Sunod-sunod ang pagbuga ko ng hangin. Nangangalay na ang leeg ko kakatingin sa phone ko, hinihintay ang tawag at text galing sa asawa ko. Pero kahit 'hi' or 'hello' mula sakanya wala akong natatanggap. He promised me! "Mrs. Montefalco. Mukhang hindi na po darating ang hinihintay mo, pasensiya na po. Pero kailangan naming magsara its already 11pm ma'am. Hanggang 10pm lang po kami, pinagbigyan na po namin kayo kasi po VIP kayo"untag sakin ng Manager nitong restaurant. Muli akong napabuntong hininga bago tumayo sa kinauupuan ko. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong lugar. Wala na ngang mga tao. Late na talaga, baka hindi na nga siya dumating kaya ng ipinangako niya. "Pasensiya kana, mukhang hindi na nga darating ang asawa ko"sabi ko saka pilit na ngumiti sa'kanya. "Okay lang po 'yon, ma'am"tugon nito. Muli ko itong nginitian bago naglakad papalabas ng establisiyemento.Nanlalambot ang tuhod ko. Gusto kong maiyak pero tinatagan ko ang sarili ko. Sobrang sama talaga ng loob ko sa'ka
Bawat pag galaw ng daliri ng orasan ang siyang paglukob ng mabigat sa dibdib ko.May kutob na akong hindi siya uuwi ngayon. Pero umaasa akong tutupad siya sa sinabi niya sakin kanina 'don sa hospital na uuwi siya sakin ngayong gabi. Kailangan ko lang siyang hintayin.Binalingan ko ang mga pagkaing iniluto. Mainit pa 'yon 'ng ihanda ko pero ngayon malamig na.Nahugot kuna lamang ang hininga ko. Kinuha ko ang phone ko at i-denial ang numero ni Well, pero nakapatay parin ang phone nito kanina pa.Paulit-ulit na tanong na naglalaro sa isip ko kong nasa opisina ba ngayon ang asawa ko o binabantayan niya si Fhreaya sa hospital?Gusto kong isiping nasa opisina lang siya at tambak ang trabahong inaakaso.Nagiging panatag ang kalooban ko, kapag 'yun ang iniisip ko pero kabaliktaran 'yun kapag iniisip kong nasa tabi siya ni Fhreaya sa mga oras na ito."Please, Well. Umuwi ka naman sakin, kahit ngayon lang"mahinang bulong ko.Halos mabali na ang leeg ko kakatanaw sa labas. Hindi na ako nakatiis
JOYCE POV"Bwesit naman oh?!"inis na sigaw ko ng tumirik ang kotse ko.Inis akong lumabas sa loob ng kotse ko at matiyagang nag-abang ng pwedeng masasakyan.Kong hindi lang talaga birthday ni Alle ngayon, hindi talaga ako pupunta!Kailangan kuna talagang bumili ng panibagong kotse para may service ako. Pero paano? Hindi pa nga nakakabangon ang coffee shop ko.Ipinaypay ko ang kamay ko sa mukha na pawisan."Ano ba 'yan!"singhal ko.Tanghaling tapat naman kasi kaya sobrang init. Wala pa namang maski isang sasakyan ang napapadaan sa pwesto ko.Napangiti ako ng matanaw ang Toyota Land Crusier na dadaan dito sa pwesto ko. Mukhang bigatin ang may-ari ng sasakyan na 'yon. Five million, six hundred eighty seven thousand pesos ang exact amount ng Toyota Land Crusier. Siguro mabibili ko 'yon kapag umabot na ako ng sixty years old.Binalingan ko ang kawawang kotse ko. Kong sa tao...uugod-ugod na.Paparahin kuna sana ang paparating na sasakyan pero huminto kaagad ito sa tapat ko. Sobrang saya ko
MAXINE POVMalawak ang ngiting sumilay sa labi ko ng dumating sila ms. Sesno, Jessa, Jamaica at Rhea. Hindi talaga ako nagkamali. Tinadtad nila ako ng mga tanong tungkol sa kasal namin ni Well. Nagtatampo sila kong bakit hindi ko sila inimbetahan. 'Don ko 'din nalaman na ini-live pala ni Well ang kasal namin sa mga TV Monitor na nakalagay sa bawat sulok ng Montefalco Air. Kaya 'don lang daw nila napanood ang kasal naming dalawa.Mabuti na lang dumating si Manang at Manong, ipinasundo sila ni Well sa family driver kaya nakatakas ako sakanila."Mabuti naman po at nakarating kayo"bungad ko sa kanila ng salubungin ko."Hay naku, iha. Mabuti nga't naalala ko kaagad kong hindi. Ay naku! Hindi talaga kami makakapunta"humahangos na sabi ni Manang."Aysus! Paano mo naman makakalimutan eh, hindi ka nga makapaghintay na dumating ang araw na'to"singit ni Manong. Mahina naman akong natawa."Tumigil ka nga Jose!"sita ni Manang sa asawa."Salamat nga pala, iha. Pinasundo niyo pa talaga kaming mag-a
