Share

OHN 5

Hella can’t believe what she heard from Aki,tumikhim siya at iniwas ang tingin dito. Umayos siya ng upo,nilingon ito. Napasinghap siya ng malingunan itong nakatingin pa rin pala sa kanya,napalunok siya dahil sa tiim nitong tumitig.

Kinapa niya ang handle ng pinto saka binuksan ‘yon,nalipat ang tingin niya sa naka lock na pinto. Nilingon niya si Aki at pinandilatan ito at iginya ang ulo niya sa pinto para mabuksan ito.

“ Open the door Akihiro,I’m going back to the office.”

“ Why don’t you just take off the rest of the day,it’s already three in afternoon anyway . “

Napakunot ang noo niya dito,tinitigan niya ang mukha nito. ‘He’s worried?’

Iniling niya ang ulo,natural lang naman siguro na mag-alala ito dahil body guard niya ito. Kapag may mangyari sa kanya,ito ang mananagot. Mahabang bumuntong hinga s’ya,ngumiti s'ya dito.

“ I’m fine,just open this damn door so I can go out .I totally forgot why I was out here .”

Napakamot pa siya sa ulo,napakunot ang noo ni Aiki sa kanya.

“ You’re going where?”

She scoff,she go down and she was supposed to buy coffee out front. Pero napamaang na lang siya sa narinig mula sa mga taong nar’on sa lobby.Dahil sa narinig,mabilis na tinakbo niya ang labas at ‘yon na ang naabutan niya kanina. She wished she could see the face of the man,she heard there was even a gun involved kaya nabahala siya.

“ Can you just please open the door?”

Aki was taken aback,napakurap ito bago umibis ng sasakyan. Umikot ito sa side niya at ito na mismo ang nagbukas ng pinto para sa kanya.Inalalayan pa siya nitong bumaba,hinawakan siya sa siko.Hinayaan niya na lang ito,natisod siya kaya nawalan siya na balanse. Mabuti na lang at maagap si Aki at nasalo siya. Naiharang niya ang dalawang braso sa dibdib nito,ang isang kamay ni Aki ay nasa likod niya.

Nagtitigan silang dalawa,nakita niya sa malapitan ang mata ng lalaki. And it’s look like he was hipnotizing her,napakurap siya ng palapit ang mukha nito sa mukha niya.

Bigla ay napaayos iya ng tayo,pero nabuway ang pagkatayo niya kaya bumagsak na naman siya sa bisig ng lalaki. Umangat ang tingin niya dito,napailing ito at tinulungan na siyang tumayo ng maayos.

“ Thanks.”

Mabilis niya itong iniwan,naglakad na siya palayo. Napahawak siya sa dibdib dahil sa kakaibang nararamdaman do’n. Hindi normal ang tibok ng puso niya,parang may naghahabulan do’n na mga kabayo. And she feels something in her stomach na parang kinikiliti siya.

“ Ahh!”

Napasigaw siya sa gulat ng may humila sa kanya,hinhingal na umangat ang tingin niya kay Aki.

“ What the hell are you thingking,you almost hit that wall !”

Napalakas na ang boses nito,itinuro pa ang babanggaan niya sanang pader ,kung hindi ito naging maagap na pigilan siya. Napakurap siya,napalunok at napakagat sa ibabang labi sa katangahan niya. Mariin niyang pinaglapat ang labi,at humiwalay sa hawak ni Aki. Umaatras siya dito,kinastigo ang sarili wsa isip niya.

‘Ano’ng katangahan na naman ang ginawa mo Hella!’

“ Saan ka ba pupunta,ako na ang pupunta at pumasok ka nalang sa opisna mo. Ihahatid ko na lang do’n kung anuman ‘yang ipag-uutos mo. Baka mamaya,kung ano pa'ng mangyari sa’yo. Parang wala ka sa sarili,dahil ba ‘to sa nangyari kanina? Hindi mo naman dapat na inaalala pa ‘yon,ako na ang bahala. Hindi siya makakalapit o masasaktan ka.”

Nakatingin lang siya dito habang nagsasalita ito,ito na ’ata ang pinakamahabang sinabi nito sa kanya. Not to mention,tagalog pa. ‘yon nga lang medyo may accent pa ng kaunti,at dahil do’n,nagrigudon na naman ang puso niya. Napasinghap siya ng hangin,tinalikuran ito .

Napabalik siya sa harap nito ng itinapat nito ang palad sa noo niya,muntik na naman siyang dumeretso sa pader. Napapikit na lang siya ,nakagat ang ibabang labi sa inis sa sarili.Hinarap niya si Aki,nameywang dito.

“ Fine. Buy me a coffe and bring it to my office.”

Tinalikuran na niya ito,sinamapal niya ng mahina ang sariling pisngi ng tumalikod siya. Napaharap siya ulit kay Aki ng marinig niya ang munting tawa nito.

