Pumunta lang ata ito sa harap ko para asarin ako. Pwes, ibibigay ko sa kanya ang hinahanap niya. Parang hindi ako kilala ng babaeng to, ipakilala ko sa kanya kung sino ang binangga niya."Pinaglumaan ko na iyan, buti sinalo mo?" pang-aasar ko sa kanya nang sabihin niyang broken ako dahil pinalitan ako. Kadiri impaktang to, broken talaga? hindi pwedeng masaya ako dahil wala na kami? kung pwede lang party ako sa condo ginawa ko.Nagalit siya sa sinabi ko, sinigawan na ako kaya maraming tumingin sa amin. Oh btch, bakit ka kasi nandito, ang layo dito ang pwesto niyo ng boyfriend mong mukhang pwet. Inawat na siya ng boyfriend niya pero nagalit pa talaga sa akin."Hindi babe, itong malanding babae to, kung ano ano ang sinabi sayo! pangit naman!" insultong sabi niya sa akin pagkatapos siyang awatin ng boyfriend niya. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.. ano daw? pangit? ako? eh? wait nga linawin ko sa kanya."Makapanglait ka parang sobrang ganda mo? kung
Ayaw ko sa lahat ang madamay ang kaibigan ko sa mga ginagawa ko lalo na sa mga away kagaya nito. Tangina umawat lang ang kaibigan ko hindi siya kasali, matutubuan talaga ako ng sungay pag nadamay siya.Hindi sa na guilty ako pero ganun na nga. Dalagang filipina yan tas madungisan lang dahil sa akin.. nadungisan na nga iyan dahil 'kaibigan niya playgirl' ayaw ko naman palalain lalo. Mga siraulo sila.Pumasok na kami sa dressing room at hinayaan na silang umawat sa babaeng takas mental. Jusko ang pangit talaga ng taste ng agency na ito.. kung ako ang papipiliin hindi ko isali yung may ganung mukha, kadiri lang. Kaya hindi sila umangat dahil hinaluan nila ng mga impakta. Sabi ni Ven umiyak daw ang impakta, aba deserve niya. Hindi iyun umiyak dahil sa sakit, umiyak iyun dahil sa takot sa akin. Tangina niya pala eh, ako pa talaga ang kakalabanin niya, iiyak din pala pagkatapos. Bago niya ako nilapitan, dapat may lakas loob siyang labanan ako.Tinanong
"I know," simpleng sagot niya sa akin. Kumindat ako sa kanya at nagpatuloy sa ginawa. Hindi pa ako tapos tinawag na kami ng staff para sa shoot naming dalawa ni Ven. Tumayo na ako at hinubad agad ang bathrobe. Gusto ko ng matapos ito. Tumingin ako kay Ven na naghahanda na rin."Btw, good job kanina, galing mo kahit kinabahan," puri ko sa kanya. "Thanks.. pero mas magaling ka," nakangiting sabi niya. Sabay na kaming lumabas habang pinuri ang isa't isa."Alam kong magaling ako," nakangising sabi ko at pinitik siya sa noo bago kami makalabas sa pintuan. "Kailangan mong sanayin ang sarili mo, baka mas gagaling ka pa sa akin," nakangiting sabi ko."Aray ha," reklamo niya sa pagpitik ko sa kanyang noo. Dumeritso kami harap at nandun na naman ang pang-aasar na ngiti ng mga staff sa akin. Tinaasan ko lang sila ng kilay at sabay na kaming mag pose sa harap ng camera ng sabihin na nilang magsimula na kami."Napaaway ka ata kani