Napabuga ako ng hangin ng makita ang asawa ko sa tabi ko. Himbing na himbing ito sa pagtulog, hindi ko namalayan kong anong oras siya nakauwi kagabi.Matiyaga ko siyang hinintay umuwi pero nakatulog pala ako.Ilang segundo kong tinitigan ang mukha niya bago ako bumangon mula sa pagkakahiga. Tinanggal ko ang pagkakatali ng robang suot ko bago ako tumuloy sa banyo.Madali akong naligo. Itinapis ko ang tuwalya sa hubad kong katawan bago lumabas ng banyo.Sinulyapan ko si Well na matamang nakatingin sakin. Nakita ko ang paggalaw ng panga nito habang pinapasadahan ako ng tingin.Hindi ko ito pinansin, naglakad patungo sa walking closet at pumili ng damit na susuotin ko.Ramdam ko ang mainit na pagtitig sakin ni Well na hanggang ngayon nakahiga parin sa kama. Itinuloy ko lang ang ginagawa kong paghahanap ng damit na maisusuot.Napasinghap ako ng namalayan ang presensya nito sa likuran ko.Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at napaawang ang labi ko ng hawakan nito ang beywang ko at lum
Denial ko ang numero ni Well. Mabuti na lang at hindi nakapatay ang phone niya. Mabilis niya namang sinagot ang tawag ko."Mag dinner tayo sa labas mamaya may sasabihin ako sayong importante"bungad ko sakanya."Okay---"Hindi kuna pinatapos ang sasabihin niya at ibinaba na ang linya.Hindi ko parin makalimutan ang nadatnan kong ginagawa nila ni Fhreaya kanina sa hospital.Tinext ko siya kong saang restaurant kami magkikita at mag-uusap. Nagreply siya sa text message ko pero wala akong ganang basahin 'yon.Napatingin ako sa wedding ring na suot ko. Worth it pa'ba kitang isuot?"Maxine, Joyce. Aalis na kami"paalam ni Papa samin ni Joyce."Sige po, Papa. Ingat kayo"sabi ko.Hinalikan at niyakap ko ng mahigpit sa Alle bago sila umalis"Mauuna ako. Isasara ko pa iyong coffee shop"paalam niya."Sige. Salamat sa paghatid sakin"nakangiting sabi ko."Sure kang okay ka lang?"nag-aalalang tanong niya.Pilit naman akong ngumiti at tumango.Hinawakan at hinaplos nito ang braso ko bago naglakad pap
Labis na takot at kaba ang bumalot sa akin pagkagising ko.Nakita ko ang sarili kong nakatali sa likod ng upuan kinauupuan ko.May lumang bumbilya sa tapat ko, pinagpapawisan na rin ako.Halos masuka ako sa masangsang na amoy na naamoy ko."Tulong! Tulungan niyo ko!"sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakatali ko."No matter what you shout. No one will hear you!" Jaxon Martinez's smiling face appeared in the light bulb so I recognized it. "Huwag kang lalapit sakin!"banta ko sakanya.Inilayo ko ang mukha ko rito nang lumapit nito ang mukha sa'akin.Nakita ko ang pagngalit ng mga ngipin nito na parang nangigigil na saktan ako.I could feel my knees shaking from fear."Your so beautiful. Sisirain ko ang mukha mo" he whispered. At the same time, he tightened his grip on my cheek. I struggle with him.Napalunok ako ng sunod sunod sa banta niyang sisirain ang mukha ko."Tulong!"Sigaw ko. Wala na akong pakialam kong maputol ang ugat sa leeg ko kakasigaw.Sobrang hinang-hina na akong magpumi
Hindi maipinta ang mukha ko habang tinitiis ang sakit ng puson ko. Habang tumatagal mas lalong tumitindi ang sakit 'non."Maxine. Are you okay? Gusto mong tawagin ko ang Nurse?"tarantang tanong ni Joyce sakin.Hindi ako sakanya sumagot. Sobrang tindi na ng sakit ang nararamdaman ko."Maxine?"Napatigil ako ng nagmamadali akong lapitan ni Well. Kaagad niyang kinuha ang dalawang kamay kong nakahawak sa puson ko.Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.Gusto kong sabihin sakanya na yakapin niya ako kasi sobrang takot na takot na ako.Alam kong sa mga bisig niya lang mawawala ang takot na nararamdaman ko. I feel safe and secured kapag kasama ko siya o malapit siya sakin."Are you okay? Im reall sorry. Ngayon ko lang nabasa ang text message ni Ivan, sinabi niya sa'kin ang nangyari sayo"pahayag niya. Binitawan niya ang kanang kamay ko at iniligay ang kamay niya sa pisngi ko.Mariin akong napapikit at tinaboy iyon. Tumagilid ako patalikod sa kanya.Hindi ko alam kong saan ako lulugar?Kong asawa