Share

CHAPTER 1

OWNED BY POSSESSIVE MAFIA BOSS

CHAPTER 1 : IS THAT MY CHILD?

" Apo! "

Dad let out a joyful shout when he saw us, me and my child, in the spacious living room. We are here at the mansion to visit Mom.Sa katunayan kaya ayaw kong pumunta dito dahil nandito ang bruhang kabit ni Dad naiintrega ako sa mukha at ugali niya.

" Hello Lolo," kumaway pa ang anak ko kay Dad at bumaba sa bisig ko kasabay ng paglapit sa Lolo niya.Tanggap nila ang anak ko at masaya sila, noong una lang silang nagalit dahil napabuntis daw ako.

Hindi ko naman sinasadya, hindi ko ginusto na magpabuntis, nagawa ko ngang mag-inom dahil sa ginawa niya kay Mom.

" Where's Mom?" seryusong tanong ko, masama parin ang loob ko kay Dad dahil sa pagpatira niya sa kabit niya.

" Anak can we talk?"

"Dad si Mommy pinuntahan ko," walang emosyong nasabi ko at napalingon sa babaeng naka-cross arm habang nakataas ang kilay nito.

" What are you doing here?" mataray ang mukha ni Elena nang tumingin sa akin.Hindi ko ma-imagine kung ano ang nagustohan ni Dad sa babaeng 'to, sobrang sama.Wala akong makitang kabaitan sa pagkatao niya.

" Bakit masama bang pumunta sa mansion namin?" madiin at sarkastikong tanong ko na ikinangisi niya. "For your information nakikitira ka lang sa mansion na ito kung ako lang ang masusunod itinaboy na kita,"

"Anak," pagpigil ni Dad bago niya hinarap si Elena at seryusong tiningnan. "At ikaw tumigil kana rin, sa harapan pa kayo ng apo ko gagawa ng eksena." Dad said.

Napairap na lang si Elena at padabog na umalis, napailing-iling ako at sinulyapan ang anak ko na tila wala naman pakialam sa paligid niya.Nagtungo ako sa taas at nakita si Mom na may sinusulat sa tabi nito ay si Manang na nakangiting nakamasid sa kaniya.

" Señorita, Heanna," tawag ni Manang sa akin at yumuko sa tabi ni Mommy.Ngumiti ako at lumapit kasabay ng pagyakap ko kay Mommy na agad din akong niyakap.

" Basta Mommy kapag sinaktan ka ng Elena na iyon please sabihin mo sa akin, hindi mo kailangang magtiis sa mansiong ito." sinseridad kong sabi na mahina lang niyang tinawanan.

" Sweetie ang akala mo ba nagpapatalo ako sa babaeng iyon?" tumaas ang sulok ng labi ko sa sinabi niya. "Don't worry hindi ako takot.Hinding-hindi ko siya aatrasan she is just a whore woman, she has nothing against me." ani nito at hinaplos ang buhok ko.

The mansion is huge, and almost all of the staff in the mansion are on Mommy's side. After all, who would side with a woman who is involved in an affair? Eh wala siyang kakampi kundi ang anak niya.

Mabuti wala dito si Cherry seguro mag-aaway na naman kami ng babaeng iyon kapag nandito siya.

She is a well-known actor in the Hollywood industry, and indeed, she can be conceited. She has a tendency to insult me simply because she is a famous artist.

" Eat, sweetie. I cooked your favorite dish," Mom said, with a faint smile and I nodded in response. "You too, my dear apo. Eat plenty so you can grow quickly," Mom added, while giving Elena a disapproving look.

Nagtitimpi ang mukha ni Elena na tila ba'y hindi gusto na narito kami sa mansion ni Dad, sino ba siya para tabuyin kami ng anak ko eh sa katunayan nga siya ang dapat itaboy.

" Try this," sabi ni Mom at nilagyan ng dish ang plato ni Dad.Hindi nakatakas sa paningin ko na nag-iba kaagad ang emosyon sa mukha ni Elena at nakita na napairap pa ito.Nasa gitna nina Mommy at Elena si Dad habang ang anak ko naman ay napapagitnaan namin ni Mom, nasa kaliwa kami nakapuwisto.