Wish ko lang talaga sa bagong boss namin sana matino na siyang mag desisyon, yung wala ng kasaling impakta sa agency namin."Billionaire," sabi ni ate Jemma at namangha pa talaga siya. Inismiran ko siya."Tsk." Nakita ko ring nagulat si Ven nang malaman na Billionaire ang bagong may-ari. Isa pa to."Kung billionaire, bat niya pa binili ang studio na ito? kung tutuosin pipitchugin lang to," nakasimangot kong sabi. Kung ganyan pala utak ng billionaire na bumili sa studio tangina isa pa siyang tanga. Billionaire na nga pinagtyagaan pa ang studio? the hell.. hindi agad natupad ang wish ko."Oo nga," pag-sangayon ni Ven. Kita mo na, sobrang tanga nga talaga ng billionaire na iyun."Kumain na kayo diyan, pagkatapos pwede na kayong umuwi at magpahinga," sabi ng manager namin. Pareho kaming tumango ni Ven."Mabuti at makapunta sa bar mamaya," nakangising sabi ko. Naalala ko ang sinabi ng lalaki.. edi pupuntahan natin, tingnan n
Umuwi kaming dalawa ni Ven sa kanya kanya naming condo. Dahil wala akong magawa, gusto kong asarin ang kuya ni Vanessa. Galit ito sa akin simula noong ni reject ko, gusto niyang lumayo ako sa kapatid niya. Hindi alam ni Vanessa iyun at hindi niya naman kailangan malaman. Wala lang iyun sa akin.Ni reject ko agad kuya niya, ayaw kong masira pa ang friendship namin ni Ven kung hindi ako seryoso sa kuya niya. Ayaw kong aabot sa punto si Ven na malilito siya sa amin ng kuya niya. Magka iba ang bonding ng dalawa at magka iba rin sa amin ni Ven.Sinend ko kay Jayson, ang kuya ni Vanessa.. ang picture ni Ven habang nah shoot kanina. Kinuhanan ko siya para aasarin ang kuya niya.Me: sobrang sexy ng kapatid mo sht sarap magpakalalaki.Nakangisi ko yung sinend sa kanya. Naalala ko talaga yung pamilya nuyang ayaw sa akin, ewan ko nalang kung anong magiging reaction nila nito. Sobrang protective yan tuloy hindi na matuto itong si Vanessa.Jayson: fck u, bakit mo pinasuot ng ganyan ang kapatid ko
Nakita kong may maraming notification sa instagram ko. Tumaas ang kilay ko ng makita ang post ni Ven at yung caption niya. Anong nangyari sa kanya? natawa nalang ako sa mga comment ng iba habang minention ako. Sa gandang ko to nakakasira ng araw? bulag ba sila?Umalis na ako doon at hinayaan na silang imention ako. Alam kong hindi naman ako pinatamaan ni Ven, mamaya tatanungin ko yun. Gusto ko personal.Hindi na nag reply ang lalaki kaya bored kong binuksan ang tv. Busy ba yun? nakatingin lang ako sa tv pero wala akong maintindihan. Ilang sandali pa tinawagan ko ulit si Ven, for sure tapos na silang mag usap ng kuya niya.Kumunot ang noo ko ng hindi ito sumagot. Ano bang ginawa ng babaeng to sa condo niya? Me: bakit hindi ka sumagot?tinititigan ko muna ang cellphone ko, hinintay ang reply niya pero wala pa rin. May nangyari ba sa kanya? ngumuso ako at nilagay nalang ang cellphone sa table. Hindi naman ako ganun ka bored dati pero ngayon naranasan ko na ang buhay ni Ven. Tiningnan k
Hindi ko na ito sinagot at naghanda nalang para sa lakad mamaya. Magkikita rin naman kami mamaya. Sinuot ko ang most revealing na backless dress ko. Hindi ako masyadong nagsusuot ng masyadong revealing sa bar dahil baka may asong uulol pag nakita ako.Ngayon susuotin ko ito para sa lalaking iyun. Syempre kailangan ko rin tong suotin para sa first timer kong kaibigan. Party! party!Agad akong dumeritso sa cr at naligo pagkatapos nag lagay ng kunting make up sa mukha at inayos ang buhok. Pagkatapos sinuot ko na ang backless dress ko. Mamaya pa naman kaming 10 magkita kaya magsaya ako mamaya. Subukan talaga nilang lapitan si Vanessa makikita nila. Kung gusto nilang makilala ang kaibigan ko samahan nila sa simbahan wag sa bar.Ngumiti ako habang pinagmasdan ang sarili sa whole body na salamin. Very beautiful Layviel. Kinindatan ko pa ang sarili sa salamin bago ako lumabas sa kwarto at dumeritso sa parking lot at sumakay agad sa sasakyan.Bago ko ito pinaandar tiningnan ko muna ang oras sa
