Share

OHN 2

Hella was so happy that she won the case,kaya ngayon ay nagpahanda na naman ang mommy niya.Pati ang mga taga opisina ay pinadalhan pa nito ng pagkain.Pinabayaan niya nalang at hindi din naman makikinig ang ina sa kanya. Dumeretso siya sa opisna,binabati din siya ng kapwa niya lawyer sa firm. Maaliwalas ang mukha ni Maricar ng lapitan niya ito.

“ Congratulations Ms. ,you did it.Kahit hindi ko nakita kung pa’no niyo nilampaso ang kabilang panig. Pero kahit na gano’n,nahihinuha ko na kung pa’no.”

Pinagsiklop pa nito ang dalawang kamay at tumingala na parang ini-imagine siya sa korte. Naiiling na natawa siyang pumasok sa opisna niya.

Agad naman na sumunod si Maricar at ibinigay ang ibang dokumento sa kanya.Katatapos lang ng unang kaso niya,mukhang mapapasubo na naman siya .Well,she loves what she’s doing and she will willingly accept it.

Her days went by normally,studying a case depending her client,explaining what to do to her client that keeps on complaining.And now she has one problem,she thought if she win that case at ang lupang pinaglalaban ng kliyente ayos na ang lahat. But before that congressman leave,he threatened her. But threat is not new to her,assistant palang siya ng uncle niya. Kung ano anu na ang klaseng pagbabanta ang natanggap niya. Ngayon pa ba siya matatakot, kung kailangan niyang puntahan mismo ang bayan kung saan nakatira ang kliyente. Pupuntahan niya,nakaramdam siya ng kaba. Hindi para sa kanya kundi para sa mag asawang hinangad lang na maibalik ang sinamsam na pag aari ng isang congress man sa kanilang lugar.

Nasa malalim siyang pag-iisip ng biglang sumulpot ang isang bulaklak sa harapan niya. Sa likod no’n ay si Maricar na hawak ang pulang rosas.

“ Para sa’yo daw po Ms.,hindi naman sinabi kung kanino galing. Ipina deliver lang dito,hindi ko nga sana tatanggapin kasi ang creepy ng pagkaka-pula eh.”

Napatingin siya sa bulaklak,ang weird nga at medyo creepy. It’s a red roses,pero ang ibang rose ay hindi lahat red. Ang iba ay may itim,bigla siyang kinilabutan.Kinuha niya ang bulaklak dito at tiningnan kung may card.Nang may makita,huminga siya ng malalim at pinakatitigan muna ang card na hawak.

“ Pati ang card nakakatakot,bakit ganyan ang pagkapula niyan?”

Umangat ang tingin niya kay Maricar na nahihintakutang nagpaalam,inilapag nito ang bulaklak sa mesa niya at lumabas.Naiwan siyang mag- isa,nag iisip kung bubuksan ba niya o hindi ang card . But she is curious, so she open it. Gano’n na lang panlalaki ng mata niya,nabitawan niya ang card at napatayo sa kinauupuan.

Hingal niyang tiningnan ulit ang card na nakabukas pa rin ng malaglag.

“ Better stop,than being sorry Attorney!”

Malinaw ang nakasulat,pero ang ikinakaba niya hindi ang sulat. Kun’di ang sulat mismo,the writing is like written in blood.Nanginginig ang kamay na pinulot niya ang card.There’s also traces of blood in the paper.Inilapit niya sa ilong ang card at inamoy,napaduwal siya ng maamoy ito.Hindi niya naamoy kanina,pero ngayong inilapit niya ang ilong dito,naamoy niya ang nakakasulasok na amoy ng dugo.

She acts normal even after receiving that threat.Walang siyang pinagsabihan kahit ang pamilya niya.Kahit ang mga tao sa firm,wala siyang pinagsabihan. It’s a harmless threat,at ilang araw na mula no’n ay wala naman sumunod na. She goes back to case after case. Uuwi na pagod,na kung minsan ay nag -oovertime pa sila pareho ni Maricar, maraming caso na hawak ang kanilang firm, at isa siya sa nabigyan ng mga kasong medyo mahirap.

