Nakita kong may maraming notification sa instagram ko. Tumaas ang kilay ko ng makita ang post ni Ven at yung caption niya. Anong nangyari sa kanya? natawa nalang ako sa mga comment ng iba habang minention ako. Sa gandang ko to nakakasira ng araw? bulag ba sila?Umalis na ako doon at hinayaan na silang imention ako. Alam kong hindi naman ako pinatamaan ni Ven, mamaya tatanungin ko yun. Gusto ko personal.Hindi na nag reply ang lalaki kaya bored kong binuksan ang tv. Busy ba yun? nakatingin lang ako sa tv pero wala akong maintindihan. Ilang sandali pa tinawagan ko ulit si Ven, for sure tapos na silang mag usap ng kuya niya.Kumunot ang noo ko ng hindi ito sumagot. Ano bang ginawa ng babaeng to sa condo niya? Me: bakit hindi ka sumagot?tinititigan ko muna ang cellphone ko, hinintay ang reply niya pero wala pa rin. May nangyari ba sa kanya? ngumuso ako at nilagay nalang ang cellphone sa table. Hindi naman ako ganun ka bored dati pero ngayon naranasan ko na ang buhay ni Ven. Tiningnan k
Hindi ko na ito sinagot at naghanda nalang para sa lakad mamaya. Magkikita rin naman kami mamaya. Sinuot ko ang most revealing na backless dress ko. Hindi ako masyadong nagsusuot ng masyadong revealing sa bar dahil baka may asong uulol pag nakita ako.Ngayon susuotin ko ito para sa lalaking iyun. Syempre kailangan ko rin tong suotin para sa first timer kong kaibigan. Party! party!Agad akong dumeritso sa cr at naligo pagkatapos nag lagay ng kunting make up sa mukha at inayos ang buhok. Pagkatapos sinuot ko na ang backless dress ko. Mamaya pa naman kaming 10 magkita kaya magsaya ako mamaya. Subukan talaga nilang lapitan si Vanessa makikita nila. Kung gusto nilang makilala ang kaibigan ko samahan nila sa simbahan wag sa bar.Ngumiti ako habang pinagmasdan ang sarili sa whole body na salamin. Very beautiful Layviel. Kinindatan ko pa ang sarili sa salamin bago ako lumabas sa kwarto at dumeritso sa parking lot at sumakay agad sa sasakyan.Bago ko ito pinaandar tiningnan ko muna ang oras sa
"Gusto mo bang makatanggap ng text na 'mag kita kayo sa hotel' pagkatapos ng break up mo sa boyfriend mo?" nakangising tanong ko. Nasira ang mukha niya sa narinig sa akin."Yak!" nandidiring sabi niya kaya tumawa ako ng malakas."Kita mo na! gusto mo basahin mo tong mga text ng mga gagong yun?" natatawang alok ko. Umiling siya kaya ngumisi ako. "Naiinis ka pa rin ba?" nakangising tanong ko."Naiinis lang ako dahil halos nakita ko sa mga tv is kagaya mo mga party girl, wala na sa kanila yung ginawa ng lalaki sa kanila." "Sinong lalaking yan?" taas kilay kong tanong. Umiling agad siya sa akin."Wala! just.. hayst nevermind. Bakit ba ako naiinis sa kanila," mahinang bulong niya sa kanyang sarili sa huling sinabi niya. Pero narinig ko yun kaya napatitig ako sa kanya at sa buong katawan nito.Kaya ba siya nagpaganda ng ganito para makasabay sa mga baabeng kagaya ko? para magustuhan sa lalaking sinabi niya? tangina sino bang lalaking yan!?"May gusto ka bang lalaki?" may pagdududang tanong