"Gusto mo bang makatanggap ng text na 'mag kita kayo sa hotel' pagkatapos ng break up mo sa boyfriend mo?" nakangising tanong ko. Nasira ang mukha niya sa narinig sa akin."Yak!" nandidiring sabi niya kaya tumawa ako ng malakas."Kita mo na! gusto mo basahin mo tong mga text ng mga gagong yun?" natatawang alok ko. Umiling siya kaya ngumisi ako. "Naiinis ka pa rin ba?" nakangising tanong ko."Naiinis lang ako dahil halos nakita ko sa mga tv is kagaya mo mga party girl, wala na sa kanila yung ginawa ng lalaki sa kanila." "Sinong lalaking yan?" taas kilay kong tanong. Umiling agad siya sa akin."Wala! just.. hayst nevermind. Bakit ba ako naiinis sa kanila," mahinang bulong niya sa kanyang sarili sa huling sinabi niya. Pero narinig ko yun kaya napatitig ako sa kanya at sa buong katawan nito.Kaya ba siya nagpaganda ng ganito para makasabay sa mga baabeng kagaya ko? para magustuhan sa lalaking sinabi niya? tangina sino bang lalaking yan!?"May gusto ka bang lalaki?" may pagdududang tanong
"Aalis tayong lahat dito kung aalis si Miguel," seryosong sabi ni lolo. Napangisi ako. Favorite nga ni lolo si Miguel, habang favorite din akong kampihan ni Miguel. Ano kayo diyan?"Lolo!" inis na sigaw ng pinsan ko at tumayo habang masamang tumingin sa akin."Lolo, kung hindi siya aalis, ako nalang aalis!" pananakot niya kay lolo. Kung natakot nga si lolo sa kanya, parang wala lang naman kay lolo."Kung iyun ang gusto mo," seryosong sabi ni lolo. Gusto kong matawa sa reaction ng mga tita ko."Papa!" sigaw ni tita ang mama nang pinsan ko nananakot kay lolo."Fine!" inis na sigaw ng pinsan ko at mag padabog na lumabas sa mansyon."Aalis kaming lahat dito papa!" galit na ring sabi ni tita at lumabas agad para sundan ang anak.Lumabas nga silang lahat, kami nalang ang natira ng parents ko at ang kapatid ko.Ganun sila ka ayaw sa akin kaya nagsi-alisan lahat, kala mo talaga suyuin pa sila ni lolo. Edi umalis sila, alam kong takot lang silang mawalan ng mana."Bakit nandito pa kayo?" ser
"Dito ka lang Miguel, parang miss na miss ka na nila. Hindi ka ata nagpakita ng ilang buwan. Bakit kaya?" nakangiting tanong ko at tiningnan si mommy. "Kapal ng mukha mo," sabi ng isang pinsan ko na inis na inis din sa akin. Actually magkakampi silang lahat, habang ako si Miguel lang ang kumampi sa akin. Wala silang magagawa dahil si Miguel lang naman ang paborito ng lolo namin, kaya ganyan nalang iyan sila kay Miguel."Buti Miguel, dinala mo ang ate mo ngayon dito. Ngayon ko lang ulit siya nakita simula noong umalis siya," singit ng lolo namin kaya tumahimik ang lahat.Lumapit ako kay lolo habang nakangiti, pero pinigilan nila ako."Wag kang lumapit sa kanya!" sigaw ng isang tita ko."Easy, hindi ko sasaktan si lolo. Magmano lang naman ako sa kanya, okay lang ba lolo?" tanong ko kay lolo na ngayon nakangiti sa akin at tumango. Kinindatan ko muna ang tita ko bago nagpatuloy."Kumusta ka lolo?" bulong kong tanong at nagmano sa kanya. Akala ng lahat ayaw talaga ni lolo sa akin, ganun