Pero kinakaya niya naman,nandyan naman ang mommy niya na hindi nakakalimot na palagi siyang dalhan ng pagkain.Kapag sinabi niyang overtime siya,pinapadalhan siya ng pagkain nito.Katulad nalang ngayon ,over time ulit sila ni Maricar.

Pumasok si Maricar na bitbit ang isang paper bag,napangiti siya ng mahulaan kung ano ang laman no’n.

“ Ang bait talaga ni Mrs. Mondeñego ,hindi siya nakakalimot na bigyan din ako ng food. Ang swerte mo sa mommy mo,super supportive.At may mga kuya ka pang hot,kaso may asawa na pala . Sayang .”

Inilapag nito ang dalang paper bag sa mesa,isa isang inilabas ang baunan na ang laman ay hapunan nilang dalawa ni Maricar. Nailing na lang siya sa sentemento nito ,bata pa naman si Maricar.Matanda lang ito ng ilang taon sa kanya,minsan kasi na dumalaw ang dalawa niyang kuya sa firm. Pinagkaguluhan pa nga ng mga ka trabaho niya,kung hindi pa sinaway ng uncle nila ,magkakagulo na.Natigil lang ang pantasya niya ng sabihin niyang may mga asawa na ito.

“ Maricar,maganda ka naman. Siguradong makakahanap ka din ng mas gwapo pa sa mga kuya ko.”

Tumayo na siya at nilapitan ito,tumulong na siya sa paglabas ng pagkain. Matapos ay sabay na silang kumain.

“ Mag-iingat ka sa daan pauwi!”

Bilin niya kay Maricar,hinatid niya lang ito sa sakayan ng taxi.

“ Ikaw din Attorney,ingat sila sa’yo.”

Natawa siya sa sinabi nito,nang masigurong nakasakay na si Maricar pumihit na din siya paupunta sa sasakyan niya.Nakangiti siyang naglalakad papunta sa sasakyan niya,binuksan niya ito gamit ang sariling susi nang medyo malapit na siya. Nahinto ang paglapit niya sa kotse,nang pindutin niya ang pabukas nito ay siyang sabay na pagsabog ng kanyang sasakyan.

Napaupo siya sa impact ng pagsabog,nanlalaki ang matang nakatingin lang siya sa sasakyan niyang nilamon na ng apoy. May mga lumapit sa kanya,at tinanong kung ano ang nangyari. Tinulungan din siyang makatayo at mailayo sa sunog.

Habang nilalayo siya,ang mata niya ay nakatuon lang sa sasakyan niyang ngayon ay pinagtutulungan ng apulahin ang apoy ng mga gwardiya. Gamit ang tubig at ang iba ay fire distinguisher.

May dumating na bumbero at rumesponde,may mga pulis din. Pero wala siya sa sarili kahit ano’ng tanong ng mga ito sa kanya.

Naramdaman niya nalang ang yakap ng kung sino,pero kilala niya ang yakap ng kanyang ina. At ng tingalin niya ito,tama nga ang hinuha niya. Dumating ang mommy niya,marahil ay tinawagan na ng mga ito dahil hindi siya nagsasalita.

“ Alexandrea anak,diyos ko ano’ng nangyayari sino ang may gawa nito?”

Dahil sa sinabi ng ina,tuluyan ng bumuhos ang luha niya,niyakap siya ng ina at inalo.Umiiyak siyang nakatingin sa sasakyan niyang ngayon ay naapula na ang apoy,pero nasunog na ito at hindi na niya aakalin na sasakyan niya.Natakot siya,nanginginig ang kamay na niyakap niya ang ina.

Nakita niya ang amang kinakausap ang isang pulis,nagtatagis ang bagang nito at minsan ay tumitingin sa kanila ng ina niya.

Pinaimbistigahan ang nangyari sa kanya, sa tulong ng kuya Alejandro niya at ang pinsan na si Captain Adrian. Nahuli ang gumawa, pero hindi pa rin umaamin kung sino ang nag utos dito.

Hinayaan niya ang kapatid at pinsan na asikasuhin ang kaso niya. Nagpatuloy siya sa pagtatrabaho, pero hatid at sundo siya ng mga kuya niya. Hindi na din siya hinahayaan na gabihin sa trabaho, suggest ng uncle niya.

