LANCE POV Walang kasing saya ang nararamdaman ko ngayon. Oras lang ang naging pagitan ng pag iisip kong bawiin si Amara sa kung sino mang lalaki ang naging ama ng mga batang kasama nito at boom tadhana na ang nagbigay ng kasagutan. Punong puno ng kaligayahan ang puso ko sa lahat ng nalaman ko ngayong araw. Nang makarating kami sa bahay ni Amara ay binuhat kong isa isa ang kambal dahil nakatulog na ang mga ito sa pagod nila sa kakalaro. Nang malinisan na namin ang mga bata at mailapag na ng maayos sa kanilang higaan ay nag-usap naman kami ni Amara sa ngyari sa amin sa loob ng 6 na taong hindi magkasama. "Alam mo Love akala ko talaga mayroon ka ng ibang babae at narealize mong hindi mo ako mahal kaya mo ako iniwan noong mag isa sa harap ng altar. " nagtatampong sabi ni Amara sa akin. Humilig siya ng higa sa aking bisig. Ito ang mga sandaling matagal ko ng hinihintay. "Yan ang hinding hindi mangyayari. Hindi magwawakas ang pagmamahal ko sayo Amara lalo
ZAIRA POV Matindi ang kaba sa aking dibdib habang iniisip ko anumang oras ay magtatagpo na kami ng aking ka long distance relationship. Hindi ko rin masabing talagang ka ldr ko siya dahil hindi naman talaga dapat ako aalis ng Pilipinas kundi sa pinag utos sakin nito at ng kaniyang lolo. Kung hindi lang dahil sa lintik na pagmamahal na ito , sana ay matagal na akong nakabalik sa Pinas at nagliliwaliw kasama ang aking pamilya . Dahil sa kahirapan ay sumuong na din ako sa deal na binigay sakin ng Lolo nito at ng aking nobyo. Malaking pera din ang kapalit ng aking serbisyong pagpapatahim kay Amara at magiging anak nito. Nang malaman ni Founder ang tungkol sa pagbubuntis ni Amara at pag alis nito ng bansa ay agad itong gumawa ng paraan para masundan ito at mapatahimik sa kahit anong paraan. Kailangan pa nilang gumamit ng ibang tao dahil nakabantay sa bawat kilos nila si Lance. Hindi ko alam ang deal sa pagitan ni Jarred ng tinatawag niyang Founder na kaniyang lolo. Sa tono ng s
FOUNDER (AT EDUARDO’s MANSION) Galit na galit ako ng makita ko ang balita tungkol sa pagbabalik ni Amara. Noon ay iniisip ko lang kung pano mawawala sa landas ko itong si Amara ngunit ngayon ay may kasama pa itong dalawang supling. Kaya naman tinawagan ko kagad si Jarred. Pagsagot nito sa kabilang linya ay nanginginig ako sa galit habang nanghihina akong nakaupo sa swivel chair ko sa aking opisina . Ininom ko ang gamot kong pampakalma bago ko ulit ito kinausap. “Hay*p ka Jarred! Hindi ko binigay sayo ang pamahahala ng aking mga negosyo para lang paniwalain ako sa kasinungalingang napatay ng peste mong babae yang si Amara at ngayon may kasama pang dalawang bata. “ galit kong sigaw dito. “Pumunta ka sa mansion ngayon din.” Ma awtoridad kong sabi. “Founder relax! Para ka namang ano. Sige papunta na ako.” Sagot naman nitong si Jarred sa akin. Binaba ko kaagad ang tawag na iyun ng walang ano-ano. Pinatawag ko ang aking private nurse sa tel