"Wala na akong pakialam kung iyun ang tingin ng ibang tao sa akin, iyun ang paraan ko para hindi ako masaktan ng ibang tao," dagdag kong sabi.Ilang sandali pa tahimik na kaming dalawa."Pasok na tayo," uli ko sa sinabi ko kanina. Ngayon tumango na siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya habang siya ngumuso sa akin. He's still a baby for me."Wag ka lang magsalita mamaya, hayaan mo lahat ang sasabihin nila ako na bahala doon," nakangiting paalala ko. "Hindi ko iyan hahayaan ate, kung dati wala akong magawa dahil bata pa ako ngayon may magagawa na ako, ayaw kong pagsisihan iyun sa huli," sabi niya kaya umirap lang ako sa kanya at na una ng lumabas na.Parang hindi ko na siya mapigilan sa gusto niya. Pero sa totoo lang kinabahan ako.Habang naglakad kami papasok biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isng text kaya tiningnan ko muna ito.Zephyrus: kumusta ka na? I hope okay ka lang baka bibilhin ko yang lugar niyo at ipangalan sayo para maging okay na sila sayo.Napailing ako sa kanyang
Kanina nag-ayos lang ako ng mga gamit ko ngayon papunta na kami sa mansyon. Kinabahan ako ng sobra, hindi pa ako pinakain ng kapatid ko dahil doon nalang daw para sabay kaming apat. Wowers, tingnan natin kung makakain nga talaga ako doon."Kainis yung pinsan mo Miguel, anong pinupunta niya doon sa kwarto ko, hindi kami close."Kanina pa ako nag rant sa babaeng yun, may boyfriend ata siya ngayon at takot na namang magkagusto sa akin. Nagpatunay lang na mas maganda talaga ako sa babaeng iyun, pati siya takot na kaya niya ako pinuntahan.Wag lang niyang ipakita ako sa boyfriend niya baka ma de ja vu siya bigla."Pinsan mo rin iyun ate," sabi niya. Umirap ako sa kawalan at tiningnan lang ang daan papunta sa amin. Sobrang dami talagang nagbago, halatang hindi naka-uwi ng ilang taon. Baka maliligaw pa ako dito kung ako lang mag-isa. Hindi talaga pamilyar sa akin itong mga nakatayo na nadaanan namin ngayon."Sinong nandun?" tanong ko ng ma-isip iyun. Baka nandun din ang mga tita at tito kong
Magaan ang pakiramdam ko nang magising ako at tiningnan ang oras, wow umaga na ang haba tulog ko. Akala ko talaga masisira ang buong bakasyon ko kapag uuwi ako dito sa amin.Pero paano kami pupunta sa bahay ngayon? balak ko naman kamustahin si mommy.Hindi ko muna iyun inisip at inayos ko muna ang mga damit ko. Habang nag-ayos ako, may nag doorbell naman kaya agad akong tumayo para pag buksan ang kapatid ko, wala naman akong ibang bisita dito kundi siya lang.Nang binuksan ko nagulat ako ng hindi kapatid ko ang nakita ko kundi ang pinsan kong may galit sa mundo, I mean sa akin lang pala."Anong ginawa mo dito?" mataray kong tanong sa kanya agad. "Hindi mo ba papasukin ang pinsan mo?" taas kilay niyang tanong sa akin. Ayaw magpapatalo sa katarayan ko."Wala akong pinsan," simpleng sabi ko at isirado ko na sana ang pinto pero hindi natuloy ng magsalita ulit siya bago ko mairasa ito."Oo nga pala, tinakwil ka na pala sa pamilya namin, my bad."Nang-asar ba siya? hindi kasi ako na-asar.
Eh? marites spotted.Tiningnan ako ni Miguel kaya tinaasan ko siya ng kilay kaya natawa siya at umiling sa babae."Don't worry ate kung gusto mo siya, gora," sabi ko. Nakitanoong namula siya sa sinabi ko kaya tumaas ang kilay ko. Wow, famous ba tong kapatid ko sa mga babae? hindi ko alam.Pero hindi na rin ako nagtaka, nasa lahi talaga namin ang magaganda ang gwapo."Ngayon ko po kaso nakitang may sinama si sir na babae, kaya inisip kong girlfriend ka niya, sorry po sa pagtatanong," nahihiyang sabi miya habang namula pa ang mukha niya."Kung gusto mo akong ligawan, ligawan mo muna kapatid ko," sabi ni Miguel at tinuro ako. Mas lalong nahiya si ate kaya natawa ako at napailing."Wag kang bakla, kung gusto mo si ate ikaw ang manligaw!" pang-aasar ko sa kapatid ko. Sumimangot naman siya at iniwan na ako doon ng makuha na ang card na hinintay namin para sa kwarto ko."Bye," nakangiting paalam ko at tumalikod na rin. Sa ganung scenario, mas lalo kong namiss ang samahan namin magkapatid da
Tinuro ako ng ibang tao ng makilala nila ako at kumaway yung iba."Layviel!" tawag ng ali na hindi ko matandaan ang pangalan nang makita niya ako habang lalagpasan na sana ako.Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin sa paligid para hanapin ang kapatid ko. Itong mga tao dito, sure akong pinagusapan nila ako dati, pero bakit ngayon nag-iba na ang ngiti nila sa akin."Miguel, iyan ba ang ate mo na tinakwil ng mama mo dati?" rinig kong sabi ng kung sino kaya napalingon ako kung na saan galing ang boses na iyun.Akala ko may-iba, hindi pala. Hindi ko na narinig ang sagot ng kapatid ko, nakita ko na rin siyang papalapit sa akin."Na saan ang sasakyan mo?" tanong ko sa kanya pero wala siya sa mood, dumeritso lang siya sa sasakyan ko kaya pinatunog ko naman ito agad para makapasok siya.Pumasok ako sa front seat at tala siyang tiningnan."Anong nangyari sayo? paano ang sasakyan mo?" tanong ko nang makitang may balak siyang mag drive sa sasakyan ko."Ipakuha ko nalang sa driver," malamig niyan
Bumugtong hininga ako nang naging pamilyar na sa akin ang lugar. Sobrang dami ng pinagbago pero hindi pa rin mawala ang mga ala-ala ko sa bawat sulok dito noong panahong tinakwil ako ni mommy.Mapait akong ngumiti at dahan dahang dumaan doon. Maraming tumingin sa sasakyan ko, alam kong hindi nila nakilala kung sino ang nasa loob. Mas mabuti na rin iyun.Nakita ko pang may groupo ng matanda na nagbulong bulongan habang nakatingin sa sasakyan ko. Sa lugar na ito, sila mommy ang mayaman sa lahat ng tao dito. Kaya nga tinakwil ako ni mommy kaysa siya ang itakwil sa pamilya niyang mayaman.Si daddy? may kaya rin naman sila pero hindi kagaya ng kay mommy. Pero wala rin naman akong pake kung sino ang mas mayaman dito o sinong mas mayaman sa kanila ni daddy, wala naman akong natanggap noong naghihirap ako. Kahit kay daddy, wala.Nagpasalamat lang ako noong bata ako dahil binuhay nila ako. Actually, close kami no mommy dati bago nangyari lahat. Kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya o kahit
Buti nalang pinaalis sila ng mga bodyguards, kung hindi may paglamayan mamaya.Iniinis nila ako.Pinaharurot ko agad ang sasakyan ko kaya yung iba na mismo ang umalis sa dadaanan ko. Takot palang mamatay pero nasa harapan nakaharang.Nang makalabas na ako mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko habang tiningnan ang side mirror para matingnan kung may nakasunod ba sa akin. Wala naman siguro kaya nagpatuloy lang ako sa pag drive.Medyo malayo ang sa amin dito kaya alam kong matatagalan ako pero si Miguel panay tawag na sa akin."[Ate na saan ka na?]" tanong niya sa akin habang nag drive pa ako."Nasa daan pa Miguel, masyado kang excited," simpleng sabi ko."[Nag drive ka na ngayon?]" tanong niya."Yes.""[Btw ate, saan ka uuwi? sabi mo kasi na wag ko munang sabihin kay mommy,]" tanong niya sa akin."May hotel naman diyan malapit lang," simpleng sagot ko."[Pupunta ako doon ate ngayon, ako na mag booked para sayo,]" alok niya."May pera ka ba?" biro kong tanong sa kanya. Tuloy-tuloy lang