Madeline POV Tahimik akong nakaupo sa gilid ng sala habang pinagmamasdan si Tita Amara. Ang bawat salita niya ay bumabasag sa katahimikan, hinuhubaran ang mga nakatagong lihim na tila napakatagal nang iniingatan. Sa bawat kwento niya ay parang may bumabalik na pait mula sa nakaraan na hindi ko akalaing may kinalaman sa buhay ko ngayon. “Si Don Eduardo,” panimula ni Tita Amara, mahigpit ang hawak sa isang lumang photo album na may bakas ng panahon. “Siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Sigurado ako, hindi niya kailanman mapapatawad ang pamilya natin. Lalong lalo na ako.” Napakunot ang noo ko, ramdam ang bigat ng kanyang boses. “Galit? Bakit siya galit sa’yo, Tita?” Napabuntong-hininga si Tita Amara, halatang mabigat ang alaala niya sa nakaraan, kahit na nabanggit sakin ni Mommy ang tungkol dito ay hindi ganuon ka detalyado ang nasabi niya sa amin. “Galit siya dahil mas pinili ko si Mommy Kate kaysa sa tunay kong ina na si Mommy Charlotte. Hindi niya matanggap na mas minahal ko
Hindi makapaniwala si Tita Amara nang malaman niya ang patuloy na galit at plano nina Jasper, Nicole, at Bridget laban sa aming pamilya. Hindi niya maitanggi ang kaba at galit na bumalot sa kanya. Agad niyang kinuha ang telepono at tumawag kay Lola Kate, ang pinakamatanda at pinakamataas na kinikilala sa aming pamilya. “Hi Mommy, nangyayari na ang kinakataukan ko. Sila Madeline na ang inabutan nito. Kailangan nating mag meeting, ngayon din,” madiing sabi niya sa linya. “Hindi na ito pwedeng palampasin.” Sa kabilang linya, alam ni Lola Kate na hindi na ito simpleng problema lamang. “Sige, Amara. Ipagbibigay-alam ko sa lahat. Maghanda ka.” Kinabukasan, nagtipon ang buong pamilya sa ancestral house ng pamilya. Ang mansyon, na karaniwang puno ng tawanan at masayang kwentuhan, ay tila may bigat ngayon na hindi maitatanggi. Ito’y parang isang reunion, ngunit sa pagkakataong ito, hindi para magdiwang kundi para pag-usapan ang masalimuot na sitwasyon na hinaharap namin. Unang dumating
ILANG LINGGO ANG NAKALIPAS MADELINE POV "love, sorry fro bringing your family into our family's mess." malungkot kong sabi kay Liam. "hey!" malambing niyang sabi habang hawak ang aking pisngi "Don't be like that, hindi lang inaasahan na ang pamilya nating ay may mga nakaraang hindi pa rin naghilom, mabuti nga at satin na iyon sumabog dahil alam kong kaya nating malutas ang kasong ito! magtutulungan tayo Love, kaya natin to. I love you Madeline and i like how your family handle this problem." nakangiti niyang sabi sa akin. "thank you for understanding. Siguro kung ibang lalaki lang yan, dahil sa gulong ngyayari sa pamilya namin, sigurado akong iniwan na ako" sagot ko sa kaniya Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya sabay bulong sakin "ahhh... ahhhh... at yun naman ang hindi ko gagawin kahit kailan." sabay kindat niya sa akin. Natawa ako at malambing ko siyang hinalikan sa kaniyang mga labi. Sa piling ni Liam pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako. Alam kong hindi ako mapapano
