“Sis…” mangiyak-ngiyak na sabi ni Annie habang tinitingnan ang sugat at pasa sa mukha ni Pearl. Nakikita pa ang bakas ng pananakit ni Jeff sa kanya.
“Annie, I’m fine,” mahinang sagot ni Pearl, iniwasan ang tingin ng hipag.
“Pearl, maigi pa siguro dumiretso ka na sa kwartong pinahanda namin para sa’yo,” sabi ni Carmi. “Para naman makapagpahinga ka na. Annie, samahan mo muna si Pearl sa kanyang kwarto.”
“Yes, Mom,” sagot ni Annie bago inalalayan si Pearl.
“Sige po, Mom, Dad. Gusto ko rin pong magpahinga. Next week na lang po ako magpapakita kina Mommy kapag maayos na ako,” saad pa ni Pearl. Halata ang lungkot sa kanyang boses habang mabagal siyang naglakad papasok ng mansion.
Inalalayan siya ni Annie hanggang maka
Si Annie, na puno ng sigla at pabirong binitiwan ang "Wow naman! Heavy ang breakfast ko ngayon ah!" at naupo sa hapag. Walang kamalay-malay na ang simpleng almusal na iyon ay magiging simula ng isang masalimuot na usapan.Si Mayet, na tila nagmamadali ring umalis, ay hindi na nag-atubiling magpaalam. "May dadaanan pa ako ngayon," sambit niya habang tumalikod at nagmadaling lumabas ng mansion.Samantala, ang mag-asawang Natalie at Haime ay naroon din, napilitang manatili para mag-almusal matapos ang pangungumbinsi ni Pearl at Carmi. Habang nagsisimula ang pagkain, isang tila simpleng kilos ni Pearl ang nagbigay ng kakaibang bigat sa eksena. Nang inangat niya ang plato ng spam upang sandukan sana si Haime, biglang naunahan siya ni Natalie. Sa isang makinis na galaw, sinandukan ni Natalie ang plato ng asawa niya at nilagyan ito ng ulam.Ang simpleng ngiti at pasasalamat ni Haime sa kanyang asawa ay tila may tinik na tumusok sa damdamin ni Pearl. Subalit, mabilis niyang tinakpan ang anum
NATALIE POVTahimik ang buong opisina nang biglang pumasok si Maika, bitbit ang ilang dokumento at may seryosong ekspresyon sa mukha. Agad itong naupo sa harap ng mesa ko, tila nababasa niya ang iniisip ko."May problema tayo, sis," bungad ni Maika, sabay patong ng mga papeles sa mesa. "Lumolobo na ang finances natin. Na-over budget na tayo sa limang projects. "Napabuntong-hininga ako at napasandal sa kanyang swivel chair. Alam kong may kalakihan ang puhunan namin, pero hindi ko inaasahang aabot ito sa puntong masakit na sa ulo."Ang dami nating nasasayang, Maika. Dapat maayos natin 'to agad," sagot ko, sabay tingin sa mga papel. "By the way, anong sabi ni Jasmin tungkol sa offer natin?""Hindi ko pa siya ulit nakausap, sis.” sabi naman niya sa akin“ Ang dami ko kasing inaasikaso dahil sa kaguluhan nung nakaraan sa pamilya nila Haime," sagot ko kay Maika na aburido ang mukha.Naalala ko na naman ang komplikadong sitwasyon ng pamilya ng asawa ko. Agad siyang nagtanong, "Oh, kamusta
Pagdating ko sa bahay, narinig ko ang abala ni Pearl sa kusina. Matagal ko nang alam na isa sa mga hilig ni Pearl ang pagluluto, at sa mga pagkakataong ako’y pagod at hindi na kayang magluto, madalas siyang nag-aalok ng tulong. Kanina pa ako pagod mula sa opisina, at natapos ko na rin ang mga kinakailangang gawain. Sinabihan ako ni Natalie na magpahinga na lang at pupunta siya sa client meeting. Kasama niya si Maika kaya hindi ko naman pinagtaka na wala siya sa bahay. Naiwan akong mag-isa, ngunit hindi ko naman nakayang magpahinga agad.Matapos akong magbihis ng pambahay, dumeretso ako sa kwarto namin ni Natalie. Hinayaan ko na lang si Pearl na mag-isa sa kusina kasama si Manang. Hindi ko naman kailangang makialam, at ayokong mapag-uusapan kami. Habang naghahanda sila ng hapunan, nagkaroon ako ng ilang sandali upang magpahinga at linisin ang isipan ko mula sa mga alalahanin sa trabaho. Napakaraming bagay ang dumaan sa isip ko, ngunit hindi ko na inisip pa ang ibang mga detalye.Huming