“ Whatever!”

Inirapan niya ito at nagmartsa na papasok sa firm,hindi na niya ito nilingon pa. Mabilis siyang nakaakyat sa palapag niya, deretso siya sa mesa niya. Nadaanan niya pa ang nakakunot noong si Maricar. Marahil ay nagtataka kung nasaan ang kape na dapat bibilhin niya ,dahil ‘yon ang sabi niya kanina kaya siya bababa.

Hindi naman nagtagal ay dumating ang kape niya,napaangat ang tingin niya sa naglapag no’n sa kanyang mesa. Ngumiti si Aki sa kanya,hindi lang kape ang inilapag nito sa mesa,may kasama pang cake.Napataas ang kilay niya ng makita ang cake na nilapag nito.

“ Kape lang ang pinapabili ko,wla akong sinabi ng bilhan mo ako ng cake.”

Nagkibit balikat ito at kinuha ang cake sa mesa niya,napakunot ang noo niya ng maupo ito sa ka tapat na upuan at do’n naupo.

“ I’ll eat it then.”

Sinamaan niya ito ng tingin,hindi siya pinansin ni Aki at kumain na nga ito. Napabuntong hinga siyang kinuha na lang ang kape niya.

“ Whatever!”

Inirapan niya ito bago humigop ng kape,napangiwi siya ng maramdaman ang pait do’n.Masama ang pinukol na tingin kay Aki.

“ Bakit ang pait?”

“ Para may maramdaman ka naman kahit kaunti.”

“ What?”

Naguguluhang tanong niya dito,ano’ng connect no’n sa pait ng lasa ng kape.

“ Nothing,there’s a creamer there and sugar if you need it.”

Itinuro nito ang mga sangkap na kasama ,hindi niya ito napansin dahil sa pag-irap niya kanina.Kinuha niya nalang ito at tinimpla ang gusto na lasa sa kape niya. Napangiti siya ng malasahan ang kape.

“ Not too bitter,not too sweet.”

“ I’m not that kind of guy.”

Bumulong si Aki,napakunot na naman ang noo niya dito.

“ Ano na naman ang sinasabi mo diyan,ang weird mo today. “

Umiling lang ito

“ Don’t mind me.”

Sagot nito,naghiwa ito ng cake at tinusok sa tinidor na plastic saka inumang sa kanya. Napamaang ang labi niya,at dahil do’n inilapit ni Aki ang cake sa labi niya. Wala na siyang nagawa pa at tinanggap na lang ito,sinamaan ni ito ng tingin habang ngumunguya.

“ Balak mo ba akong patabain?”

“ Of course not,the cake is good and it’s not too sweet. And it’s non-fat by the way.”

Napakunot ang noo na kinuha niya ang nilagyan ng cake,binasa niya ang nakasulat doon . At tama nga ito,non-fat.Pero sinaman niya pa rin ito ng tingin,sumimangot siya.

“ Kahit na,hindi ako kumakain ng cake. Kaya sa susunod ,’wag na ‘wag ka ng mag aalok o magbibigay sa’kin niyan.”

“ Why,I thought you like cake?”

Pinaningkitan niya ito ng mata,nag iwas naman ito ng tingin.

“ How do you know I like cakes,and how sure are you?”

“ Uh,nasabi lang sa’kin ng kuya mo.You don’t like cake anymore,why?”

Nagkibit balikat siya at umiling.

“ I don’t want to talk about it,and please don’t disturb me .”

Nagsimula na ulit siyang magtrabaho,natahimik na din si Aki sa harapan niya at hindi na ito umimik pa. Paminsan -minsan siyang umiinom ng kape,sinubukan na mag focus sa binabasa. Pero hindi niya magawa,nasa harap niya ang dahilan. Marahas siyang bumuntong hinga,umangat ang tingin niya dito.Pagsasabihan niya sana na umalis na ito,naudlot lang ang sasabihin niya ng makita ang hitsura nito.

Aki ‘s eyes is close,habang ang baba nito ay nakapatong sa kamay nitong nasa mesa niya . Tulog ito,mariin niyang pinaglapat ang labi. Hindi siya gumawa ng kahit ano’ng ingay ,mukhang tulog nga ito.Pinagmasdan niya ang mukha nito,Aki has pointed nose and long lashes. Nahiya ang mahabang pilik mata niya,narinig niya sa kuya niya ang lahi nito.Nalito lang siya,hindi niya alam kung pinagti-tripan lang siya ng kapatid.

Aki’s father was a spanish korean,while his mother is filipino-latina. Marahil naman nito ang haba ng pilik mata sa ina,at ang mukha ay sa ama. ‘yon ang sabi ng kapatid niya,nakita na niya dati si Aki. Naalala niya ang eighteenth birthday niya,kasama ito ng kapatid niya . Nagsayaw pa silang dalawa,pero sandali lang ‘yon dahil isinayaw na siya ng kapatid.