" Try this too, hon.That's the specialty food I prepared, your favorite as well, hon." paghihiganti ni Elena at nilagyan din ng dish ang plato ni Dad bago tumingin kay Mommy na nakataas ang isang kilay.

Pigil si Mommy na huwag tarayan si Elena at napatingin na lang sa akin, napairap pa ako kay Elena nang sumuyap ito sa akin.Gaya-gaya eh mas paborito ni Dad ang luto ni Mommy duh.

Ganito seguro palagi ang nangyayari sa dalawa pero siyempre palaban si Mommy,naisip ko na hindi madali magsama ang kabit at legal na asawa lalo na kapag bida-bida pa si kabit.

Kaya ako kapag nakapag-asawa ako hindi ko hahayaan na magkaroon ng kabit ang asawa ko, seguro hindi ko matutularan si Mommy, aba kahit mahal ko pa siya ay hindi parin ako papayag na magsama kaming tatlo sa iisang bubong no!

I desire a man who is exclusively mine, without any rivals or contenders. I want to be the only woman in his heart, the only woman he shares his bed with. That is my dream for a future family.

" Mommy I want more dish," nilingon ko ang anak ko sa tabi ko at itinuro nito ang malaking pinggan, seguro ay nasarapan siya sa luto ni Mom.

" You like it my dear apo?" Mommy asked him.Tumango ang anak ko na ikinatawa naman ng mahina ni Elena.

" Hindi marunong kumain ang batang yan, I'm sure pangit talaga ang lasa ng niluto mo." pang-iinsulto ni Elena habang nakangiting nang-aasar.

" Execuse me? Hindi nagsisinungaling ang anak ko, talaga ngang masarap ang luto ni Mommy,"umismid ako at tumingin sa niluto niya. "Iwan ko nalang dyan sa niluto mo, itsura pa lang nakakadiri na," dahil sa sinabi ko tumawa si Mommy.

" True sweetie, parang bulok na pagkain ba yan?It can be scary to eat, as there might be many germs around."Mommy said habang nakakaasar na tumawa, parang umusok tuloy ang ilong ni Elena sa galit, nagtaas baba ang dibdib na parang gustong sumugod sa amin ni Mommy.

" How dare you! At ikaw nandito lang ang anak mo nananadya kana, ha?" nagkatinginan kami ni Mommy at nagkibit balikat lang, si Freo na walang pakialam sa paligid dahil na eenjoy nito ang pagkain.

" It is disturbing how judgmental you can be. The food I cooked is delicious, and you just don't know it because you are judgmental." ani pa nito, si Daddy ay tahimik ay tumingin sa amin.

" Don't fight, nandito tayo sa hapag,"nasabi na lang ni Daddy bago uminom ng tubig, seryuso ang mukha nito at tiningnan si Elena na may pahiwatig.

" What? Hindi mo man lang ba ako ipagtatanggol?"naiinis na naitanong nito kay Dad. "Look pinagtutulungan nila ako wala ka bang gagawin?"

" Enough, Elena," Daddy said seriously at nagpatuloy sa pagkain, naiinis na tumingin si Elena sa amin ni Mommy na tila napahiya at padabog na tumayo mula sa pagkakaupo tsaka tuluyang umalis.Napailing nalang ang iilang maids.

Gusto kong matawa sa reaksyon nito, sa tuwing kaharap ko siya hindi ko alam ang salitang respeto.Oo kilala nila akong masama dahil iyon din ang ipinapakita nila sa akin at 'yong anak niyang si Cherry.

I believe they do not deserve to be respected because they exhibit bad behavior. I am a kind person, but I can react negatively when they do not show goodness.

---

" Nurse Zeph bakit late ka?"

Hinihingal akong napahalumbaba sa harapan ng nurse station.Tiningnan ko si Tess habang hawak ang dibdib ko.

" Traffic," I reasoned out.

But the truth is, I had a difficult time leaving because Freo he didn't want me to go away from his side. Umiiyak nga 'yon at bigla na lamang niyang ayaw akong paalisin.