NATALIE PVPagpasok ko sa bahay, napansin ko agad si Pearl na lumalabas mula sa pintuan ng kwarto namin. Nagulat ako nang makita ko siya. Parang biglang bumigat ang dibdib ko at agad na pumasok sa isip ko ang maraming tanong. Ano ba talaga ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa? Agad niyang binati ako nang may ngiti sa labi, na hindi ko alam kung paano tatanggapin."Hi, Natalie! Nakauwi ka na pala!" masigla niyang bati, tumigil saglit nang magtapat kami."Ah, yes," sagot ko, kahit naguguluhan pa ako kung bakit siya nanggaling sa kwarto namin.Pinakita pa niya sa akin ang platitong hawak-hawak. "Dinalhan ko nga pala si Haime ng cake sa kwarto niyo. I think you don’t mind? Gusto kasi niya itong kainin habang mainit pa. Pasensya na, pinasok ko na siya sa kwarto niyo. Mitikoloso kasi yung panlasa ni Haime, siya lang ang nakakakuha ng tamang timpla nito. Kaya gusto ko sanang malaman ang opinyon niya—baka magtayo kasi ako ng sarili kong bake shop," paliwanag niya, at parang sinadya pa niya
NATALIE POVMatapos ang masarap na hapunan, pinili ko ng umakyat kaagad . Nagpaalam ako na maliligo muna, at sumunod si Haime sa akin sa banyo. Pumasok siya sa shower room habang nagsisimula akong maligo. Mabilis niyang sinabunan ang likod ko, pero agad ko siyang pinigilan at hinawakan ang kanyang kamay."H-Hon, pagod ako... Gusto ko lang magpahinga saglit," mahinang sabi ko, at matapos akong maligo, inayos ko na ang aking buhok habang patuloy pa rin siya sa paliligo. Pinagmamasdan ko siya mula sa labas ng shower, pero hindi siya tumingin sa akin. Tahimik siya, hindi katulad ng dati na madaldal at masigla si Haime. Napaisip ako kung alam ba niya ang nangyari sa pagitan namin ni Pearl, ngunit nagdesisyon na lang akong huwag nang tanungin. Pinili kong huwag mag-isip ng mga bagay na magpapalungkot sa akin at maghintay na lang kay Haime na magpahinga, baka napagod lang siya sa trabaho.Habang mabilis na lumilipas ang araw, si Jeff ay makakalabas na mula sa rehab, at maganda naman ang takb
NATALIE POVHabang tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang telepono, nagpasya akong tawagan si Manang. Nais kong kumustahin sila ni Mommy at marinig ang kanilang mga boses, isang bagay na tila nagbibigay ng kaunting kapayapaan sa akin mula sa masalimuot kong mundo sa mansion na ito. Habang hinihintay ko ang sagot sa kabilang linya, napuno ang isip ko ng mga alaala noong mas bata pa ako, noong hindi pa ganito kabigat ang bawat desisyon na kailangan kong gawin.“Hello, iha? Napatawag ka?” malumanay na sagot ni Manang sa kabilang linya."Manang, namimiss ko na kayo ni Mommy," sagot ko, ramdam ang init ng emosyon sa aking boses. “Ang tagal na rin simula noong huling pagdalaw ko diyan. Kamusta na kayo diyan?”Napatawa ng mahina si Manang. "Naku, iha, ayos naman kami dito. Pero ikaw, mukhang stress na stress ka na naman. Wala ka bang balak magbakasyon kahit saglit lang? Mukhang kailangan mo na ng pahinga."Napahinga ako nang malalim. "Gusto ko nga, Manang. Gusto ko sanang bumisit
“Pwede ba akong sumama kahit tatlong araw lang?” biglang tanong ni Pearl, na tila walang pakialam kung ano ang iisipin ni Kuya. “May mga bibilhin ako para sa shop, at sa Madrid lang available. May branch naman kayo doon, ‘di ba?”“Pasensya na, Pearl,” sagot ko nang matigas. “Hindi makakasama si Natalie sa trip na ito. Isa pa, dapat mag-focus ka na lang kay Kuya. Kailangan niyang mag-adjust pagkatapos niyang makalabas.”Hindi na sumagot si Pearl, pero alam kong naiinis siya.Pagdating namin sa ospital, bumaba agad si Mommy at Annie. Pinarada ko muna ang sasakyan bago sumunod sa kanila. Gusto kong siguruhing may tutulong magbuhat ng gamit ni Kuya.“Hi, Bro! Welcome back to the outside world!” masigla kong bati kay Kuya Jeff.“Salamat, Bro!” sagot niya, natatawa. “Namiss ko ang simoy ng hangin. Parang mababaliw na ako sa loob. Wala man lang kausap, tapos puro puti pa paligid.”Niyakap siya ni Mommy at Annie pagkatapos naming magkamustahan. Pagkatapos ay lumapit siya kay Pearl at niyakap
