miss me again?"

He nodded. "Always. Y-you tired?" he asked at inilapat ang maliit na kamay sa pisngi ko.He's very sweet and clingy, nawawala kaagad ang pagod ko kapag kaharap ko ang baby ko.

" I'm not, baby.Nandito ka you're my relief,"

" Naglalambingan na naman ang mag Ina,"napalingon kami kay Tayla na bihis na bihis na."Babyboy where's my kiss? Look aalis na si Tita ganda,"

"Maganda ka? Saan banda?" pagbibiro ko naman na ikinairap nito.Bumaba ang anak ko sa hita ko at nilapitan si Tayla kasabay ng maraming beses nitong paghalik sa pisngi ng kabigan ko.

" Take care Tita ganda." malambing ang kaniyang boses lalo na ang mukha nitong sobrang cute lalo na kapag nakasmile.

" Okay po, ingat din kayo ng Mommy mo."ngumingiti si Tayla at nang tumingin sa akin ay itinuro nito ang bintana. "Ilock mo ang mga binata at ang pinto,"

" Oo nga, malalate ka pa niyan, ingat ka," muli pa niyang hinalikan ang anak ko, tila gigil na gigil bago tuluyang umalis.Matapos kumain ay naligo na ako bago ako tumabi sa anak ko na kanina pa ako hinihintay.

" Sleep well, good night baby."

" Good night, Mommy.I love you." nakangiti kong hinalikan ang noo niya bago siya tuluyang nakatulog.Hinintay lang niya ako makatapos sa bathroom.Hindi talaga siya matutulog hangga't wala ako sa tabi niya.

Pinagmamasdan ko ang anak ko at hinahaplos ang malambot nitong buhok.That man really looks like him. I'm afraid what if they meet, surely he won't realize that Freo is his son.Hindi naman niya ako nakilala no'ng gabing iyon, right?

Pero ako tandang-tanda ko ang wangis niya.His green and seductive eyes, his pointed nose, his thick eyebrows and long eyelashes.Dámn ba't ko ba inaalala ang mokong na iyon?

Lahat ng magaganda sa mukha niya ay napunta sa anak ko.Walang nakuha ni isa sa akin.Ang unfair!

Thankfully hindi siya naghahanap sa Daddy niya kung sino ang Daddy niya at kung nasaan ito, palagi lang niyang sinasabi kontento na siya basta may Mommy daw siyang katulad ko.

I don't know why he isn't interested to know his Daddy, at ang tanong handa ba ako kung sakaling nagtanong siya tungkol do'n?Makakasagot ba ako sa tanong niya?

---

" Mukhang makapangyarihang tao ang nasa loob ng room 205, ang dami ba naman bantay nakaformal suit pa," nilingon ko ang pinag-uusapan nina Tess at Maureen.

" Zeph, kilala mo ba ang tao sa loob?" kinalabit ni Teff ang braso ko at itinuro ang room 205, sobrang daming bantay.

" Hindi ko kilala, Presidente ba ang nasa loob?" tanong ko habang may hinahanap sa list.Lahat sila doon nakatuon ang atensyon habang hinahanap ko ang room ng bagong pasyente ko.

" Nurse Bonales, pinapatawag ka ni Dr.Mich," nilingon ko si Maureen at tumango.Pumasok ako sa office ni Dr.Mich at may ibinigay na documents.

" You are the one assigned to assist the new patient, check his personal information para sa bagong pasyente mo-"

" Pero Doc.Mich kay Mr. Lepala ako na assigned, baka ibigay mo narin ito sa ibang nurse," sabi ko dahil may bago na akong pasyenteng aalagaan.Nang umiling ito ay doon ako napanguso.

" Si nurse Max na ang bahala kay Mr.Lepala,"

"O-okay," pagpayag ko nalang.

" Nurse Bonales kaya ikaw ang napili ko dahil magaling ka, magaling naman sila pero ikaw madami ka ng napatunayan sa lahat.Please assist him well, he is not just a patient," she smiled and I just nodded.

" Special patient po ito?" tumango si Doc Mich. "I will do my best, Doc," sumaludo pa ako at agad na lumabas ako habang hawak ko ang documents about sa bagong pasyente ko kuno.

Tiningnan ko ang pangalan niya.

'Harry Ferrer Aguztiano.'

Parang pamilyar ang surname narinig ko na 'to dati. " Room 205?" kumunot ang noo ko.

" Did I hear correctly, you are the one assigned to room 205?" tanong ni Avani at huminto sa harapan ko habang nakacross ang braso sa dibdib." Ipinagkatiwala talaga ni Doc.Mich si Mr.Aguztiano sayo? Can't believe."

" Ano pumutok na naman ba ang inggit dyan sa katawan mo?" I asked, napataas kilay ako. "Pinili ni Doc.Mich ang magaling na nurse, hindi ka napili so it means hindi ka magaling,"

" How dare you!" nakakasar na ngumiti lang ako.

" Alam ko na kung ano ang ginagawa mo sa pasyente mo, nilalandi mo sila am I right?"she aksed teasingly.