Seguro kung hindi lang ang lalaking iyon ang pasyente ko baka umepekto ang pakiusap ko kay Doc.Mich kaya lang kasi importanteng pasyente si Mr.Aguztiano na kailangan ay pagfocusan ko siya.

Madiin akong pumikit at pinilit na kumalma, ito ang pangalawang araw na papasok ulit ako sa room 205, kahapon ko lang siya na meet na masasabi kong hindi ko gusto.Sa totoo lang kinausap ko ulit si Doc.Mich para palitan ako pero wala na, hindi na puwede.

"Good morning Ma'am." bati ng tatlong lalaki na nakabantay sa labas, himala tatlo na lang sila kahapon kasi parang isang Presidente ang binantayan nila, nilamangan pa nila ang Presidente.

" Good morning."walang emosyong sagot ko hanggang sa sila mismo ang nagbukas ng pinto.Namamawis ang palad ko pero nakaramdam ng tuwa dahil natutulog siya.

Pagkalapit sa kaniya ay nauna kong sinuri ang dextrose na nakakabit sa kamay niya bago ko siya marahang sinulyapan ng tingin.Natulala ako ng ilang minuto dahil sa itsura niya kahit tulog.

Bakit ang guwapo naman?

Parang anghel na natutulog, hindi ko namalayan na masyado na akong nakatutok sa kaniya hanggang sa bumaba ang tingin ko sa hubad niyang katawan.Imbis na sugat ay doon ako nakatingin sa abs niya.

Zepheanna Mae pinagpapantasyahan mo ba siya?

Napalunok tuloy ako nang marealize ang ginagawa ko, nagawa kong batukan ang sarili ko.

Hindi kasi siya nakasuot ng damit dahil sa sugat niya at ang puting blanket ay nasa baba lang ng puson niya ang sakop nito.

Kinagat ko na lang ang labi ko at tiningnan ang relo ko it's 7:45 AM tumingin ulit ako sa pasyente ko ngunit ganon na lamang ang pagkaalarma nang makitang nakatitig ang seryusong mata nito.

"H-how's your wound?" gusto kong batukan ang sarili ko nang mautal ako, ponyemas nawawala ako sa landas ko kapag nakikita ang green niyang mata.Ang ganda ng parteng iyon.

" Fine," walang gana niyang sabi, he licked his lower lip at bahagyang gumalaw para maupo, inalalayan ko nalang dahil nakikita kong naghihirap.Alangan naman pabayaan ko.

" Sir I'm here to give you medicine." ibinigay ko sa kaniya ang gamot dahilan kaya tiningnan niya iyon bago ako tiningnan ng walang kabuhay-buhay.Nanlalamig tuloy ako sa titig niya.

" Huwag kang mag-alala hindi yan lason, para ka namang walang tiwala sa'kin," tumawa pa ako pero mas tumindi ang titig niya.

" That's not what I think," he coldy said, guwapo nga siya pero ang suplado naman.Hindi ko tuloy maiwasang mapairap at kinuha ang tubig sa beside table.

Ininom niya ang gamot habang pinagmamasdan ko naman ang adams apple niya at nagtaas baba nang tuluyan niyang lunukin ang gamot at napadila pa sa mapula niyang labi.Hot.

" I'll just clean your wound, Sir, "

Hindi niya sinagot ang sinabi ko kaya lumapit ako at para palitan ang benda, saan ba niya nakuha ang ganitong kalalim na sugat na medyo malaki pa.

Madiin lang ang pagpikit niya habang nililinisan ko iyon, tumingala siya para indahin ang hapdi, alam ko na mahadi talaga kaya nag-titiis siya.

Nang yumuko ay naramdaman ko ang malamig niyang matang nakamasid sa akin, amoy ko ang bango ng buong kuwarto.

" I'm done, " nasabi ko matapos kong takpan ng benda ang sugat niya, nang bumukas ang pinto ay nakita ko si Dr.Alex na lumapit sa amin.

" How are you Mr. Aguztiano?" formal na naitanong ni Dr.Alex napasulyap pa ito ng tingin sa akin at ngumiti.

" I'm fine," sabi nito kalaunan ay pumasok pa ang dalawang lalaki na nakapamulsa na labis kong ikinatigil, parang anghel ang guwapo naman.