“Hon, mag-iingat ka doon, ha! Kahit sino pang magtangkang manlandi sa’yo, wag na wag kang papatol,” sabi ni Natalie, paulit-ulit. Napangiti na lang ako at natawa nang bahagya sa sinasabi niya. Mahigpit ko siyang niyakap, ayaw ko nang bumitaw. Mahal na mahal ko siya, at kahit anong mangyari, sigurado akong walang sinuman ang makakapalit sa kanya sa buhay ko.“Sige na, Hon! Nandito na tayo. Mag-check-in ka na. Dumating na ba si Abraham?” tanong niya.“Nag-message na siya sa akin, Hon. Nakapag-check-in na raw siya. Nasa VIP lounge na siya, hinihintay na lang ako,” sagot ko habang tinutulungan si Mang Selso na ibaba ang mga gamit.Matapos kong mag-check-in ng luggage, nagpaalam na ako kay Natalie. “Oh, Hon, aalis na ako. Mamimiss kita,” sabi ko habang kinapitan ko ang kanyang ulo at hinalikan siya. Ramdam ko ang bigat sa loob ko, kaya’t napasinghap ako ng hangin.“Mag-iingat kayo doon, Hon. Tumawag ka agad kapag nakalapag na kayo,” sagot niya habang pinipilit ngumiti.“Oo, Hon. Tatawagan
"Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng
“Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina
Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon
HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m
malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta
JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit
POV NATALIEIlang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang doktor at ibinigay sa akin ang discharge papers. Mali ang pagkakakilala ko kay Mr. Tan—akala ng lahat, isa siyang babaero. Pero nagulat ako sa naging kilos niya nang maaksidente ako. Mabait pala siya at marunong rumespeto sa isang relasyon. Alam niya kung saan siya lulugar. Simula nang pumayag akong mangupahan sa isa niyang condo unit, ni minsan ay hindi siya pumunta rito. Malaya akong nakakagalaw at walang nararamdamang pressure mula sa kanya.Iniwasan ko ang pamilya ni Haime, pati na rin siya mismo. Kahit si Mayet na paulit-ulit na nangangamusta, hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag at emails ni Haime. Tuwing binabasa ko ang mga mensahe niya, wala man lang akong nakikitang paghingi niya ng tawad. Siguro, hindi niya alam na nahuli ko siya noong araw na iyon—o baka naman, nalason na ng pamilya niya ang isip niya.Ayos lang naman ako, lalo na ngayon na nalaman kong magkaka-baby na ako. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang
Pagdating namin sa ospital, agad na sinuri ng doktor si Natalie."Doc, kumusta na siya?" tanong ko habang pinupunasan ang sarili kong basang damit dahil sa ulan. Ramdam ko ang pag init ng katawan ko, tila sinamaan ako dahil naulanan ako pero hinayaan ko na lang."Mabuti naman siya, Mr. Tan," sagot ng doktor. "Buti na lang at nakasuot siya ng seatbelt nang mangyari ang aksidente. Bibigyan na rin kita ng gamot para sa sipon mo, baka lumala pa."Habang nag-uusap kami ng doktor, unti-unting dumilat si Natalie. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa kanya, tapos nilinga-linga ang paligid na tila naguguluhan. Halata sa mukha niya ang pagkalito kaya nilapitan ko siya para pakalmahin."Natalie, nasa ospital ka. Nakita ka namin sa kalsada kanina at naaksidente ka," mahinahon kong paliwanag."Ahhh... salamat," sagot niya nang may halong pagkalito.Nagpatuloy naman ang doktor sa pagsasalita. "At isa pa, Mr. Tan, mabuti na lang at hindi naapektuhan ang sanggol sa sinapupunan niya. Malakas ang
Kaagad kong ini-start ang makina ng kotse at pinaharurot ito sa kalsada. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Naibenta ko na ang townhouse ko, at ang condo ni Haime na dati naming tinirhan ay okupado na ng mga estudyante. Wala akong ibang matakbuhan kaya naisipan kong tawagan si Jasmin."Jasmin, pwede ba akong humingi ng pabor?" Pilit kong pinipigilan ang aking luha, ayokong malaman niya agad ang pinagdadaanan ko."Ano yun, Natalie?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya."Pwede bang makituloy muna ako sa inyo?" mahina kong tanong."Bakit? May problema ba? Okay lang naman, kaya lang nandito rin ang pamilya ni Ate ngayon. Di ba nasunugan sila? Siksikan kami dito sa bahay. Okay lang ba sa'yo?" paliwanag niya."Aah, ganun ba? Sige, wag na lang, magho-hotel na lang ako para hindi ako makadagdag sa abala, nakakahiya din sa Ate mo. Nandiyan pala sila ngayon." sagot ko, pilit na pinapatawa ang sarili."Sigurado ka, sis? Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli, ram