Share

Kabanata 976

Author: Moneto
Sa mga sandaling yun, isang bodyguard ang tumakbo papunta kay Fane. “Master, may dalawang magandang babae ang naghahanap sayo sa labas. Oh, tama, hinahanap din nila sila Miss Selena at Miss Lana.”

“Hinahanap nila kaming tatlo?” Bahagyang napasimangot si Fane habang nagmamadali siyang naglakad palabas kasama ni Selena.

Nang makarating sila sa entrance, napagtanto nila na ito pala ang dalawang magagandang artista na kapitbahay nila.

“Kamusta, mga magagandang binibini. May maitutulong ba kami sa inyo? Tuloy kayo at maupo,” Alok ni Fane habang nakangiti siya sa kanila Blake at Tianna.

“Hindi kami papasok. Lubos kaming nagpapasalamat dahil sa niligtas niyo kami kamakalian lang at tinulungan niyo pa kami. Maganda ang panahon ngayon, kaya gusot namin kayong imbitahan na kumain sa labas. Paunlakan niyo ba ang aming imbitasyon?” Nahihiyang ngumiti si Balke at tinignan si Fane.

“Bakit hindi! Paano naman namin tatanggihan ang imbitasyon mula sa dalawang magandang binibini? Syempre, ik
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 977

    Syempre, hininaan ng mga tao doon ang kanilang mga boses at nagbulungan lamang. Gayunpaman, si Fane—na nakaupo sa loob—ay narinig ang lahat ng kanilang mga sinabi na kasing linaw ng sikat ng araw, at ang kanyang opinyon tungkol sa kanila Blake at Tianna ay umangat ng ilan pang puntos. Lalo na, hindi madali para sa kanila na manatiling malinis sa ganitong klaseng industriya. Lingid nga lang sa kanilang kaalaman, may mga ilang lalake na naglalakad na nilagpasan nila Fane ang nakapansin sa mga magandang babaeng kasama niya. Kuminam ang mata ng isa sa kanila. Tumakbo siya papunta sa kabilang panig at palihim na tumawag sa isang direktor. “Direktor Wagner, nakita ko sila Blake at Tianna, at kumakain sila sa labas kasama ang isang hindi kilalang lalake na may kasamang dalawang babae. Lima sila doon sa restawran, at wala silang kasamang mga bodyguard. Maganda itong pagkakataon!”Ang mga mata ni Director Wagner—na nasa kabilang linya—ay kuminam habang unti unting bumuo ng ngiti ang k

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 978

    May tato sa ulo ang kalbong lalake, mukha siyang importanteng tao at mukhang siya ang pinuno ng grupong ito. Isa pang tao na may patulis na bibig at may mala unggoy na itsura ang ngumiti habang kinakausap ang kalbong lalake, “Boss, may simpleng solusyon para dyan: bakit hindi na lang natin kunin silang lahat tutal nandito naman na tayo at at handang umaksyon? Gawin na lang natin yun—dakpin na lang natin silang lahat! Patayin natin ang lalakeng to. At yung apat na binibini naman… Ibibigay nati si Blake ky Director Wagner at sa atin naman ang tatlo pang babae.” “Haha! Gusto ko yun! Bakit parang mas maganda ang dalawang babaeng ito kaysa sa dalawang artista?” sabi ng kalbong lalake, na nakangiti habang may hindi kanais-nais na ekspresyon. “Mukhang ang Director Wagner na ito ay makapangyarihan. Hindi ba’t tinuruan ko na siya ng leksyon noon?” Malamig na ngumiti si Fane habang nakatingin sa mga taong nasa kanyang harapan. Medyo nag-aalala si Blake nang makita niya ang maraming lala

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 979

    At ganun ganun lang, ang lalakeng kalbo at ang kanyang mga kasamahan ay namatay at ilan lang sa kanila ang nakaligtas; pinakawalan sila nila Fane at Lana. “Masyadong… Masyadong malakas naman ata yan, ano?” Malalim na huminga sila Blake at Tianna, sa sobrang gulat dahil sa kakayahan nila Fane at Lana na makipaglaban. Bihira lang silang makakita ng malalakas na mga master. “Haha! Wala lang yan!” Tumawa si Fane at sinabi sa mga taong nakahiga sa lapag, “Ang pangalan ko ay Fane. Umalis na kayo at sabihin niyo kay Young Master Wagner na tigilan na ang panggugulo sa kanila Miss Blake at Miss Tianna, naiintindihan niyo? Mga kaibigan ko sila. Kapag may masamang nangyari sa kanila, habang buhay siyang tatapak ng balat ng itlog.” Sila Tianna at Blake—na nakatayo sa likuran ni Fane—ay napatitig sa kanya na puno ng paghanga, at nasakop ng kanyang matikas na tono. Napakatikas at kisig niya, habang tinataot ang kanyang mga kalaban ng ganun at nangakong poprotektahan silang dalawa. “Tara na,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 980

    Napasimangot ang matandang lalake na mula sa Wagner family nang marinig niya ang mga sinabi ni Young Master WAgner, at ang kanyang mga mata ay may bahid ng pandidiri. Kinamumuhian niya ang mga taong nang-aapi n iba, pero nang maalala niya ang pabor na utan niya kay Young Master Wagner at sa Wagner family, sinundan sila ng matanda palabas ng kotse. “Sino to?” Sumimangot si Fane nung natanaw niya si Young Master Wadner mula sa malayo. “Siya si Young Master Wagner, na kilala rin bilang Director Wagner! Nakarating na siya kaagad dito!” Tumingin saglit si Blake at bahagyang dumilim ang kanyang mukha. Nangamba siya sa gulo na dinala niya kay Fane. “Kung ganun, maganda na nandito siya. Turuan natin siya ng leksyon nang sa gayon ay hindi na niya maisipan pang gumawa ng masama. Ngayon naman, gagawin ko siyang isang baog ng sa gayon ay hindi na siya mahayok sa mga babae.” Malamig na ngumiti si Fane habang tinititigan niya ang mga lalake na papalapit sa kanila, habang hinihimas ang kanya

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 981

    “Ano?” Hindi inaasahan ng matanda na mas mabilis sa kanya si Fane at maiiwasan ni Fane ang kanyang pag-atake. Sa oras na nabawi niya ang kanyang pokus, nasipa na siya ni Fane sa sikmura. Thoom!Isang mahinang tunog ang maririnig habang tumalsik ang matanda patalikod ng mga ilang metro. Tumapak siya sa lapag ng buong lakas para balansehin ang kanyang sarili. Puff!Pero, nang magawa niyang balansehin ang kanyang sarili, may bigla siyang nalasahan na matamis na bumulwak mula sa kanyang lalamunan. Sumuka siya ng dugo at biglang namutla ang kanyang mukha. Impossible! Anong klaseng lakas to?” Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Dylan nung nakita niya na sumuka ng dugo ang matanda. Napanganga siya ng sobrang laki na mukhang didikit na sa lupa ang kanyang baba. “Diyos ko! Kahit ang isang seven-star King of War ay walang laban sa kanya?!” Pati ang iba pang mga master na mula sa Wagner family ay nagulat sa kanilang nakita. Ang matanda na yun ay ang kanilang alas, at siya ang dahilan ku

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 982

    “Binata, a..ako ay isang young master ng isang third-class aristocratic family! Hindi mo ako pwedeng patayin!” Nanlambot ang mga binti ni Dylan dahil sa sobrang takot. Gusto niyang tumakas pero parehong ayaw gumalaw ng kanyang mga binti.Pinitik ni Fane ang kanyang pulso at nawala na ang itim na espada na hawak niya kanina. Naglaho ito na parang bula. “Hindi kita papatayin,” komento ng isang walang ekspresyon na Fane na may mahigpit na ngiti. Kumalma si Dylan at ngumiti nang marinig niya ito. “At isa yang magandang desisyon, kapatid. Palagi naman mas maganda na magkaroon ng kaibigan kaysa sa isang kaaway, tama? Simula sa araw na ito, magkapatid na tayo, at magiging matalik tayong magkaibigan. Alam mo dapat na ang pagiging kaibigan ng young master ng isang third-class aristocratic family ay malaki ang magiging benepisyo!” Thunk!Nang makatapos sa pagsasalita si Dylan, inangat ni Fane ang kanyang paa at pinadyak ito kay Dylan, na dumurog sa kanyang ari. “Aaargh!” Kaagad na nap

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 983

    Ngunit ang mga babala ni Tianna ay hindi nagpakaba kay Fane. “Alam ko,” sabi ni Fane. “Ang kanilang pamilya ay isang third-class aristocratic family, tama? Wala akong pakialam sa mga third-class aristocratic family. Nakita mo rin naman diba, na hindi ako takot sa isang seven-star King of War. Bakit ako matatakot sa isang third-class aristocratic family?” “Hindi, natatakot na higit pa sa inaakala mo ang kanilang pamilya.” Hindi inaasahan, tumango si Tianna. “Totoo, ang Wagner family ay isang third-class aristocratic family, pero ang nanay ni Dylan, si Louisa Lowe ay galing sa isang makapangyarihang pamilya sa underground forces. Napakalakas ng pamilyang ito, pero ang mga magulang ni Louisa ay tutol sa tatay ni Dylan. Kaya, hindi nila pinansin si Louisa. Meron silang masamang relasyon at bihira silang makipag-usap sa mga ito.” Huminto si Tianna bago siya nagpaliwanag, “Ganun pa man, apo pa rin ng mga magulang ni Louisa si Dylan. Naniniwala ako na papansinin nila kung ano ang nang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 984

    Pinapasok nila si Walter para makita si Fane. “Gusto mo talagang sumali sa aming pamilya?” Tanong ni Fane habang naglalabas siya ng isang sigarilyo, sinindihan ito, at hinithit ito. “Pag-isipan mo muna kung ano ang papasukin mo. Marami akong kaaway na tao, at ang nanay ni Dylan ay may kaugnayan sa isang underground force na mula sa Gin City. Baka hanapin nila ako kaagad. Handa ka pa rin bang magtrabaho para sa akin sa ilalim ng ganitong sitwasyon?”Hindi inaasahan, sumagot is Walter, “Kailan pa ako, na si Walter Lamington, ay natakot kay kamatayan? Nung nilalabanan kita, kaagad kong naunawaan ang kaibahan ng ating lakas nung sumuka ako ng dugo bilang resulta ng iyong pag-atake, pero hindi ako sumuko at nanatili pa rin akong nakatayo hanggang sa muntikan na akong mamatay. Buo na ang pasiya ko nung nilabanan kita, kahit na alam ko na isa sa atin ang mamamatay.” Huminto saglit si Walter nagpatuloy sa pagsasalita, “Hindi ko lang inaasahan na bubuhayin mo ako, kahit na nakita mo na bin

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status