Bago kami pumasok sa bar, nag sorry siya sa akin. Hindi ko mapigilan sabihin ang inisip ko pero hindi ko pa rin siya hahayaan sa loob ng bar. Maraming gago at isang inosente. No way.Papasok na kami at nakita ko na naman ang guard na nanghahawak ng pwet kaya malayo pa lang binalaan ko na siya. Ayaw kong makita yun ni Ven pero nakita niya pa rin nang gawin yun ng guard sa ibang babae. Napailing nalang ako sa kabastosan ng matandang yun Pumasok na kami sa bar at pagpasok pa lang tinakpan na ni Ven ang kanyang tainga dahil sa ingay. Sanay na ako kaya hindi na ako nagtakip. Napatingin ako kay Ven na halata sa mukha ang naiingayan. Ngumisi ako at sinabihan siyang tanggalin yun. Ginawa niya naman agad.Napansin kong nasanay na siya sa ingay kaya ngayon pinagmasdan na niya ang paligid kung saan maraming naghahalikan. May lalapit sana sa aming waiter pero malayo pa lang siya sinenyasan ko na siyang wag lumapit. Habang pinagmasdan ni Ven ang paligid tiningnan ko rin ang mga lalaking tumingin
Zephyrus POVSimula nong gabing nangyari iyun sa amin habang nasa harap ng kanya kanya naming cellphone hindi ko na mapigilan pagnasahan ang babae kahit nasa trabaho.Habang nagbabasa ng mga papeles na dapat kong pirmahan panay pasok sa isipin ko ang reaction ng babae habang pinaligaya ang sarili namin. Napangisi ako at nag text nalang sa kanya kaysa magbasa na wala naman akong maintindihan.Me: 10:00 tonight.Hindi ko na hinintay ang reply niya nang tawagin ako ng secretary ko para isang meeting. Dumeritso agad ako doon at agad naman silang nagsimula sa harap ko. Hindi ko maintindihan ang sinabi nila dahil si Layviel pa rin ang nasa isipan ko.Dahil wala akong maintindihan ko pina ulit ko sa kanila ang presentation nila sa susunod na araw. Masyado akong excited para sa mamayang gabi. Magkikita ulit kami ni Layviel, baliw na talaga ako sa babaeng yun.Kanina bago ako pumasok sa trabaho pinuntahan ko muna si Mr. Lmao dahil may kasunduan kami. Wala siyang magawa dahil malaki ang utang n
"Ikaw ang gusto Zep," sabi ni Ivan habang ngumuso sa banda ng mga babae pero para siyang natigilan nang napatingin siya sa bukana ng bar kung saan pumasok ang bagong dating."Sht, angel ba yan?" namanghang sabi ni Ivan. Napatingin ako sa tiningnan niya, pero si Layviel agad ang nakita ko habang hinila ang kasama na nakatakip ang kamay sa tainga.Napatitig ako kay Layviel at biglang nakaramdam ng init. Sht. Kahit nasa malayo lang ang babae."Kasama ni Layviel parang hindi sanay sa bar," komento ni Ivan habang nakatingin rin sa banda kung saan rin ako nakatingin. Tiningnan ko ang kasama ni Layviel na ngayon unti unti ng binaba ang kamay pagkatapos bulungan ni Layviel."Yeah," simpleng sabi ko at tumingin kay Layviel na ngayon panay ngisi sa kanyang kasama. Hindi niya pa ako nakita."Bakit siya pumasok? hindi dapat nandito ang isang angel," sabi ni Ivan at agad tumayo. Taka akong tumingin sa kaibigan ko."Saan ka pupunta?" kunot noong tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin at dume
Mabuti na nga at magseryoso na itong kaibigan ko. For sure babalik na sa kanya ang karma. Nasa cellphone na agad ang kanyang attention kaya tahimik na kaming dalawa. Ilang sandali pa nagpaalam na siyang umalis sa akin."Saan ka pupunta?" takang tanong ko. "Uuwi," simpleng sagot nito kaya natawa ako. Impossible."Sa akin ka pa talaga magsinungaling?" natatawang tanong ko. Ngumisi lang siya at umalis na ng walang pasabi. Napailing nalang ako habang tiningnan siyang paaalis. Hindi rin nagtagal nakita kong dumating na si Layviel. Dumeritso agad siya sa pwesto ko kaya napaayos ako ng upo."Wala kang kasama?" tanong nito agad at umupo sa tabi ko. Nakita kong maraming nakatingin sa kanyang lalaki kaya agad kong nilagay ang kamay ko sa kanyang baywang."Wala," tipid kong sagot. Tahimik kaming dalawa, hindi na rin siya nagsalita kaya nilapit ko siya sa akin."Alam mo, magpakilala ka kaya muna," sabi niya."Zephyrus Bryle Yanetta," bulong ko. Tinititigan ko ang kanyang reaction. Akala ko maki