Now that she’ s remembering ,she remember having a little crush on him before. Pero bigla nalang itong naglaho,kahit ang kapatid ng tanungin niya ay hindi alam.

“ You do know staring is rude.”

Nagmulat na ito,nakatunghay ang mata sa kanya.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito,she bit her checks inside.

” Why?”

Halos pabulong na tanong niya,kumunot ang noo ni Aki at nalilito sa sinabi niya.

“ What do you mean,why?”

“ Why did you left without saying anything,and now you’re here as if you don’t know me.”

Nanlaki ang mata ni Aki,naglumikot ang mata nito.Tumikhim siya,she bit the side of her checks inside saka tumayo. Tinalikuran niya ito,naglakad siya papuntang bintana ng opisna niya.

“ Hella,I—ahm…”

Tila hindi nito malaman kung ano’ng sasabihin,humarap siya dito at ngumiti ng malungkot.

“ It’s okay ,leave my office Mr. Jung.”

Nalasahan niya ang pait sa panlasa niya ng banggitin ang pangalan nito,umiling si Aki.

“ No let me explain …”

“ Ano’ng ipapaliwanag mo,ayos lang ako . Nakalimutan na nga kita eh,kagabi ko lang naalala na nakita na pala kita.”She lied,she chewed her lower lip.” Just leave ,tatawagan na lang kita kapag tapos na ako sa trabaho.”

Iniwan niyang hindi makapaniwala si Aki,lumabas siya ng opisina at dumeretso sa girsl restroom.Mabilis siyang naghanap ng bakante at pumasok do’n,sinara niya ang inidoro at naupo sa takip nito.Tinakpan niya ang mukha ng dalawang palad niya,hindi niya dapat ginawa ‘yon.

Hindi niya dapat ‘yon sinabi,pero ng mapagmasdan ng mabuti ang mukha nito. Hindi na niya napigilan ang sarili na magtanong,naalala niya ito. Kaya pala pamilyar ito sa kanya ng una niya itong makita,kung hindi pa siya ng naghalungkat ng mga luma niyang litrato hindi niya maalala .

She actuallly forget about him,buried him deep inside her memory. Mapait siyang napangiti ng malala ang nangyari sa eighteenth birthday.She was alone at the back of their house,she wants to breathe away from the crowd. Sa garden nila ginanap ang party niya,at busy ang mga magulang niya sa pagpapakilala sa mga business partners sa kanya, Naupo siya sa paborito niyang swing,hinubad ang heels na suot.

Hinilot niya ang paa,nangalay ‘yon sa kakatayo niya kanina.Nagitla siya ng may nag squat sa harap niya,kinuha nito ang paa niya sa kamay niya at ito na ang naghilot no’n.Aagawin niya sana ang paa ng makilala ang ang lalaki. Ito ang kasayaw niya kanina,kaibigan ng kuya Alejandro niya.

Akihiro Jung.

Umangat ang tingin nito sa kanya,wala itong emosyon kaya nginitian niya ito.

“ Thank you,I’m fine you don’t have to do this really.”

Inagaw na niya ang paa dito,pero hindi nito ‘yon binitawan. Napalunok siya ,napakurap hanggang sa namalayan niya na lang ang magkalapat nilang labi. Nanlalaki ang mata niya niyang itinulak ito,napatayo siya. Dahil sa taranta,hindi siya nakatayo ng maayos at natumba . Bumagsak siya sa kaharap na lalaki,sabay silang bumagsak sa damuhan at nakaibabaw siya dito.

Humapit ang kamay nito sa beywang niya,nakapatong ang dalawa niyang braso sa sa dibdib nito. Umangat ang isang kamay nito,hinaplos ang mukha niya. Napapikit siya sa haplos nito,she likes his calloused hand. Naramdaman niya na lang ang halik nito sa noo niya,napadilat siya. Ngumiti ang lalaki sa kanya,napangiti na rin siya at isinubsob ang mukha sa leeg nito.

Magmula no’n patago silang nagkikita ni Aki,hindi alam ng mga magulang niya kahit ang mga kapatid niya. They had a mutual understanding,they became friends,and she thought they had something until Aki was gone without a trace.Iniyakan niya ito,at hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya sa pagkawala nito dati kahit hindi niya aminin.

That's actually the reason kung bakit niya ito iniiwasan, dahil sa naalala niya.

Nagulantang siya ng may kumatok sa pinto ng cubicle niya,nakita niya ang sapatos sa labas.

“ Come out,let’s talk.”

It’s Aki,napalunok na lang siya at napailing.

‘No way!’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status