SHOCKS! Napabalikwas ako mula sa pagkakaupo nang makita ang screen ng telepono ko..si Haime pala ang tumatawag kanina pa. Napansin ko ang bilang ng missed calls mula sa asawa ko, kaya’t agad akong nag-call back.“Hon! Sorry! Nasa meeting ako kanina,” aligagang paliwanag ko habang kakamot-kamot ng ulo. “Dinidiscuss kasi namin yung proposal namin para sa hotel ni Mr. Tan.”"Who?! You mean Mark Tan? The CEO of Tan Group?" tanong ni Haime, halatang interesado at may pagkagulat. “Yes, Hon! Madaming new branches ang ipapagawa nila, at pati yung mga luma nilang branches ipapa-renovate daw nila. Malaking project ito, Hon, pag nakuha namin,” paliwanag ko nang mabilis."Ahhh, okay, Hon..." Biglang bumaba ang tono ng boses ni Haime, na tila nagdadalawang-isip.“Hon?! Alam ko yang tonong yan,” biro ko sa kanya. “Wala ka bang tiwala sa asawa mo?” malambing kong tanong habang pilit na pinapakalma ang kanyang damdamin.“I do! Pero, Hon, kilala ko si Mark. Iisang mundo ang ginagalawan namin, at kahi
Napatigil kami saglit sa tabi ng elevator. Naiisip ko pa rin ang sinabi ni Jasmin. Tama siya, pero hindi ko alam kung paano haharapin si Haime kung sakaling malaman niya ang tungkol sa dinner meeting gayung masyado na siyang paranoid ng magkasama pa lang kami ni Mr.Tan sa opisina. Ayoko naman ng drama, lalo na’t mahirap na nga ang sitwasyon namin dahil sa distansiya kaya hindi ko na sinabi sa kaniya ang sitwasyon.Pagpasok namin sa elevator, si Maika pa rin ang nagpatuloy sa usapan. “Pero sis, seryoso, iba talaga ang dating ni Mr. Tan. Alam mo yung tipong nakakailang kasi parang nararamdaman mo yung presence niya kahit di ka niya tingnan. Grabe, parang pelikula yung aura. Dinaig pa si Daniel Padilla”Napailing na lang ako. "Nako, Jasmin, baka ikaw ang dapat mag-ingat kay Mr. Tan. Mukhang ikaw na yung kinikilig sobra. Kilalang kilala kita"“Uy, grabe ka! Hindi naman!” sagot niya, pero namumula na ang pisngi niya.Natawa ako nang malakas. Kahit papaano, nabawasan ang bigat ng isip ko sa
KINABUKASANAT THE OFFICE"Oo, Jasmin. Mahirap pero fulfilling," sagot ko habang nakatingin sa paligid ng site. "Kailangan talaga tutukan ang bawat aspeto, mula sa materyales hanggang sa labor. Isang maling galaw, pwedeng bumagsak ang buong proyekto, pati na rin ang pangalan ng kompanya.""Grabe, sis. Kaya pala sobrang hands-on mo sa negosyong to kasi ganun din ang mga tauhan mo?! “ sagot ni Jasmin habang pinagmamasdan ang mga trabahador na abala sa kanilang gawain. "Nakakabilib din na alam mo lahat ng detalye. Hindi mo lang basta iniaasa sa iba.""That's the only way to keep the quality, Jasmin," singit ni Maika. "Kaya din kahit pagod, worth it. Tsaka nakikita mo ‘yung resulta ng pinaghirapan mo, lalo na kapag natapos na ang project."Napangiti si Jasmin habang tumango. "Tama kayo. Ngayon ko talaga na-appreciate ang ginagawa niyo. Hindi lang pala ito tungkol sa pagbuo ng mga gusali; tungkol din ito sa pagtitiwala, reputasyon, at dedikasyon."Pagkatapos ng site visit, bumalik kami sa
Pagpasok ko sa kwarto, agad akong naligo at nag-ayos. Mainit ang panahon, at ayon sa request ni Mr. Tan, semi-casual lang ang attire para hindi masyadong formal habang kumakain. Pinili kong magsuot ng simpleng black sleeveless top na naka-cross strap sa leeg, ipinares sa polka-dot na palda na may magaan na tela. May slit ito sa gilid na hanggang itaas ng tuhod, kaya’t nilagyan ko ng black Gucci belt at tinernuhan ng black Gucci bag. Isinuot ko rin ang 3-inch strappy sandals para eleganteng tingnan.Naglagay ako ng kaunting makeup—red lipstick, kilay, at blush-on—para hindi naman ako magmukhang maputla. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang natural na wavy kong buhok. Matapos mag-ayos, agad akong bumaba at nagmadali papuntang meeting venue.Habang umaalis, si Manang lang ang nakakita sa akin. Tahimik niyang itinuloy ang paghahanda para sa dinner ng pamilya sa mansion.“Alis po muna ako Manang, babalik din po ako kagad.” sabi ko kay Manang habang papalabas ng pintoNgumiti lang sakin ang