" Hey what's up bro, ang akala ko talaga mamatay kana sayang naman," napangiwi ako sa sinabi ng lalaki na palangiti at ang aliwalas ng mukha.

" How are you?" seryusong tanong ng isa na halatang malamig pa ang boses.But the two of them seem familiar, as if I've seen them at some point.Parang nakita ko na talaga ang dalawang guwapo.

" Why are both of you here? I don't need your concern." walang ganang sagot ni Mr.Aguztiano gamit ang malamig na boses, napaikot ang eyeballs ko dahil sa inasta nito, seguro kaibigan niya ang dalawa at ang isa ay umaktong nasaktan habang sapo ang dibdib.

" Ang sakit mo, bro, " ma-emosyonal na sabi nito at ang isa ay napangisi lang, iwan ko ba pero iyong ngisi niya iba ang hatid no'n nakakakilabot.

Si Dr.Alex ay hindi sila pinansin at may kung anong sinuri sa hawak kong list, naramdaman ko nalang ay napatingin ang malamig na mata ni Mr.Aguztiano na ikinaalarma ko, iwan ko hindi ako sanay sa presensiya niya.

" I need to go, Mr.Aguztiano," nakangiting paaalm ni Dr.Alex at ibinaling ang tingin habang nakangiti sa akin. "Mamaya pumunta ka sa office ko," tumango ako at ngumiti din.

Malapit kami ni Dr.Alex minsan nga siya ang kasama ko kapag lunch time, mabait at guwapong doctor si Alex bagay na ikinagusto ng iba sa kaniya, friend lang naman kami pero sa sobrang close na issue kami ng mga tsismosa't tsismiso.

Nang lumabas si Dr.Alex ay naiwan na lang ako sa loob ng room 205.Ramdam ko pa ang pagtingin ng dalawa at ang lalaking walang kibo na masungit.

" Bro ang ganda pala ng nag-aalaga sayo," biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi ng guwapong lalaki na nakangiti, pansin ko na siya lang ang palangiti nagliliawanag ang kaguwapohan niya.

Bagama't di man palangiti ang dalawa ay tila bumagay iyon sa feature angelic ng mukha nila, iba ang kakaibang hatid no'n.

"Hii Miss," he greeted me.

Ayuko namang masabihang hindi namamansin no. " Hii," I greeted him too at nahihiyang ngumiti.

Para akong nakaramdam ng panghihina nang lumapit ito sa akin at sobrang tangkad at ang kisig ng katawan, sobrang guwapo katulad ni Mr.Aguztianano at ng isa.

" I'm Anton Miss , I am the most handsome among all my friends." medyo natawa ako roon dahil mahangin pala 'to, nacucutan ako the way na sinabi niya iyon.Napaasik ang isa at tumingin kay Mr.Aguztiano na hindi ko mawari kung bakit ang sama ng tingin sa akin.

Nawala ang ngiti ko sa labi at umayos ng tayo, nanlalamig ako sa titig ng pasyente ko baka mamaya naging bangkay na ako dahil sa uri ng titig niya.

" Ehem. S-so far, there doesn't seem to be any complications with your wound. Just make sure to take your medication as prescribed. I need to go now, but I'll be back." yumuko ako at halos banggain ang pintuan nang lumabas ako.

"Bye Miss Nurse!" pahabol ni Anton kuno.

Napahawak ako sa dibdib ko na sobrang kabado, agad na inayos ko ang sarili ko at naglakad na papunta sa office ni Dr.Alexandro.Mga ilang minuto lang naman ang usapan ay nagpaalam narin ako.

"Let's have lunch together," he said with a smile, and Teff and Max were also there, so I just nodded in agreement.Nag-paalam ako at lumabas loob ng office ni Dr.Alex.

Kinuha ko muna ang cellphone ko sa bulsa ko baka may update si Tayla sa anak ko, itatanong ko lang sana kung tumahan na sa pag-iyak.

Freo.Madalas naman siyang pumayag dahil naiintindihan niya na may work ako.