KATE POVPAKKKKK! Lumalagutok na mag-asawang sampal ang pinakawalan ko sa pisngi ng aking long time boyfriend at fiance na si Michael ng surpresahin ko ang aking pamilya . Mula sa aking pagbabalik bayan sa mahigit na dalawang taon kong paninilbihan sa Dubai bilang Showroom Supervisor sa kompanya ng pinakamalaking supplier ng mga baking items at ingredients ng mga bake shop sa buong Middle East."Hay*p ka Michael! (pinaghahampas ko ang kanyang dibdib sa sobrang galit, hinagis ko sa kanya ang dala kong maleta ) bakit si Charlotte pa? sa dinami-dami ng babaeng bubuntisin mo bakit ang kapatid ko pa? huhuhu ! (hagulgol kong panunumbat kay Michael) Napakawalang hiya ninyong dalawa." baling na sigaw ko naman pati sa aking kapatid nararamdaman ko naman sa aking pisngi ang walang tigil na pagpatak ng luha sa aking mga mata, sa tindi ng aking galit walang habas kong pinaghahampas si Michael ng aking dalang paper bag na pasalubong ko sana para sa kanya. “5 years Michael! 5 years ang sinayang mo
KATE POVSA BORACAY RESORTTugstugstugsNakakabinging tugtugin ang sumalubong sa akin ng magtungo ako sa isang beach front bar dito sa Boracay. Dito ako dinala ng aking mga paa matapos ang aking mga nalaman tungkol sa pagkabuntis ng aking kapatid na si Charlotte sa fiance kong si Michael. Sinasabayan ko ang malakas na tugtugin ng pagsaway ng sexy dance. Walang hiya kong ginilingan ang posteng nasa ibabaw ng entablado sa bar na nakapwesto sa gilid ng dalampasigan.Hindi ko alintana ang paghihiyawan at tinginan ng mga tao sa aking paligid dahil sa malandi kong paggiling na nakadagdag atensyon sa mga kalalakihan . Suot ko lamang ang manipis na telang tumatabing sa aking puting 2 piece. Kitang-kita ang hubog ng aking katawan sa tuwing sisipol ang hangin sa dalampasigan kasabay ng aking pagsayaw. Wala na akong pakielam sa lahat. Nagbakasyon ako para mag enjoy. Kaya hindi ko ito sisirain ng dahil lang sa mga taong pinagkatiwalaan ko ng husto ngunit ang mga ito din pala ang dudurog sa akin.
“Alam mo wag kang feeling okay?! Grupo mo lang ang pinaka maingay dito kaya talagang lahat ng tao mapapatingin sa inyo.” Pagpapalusot kong sabi sa kanya.“Okay Miss sabi mo eh! (Nakangiti naman nitong sagot sa akin) oo nga pala ako si James?! Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?!” Sabi naman niya sakin“Alam mo gusto kong mapag isa kaya pwede wag mo na kong idamay sa trip niyong magkakaibigan. Quota na ko ngayong araw sa sakit. Kaya kung pwede lang ibang babae na lang ang pagpustahan niyo, wala kang mapapala sakin.” sabi ko naman sa kanya. Tumungga lang ako ulit ng tequila at inirapan kong muli ito.“Miss hindi ka namin pinagpupustahan, nakita mo diba umalis na ang mga kaibigan ko! oh sige ganito na lang. Hayaan mo lang ako dito sa tabi mo makipag inuman sayo, at kung sino ang unang gagawa ng hindi magandang ikikilos ay siyang magbabayad ng lahat. (Sabi nito sakin) Waiter (pagtawag niya sa waiter, lumapit naman ito kagad samin.) ikaw ang saksi. Kung may gagawin akong masama sa magan
Nakaakbay ako kay James habang siya ay nakaalalay sa aking balakang .Pasuray-suray kaming naglakad patungo sa isang silid sa resort na aking pinuntahan. Kung saan - saan naman kaming napasok na silid , may isa pa kaming napasukan na nag se-s*x dahil hindi nito naisara ng maayos ang kanilang pintuan, matinding halakhakan naming dalawa hanggang sa mapagbuksan kami ng isa niyang kaibigan na Mayor, sa sobrang kalasingan ko ay medyo sinisinok pa ako habang nagsasalita. Nagkasiyahan kami saglit at nagsulat-sulatan sa isang papel. Hindi ko alam kung ano nga ba yun basta parehas kaming pumirma ni James , kasama nitong si William ang assistant niyang si Daniel , dahil sa lasing na ito kagaya namin ay may kinuha siya sa kanyang bag. Sinelyuhan niya ang papel na pinirmahan namin at umalis ito dahil ihuhulog niya daw ito sa mail box sa receptionist. Tawanan naman kami ng tawanan pag labas nito at nagpaalam na din kami sa kaibigan na Mayor ni James dahil ayokong makaistorbo sa kung ano mang balak
KINAUMAGAHAN SA HOTEL ROOM NI JAMESNapabalikwas ako ng bangon ng walang tigil na nag ring ang aking cellphone. Napasaplo naman ako sa aking ulo dahil pakiramdam ko ay parang binibiyak ito sa sobrang sakit nagulat pa ako ng pagbaling ko sa aking tagiliran na may lalaki akong katabi, agad kong sinilip ang aking katawan na nakatabong sa ilalim ng comforter. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong mayroon naman akong saplot. "Ohhhh Kate, ano na naman kayang katangahan ang pinaggagagawa mo kagabi?!" mahina kong bulong sa aking sarili bahagya ko pang hinampas hampas ang aking ulo dahil sa totoo lang wala akong maalala kung ano ang mga ngayari kagabi. Wala din akong ideya kung paano ako nakarating sa silid ng lalaking ito. Ang huling natatandaan ko lang nasa Beach Front Bar ako at mag-isang nagpapakalunod sa alak.Dahan-dahan akong kumilos at bumaba ng kama. Ayokong makalikha ng ingay para hindi ko magising ang lalaki sa aking tabi. Ayokong makita niya ako lalo na at hindi ko naman k
ILANG LINGGO ANG NAKALIPAS MADELINE POV "love, sorry fro bringing your family into our family's mess." malungkot kong sabi kay Liam. "hey!" malambing niyang sabi habang hawak ang aking pisngi "Don't be like that, hindi lang inaasahan na ang pamilya nating ay may mga nakaraang hindi pa rin naghilom, mabuti nga at satin na iyon sumabog dahil alam kong kaya nating malutas ang kasong ito! magtutulungan tayo Love, kaya natin to. I love you Madeline and i like how your family handle this problem." nakangiti niyang sabi sa akin. "thank you for understanding. Siguro kung ibang lalaki lang yan, dahil sa gulong ngyayari sa pamilya namin, sigurado akong iniwan na ako" sagot ko sa kaniya Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya sabay bulong sakin "ahhh... ahhhh... at yun naman ang hindi ko gagawin kahit kailan." sabay kindat niya sa akin. Natawa ako at malambing ko siyang hinalikan sa kaniyang mga labi. Sa piling ni Liam pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako. Alam kong hindi ako mapapano
Hindi makapaniwala si Tita Amara nang malaman niya ang patuloy na galit at plano nina Jasper, Nicole, at Bridget laban sa aming pamilya. Hindi niya maitanggi ang kaba at galit na bumalot sa kanya. Agad niyang kinuha ang telepono at tumawag kay Lola Kate, ang pinakamatanda at pinakamataas na kinikilala sa aming pamilya. “Hi Mommy, nangyayari na ang kinakataukan ko. Sila Madeline na ang inabutan nito. Kailangan nating mag meeting, ngayon din,” madiing sabi niya sa linya. “Hindi na ito pwedeng palampasin.” Sa kabilang linya, alam ni Lola Kate na hindi na ito simpleng problema lamang. “Sige, Amara. Ipagbibigay-alam ko sa lahat. Maghanda ka.” Kinabukasan, nagtipon ang buong pamilya sa ancestral house ng pamilya. Ang mansyon, na karaniwang puno ng tawanan at masayang kwentuhan, ay tila may bigat ngayon na hindi maitatanggi. Ito’y parang isang reunion, ngunit sa pagkakataong ito, hindi para magdiwang kundi para pag-usapan ang masalimuot na sitwasyon na hinaharap namin. Unang dumating