PEARL POVHabang nagkukuwentuhan kami nila Mommy sa garden, naging sentro ng usapan ang pastry shop na itinayo ko. Napapangiti ako sa tuwing ikinukuwento ko kung paano maayos at maganda ang takbo nito. Ibinahagi ko rin ang mga bagong produktong ilalabas ko sa menu. Gusto kong matikman muna nila Mommy bago ko ito i-release sa market. Pinaplano na rin namin ang pagbubukas ng panibagong branch, lalo na’t hindi na sapat ang kasalukuyang kapasidad ng shop para i-accommodate ang dagsa ng mga orders.Inihayag ko rin ang plano kong kumuha ng bakanteng pwesto sa tabi ng shop sa mall ni Haime upang mas mapaluwag ang lugar. Kasama nito ang isang malaking renovation project na magbibigay ng bagong anyo sa aming shop. Kitang-kita ko ang excitement sa mga mata ni Mommy habang sinasabi ko sa kanila ang plano ko. Ngunit hindi ko maiwasang ibahagi rin sa kanila ang mga alalahanin ko tungkol kay Jeff. Simula nang makalabas siya mula sa rehab facility, napansin kong nagbago na naman ang kanyang ugali.
Hinayaan ko na lang si Jeff sa gusto niyang gawin. Simula nang makalabas siya sa rehab, halos wala na kaming pakialamanan sa isa’t isa. Dahil sa tuwing magtatanong ako, nauuwi lang sa pag-aaway, kaya nagpasya akong huwag nang panghimasukan ang mga plano niya.Nagpaalam na kami kay Mommy para maaga kaming makapagsimula ng pag-iikot ni Annie. Sa kabila ng mga alalahanin sa buhay, pinipilit kong mag-focus sa mga bagay na makakapagbigay sa akin ng saya, tulad ng pagbubukas ng shop at bonding time kasama ang mga mahal ko sa buhay.Pagdating namin ni Annie sa Ayala Mall, napadaan kami sa area ng mga restaurant. Nagplano akong kumuha ng idea mula sa isang famous pastry shop na katabi ng ilang mga resto. Habang naglalakad kami palapit sa shop, bigla kong napansin si Natalie na papasok sa 210° Kitchen + Drinkery, isang high-end restaurant na kilala sa kanilang American at European cuisine."Annie, diba si Natalie yun?!" tanong ko, halos di makapaniwala."Oo nga! Baka kasama niya mga friends n
"Hindi pwede ‘to! Kailangang malaman ‘to ni Kuya. Natalie is cheating on him! Tapos nasa Rockwell daw? Eh lalaki ang kasama niya rito!" galit na galit na sabi ni Annie habang nagda-dial na ng phone."Ano’ng ginagawa mo? Sino ang tinatawagan mo?!" tanong ko, pilit hinuhuli ang cellphone niya para mapigilan siya."Edi si Kuya! Kailangan niyang malaman ‘to!" sagot ni Annie na halatang puno ng emosyon."Huwag muna, Annie. Kalma ka. Relax ka muna," awat ko, hinawakan ko ang braso niya para pigilan siyang makialam agad.Halos hindi siya mapigil sa galit. Bigla siyang tumayo at nagtangkang pumunta sa CR para sugurin si Natalie. "Saan ka pupunta?!" tanong ko, pilit siyang pinapaupo ulit."Kay Natalie! Sasalubungin ko siya sa CR!" sagot ni Annie, ang boses niya’y puno ng determinasyon at galit."Ano ba?! Huwag kang basta sugod! Kailangan mong pag-isipan ‘to. Mas mabuting may solid proof tayo para kay Haime, diba?" pagpipigil ko, pilit siyang pinapaamo.Dahil sa sinabi ko, bahagyang napakalma s
"Ngayon lang, Mommy! Nasa loob pa sila ng restaurant, kumakain. Hinila na lang ako ni Pearl palabas kasi kung hindi, baka nasugod ko na 'yon. Napakalandi! Kala mo kung sinong maayos nung andito pa si Kuya," sagot ni Annie, halos sumigaw na sa galit.Sumingit ako para magpaliwanag, maingat na pinapakalma rin si Mommy. "Mommy, kasi po baka samin pa magalit si Haime. Gusto na ni Annie tawagan agad si Kuya, pero sabi ko, kung susugurin namin siya o magsusumbong kami nang wala pang malinaw na ebidensya, baka hindi pa maniwala si Haime. You know how your son is, Mom," paliwanag ko, siniguradong malinaw ang mga dahilan namin.Narinig naming huminga nang malalim si Mommy bago sumagot. "Calm down, Annie. Tama si Pearl. Kung nagpadalos-dalos kayo, baka lalo pang magulo ang sitwasyon. Ako na ang bahala rito. Isesend ko ang video kay Haime. Kakausap ko rin lang sa kanya kanina," sagot ni Mommy, mahinahon ngunit may halong determinasyon sa boses niya.Napangiti ako nang lihim. Mukhang gumugulong
"Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng
“Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina
Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon
HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m
malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta
JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit
POV NATALIEIlang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang doktor at ibinigay sa akin ang discharge papers. Mali ang pagkakakilala ko kay Mr. Tan—akala ng lahat, isa siyang babaero. Pero nagulat ako sa naging kilos niya nang maaksidente ako. Mabait pala siya at marunong rumespeto sa isang relasyon. Alam niya kung saan siya lulugar. Simula nang pumayag akong mangupahan sa isa niyang condo unit, ni minsan ay hindi siya pumunta rito. Malaya akong nakakagalaw at walang nararamdamang pressure mula sa kanya.Iniwasan ko ang pamilya ni Haime, pati na rin siya mismo. Kahit si Mayet na paulit-ulit na nangangamusta, hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag at emails ni Haime. Tuwing binabasa ko ang mga mensahe niya, wala man lang akong nakikitang paghingi niya ng tawad. Siguro, hindi niya alam na nahuli ko siya noong araw na iyon—o baka naman, nalason na ng pamilya niya ang isip niya.Ayos lang naman ako, lalo na ngayon na nalaman kong magkaka-baby na ako. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang
Pagdating namin sa ospital, agad na sinuri ng doktor si Natalie."Doc, kumusta na siya?" tanong ko habang pinupunasan ang sarili kong basang damit dahil sa ulan. Ramdam ko ang pag init ng katawan ko, tila sinamaan ako dahil naulanan ako pero hinayaan ko na lang."Mabuti naman siya, Mr. Tan," sagot ng doktor. "Buti na lang at nakasuot siya ng seatbelt nang mangyari ang aksidente. Bibigyan na rin kita ng gamot para sa sipon mo, baka lumala pa."Habang nag-uusap kami ng doktor, unti-unting dumilat si Natalie. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa kanya, tapos nilinga-linga ang paligid na tila naguguluhan. Halata sa mukha niya ang pagkalito kaya nilapitan ko siya para pakalmahin."Natalie, nasa ospital ka. Nakita ka namin sa kalsada kanina at naaksidente ka," mahinahon kong paliwanag."Ahhh... salamat," sagot niya nang may halong pagkalito.Nagpatuloy naman ang doktor sa pagsasalita. "At isa pa, Mr. Tan, mabuti na lang at hindi naapektuhan ang sanggol sa sinapupunan niya. Malakas ang
Kaagad kong ini-start ang makina ng kotse at pinaharurot ito sa kalsada. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Naibenta ko na ang townhouse ko, at ang condo ni Haime na dati naming tinirhan ay okupado na ng mga estudyante. Wala akong ibang matakbuhan kaya naisipan kong tawagan si Jasmin."Jasmin, pwede ba akong humingi ng pabor?" Pilit kong pinipigilan ang aking luha, ayokong malaman niya agad ang pinagdadaanan ko."Ano yun, Natalie?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya."Pwede bang makituloy muna ako sa inyo?" mahina kong tanong."Bakit? May problema ba? Okay lang naman, kaya lang nandito rin ang pamilya ni Ate ngayon. Di ba nasunugan sila? Siksikan kami dito sa bahay. Okay lang ba sa'yo?" paliwanag niya."Aah, ganun ba? Sige, wag na lang, magho-hotel na lang ako para hindi ako makadagdag sa abala, nakakahiya din sa Ate mo. Nandiyan pala sila ngayon." sagot ko, pilit na pinapatawa ang sarili."Sigurado ka, sis? Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli, ram