Kaninang umaga lang ay ayaw na niyang umalis ako sa tabi niya.Nakaramdam ako ng lungkot at pagkaawa sa anak ko dapat hindi ko siya iniwan hindi ko naman puwedeng isama baka ma infect pa ng kung anong virus dito, kahit malinis ang ospital ay pakiramdam ko hind siya safe.

[" Zeph pasensiya na pero nandito kami ngayon ng anak mo sa ospital, si Freo kasi hindi tumigil sa pag-iyak sobra akong naawa dahil hinahanap ka niya."] nanlaki ang mata ko sa nabasa.What the héll! Nandito sila?

Hindi puwede! Nandito ang Ama ni Freo hindi sila puwedeng magkita o hindi siya puwedeng makita dahil mahahalata na mag-Ama sila.

"Nasaan kayo?" reply ko sa text niya, kinabahan ako ng husto hindi ko maipaliwanag.Padabog kong inilapag ang papers na hawak ko sa isang table.

" Bakit nagmamadali ka?" si Teff na nakakunot ang noo.

" S-si ano...Ah basta!"

Malaki ang ospital at madaming tao ngayon, saang floor kaya sila? Jusme naman Tayla!

[" Sabi ni nurse Maureen nasa room 205 ka, pupunta na kami ngayon, umiiyak pa din si baby Freo gustong-gusto kang makita e,"]

Omyy!

Nanghina ang tuhod ko sa nabasa, room 205 bakit doon pa sa room ng Ama ni Freo? Tumakbo ako roon para maabutan sila ang malas nasa 2nd floor ako kailangan kong pang mag elevator para makaakyat sa 4th floor.

" Huwag kayong pumasok! Tayla please!" reply ko kaagad, ilang minuto pa ako sa daan dahil may nababangga akong pilay na naka wheelchair.Ang malas ng araw na 'to.

Panay ang sulyap ko sa cellphone ko ngunit walang reply si Tayla, hinihingal ako nang makarating sa tapat ng room 205 at halos banggain ang pinto.

" I can't believe how much the child resembles you, a younger version of your face, Ferrer." promise halos mahimatay ako sa oras na ito, sinusuri nila ang anak ko at si Tayla ay kinakabahan din.

" M~Mommy!" agad na napalingon sila sa akin at ang anak ko ay tumakbo sa gawi ko, halos tinakasan ako ng dugo sa katawan dahil namumutla ako.Hindi ko inasahan na ito ang araw na magkikita ang mag-Ama.

" Y-your child?" he asked.

Nagtataka ang mukha, ang mga kaibigan niya ay napatingin din sa akin.Paulit-ulit akong napalunok hindi makasagot.Si Tayla na sinulyapan ko binigyan niya lang ako ng sorry looks.

"Miss may anak ka pala, kamukha pa ni Ferrer," nanigas ako sa puwisto ko, nasa bisig ko narin si Freo habang namumula ang green nitong mata na nakuha niya sa lalaking kaharap niya ngayon.

" Is that my child?" hindi ko inasahan na iyon ang itatanong niya.Nagkatinginan kami ni Tayla at kalaunan ay tipid akong ngumiti sa kanila at umiling.

Alam kong matalino siyang tao, matagal siyang tumitig sa anak ko na tila may malalim na iniisip, huwag niya sanang maisip na may nabuo no'ng gabing iyon.

" Of course not, hindi mo ito anak, anak namin ito ng husband ko nasa Germany," nasabi ko kaagad, tinaasan ko siya ng kilay at umalis na dahil naiinis ako kung papaano niya ako tingnan at ang anak ko.

" Mommy who is he? Daddy?"mahinang naitanong ng anak ko na ikinaawang ng labi ko.

" My patient baby," iyon lang ang nasabi ko hindi ako handa na magkaalaman, nanginginig ang kamay ko at balak kausapin si Tayla pero di pa ngayon ang tamang oras, kasama ko si Freo.

Kabado parin ako sa eksena kanina at uuwi na sana kami sa condo pero napagtanto ko na mainit si Freo, hindi siya puwedeng masobrahan sa pag-iyak dahil madaling mag-init ang balat niya, ganon siya kasensitibo.Kasalanan ko 'to.

Inuna ko pa kasing alagaan ang Ama niya kaysa sa anak ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status