Madeline POV Tahimik akong nakaupo sa gilid ng sala habang pinagmamasdan si Tita Amara. Ang bawat salita niya ay bumabasag sa katahimikan, hinuhubaran ang mga nakatagong lihim na tila napakatagal nang iniingatan. Sa bawat kwento niya ay parang may bumabalik na pait mula sa nakaraan na hindi ko akalaing may kinalaman sa buhay ko ngayon. “Si Don Eduardo,” panimula ni Tita Amara, mahigpit ang hawak sa isang lumang photo album na may bakas ng panahon. “Siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Sigurado ako, hindi niya kailanman mapapatawad ang pamilya natin. Lalong lalo na ako.” Napakunot ang noo ko, ramdam ang bigat ng kanyang boses. “Galit? Bakit siya galit sa’yo, Tita?” Napabuntong-hininga si Tita Amara, halatang mabigat ang alaala niya sa nakaraan, kahit na nabanggit sakin ni Mommy ang tungkol dito ay hindi ganuon ka detalyado ang nasabi niya sa amin. “Galit siya dahil mas pinili ko si Mommy Kate kaysa sa tunay kong ina na si Mommy Charlotte. Hindi niya matanggap na mas minahal ko
MADELINE POV Isang araw habang nasa ospital si Doc Liam at ako naman ay nasa bahay lang . Naupo ako sa harap ng laptop ko at pinilit alalahanin ang bawat detalye ng mga nakita ko sa email ko bago tuluyang nawala ito. Paulit-ulit na nag-replay sa isip ko ang mga pangalan - Eduardo, Bridget, at Nicole. Hindi ko maintindihan kung bakit tila pamilyar ang mga ito para sa akin, pero alam kong may kahalagahan sila sa kung anuman ang gusto naming malaman. Kasama si Doc Liam, sinubukan naming ibalik ang mga na-delete na file gamit ang iba’t ibang recovery tools, pero mukhang sobrang bihasa ang hacker. Kahit ang mga screenshot na inisip naming ligtas na, tuluyan na ring nawala. Habang tahimik akong nag-iisip, bumabalik sa akin ang mga alaala ng ilang pagkakataon kung saan narinig ko ang mga pangalang iyon. Hindi ko matiyak kung saan o kailan, pero alam narinig ko na yun walang duda. Hanggang sa naalala kong nagkuwento sa akin noon si Mommy tungkol sa paghihirap nila Tita Amara sa relasyon n
MADELINE POV Dalawang buwan na ang mabilis na nagdaan ngunit ang bigat ng nakaraan ay parang kahapon lang nangyari. Akala ko, kapag tinanggap na kami ng mga magulang namin, unti-unting magiging maayos na ang lahat. Pero hindi pala ganoon kasimple. Kahit tanggap na nila Mommy at Mommy ni Doc Liam ang relasyon namin ay hindi maikakaila na may bahagi pa rin ng pagsasama namin na hindi mabuo. Isang malaking katanungan ang bumabagabag sa amin—sino ang tunay na dahilan kung bakit nasira ang mga pamilya namin nuon. Nasimulan na namin ang mag-imbestiga kaya naman hindi na kami papayag na mahinto pa ito. May buhay ng naibuwis ng dahil sa mga taong nasa likod nito at patunay lang ito na sa tagal ng panahon ay hindi pa rin sila tumitigil kaya nakakatakot. Ngayong araw, tulad ng dati, nagpasya akong hintayin siya sa clinic, sa tuwing may duty siya at kahit na nakaleave ako ay palagi pa rin akong pumupunta sa ospital, mas panatag kasi ang kalooban ko sa tuwing magkasama kami. Pagdating ko ay
Matapos ang mahabang araw ng usapan at pagsasaliksik kasama ang aming mga pamilya, nagkaisa kaming lahat sa isang desisyon—kailangang makausap nila Mommy si Lorraine. Gusto nilang malaman ang buong detalye tungkol sa mga taong nasa likod ng iskandalong sumira sa aming mga pamilya. Para sa aming lahat, si Lorraine ang susi sa pagkakabuo ng kabuuang kwento. Sa kabila ng takot na baka may panganib pa, determinado kaming magpatuloy. Kinabukasan, bumalik kami ni Doc Liam sa bahay ni Lorraine at dahil weekends wala kaming shift sa ospital. Tahimik kaming nagmaneho papunta roon, kapwa iniisip ang magiging takbo ng usapan. Ngunit sa aming pagdating, bumungad sa amin ang hindi namin inaasahan. Ang buong lugar ay napapalibutan ng mga pulis. May mga caution tape na nakapalibot sa bahay, at sa gilid nito ay may nakaparadang ambulansya, ang mga ilaw nito’y kumikislap pa rin sa ilalim ng araw. Napahinto kami at natulala sa eksena. Agad naming naramdaman ang bigat ng sitwasyon. Ang kaba sa aking d
Halos isang linggo din ang paghihirap namin sa paghahanap kay Lorraine. Sa laki ng London swertehan na lang talaga na matagpuan namin siya. Its either bangkay na siya o pwede ding nasa pinas na siya ngayon. Daig pa namin ang mga detective na inupahan ni Doc Liam . Sa bawat araw na lumilipas, ramdam namin ni Doc Liam ang bigat ng tensyon sa pagitan ng aming mga pamilya. Tumagal ng halos isang linggo bago nagkaruon na lead ang detective at sa kabutihang palad ay nandito pa rin siya sa London. Matagal din bago namin natunton ang matagal nang nawawalang sekretarya. Sa wakas, natagpuan namin siya sa isang tahimik na bayan, malayo sa ingay ng lungsod. Nakita namin siya sa isang maliit na bahay na gawa sa bato at napapalibutan ng mga halaman sa gitnang palayan. Nang kumatok kami, isang babaeng nasa edad singkuwenta ang nagbukas ng pinto. Si Lorraine - matangkad, may mahinang kilos, ngunit may mga matang tila laging nakabantay. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kaba at alinlangan nang maki
Ang buong mundo ko ay tila bumaligtad sa bigat ng mga nangyari. Hindi ko matanggal sa isipan ang eksenang naglaro sa harap ng mga mata ko—ang malamig na mga tingin, matatalim na salita, at ang sigawan ng aming mga magulang. Sa isang iglap, ang pangarap kong maayos na pagsisimula ng dalawang pamilya ay nawasak. Ang gabi na sana’y puno ng kasiyahan ay naging madilim, puno ng tensyon at galit. Hindi ko alam kung paano ko naitaguyod ang ngiti ko noong umpisa ng gabing iyon, pero ngayon, ang katiwasayan ng relasyon namin ni Doc Liam ay tila nasa bingit ng pagkawasak.Nakahiga ako sa kama, pilit na pinapatulog ang sarili, ngunit kahit anong gawin ko, bumabalik ang mapait na alaala ng gabing iyon. Ang mga salitang binitiwan ni Mr. Wilson ay parang mga salamin ng galit na tumatama nang direkta sa akin: “Hindi mo ba naiisip na plinano nila ito? Baka kaya sila lumapit ay para sirain na naman tayo?”Hindi ko rin makalimutan ang boses ni Doc Liam habang pilit na ipinagtatanggol ako laban sa mga m
MADELINE POV Excited ako sa gabing ito. Pagkatapos ng mga linggong pagpaplano, sa wakas ay magkikita na rin ang mga magulang namin ni Liam. Mahalaga ito para sa aming dalawa dahil gusto naming makita ang suporta ng aming pamilya. Ngayon pa na parehas naaman maayos ang naging paghaharap namin sa kaniya kaniya naming magulang. Si Liam ay tahimik habang inaayos ang kanyang relo. “Madeline, sigurado ka ba dito? Hindi mo ba napansin na parang tense sina Mommy at Daddy noong nabanggit ko ang mga pangalan ng parents mo?” Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. “Liam, baka nagkataon lang ‘yun. Ngayong magkikita na sila, sigurado akong magiging maayos ang lahat. Saka bakit naman sila magiging tense ee ito ang unang beses na magkakaharap sila, pero siguro normal lang yun lalo na at mahalaga tayo para sa kanila." mahinahon kong sagot Ngunit sa kabila ng mga salitang iyon, hindi ko maiwasang kabahan. Nakita ko din ang reaksyon nila ng banggitin ni Liam ang pangalan ng parents ko. Pagd