Layviel POVZephyrus Bryle Yanetta, saan ko nga ba ito narinig? napatingin ako sa kanya na nag drive na kung saan. Sumama na ako sa kanya kanina, wala naman ata sigurong mangyaring masama sa akin. "Saan ba tayo pupunta?" inis kong tanong. Kanina ko pa siya tinanong pero ayaw niyang sumagot. Akala ko kanina sa hotel kaya hindi agad ako pumayag agad pero nilampasan niya lang yun. Hindi siya nagsalita kaya inis na akong sumadal sa upuan ng kanyang sasakyan. May napansin ako sa kanyang sasakyan. Hindi ito ang sasakyan na dinala niya noong unang kita namin, iba ito. Hiniram niya lang? pero hindi basta bastang sasakyan puro mamahalin. Walang panama yung presyo ng sasakyan ko sa sasakyan niyang Lamborghini at ang unang ginamit niya ay Ferrari. Kanina nagdalawang isip akong sumakay sa ganda nito parang hindi ako bagay sa loob.Tumingin ako sa labas. Nagtaka ako ng pumasok kami sa isang private village. Pag may-ari lang ng mayayamang tao. Nakita ko ang guard na tiningnan lang kaming papasok
"Hinanda ko na nga sarili ko kapag nalaman nilang kami ng kapatid ko makatanggap sa mana na galing kay lolo," wala sa sariling sabi ko habang inisip ang magiging reaction ng mga tita ko."Hindi mo na kailangan iyan, meron naman sa akin," seryosong sabi niya kaya taka akong tumingin sa kanya at napailing nalang."Siraulo, hindi nga kita boyfriend," umirap kong sabi.Tapos na akong kumain habang nagkwentuhan parin kami at ganun din siya, walang planong kumilos habang nakikinig."Can you be my girlfriend?" seryosong tanong niya.Lumakas ang tibok ng puso ko at naumulang tumingin sa kanya. Baka inisip niyang gusto kong maging boyfriend siya kaya ko iyun sinabi. Maganda nga pakinggan dahil may nangyari na sa amin at kanina lang may nangyari ulit. Babae rin naman ako kagaya ng ibang babae gusto ko ang lalaking makauna sa akin ay ang boyfriend ko pero hindi naman siya nanligaw kaya hinayaan ko na at hindi nalang inisip lahat."Wag ka ngang magbiro ng ganyan, sinabi ko lang naman iyun para ip
"Do you want more?" nakangising tanong niya habang dahan-dahan niyang tunanggal ang daliri doon. Lumapit ako sa kanya para yakapin nalang siya dahil akong masabi. Narinig kong tumawa siya."Let's eat," sabi niya habang nakayakap sa akin. Halatang nakangisi sa akin habang sinabi iyun.Nang-asar siya pero halatang may gustong gawin din ang gusto ko dahil sa isang bagay na parang galit na galit at gustong lumabas sa kanyang pantalon."Okay," mahinahong sabi ko at lumayo na sa kanya. Tumawa nalang siya at kinuha ang dala niyang pagkain kanina. Ngayon naramdaman ko ulit ang gutom na kanina ko pa naramdaman pero dahil sa ginawa niya, pansamantala ko itong nakalimutan.Pumunta kami sa kusina para doon kumain. Ngayong nandito siya hindi ko alam kung anong sasabihin sa kapatid ko kapag nakita siya rito, lalo na si lolo. Bakit ba kasi sumunod siya, hindi pwedeng hintayin nalang niya ako?Nagsimula na kaming kumain."Bakit nandito sa hotel?" tanong niya. Nagtaka naman akong tumingin sa kanya. An
Warning!!"A-ano ba!?" sigaw ko at tinulak kahit iba ang gusto kong gawin. Kainis bakit parang namiss ko rin siya."I miss you," bulong niya at hinalikan ang leeg ko kaya tinigilan ko na ang pagtulak sa kanya at hinayaan nalang siyang yakapin ako ng mahigpit.Ngayon ko lang naalala ang itsura ko.Omayghad!? kakagising ko at tangina!"B-bumitaw ka muna, pupunta lang ako sa kwarto," sabi ko. Lumayo naman siya pero hindi ako binitawan, tiningnan lang niya ako at ngumiti ng matamis."You're so beautiful especially in the morning," nakangiting sabi niya habang nakatitig sa akin.Tangina talaga."Mag s-suklay lang ako," nahihiyang sabi ko pero ngumisi lang siya at nilapit ang mukha sa akin kaya nilayo ko naman ito sa kanya."Anong ginawa mo!?" takang tanong ko habang nilayo ang mukha."Anong ginawa mo?" tanong niya rin sa akin."Hindi pa ako nag t-toothbrush!" sabi ko. Parang wala siyang narinig at nilapit ang mukha sa akin at hinalikan ako ng mabilis."Sabing—" hindi ko matapos ang sasabi
"Ang tagal mong nalayo ate, anong gusto mo hayaan kang .alayo ulit?" nakasimangot niyang sabi."So ibig sabihin gusto mong single ako habang buhay?" natatawang sabi ko. Hindi siya sumagot kaya pareho namin siyang tinawanan ni lolo."Malayo pang mangyari iyun Miguel, wag kang mag-alala," nakangiting sabi ni lolo sa kanya."Malayo pa talaga, wala pa nga akong boyfriend tapos kasal na pinagusapan natin dito," natatawang sabi ko."Hindi pala boyfriend pero bukang bibig," bulong Miguel pero narinig namin."Anong bukang bibig? kayo nga diyan eh," natatawang sabi ko.Natapos ang araw na iyun na nagtawanan lang kami bago ako bumalik sa condo ko. Naiwan si Miguel doon para magbantay kay lolo. Na guilty din ako dahil ngayon nagalit ang mga tita at tito ko sa kanya.Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw na ayaw nila sa akin, ngayon nadamay pa si lolo sa galit nila dahil sa akin. Lalo na siguro ngayon na sa amin pala ni Miguel pinangalan ni lolo, akala ko kay Miguel lang eh, okay lang nama
"Sana sa mga anak mo nalang lolo, siguradong protektahan nila iyan ng maayos," dagdag kong sabi.Sa hindi nakakaalam, madaming ari-arian si lolo at kami lang dalawa ng kapatid ko ang gagaw ng bagay na iyun? at wala pa kaming alam kung anong gagawin namin sa ari-arian na iyun lalo na sa mga negosyo ni lolo. Baka ma bagsak pa iyun."May tiwala ako sa inyo," nakangiting sabi ni lolo sa amin.Nagkatinginan kami ni Miguel at parehong napailing. Malaki at madaming responsibility."Alam ba nila mommy?" nag-alalang tanong ni Miguel. Isa pa iyan, madami rin palang kaaway. Hayst."Hindi at ipangako niyo sa akin hinding hindi niyo ibibigay kahit kanino ang binigay ko sa inyo kundi sa mga anak niyo lang," seryosong sabi ni lolo."Naku Lo paano kung babagsak?" wala sa sariling sabi ko. Natawa nalang si lolo at hinaplos ang ulo ko."Wag niyo munang isipin iyan, gawin niyo muna ang gusto niyong gawin ngayon at kapag mawawala na ako sa mundo may taong pinagkatiwalaan ko na magtuturo sa inyo sa mga ga
"Aalis tayong lahat dito kung aalis si Miguel," seryosong sabi ni lolo. Napangisi ako. Favorite nga ni lolo si Miguel, habang favorite din akong kampihan ni Miguel. Ano kayo diyan?"Lolo!" inis na sigaw ng pinsan ko at tumayo habang masamang tumingin sa akin."Lolo, kung hindi siya aalis, ako nalang aalis!" pananakot niya kay lolo. Kung natakot nga si lolo sa kanya, parang wala lang naman kay lolo."Kung iyun ang gusto mo," seryosong sabi ni lolo. Gusto kong matawa sa reaction ng mga tita ko."Papa!" sigaw ni tita ang mama nang pinsan ko nananakot kay lolo."Fine!" inis na sigaw ng pinsan ko at mag padabog na lumabas sa mansyon."Aalis kaming lahat dito papa!" galit na ring sabi ni tita at lumabas agad para sundan ang anak.Lumabas nga silang lahat, kami nalang ang natira ng parents ko at ang kapatid ko.Ganun sila ka ayaw sa akin kaya nagsi-alisan lahat, kala mo talaga suyuin pa sila ni lolo. Edi umalis sila, alam kong takot lang silang mawalan ng mana."Bakit nandito pa kayo?" ser