"Don't worry, everything will be alright. We're doing everything we can to capture the real culprit."

"Thank you kuya Alejandro."

Nagpaalam na siya dito, bumaba na siya ng sasakyan. Kumaway siya dito at naglakad na papasok sa building. Agad naman na may sumalubong sa kanya na gwardiya. Hindi umalis ang kuya niya hanggang hindi siya nakakapasok sa mismong building.

Mas humigpit na din ang seguridad sa firm nila, lalo na at hindi lang siya ang nakakatanggap ng mga banta.

Matapos ang trabaho, naghanda na siyang umalis. Sabay na silang umuuwi ni Maricar, at dinadala nalang sa bahay ang kasong kailangan niyang pag aralan.

Nasa lobby na sila ng mapansin ang nagkukumpulan na katrabaho lang din nila. Nahila pa siya ni Maricar para makiusyuso.

Napailing nalang siyang nagpahila dito, ng makalapit nakita niya ang isang lalaking nasa gitna ng mga katrabaho niya. Nagtama ang tingin nila ng lalaki, umayos ito ng tayo ng makita siya.

Napakunot ang noo niya ng parang pamilyar ang mukha nito. Naglakad ito palapit sa kanya, nahawi ang mga nagkukumpulan dito. Narinig niya pa ang impit na bulong ni Maricar sa kanya. Pero hindi niya 'yon pinansin dahil napako ang tingin niya sa lalaking parang model na naglalakad palapit sa kinatatayuan niya.

Bahagya nitong tinaas ang gilid ng labi, nahigit niya ang hininga sa ginawa nito. Pagkatapos ay inilahad nito ang palad sa kanya.

"Hi, I'm Akihiro Jung. I will be your personal body from now on."

Napasinghap siya ng marinig ang boses nito, nagtilian pa ang mga taong nakatingin din sa kanila.

Napakurap siya at ipinilig ang ulo, marahas na huminga ng malalim. Nakalimutan niyang pinipigilan na pala niya ang sariling paghinga.

" I'm sorry, pero wala akong naaalalang nag hire ako ng body guard."

His half smirked caught her off guard, naiatras niya ang isang paa.

"You didn't, your brother Hace did."

Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. Her brother Hace Alejandro just got her, her body guard?

Ibinaba na ni Akihiro ang kamay na hindi niya tinanggap. Nagmamadaling hinagilap niya ang phone sa bag.

"Let me take this."

Napahinto siya ng magdantay ang kanilang balat ng kunin nito ang hawak niyang mga folder.

Tumikhim siya at hinayaan nalang ito, tinawagan niya ang kuya niya na mabilis naman na sumagot.

"It's for your safety, you'll be safe with him. And he's my friend, and you know him too. I just don't know if you still remember him. I think the last time you saw him was your eighteen birthday."

Huminga siya ng malalim, mapagkakatiwalaan naman siguro ang kinuha ng kapatid niya. And she can't say no, it's for her safety.,her brother said.

Hinarap niya ulit ang lalaki.

"Okay let's go."

Nagpaalam na siya kay Maricar at sa iba pang nakatingin sa kanila. Nauna siyang naglakad, pero mabilis din siyang naabutan nito at nagpatiunang buksan ang sasakyan. Iginiya nito ang kamay na pumasok siya. Inilagay naman nito ang gamit niya sa likod.

Umikot na ito papunta sa driver seat, binuksan ang makina at nilingon siya.

Napasandal siya ng mahuli siyang nakatingin dito.

"Ahm, let's go Mr. Jung."

Umayos siya ng upo at inayos ang seat belt.

" You can call me Aki, last name bases is too formal."

"Aki"

Nakagat niya ang labi ng banggitin ang pangalan nito. Hindi niya alam pero may kakaiba siyang nararamdaman. Nanlaki ang mata niya ng biglang tumunog ang tiyan niya. Napatingin siya sa katabi nang marinig niya itong tumawa.

"Looks like you're hungry."

Ang sarap sa tainga ang tunog ng tawa nito, napaawang pa ang labi niya. Ipinilig niya ang ulo. Ibinaling sa labas ang pansin. Mukhang gutom lang pala ang nararamdaman niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status