" Nako Avani sabihin muna ang gusto mong sabihin pero alam natin na sa ating dalawa ikaw ang nanlalandi ng pasyente,"lumapit ako sa kaniya. "Naiinggit ka kasi hindi ikaw ang napili ni Doc. Mich at ang balita ko ay guwapo daw at binata si Mr.Aguztiano sayang sa akin siya napunta at hindi sayo,"ngumiti ako at nilapagsan na siya.

Sa ospital na ito siya lang naman ang epal dito lalo na pagdating sa akin, ang laki ng inggit niya at palaging nakikipagkompetensiya sa akin.Sorry di ko siya ka-level.

Bumalik ako sa room na medyo madaming nagbabantay.Ang dami namang bantay takot ba silang may magnakaw sa pasyente?

" Wait.." papasok na sana ako nang may humarang na lalaking malaki ang katawan at matangkad.

" Ako ang nurse na assigned dito," napataas pa ang kilay ko nang suriin ako nito maging ang gamit na dala ko.

" Okay, get in."

Pagkapasok ko ay agad na bumungad ang lalaking nakahiga sa hospital bed, bumuntong hininga ako at muling tumingin sa document na hawak ko at agad na lumapit habang nakatingin ako sa dala ko.

' Harry Ferrer Aguztiano 26 years old.' basa ko ulit at nang tumingin ay doon nanlaki ang mata ko.What the héll!?

Bahagya akong napaatras at natulala sa lalaking nakahiga na walang malay.

P-potangína!

Nahulog tuloy ang hawak ko nang masilayan ang lalaki.Walang suot na damit exposed ang malapad na dibdib at ang malaking mucles.

' Ang Ama ng anak ko!'

Hindi ako puwedeng magkamali.Siya ang lalaking nakatálik ko noong gabing iyon.

" Shít, "mahinang mura ko nang bigla siyang gumalaw, naalarma ako at humakbang paalis ngunit narinig ko ang pagdaing niya.

" Where are you going?" napatigil na ulit ako sa paghakbang at napakagat sa ibabang labi ko.Namamaos ang boses pero malamig.

"My wound is bleeding again so treat it," he ordered, ang boses ay malalim.My god!

Boses pa lang nakakatakot na.

" Y-yes sir," kinakabahan ako na baka makilala niya ako, seguro hindi naman no?Patagilid akong naglakad para hindi niya makita ang kabuuan ng mukha ko.

" What are you fvcking doing?"

" Ginagamot ka, Sir," nakaiwas ang mukha ko habang inaalis ang benda sa sugat niya.Mukhang malaki at malalim na sugat 'to.

" Hey, face me," nakakatakot ang boses niya.

"How can you treat my wound properly if you don't look at what you're doing," naiinis na ang kaniyang boses at pigil hininga ako sa mga oras na ito.Sobrang laki niyang tao at ang liit ko sa harapan niya.

" Stubborn!" ikinagulat ko nang mahigpit nitong hawakan ang baba ko at ipinirmi sa direksyon niya, naipikit ko tuloy ang mata ko at ayaw makita ang itsura niya.

" Open your eyes or else I'll fvcking kiss you,"

Tangína naman!

I swallowed hard and slowly opened my eyes.Isang mata ko lang ang iminulat ko at agad na nakita ang salubong niyang kilay at ang green niyang eyes.Ang ganda ng mata sobra.

" Stupid woman," napa-asik pa ito at amoy ang kakaibang bango na nanunuot sa ilong ko.

Pero nag-init ang ulo ko sa sinabi niya at nang makita ang pagyuko niya halatang iniinda ang sakit ng sugat niya.

Hindi naman niya ako makikilala kaya inayos ko ang pag-upo ko sa gilid ng hospital bed, halos hindi ako makapagfocus dahil ramdam ko ang malamig niyang matang nakapanood sa bawat galaw ko.

Hindi ko nalang muna pinansin ang titig niya at nagsimulang gamutin ang dumudugo niyang sugat.

" I think you're familiar," he said coldly, trying to observed me.Biglang nanginig ang kamay ko mabuti na lang din ay patapos na ako.Agad akong tumayo subalit nahawakan niya ang pulsuhan ko.

Ang laki ng kamay niya pero ramdam ko ang kalambutan ng palad niya.

" Sir?" halos hindi ko magawang tumingin sa kaniya, nahihipnotismo ako sa mala-anghel na mukha, sa kaniya talaga nagmana si Freo.

" Have we seen each other before?" pinagmasdan niya ako ng mabuti na ikinadagungdong ng puso ko .Agad na binawi ko ang kamay ko sa kaniya at napataas ng kilay.

" N-ngayon lang kita nakita, Sir. Baka nagkakamali lang kayo," halata ang pagrespeto sa boses ko at yumuko.

" I need to go Sir," paalam ko at maglalakad na sana nang muli siyang magsalita na ikinahinto ko.

" We've met before, I just don't remember." he huskily said.

" Ngayon nga lang kita nakita Sir, ang kulit naman! Hindi nga kita kilala tsk," bigla akong nainis at hindi niya ako puwedeng maalala, bakit ba kasi siya pa ang naging pasyente ko.Ang malas naman!

" I met you at the bar," he added nang umamba akong buksan ang pintuan.Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.At nang lumingon sa kaniya ay doon gumuhit ang ngisi sa mapula-pula niyang labi na ikinalunok ko.

' Omyy he remebered me?'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status