"Dito ka lang Miguel, parang miss na miss ka na nila. Hindi ka ata nagpakita ng ilang buwan. Bakit kaya?" nakangiting tanong ko at tiningnan si mommy. "Kapal ng mukha mo," sabi ng isang pinsan ko na inis na inis din sa akin. Actually magkakampi silang lahat, habang ako si Miguel lang ang kumampi sa akin. Wala silang magagawa dahil si Miguel lang naman ang paborito ng lolo namin, kaya ganyan nalang iyan sila kay Miguel."Buti Miguel, dinala mo ang ate mo ngayon dito. Ngayon ko lang ulit siya nakita simula noong umalis siya," singit ng lolo namin kaya tumahimik ang lahat.Lumapit ako kay lolo habang nakangiti, pero pinigilan nila ako."Wag kang lumapit sa kanya!" sigaw ng isang tita ko."Easy, hindi ko sasaktan si lolo. Magmano lang naman ako sa kanya, okay lang ba lolo?" tanong ko kay lolo na ngayon nakangiti sa akin at tumango. Kinindatan ko muna ang tita ko bago nagpatuloy."Kumusta ka lolo?" bulong kong tanong at nagmano sa kanya. Akala ng lahat ayaw talaga ni lolo sa akin, ganun
"Wala na akong pakialam kung iyun ang tingin ng ibang tao sa akin, iyun ang paraan ko para hindi ako masaktan ng ibang tao," dagdag kong sabi.Ilang sandali pa tahimik na kaming dalawa."Pasok na tayo," uli ko sa sinabi ko kanina. Ngayon tumango na siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya habang siya ngumuso sa akin. He's still a baby for me."Wag ka lang magsalita mamaya, hayaan mo lahat ang sasabihin nila ako na bahala doon," nakangiting paalala ko. "Hindi ko iyan hahayaan ate, kung dati wala akong magawa dahil bata pa ako ngayon may magagawa na ako, ayaw kong pagsisihan iyun sa huli," sabi niya kaya umirap lang ako sa kanya at na una ng lumabas na.Parang hindi ko na siya mapigilan sa gusto niya. Pero sa totoo lang kinabahan ako.Habang naglakad kami papasok biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isng text kaya tiningnan ko muna ito.Zephyrus: kumusta ka na? I hope okay ka lang baka bibilhin ko yang lugar niyo at ipangalan sayo para maging okay na sila sayo.Napailing ako sa kanyang
Kanina nag-ayos lang ako ng mga gamit ko ngayon papunta na kami sa mansyon. Kinabahan ako ng sobra, hindi pa ako pinakain ng kapatid ko dahil doon nalang daw para sabay kaming apat. Wowers, tingnan natin kung makakain nga talaga ako doon."Kainis yung pinsan mo Miguel, anong pinupunta niya doon sa kwarto ko, hindi kami close."Kanina pa ako nag rant sa babaeng yun, may boyfriend ata siya ngayon at takot na namang magkagusto sa akin. Nagpatunay lang na mas maganda talaga ako sa babaeng iyun, pati siya takot na kaya niya ako pinuntahan.Wag lang niyang ipakita ako sa boyfriend niya baka ma de ja vu siya bigla."Pinsan mo rin iyun ate," sabi niya. Umirap ako sa kawalan at tiningnan lang ang daan papunta sa amin. Sobrang dami talagang nagbago, halatang hindi naka-uwi ng ilang taon. Baka maliligaw pa ako dito kung ako lang mag-isa. Hindi talaga pamilyar sa akin itong mga nakatayo na nadaanan namin ngayon."Sinong nandun?" tanong ko ng ma-isip iyun. Baka nandun din ang mga tita at tito kong