Bumalik pa ang isang tauhan ni Jarred sa loob ng aking silid at kinuha niya ang aking cellphone at binasag ito sa aking harapan. Kahit anong pagmamakaawa ko ditong wag itong sirain ay wala din akong nagawa. Sinuntok nito ang aking sikmura dahilan para mamilipit ako sa sakit at mapasalampak sa sahig. Nang maisara nito ang pintuan ay sinubukan ko pang habulin ito para pakawalan ako pero mabilis niyang nai-lock ang pinto. “Please Jarred pakawalan mo ko! Huhuhu (pinaghahampas ko ang pintuan ng silid kung saan ako kinulong ni Jarred pero wala ni isang tauhan nito na gustong tumulong sakin na magbukas ng pintuang iyon. Nang mapagod ako ay nagtungo na lang ako sa isang sulok. Wala ding silbi ang ginagawa kong pagwawala) Ano bang kasalanan ko sayo Jarred sumagot ka. Hayop ka talaga! Napakawalang hiya mo. Anong masamang ginawa ko sayo bakit mo ko ginaganito?! " walang tigil kong pagsigaw. Makalipas ang magdamag nagising na lang ako sa sinag ng liwanag na sumilip sa maliit na
JARRED POVSa wakas hindi ko na kailangang maghintay at umasa na pamamanahan ako nitong si Founder. Wala ng bukang bibig ito kundi si Lance, lagi na lang si Lance ang bida para sa kaniya kahit lagi naman siyang sinusuway nito. Minsan hindi din namin maintindihan nila Tristan bakit pag si Lamce kahit sumuway sa utos nito ay okay lang bakit kami ay hindi pwedeng tumanggi. Nakakasawa na ang ganitong sitwasyon kailangan may gawin na ko kung hindi lahat ng tinatamasa ko ngayon baka si Lance ang makinabang pagod na ko kakahintay na maabmbunan ng tira tira. Hindi pwede malaki na ang hirap ko para sa negosyong tinayo nito.Saglit akong naglakad papalabas ng mansyon patungo sa aking sasakyan dala ang isang envelope sa aking kamay na pinapirmahan ko kay Founder at umakto ng normal. Binalik ko muna ang mga papeles sa aking kotse saka ako bumalik sa silid ni Founder mga ilang minuto ang aking hinintay napapangisi ko itong pinapanuod habang kapit kapit niya ang kaniyang dibdib dahil sa paninikip.
ZAIRA POVIlang araw na ang nagdaan ng ikulong ako ni Jarred pero hindi ko na ito nakitang muli, hindi na siya dumadalaw at wala akong alam kung ano bang pinaplanno niya para sa akin. Tanging mga tauhan lang nito ang naglalabas masok sa silid na aking kinaruruonan. Dala ng pagka-desperada ay sinuhulan ko ang bantay kong palaging tingin ng tingin sakin. Nilandi landi ko ito. Isang araw ng maghahatid itong muli ng pagkain para sa akin ay inakit ko ito. Nahiga ako sa kama na tangin bra at panty lamang ang suot suot.“Ahmmm Sander right?! " Malandi kong tanong sa tauhan nitong palaging naghahatid ng aking pagkain at masusuot“Yes!” tipid na sagot nito sa akin.“Pwede bang pakihilot saglit ang aking likod? Namamanhid na ata sa sobrang kakahiga ko. Kelan ba dadating yang boss niyo?!” malandi kong tanong ko sa kaniya?! Dibale ng maging parausan ako nito ang mahalaga makapag isip ako ng paraan para makatakas sa impyernong lugar na ito. Nakakatakot ang mga susunod na gagawin ni Jarred. Hindi k
AMARA PROLONGUE AT NAIA Bago pa man kami tuluyang umalis ay dumaan na muna kami nila Lance sa bahay nila Mommy. Nagpaalam kami dito at nangakong babalik kami kaagad. Pinilit ko pa ang mga itong sumama sa amin ngunit ayaw nila. “Ayaw niyo po bang kahit maghatid lang samin sa airport?!” Nakayapos kong tanong kay Mommy Kate. “Hindi na Amara maiiyak lang ako dun , ngayon pa nga lang nalulungkot na ako dibale mabilis lang naman ang araw at babalik na din kayo kaagad.”Sagot sa akin ni Mommy “Sana pala Mommy sumama na kayo samin magbabakasyon din kasi kami ng mga bata pagkatapos namin mag ayos ng mga gamit sa Faroe , mag iikot po kami ng Europe.” sabi ko pa kay Mommy. “Mag enjoy kayo anak.” Sagot naman sakin ni Mommy humalik na ito sa mga bata at naglambing. “Kayo Maverick? Madison? Hindi din kayo makakasama kahit sa airport lang sana?!” Tanong ko mga kapatid ko. “Sorry ate hindi talaga pwede may practice ako ngayon eh!” Sago
BARCELONA SPAIN LANCE POV Gagawin kong espesyal ang araw na ito para kay Amara. I want only the best para sa kaniya. Panay ang pagkabog ng aking puso sa kaba at excitement sa mga mangyayari sa araw na ito. Alam kong mabibigla ng husto si Amara pero ikakatuwa niya ito. Hinayaan ko munang ma-enjoy nito ang paglalaboy namin bago ko gawin ang big revelation sa kaniya. Natatawa ito ng habang naglalakad kami ay may isang street performer ang tumugtog ng kantang dapat ay tutugtugin sa unang kasal namin. bukod dito ay isa itong foreigner na tumututgtog ng isang pinoy song. Napatingin siya sa akin at nanginginang ang mga mata. Nag stay muna kami doon hanggang matapos nito ang pagtugtog ng kantang IKAW ni Yhen Constantino. Nagbigay si Amara ng tip dito. Dumiretso na kami paglalakad malapit sa Sagrada Familia at nabighani siya sa isang couple na nag-po-photo shoot ng kanilang wedding pictures. "Love tignan mo parehas kami ng gustong wedding dress. Shocks ang ga
ETHAN POV Dumating na ang mga bisita isa-isa, at ang saya sa paligid ay hindi maipaliwanag. Ang mga halakhakan at kwentuhan ng mga tao ay nagbigay saya sa buong lugar. Nagsimula na rin ang program, at hindi ko akalain kung gaano ka-organized at ka-saya lahat ng mga planong ito. Lahat ng tao ay abala sa mga palaro at mga jokes ng host na nagpapatawa sa lahat. Tuwang-tuwa sila, at kahit kami din ni Kayline, masaya kaming nakikisali sa kakulitan ng aming host. Habang abala ang mga bisita, sinubukan kong mag-relax at tingnan ang lahat ng nangyayari, ngunit hindi ko maiwasang mapansin si Kayline. Ang saya sa mga mata niya, nakikita ko ang genuine na ngiti mula sa kaniyang mga labi. Nang dumating ang isang intermission number, nagulat ako sa nangyari. “Huh? Si Kayline, anong ginagawa nila?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa stage. Halos mapapalakpak ako sa tuwa. Sina Tristan, Lander at ang ilang mga kaibigan ni Kayline ay nagsimulang sumayaw, at biglang nagulat ako nang maki
Pagkatapos ng misa ay oras naman para sa pagkuha ng mga pictures. “Ethan, ito na talaga ‘yon. Magkasama na tayo… habang buhay.” habang nakatingin ako kay Ethan ang puso ko ay punong-puno ng saya. Ngumingiti naman si Ethan habang hawak ang mga kamay ko “Oo, Kayline. Sayo lang umiikot ang buhay ko.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan habang nagkatinginan kaming dalawa. Napalapit ako kay Ethan, at sabay namin naramdaman ang hindi maipaliwanag na damdamin. Lumapit si Kayline sa akin at naglapat ang aming mga labi. Pagkatapos ng halik bilang mag-asawa “Parang ang tagal nating inantay ‘to, Ethan. I mean ang buhay na kakaharapin natin bilang mag-asawa” Tumango siya sa akin at punong-puno ng emosyon “Sobra, Kayline. Pero sulit ang lahat. Ngayon, ikaw at ako na talaga. Akalain mong matapos ang pinagdaanan natin sa huli ay humantong din tayo sa kasalan.” Naputol ang paglalambingan namin nang biglang nagsigawan ang mga bisita. “Wooo! Sana all!” “Mabuhay ang bagong kasal!” "congratula
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma