Namumugto ang mga mata kong narating ang tapat ng condo ko. Napatigil ako sa paglalakad habang nakatingin sa isang maliit na briefcase na pamilyar sa 'kin.Kaagad ko 'yung nilapitan at kinuha.Ito ang briefcase na kinuha ko sa luma naming bahay. Pa'no 'to napunta dito?May nakadikit na maliit na note kaya kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat.You left this when you were in your old house. I keep this for you. -Ev. Basta ko na lang 'yung niyakap saka pumasok sa loob ng condo ko. Pagkatapos ay dumiritso ako sa kwarto ko at inilapag sa kama ang briefcase.Binuksan ko ang briefcase. Bumungad sa 'kin ang maraming tape recordings at pictures.Kaagad ko namang naalala ang isang espesyal na tape na itinago ko sa mga damit ko.Lumapit ako sa cabinet at hinalungkat ang mga gamit ko roon.Nang makita ko ang maliit na bag na pinaglagyan ko niyon, kaagad ko 'yung kinuha at inilabas ang tape.Bumalik ako sa kama at umupo roon. Hinubad ko ang suot kong hoodie.Nagpakawala muna ako ng buntong hini
More than two weeks maybe short enough to live, sapat na rin 'yon para sulitin ang mga natitira kong oras.Hindi ko man magawa lahat ng gusto ko at hindi ko man masabi lahat ng gusto kong sabihin, ayos lang.When I die, I'm gonna leave these people confused.Okay na 'yon kaysa naman awa ang ibigay nila sa 'kin.Hindi ko kailangan ng awa nila. Wala naman 'yong magagawa para pigilan ang mangyayari sa 'kin.***Halos isang oras na akong naglalakad papunta sa cafe na sinabi ni Ev.Mahihina ang mga hakbang ko kaya inabot na 'ko ng isang oras.Mas pinili ko talagang maglakad kanina kahit na nanghihina ang katawan ko.Makalipas ang ilang minuto, narating ko na ang tapat ng cafe. Pumasok ako roon at kaagad na hinagilap si Ev.Nang makita ko siyang nakatingin sa 'kin, naglakad ako palapit sa mesa niya at umupo sa katapat niyang upuan."You didn't bother putting on some makeup?" he asked pagkaupo ko."Do I really look miserable right now?"Mabilis naman na umiling-iling si Ev. "No, it's not wha
Bigla na lang bumagsak ang isang butil ng luha mula sa mata ko. Mabilis ko 'yong pinahiran saka inilayo ang tingin kay Mary. Hindi ko napansin na naluluha na pala ako.Bigla naman akong niyakap ni Mary. "Sa tuwing niyayakap ako ni mama, gumagaan ang pakiramdam ko. Sana mapagaan rin ng yakap ko ang pakiramdam mo," mahina ang tonong saad niya.Nagawa ko namang ngumiti saka niyakap rin siya."Gumagaan na ang pakiramdam ko dahil sa yakap mo," I paused for a while. "Mary, gusto ko sanang ipangako mo sa 'kin na kahit kailan, hinding-hindi ka susuko sa mga pagsubok na darating sa buhay mo. Hangga't alam mong kaya mo, piliin mo palaging lumaban. Saka ka na sumuko kapag ang mundo na mismo ang sumuko sa 'yo. Ipangako mo sa 'kin na gagawin mo ang mga bagay na hinihiling ng puso mo. 'Wag mong iisipin ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa 'yo. Ang lagi mong isipin ay ang mararamdaman mo. Palagi mong piliin na maging masaya. Ipangako mo rin na lagi mo akong bibisitahin kapag nawala na ako, huh? Par
We were both sipping hot chocolates on our cup while the cold breeze kept on hitting our bare skin. Nakaupo kami sa dalawang rocking chair habang isang metro lang ang layo namin sa isa't isa.Ang tahimik ng paligid namin dahil magkakalayo ang mga bahay ng mga tao dito. Tanging paghampas lang ng malamig na hangin at likhang tunog ng mga pagsayaw ng mga puno ang maririnig.May nakapatong na maliit na kumot sa likod ko. Mayroon rin si Doc Nicco."Wanna share what you are currently thinking about?" he asked while still looking above the sky.I also raised my head up. The sky is full of shining little stars. It's so pretty watching it from down here."I was just thinking about how my life works for the past years. It was pretty dramatic. Ain't glad that up until now, it was still the same as before. Nothing changed. Dramatic and full of pain as always," walang emosyon kong sagot."You can tell me everything. I am willing to listen.""But, I didn't know where to start.""You can always sta
"I was a former president of a journalism team way back in college. Ever since, I have become into different types of writing. I could write your story in a book and publish it so everybody could freely read it. I just considered your story inspiring," he smiled.Ibinalik ko ang tingin ko sa kalangitan. "Go on. Tell my story to the world. It's not a problem with me. 'Wag mo lang dadagdagan. Okay lang kung babawasan mo, 'wag mo lang dagdagan. Don't make it exaggerated and fictitious.""I will. Thank you for letting me."***Doc Nicco and I both fell asleep in our rocking chairs last night.Sabay kaming nagising nang tumatama na sa mga mukha namin ang nakakasilaw na liwanag mula sa kalangitan."Let's have breakfast," anya saka naglakad papasok sa pinto.Yakap-yakap ko naman ang kumot habang sumusunod sa kanya hanggang sa makababa na kami sa second floor kung nasaan ang kusina niya."Uhm....baka uuwi na lang siguro ako. Naabala na kita. Baka may importante ka pang gagawin ngayon,""No, i
"So, that's why Fritz removed my sister and brother-in-law's names from the invitation list para sa party last week," mahinang bulong ni tita pero hindi 'yon nakatakas sa pandinig ko. "My sister, did she know all of this?" she asked."Mahilig raw ang lalakeng 'yon na makipagtalik sa mga bata. Maybe it's a fetish or something. Nakita rin ng kapatid mo ang asawa niya na ginagawa 'yon kay Fatima pero wala siyang sinabi. Hindi man lang niya pinigilan ang asawa niya. Tapos iniba pa niya 'yung totoong kwento. Ibig sabihin, marami siyang alam pero hindi lang siya nagsasalita," I answered.Hindi nagsalita si tita sa loob ng ilang minuto. Natahimik rin ako at naghihintay lang ng susunod niyang gagawin.Hanggang sa biglang tumayo si tita kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya."Can you come with me, hijo. May gusto lang sana akong puntahan. I hope you won't mind," walang emosyong sabi ni tita.Parang biglang nagbago ang aura niya. Ibang-iba na 'yon kaysa kanina."S-Sure, tita," sabi ko saka tuma
TRIGGER WARNING: GORY SCENES! Read at your own risk!Pareho naming hindi alintana ang malamig na hanging tumatama sa mga balat namin.Nililipad rin ng hangin ang mga buhok namin."You won't believe what just happened earlier," biglang basag ni Fritz sa katahimikang namamagitan sa 'ming dalawa.Napabaling ako sa kanya. "Bakit, ano ba ang nangyari?""Nakipag-away lang naman kanina si mama at kuya Evrous."Bahagyang umarko ang isang kilay ko. "Kanino raw?""May nagpost sa facebook ng video nila kanina pero mabilis rin 'yung nawala. Maybe mom told someone to took down the video. Mabilis lang 'yung kumalat pero after an hour, nawala rin. Nakipag-away si mama kay tita Lean, binubog naman ni kuya Evrous 'yung asawa niya."I was stunned for a minute. Nakatitig lang ako kay Fritz."Bakit raw nila 'yun ginawa?" I asked.Nagkibitbalikat siya. "I don't know. Nakita ko lang naman 'yun sa facebook. At saka hindi ko pa nakikita si mama mula kanina."Ibinalik ko ang tingin ko sa madilim na kalangitan
Pinahiran ko ang luhang kumawala mula sa mga mata ko pagkatapos ay ni-shutdown ko na ang cellphone.Ang bigat sa pakiramdam na magpaalam sa taong mahal mo. Kaya nga hindi ko magawang magpaalam kay Fritz at sa mga kaibigan ko.Sobrang hirap, nakakatakot umalis , natatakot akong mawala.Pero lahat naman ng tao namamatay. At least ako, alam ko kung kailang ako mawawala.Dapat nga handa na ako ngayon pero hindi ko talaga maramdamang handa ako. Gusto ko pang manatili kahit na hindi na lang palagi pumapabor sa 'kin ang mga sitwasyon at pagkakataon.Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga saka umalis na garden at umalis na rin ng bahay.Pumasok ako sa kotseng pinahiram ni Ev saka pinaarangkada iyon.Mahina ang pagpapatakbo ko ng kotse habang tinatahak ang daan patungo sa simbahan.Hindi 'yon masyadong malayo kaya hindi ako natagalan.Nagpark ako sa tapat ng simbahan kung saan nakaparada ang mangilan-ngilang sasakyan na halatang pang mayaman.Hindi muna ako lumabas sa kotse ko at naghin