Nang marinig niya ito, kaagad na bumagsak ang ngiti sa mukha ni Peace. Sa halip ay mukhang nagalit siya. Marami nang nakilalang magagandang babae si Peace noon. Inisip niya na isa siyang eksperto pagdating sa tunay na kagandahan at walang normal na tao ang makakatapat sa mata niya. Ang dalawang model na nahanap niya ngayong araw ay magaganda. Hindi niya inakala na magkokomento si Caleb na wala silang binatbat sa magandang babaeng nahanap niya. Bago makapagsalita si Peace, halatang hindi rin natuwa ang dalawang model. "Young Master Quinton, nagbibiro ka ba?" sabi ng isa sa kanila nang may seryosong mukha. "Kami ang top models ng maraming car showcases. At sinasabi mo na wala kaming binatbat sa babang yun? Sumosobra ka naman!" "Heh. Maganda kayong dalawa, pero wala sa inyo ang isang klase ng kalidad ng isang babae. Isang malumanay na aura, kasabay ng mapagbigay na pakiramdam––na napapatungan ng walang kapantay na kagandahan, yung klase na kaagad kang nahuhumaling kapag nakita
Kaagad na yumuko ang dalawang babae at dinampot ang pera. "Tara na. Young Master Quinton, inaasahan ko talagang makita kung ang babaeng sinasabi mo ay kasing ganda ng sabi mo!" Hinimas ni Peace ang kanyang matabang baba at naghanda na para umalis. Napansin ni Caleb ang mga bodyguard na kasama ni Peace at nagsalubong ang kilay niya. "Young Master Chaffman, malakas ba ang bodyguards mo? Hindi ba masyado naman silang kaunti? Sinasabi ko sa'yo, malamang gugustuhin mong makahanap ng paraan na makuha ang babae sa sandaling makita mo siya!" "Hah, wag kang mag-alala. Malakas ang mga bodyguard ko. Hindi ko sila kukunin kung hindi." Tumawa si Peace. Pagkatapos ay dagdag niya, "Hindi mo na kailangang magsalita, Young Master Quinton. Pag lalo mong ginawa yan ay mas lalo akong kinakabahan. Gusto ko talaga siyang makita. Kung talagang maganda siya, para kang nanalo sa lotto!" Tumawa si Caleb. "Tignan mo. Alam ko na gusto mo ng magagandang babae, at alam ko na maganda ang tipo mo. Gu
"Hindi ako nagsisinungaling! Hinding-hindi!" Sobrang nagulat si Caleb at mabilis niyang kinaway ang kanyang mga kamay. "Young Master Chaffman, pag-isipan mo to. Hindi ko man lang gusto ang isang bilyon na inaalok mo. Gusto ko lang ang babaeng yun. Hindi ba pinapakita na nito ang kagandahan ng babaeng sinasabi ko?" "Hah. Nagbibiro lang ako. Gusto ko lang makita kang kinakabahan!" Biglang tumawag nang malakas si Peace. Pagkatapos ay kinumpas niya ang kanyang kamay. "Sumakay ka sa kotse. Mag-iikot tayo sa Waltz Street at tignan natin kung nandun siya. Kung wala, didiretso na lang tayo sa bahay niya para kunin siya!" "Napakadesidido mo, Young Master Chaffman. Hindi ka nagsasayang ng kahit isang segundo!" Kaagad na pinuri ni Caleb si Peace. Hindi nagtagal, tatlong Audi ang diretsong umandar palabas ng villa. "Oo nga pala. Sa tingin ko lahat ng babae ay mukhang pera. Bakit hindi muna natin subukan at tignan kung magagamit natin ang pera para ayusin ang isyu na to?!" Sa loob n
Hindi nagtagal ay nakahanap sila ng isang lugar para iparada ang kanilang kotse. Sa kanilang daan papunta roon, hindi nila nakita sina Fane at Selena. Siguro ay nagpunta talaga sila sa Waltz Street. "Bumaba tayo ng kotse. Mag-iikot tayo sa Waltz Street, at kapag di natin nakita ang babae, pupunta tayo sa bahay niya!" Sabi ni Peace nang may malagim na ngiti sa kanyang mukha. Pinag-isipan ni Caleb ang bagay na ito at sabay pinaalalahanan si Peace. "Young Master Chaffman, hindi magandang ideya yun. Hindi yun gagana! Muntik ko nang makalimutang ipaalam sa'yo na mayroon pang isang babae na nakasuot ng mask na natatakpan ang kalahati ng mukha niya. Ang babaeng yun, wow, napakaganda ng katawan niya. Ibang-iba ang aura niya kumpara sa babaeng sinabi ko sa'yo. Magkaiba sila ng klase!" Kaagad na nagliwanag ang mga mata ni Peace na para bang bumbilya nang marinig niya ang sinabi ni Caleb. "Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi? Dalawa pala ang magagandang babae, hindi lohikal kung isa lang a
”Kaya pala. Akala ko mga bodyguard natin sila. Kung ganon, ya, tumatanggap ka ng tulong sa iba diba? Haha!” Di mapigilan ni Fane na matawa nang malakas. “Perfect! Ang salitang ‘perfect’ lang ang makakalarawan sa kanya! Ang ganda ng babaeng ito, para siyang isang diyosa!” Si Peace, sa kabilang banda, ay di pinapansin kung kaninong bodyguard o anong bodyguard ito. Ang titig niya ay nakatuon sa perpektong mukha ni Selena. Mukha siyang baliaw, naglalaway sa isang magandang babae sa harapan niya. “Hoy taba, di ba kanina ka pa nakatingin? Kung oo, umalis ka na!” Nainis si Fane sa mahalay na titig ni Peace. Naiinip niyang sinabi. “Bata, ayusin mo ang pananalita mo! Gusto mo talagang mamatay huh? Ang kapal ng mukha mong kausapin nang ganyan ang young master namin? Di mo ba alam kung gaano kayaman at makapangyarihan ang young master namin?” Tinitigan nang masama ng isa sa mga bodyguard ni Peace si Fane nang magsalita ito. Mukhang susugod na ito at aatake. “Shush! Hinaan
Totoo nga, ang bibig ni Peace na kaninang nakangiti ay unti-unting tumikom at di nagtagal nagkaroon ng inis sa kanyang mukha. “Kung maaayos ng pera ang bagay na ito, di ko pipiliing gumamit ng pwersa, di ako ganoong tao. Heh, Ganda, binigyan na kita ng pagkakataong iwasan ito pero hindi mo ito ginamit. Dahil di tayo magkasundo, wag mo akong sisihin kung magiging brutal ako!” Mabangis at walang-pakundangan ang mga mata niya. Hinawi niya ang kanyang kamay at nag-utos, “Patayin niyo ang lalaki at kunin niyo ang babae!” “Yes, Young Master!” Ngumisi ang mga bodyguard at lumapit kay Fane at Selena. Nasasabik silang pumatay. Lumapit si Fane at tumayo sa harapan ni Selena. Tinikom niya nang mahigpit ang kanyang kamao at hinawi ang kanyang braso sa dalawang bodyguard. “Humph! Bata, tingnan mo yang matabang katawan mo, ikaw…” Isa sa mga bodyguard ang suminghal. Tapos pareho silang tinikom ang kanilang kamao at sumugod nang harapan kay Fane! Bang! Sa kasamaang palad, ba
Kasintaba ng isang baboy si Young Master Quinton sa mata ng iba. Sinasabi na nasa 200 pounds ang timbang niya. Ngunit kasinggaan siya ng isang balahibo nang makatanggap siya ng sipa mula kay Fane, tumalsik siya palayo nang ilang metro at doon lang bumagsak sa sahig. Bang! Tiniis ni Caleb ang sakit, nagngitngitan ang kanyang ngipin at tumayo, ngunit natumba siya ni Peace na tumalsik sa direksyon niya. Muli siyang bumagsak sa sahig, muli siyang napuruhan at sumuka ng dugo. Isa itong napakamiserableng eksena. Matapos itong bugbugin, doon lang lumapit si Fane at tinignan agn dalawang young master na nakahandusay sa sahig. “Ako, si Fane Woods ay hindi masamang tao, napakabuti ng kalooban ko. Pero ikaw, pangit na taba, gusto mong galawin ang asawa ko huh? Para kang isang palakang naglalaway sa isang swan—masyadong malaki ang hinihingi mo kahit di ka naman tumitingin sa sarili mo. Ang kapal nang mukha mong ligawan ang asawa ko, gusto mo talagang mamatay!” Pagkatapos itong sabih
”Tama at maalam ang maginoong ito!” Tumango si Fane sa tuwa at tumawa. “Nandito ba kayong dalawa para humanap ng doktor?” Kaagad na lumapit ang matandang Chinese doctor at pinagsilbihan si Fane at Selena nang mapansin nitong pumasok sila ng tindahan. “Hindi. Nakita namin ang nakapaskil sa labas. Ibebenta ba ang lugar na ito? Interesado ako doon. Magkano ito?” Ngumiti si Fane sa doktor nang malumanay. “Sir, ang lugar na ito ay maganda, at sobrang lawak nito sa loob! Pumasok tayo at ipapakita ko sa inyo, gusto niyo?” Lumapit sa kanila ang may-ari ng Will’s Apothecary matapos mapansing interesado si Fane sa lugar na ito. Kahit na naramdaman niyang napakababa ng tyansang kukunin nito ang lugar na ito, ngumiti pa rin siya nang masigla at pinagsilbihan ang mga ito. Kahit anong mangyari, bihirang maging interesado sa lugar na ito ang ibang tao. “Magandang ideya yan! Tignan natin.” Tumango si Fane at sinundan ang may-ari para libutin ang apothecary. Paglabas nila
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin