Madilim pa sa labas ng magising ako. Binalingan ko ang asawa kong himbing na himbing sa pagtulog.Maingat kong inalis ang braso nitong nakadantay sa beywang ko. Hinagilap ang mga damit ko pero ang panty at pang itaas lang ni Well ang nakita ko kaya 'yon na ang sinuot ko.Muli kong binalingan si Well bago tuluyang lumabas ng tent. Hinayaan kuna lang 'yong nakabukas since wala naman ibang taong nandito sa Isla.Hinila ko pababa ang laylayan ng suot ko. Maikli kasi 'yon, isang maling galaw ko lang baka masilipan ako. Yakap ko ang sariling naglakad patungo sa dalampasigan. Ang sarap sa pakiramdam marinig ang paghampas ng alon sa buhangin para 'yong musika sa pandinig ko."Why are you here? Malamig dito, baka sipunin ka"untag sa'kin ni Well.Pumihit naman ako paharap dito. Napasinghap ako ng makitang boxer lang ang tanging saplot nito.Mabilis siyang lumapit sa'kin at ipinulupot ang manipis na kumot sa katawan ko. Tiningala ko naman siya."Sino kaya sa'tin ang pwedeng magkasipon?"taas kil
JOYCE POVNaningkit ang mga mata ko ng makilala kong sino ang lalaking nakaupo at nakasandal sa pintuan ng unit ko.Nakatungo ito at parang lasing na lasing. Napabuga ako ng hangin bago ito nilapitan."Hoy!"hasik ko dito saka siya sinipa-sipa.Isang linggo na ang nakakalipas simula 'nong may nangyari sa'amin. Hindi ba siya nakuntento sa isang gabing 'yon? kaya nandidito na naman siya sa unit ko?Makakatikim talaga 'to sa'kin ng sakit ng katawan."Ivan. Umalis ka nga diyan!"bulyaw ko sa'kanya at nilakasan ko ang pagsipa sa binti niya."Aray!"daing nito saka nag-angat ng tingin sa'kin.Nameywang naman ako sa'kanya at tinaasan siya ng kilay."J-Joyce?"Tama nga ako. Pulang-pula ang mukha nito sa kalasingan, halos hindi na ito makatayo ng diretso.Napatampal ako sa noo ko. Kahit kailan talaga, nakakapang-init ng dugo ang lalaking 'to. Pumunta lang dito sa'kin para bigyan ako ng problema."Joyce"Malakas na sampal ang iginawad ko dito. Naramdaman ko ang pamamanhid ng palad ko at pamumula '
"Wow"utas ni Alle ng makita ang dating bakuran ng bahay ng daddy niya na ginawang play ground.Mayroong swing, seesaw, malalaking bola, at iba pa."You like it honey?"tanong ni Well sa batang karga-karga niya."Yes, daddy!"masiglang sabi ni Alle.Maski ako gustong-gusto ko 'yon.Ibinaba ni Well si Alle mula sa pagkakarga niya dito. Mabilis itong tumakbo papunta sa swing."Hon, lets go inside"yaya niya sa'kin.Hinawakan niya ang kamay niya at iginaya ako papasok sa loob ng bahay.Tumambad sa'kin ang malaking picrute frame. 'Wedding Photo namin 'yong dalawa."Pinaayos mo ba 'to? Wala namang pader dito dati"tanong ko sa katabi ko. Tukoy ko sa pader na pinagsabitan ng mga picture frame.Iyong mga picture na nakita noon sa kwarto niya dito na sa sala naka display. Madami pa ang nakadagdag 'don."Yeah. Pinalagyan ko ng pader, okay ba?"tanong niya sa'kin.Tumango naman ako at ngumiti."It's so nice"utas ko saka nilapitan ang mga picture frame at isa-isang tiningnan ang mga picture.Karamihan
Maski sila Joyce at Joel napa 'wow' 'din sa play ground na nasa bakuran namin ng dumating sila para sa'min mag lunch.Sunod na dumating si Ivan.Inembeta 'din kasi ni Well ang kaibigan niya, wala namang kaso 'yun. Nag e-enjoy nga ako kapag magkakasama kami. Mabait naman si Ivan kahit minsan abnormal sa kagwapuhan niya."Wala si Clarence?"tanong ko kay Well.Gusto ko pa naman sana siyang makita para makapagpasalamat ako sa ginawa niya noon. Kong hindi dahil sa tracking device na ibinigay niya sa'kin baka patay na ako ngayon."He is busy with his woman"tugon sa'kin ni Well. Inakbayan niya ako habang nakatingin kami kay Joyce,Joel at Ivan na nakikipaglaro kay Alle."Oh, may babae na pala ngayon si Clarence? Akala ko mahihirapan siyang humanap ng babaeng mamahalin"pahayag ko.Totoo naman kasi iyon. Lalo na iyong issue sa pag ngiti niya at iyong palagi niyang pananahimik.Good luck na lang talaga sa babaeng napupusuan niya. Sana bigyan siya ng matinding pasensiya."Halina kayo. Kakain na"
"They live happily ever after"masiglang sabi ni Alle sabay tiklop ng fairytale na libro na binasa niya.Niyakap ko ito at hinalikan. Hinaplos ko naman ang pisngi ni Well na nasa gilid ni Alle.Naka tagilid ito paharap sa'mim, nakatungkod ang siko niya sa kama at salo ng palad niya ang pisngi niya.Ngumiti siya sa'kin at kinuha ang kamay ko para halikan. Lumawak naman ang ngiti ko."Let's to sleep, anak"baling ko kay Alle saka inayos ang kumot niya."But Mommy. I want to go to school. Im big now"anito.Umiling-iling ako sa'kanya. Ngumuso ito at tumagilid paharap sa daddy niya.Natawa ako ng ginaya niya ang posisyon ng daddy niya."Daddy. I want to go to school. I know how to read and write. I know how to drawing also""Okay. But time to sleep, right Mommy?"baling sa'kin. Natawa ako ng kindatan niya ako at nginitian para akong teeneger na kinikilig.Umayos na silang dalawa ng higa. Hindi naman nag protesta si Alle, gustong-gusto niya na talagang pumasok sa eskwelahan.Hinalikan ako ni
JOYCE POV'sHindi ko alam kong bakit pero paggising ko kaninang umaga sobrang sama na ng pakiramdam ko. Parang lalagnatin ako na iwan."Joyce. Halika na kakain na, para makainom kana ng gamot""Bakit hindi kapa umaalis?"sita ko kay Ivan. Naka topless ito habang abala sa kusina.Maghapon akong nakakulong sa kwarto ko kaya akala ko umalis na ito.Napahilot ako sa sentido ko ng makaramdam ng pagkahilo."Pinaglabahan kuna 'din 'yong mga labahin mo. Para hindi ka matambakan"sabi niya. Pambabalewala sa pangtataboy ko sa'kanya.Naalala kong halos isang linggo na akong hindi nakakapaglaba. Ayaw ko namang ipa-laundry ang mga damit ko. Nangangati kasi ang balat ko kaya ako mismo ang naglalaba ng mga 'yon.Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang mga undergarments ko."T-teka. Pati ang mga undergarments ko nilabhan mo?"nanlalaki ang mga matang tanong ko.Nilingon ako nito saka tumango."Bakit may problema 'don?"pa-innosenteng tanong niya na ikinalaglag ng panga ko."Bakit kapa ba nandito sa bahay
CHAPTER 81:"Pumasok ka sa pamamahay ko ng walang respeto--""That's what you did too, right? You entered my house and took my wife and daughter"agap ni Well sa sinasabi ni Papa.Napasinghap ako at nahugot ko ang hininga ko. Ramdam na ramdam ko ang tensiyon parang mawawalan ako ng hininga anumang oras.Nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Papa. Ayaw pa naman nitong pinuputol ang sinasabi niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Well, kinakabahan talaga ako para sa'kanya."Pero hindi po katulad ng ginawa niyo. Hindi ko kinuha si Maxine at Alle, kaya po nandito ako sa harapan ninyo para kausapin ko kayo ng may respeto. Kayo po ang Papa ng asawa ko. Nirerespeto at ginagalang ko po kayo ng sobra-sobra katulad ng sa asawa ko"pahayag ni Well habang nakatingin sa mga mata ng kaharap.Medyo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. Narinig ko 'din ang pagbuga ni Mama ng hangin katulad ko mukhang tensyunado 'din ito.Mukhang natigilan si Papa sa sinabi ng asawa ko. "Alam ko naman po at inaami
JOYCE POV's Naalimpungatan ako ng may maramdamang may mabigat na nakadagan sa tiyan ko. Napabalikwas ako ng makita si Ivan sa tabi ko. Nakadapa ito at walang damit pang itaas. Paano siya nakapasok dito sa kwarto ko? Malakas kong sinipa si Ivan dahilan upang mahulog ito sa sahig. "Aray!"rinig kong d***g nito. Hawak nito ang balikat ng tumayo mula sa pagkakahulog sa sahig. "Bakit mo naman ako sinipa? Masakit 'yon, ah"reklamo niya. Pinaningkitan ko naman siya ng mata. "Paano ka nakapasok dito?"taas kilay na tanong ko sa'kanya. "Pasensiya na. Malamig 'don sa sala, hindi mo ako binigyan ng comforter kaya pumasok na ako dito"tugon nito. Bumuga ako ng hangin bago tumayo sa kama. Kailangan ko pang mag trabaho. "Hindi na'ba masakit ang ulo mo?"tanong nito bago ako magtungo sa banyo. Medyo nahihilo pa ako at naduduwal pero maayos na ang pakiramdam ko kaysa kahapon na parang pinipiga ang ulo ko sa sakit. "Nope. Hindi na--" Napatutop ako sa bibig ko ng maramdaman ang pagbaliktad ng s